Are you one of us?

September 26, 2010

OKEY LANG AKO

OKEY LANG AKO

ang laging sagot ko pag tinatanong ako sa panahong may mga problema ako. okey lang ako,.. kahit hindi...

I could never remember I said Im fine. lahat okey. Yon yong mali sa akin, mahirap ko aminin sa sarili ko na "hindi ako okey"". Lalong mahirap aminin sa ibang tao....

Hindi sa ayoko magpakatotoo. Lalong hindi naman sa nagyayabang ako. Sadyang mahirap lang talaga para sa akin. Minsan, dahil eto lang yong kelangan kong isagot. Kelangan para sabihin na OKEY nga ako....

I guess it will take time for me to overcome this dilemma . I am working on it. I know I will and I should...

Napag-isip isip ko kung bakit ganito. Ngayon napagtanto ko na. I remember a classmate in college na sabi nya, ako yong tipo nang tao na takot sa REJECTION. Tama nga sya. For all my life I had been trying my best to impress someone. I tried my best to keep my best foot forward. I tried my best impressing my father.

Ngayon OKEY LANG AKO. Okey kasi I accept and embraced the fact na we cant please everybody. We cant please everyone but we can love everybody. If you have much love in your heart, love will get back at you... millon folds.

Namuhunan ako sa LOVE. I could be a living witness, na love can move mountains. For a period of time bilanggo ako sa sarili kong pag-iisip. Ikinahon ko sa sarili ko na hindi ako mahal ng tatay ko. I thought he wanted me to be someone. Someone I dont, and someone I wont. I keep on telling myself he dont love me for what I am. But that was few years back... Iba na ang sitwasyon ngayon... Dala na rin siguro sa nagmature na ako ng konti. Pero higit don, alam kong dahil yon sa pagmamahal. Pagmamahal ng anak sa ama at pagmamahal ng ama sa anak... I may not be the person I am right now kung di ko napagdaanan ang stage na yon. That was just a phase in my life.

Okey lang ako may not be a fair answer. But more than this, eto yong sagot na di makakasakit sa mga taong nagtanong sayo at minsan eto din ang kelangang sagot para maging okey sila...

OKEY LANG AKO

September 23, 2010

is sooooooooooo blessed

renewed. inspired. energized.these may be how I would describe how I am if you ask me at this moment.

I had just renewed my commitment to my creator. from being a supportive supporter, great team player and good brother, I now accept the bigger responsibility being given to me. There maybe apprehensions at first, but my faith in the LORD will keep me go on "sa tama at tuwid na landas"(P-noy pahiram lang ng line mo).

As I had accept the new responsibility, I consider this as a great oppurtunity to serve my brothers and sisters and to glorify my Lord. I will be forever grateful to everyone in SFC for they continue to inspire me. Yes, being a Household Head is not an easy task, for you are entrusted to take care HIS flocks, but when you have faith, everything goes smooth as my favorite granite tiles for my dream home. We will storm heaven with prayers. Go according to HIS plans. Share the love and inspire his children.


Being an SFC member is not easy but, I feel so blessed. and hope you too.


as my parting word for this post try to think about this
try to count the blessings you receive everyday and you will end up as the luckiest person on earth, or try otherwise; dwell on mishaps and you will end up having more... why count the misfortunes if you can count the blessings....

September 17, 2010

alone in the quiet room

in silence you found peace. In silence where solitude is your sole companion you tend to think too many things. you even get " emo" and you allow yourself to be the craziest person you could ever be.

from time to time, we need silence. we need to be alone for us to reflect and evaluate ourselves. yong tipong kakausapin mo yung sarili mo. at eto yong mga tanong ko sa sarili ko na sinagot ko din naman. Tanong ko, sagot ko. Ang galing ko :-)..

Tanong: How are you?
Sagot: Ampayn teng-kyu.
Pero on deeper sense payn lang ba talaga ako? I guess so. Im fine because I choose to be.

Tanong: Chokz ka lang?
Sagot: Chokz na chokz.
Weh? di nga? chokz ka ba talaga? para namang hindi eh. O sya walang epal. pag sinabi kong chokz, chokz ako. wag nang humirit pa. pilitin mo na lang maniwala sa sinabi ko na chokz ako. pag di kayang maniwala, bahala ka.

Tanong: Regrets in Life?
Sagot: Those thing that I should done but i never did.
Owyeah. In general, wala namang akong regrets in life. Except siguro don sa mga bagay na dapat ginawa ko pero di ki sinubukang gawin out of fear. Fear not because I cant do it, but fear that I maybe a failure and disappointment to the people I love. Kasi napakalaking bagay para sa akin ang may mapatunayan sa mga taong mahal ko. Pero ngayon nagbago na yon, because I realized, They love me for what I am and who I am. They love me not because of what I accomplished. They loved me, simply because thats whats in their hearts. I thank you:-)

Tanong: Things you wanna do in before 2010 ends.
Sagot: Madami.
Una ang matutung mag Fire Poi. Parang ang sarap maglaro ng apoy. (o walang malisya ha). May kakaibang init, galaw na nakakabighani at katawang nakakaakit. Sabi kasi nila matotoned ng katawan mo pag regular ka naglalaro ng apoy, este ng fire poi. Pangalawa. Matutong mag skim Board. Isa pa to sa magandang ehersisyo sa katawan. Pangatlo: matuto ng Photoshop at basic video editing. Pang-apat: Makaenrol sa Gym para naman mas lalo pang maging katakam takam ang aking mala palitong katawan. Ang hirap din naman na for so long eh toothpick lang ang tingin sa aki, susubukan ko naman magpaganda ng katawan nang maging ulama naman ako sa paningin ng iba. Panglima: Pursue and fulfill my dreams. Pards know it na. Me deadline na nga eh hihihihi

Tanong: What makes you happy?
Sagot: I make myself happy.
O di ba bungga. Major major. Palong palo. Sabi nga kasi nila "Happiness is just a state of Mind" at kahit pano naniniwala ako don. We can always be happy. Yon ay kung pipiliin nating maging masaya. A happy disposition on something even how hard it is, is such a blessing from God. At magiging blessing lang yon kung tatanggapin natin ng maluwag sa puso at isipan ang mga bagay bagay na nangyayari sa atin. Bee happy sabi nga ng isang matabang Bee.

yan lang muna.... actually madami pa pero nawawalan na naman ng gana ang aking buto butong fingers mag type....

MLTR - It's Gonna Make Sense [HD][Lyrics]

September 15, 2010

paano kaya...

everything happens for a reason....

malamang narinig na natin 'to. maaring narinig mo ito sa iba mong kaibigan o malamang eh nabasa mo na rin ito sa dyaryong pinambalot sa binili mong suman....

sa mundong ating ginagalawan, sa bawat hakbang ng ating mga paa at sa bawat desisyong ating ginawa, naitanong ba natin sa mga sarili natin kung paano kaya kung ito ang aking ginawa?...

kung bawat pangyayari sa atin ay may rason, lahat ba ito ay nalaman natin,o di kaya'y mas naintindihan ba natin ang mga bagay bagay dahil nangyari to sa atin?

PAANO KAYA?

paano kaya kung walang computer, may blogsite kaya na gaya nang ganito?
pano kaya kung di ipinanganak si Ferdinand Marcos? May Martial Law kayang nangyari o naging presidente kaya si Ninoy at buhay pa ito ngayun ,o di kaya'y naging presidente kaya si Cory o naging senador kaya bago naging presidente se Noynoy?... Basta isa lang ang sigurado, sikat pa rin si Kris Aquino.

pano kaya kung iba ang naging asawa ng tatay mo gayundin ng nanay mo? nandito ka pa rin kaya? Ngayun naisipan mo na bang magpasalamat sa Kanya at pinagtagpo ang ang mga nanay at tatay natin na nagpakahirap at pilit iginapang tayo mapalaki lang tayo ng maayos. Malamang nagyayabang ka na rin sa ngayon dahil ikaw din naman eh pilit din namang gumapang para makauwi sa magulang mong mahal. Yon nga lang gumapang sa kalasingan....

paano kaya kung nasagot ni Venus Raj ang tanong ng maayos, magiging major major sikat kaya sya sa pagbalik bansa at pag-uusapan kaya ang naging sagot nya sakaling iba ang kanyang sinabi?..

paano kaya kung di naimbento ang tawas at mga deodorant? paano kaya kung lahat tayo ay may putok? Maari kaya may pabahuan ng kili kili? "IN" kaya ang mga pinakamabaho? hahhaha paano kaya...

paano kaya kung kabaliktaran ang lahat ng ating ginawang desisyon, sa harap ka parin kaya ng computer mo sa trabaho mo at nagbabasa ng blog na to? o di kayaĆ½ nasa bahay ka at binabasa mo ang sulat kong ito at napaisip kung "paano nga kaya"...

paano kaya? Anuman ang gawin natin, anuman ang mga naging desisyon natin, ibinase man natin ito sa mga sarili nating prinsipyo o ginaya lang natin sa mga idol natin? maari pa rin nating itanong sa sarili natin ang "PAANO KAYA?"

PAANO KAYA?.....

September 11, 2010

gising.hilamos.plantsa.bili pagkain.kain.ligo.bihis.trabaho.copy and paste millon times. yan ang buhay ko.....

pero ngayon iba na....

tulog........
masaya.ibang iba sa buhay na nakasanayan ko. ibang iba ang mga nakikita ko. lahat malinis. lahat okey. lahat mabait. lahat maganda....

nakaupo lang sa tumba tumbang silya.... sa kinauupuan tanaw ang magandang bukirin. kaaya aya.....nakakabighani... sa kaliwang banda ang mga bagong usbong na mga pananim. may namumukadkad na bulaklak. agaw eksena ang mapupulang rosas. kulay berde.lahat bago. lahat presko... ang lago ng mga halaman... sa kanang bahagi naman makikita mo ang isang simpleng swimming pool. malayong malayo sa dati kong pinapaliguan. ibang iba ang sa ilog na saksi ng aking kamusmusan....

may papalapit. may dalang juice. inilapag sa mesang nasa harap ko sabay ng sandwich na paborito ko. iba ngayon. ibang iba. masaya na ako. simple pa lang to, at eto ang gusto ko.... relax. tahimik.walang ingay....

ang saya ng buhay na ganito. walang iniisip. pag gising sa umaga aantayin mo lang ulit na mawala ang araw. pag nawala ang araw aantayin mo naman ulit na lumitaw eto. Ito ba talaga ang gusto ko? ito ba talaga ang buhay na pinangarap ko? bat parang biglang naiba...parang may kulang. parang walang kwenta. parang walang silbi... parang.... ewan......

biglang sumakit ang ulo ko sa kakaisip. parang bigla akong natauhan. parang may iba akong gusto.... ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh


kringgggggggggggggggggg!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! ang alarm clock na isenet ko kanina....

biglang bangon..... nakaidlip pala ako. napabuntong hininga.napaisip. binalikan ang napanaginipan. pinag-isipan. masaya ba? parang hindi. pero eto ako ngayon, gising na naman at mulat sa katotohanan. gising sa realidad ng buhay. buntong hininga ulit.... hay buhay. biglang sumagi, masaya din naman pala ang buhay ko. higit na masaya don sa napanaginipan ko. at liban don eto ang totoo. eto ang buhay ko. at pipilitin kong maging masaya ako. ika nga nila."happiness is just a state of mind" tama! pwede tayung maging masaya sa kahit anong buhay meron tayo. kahit sa mga pagsubok pwede tayung maging masaya, yon ay kung pipiliin natin maging masaya..

..gising.hilamos.plantsa.bili pagkain.kain.ligo.bihis.trabaho.copy and paste millon times. yan ang buhay ko...

September 10, 2010

what makes me happy(green version)

malamang lahat naman tayo ay nagtanong sa mga sarili natin ng "what makes me happy"
kung di mo pa naitatanong to sa sarili mo, aba'y simulan mu na ngayon din... as in NOW NA!!!
at kung sakaling sinunod mo ako, at tinanong mo nga sarili mo, BRAVO gaya mo na din ako....
baliw at nagbabaliw-baliwan... at kung sinagot mo naman ang tanong ko na pinapatanong ko sa sarili mo BRAVO ulit.. isa ka nang HENYO na gaya ko....

pero teka, teka, teka....
magiging henyo ka lang kung ang sagot mo ay di nagkakalayo sa mga sagot ko...
okey... handa awit... este handa basa...

eto na ang medyo malaswa at walang kwentang sagot ko sa walang kwentang tanong ko sa sarili ko na maari nyo ring itanong sa sarili nyo. Marapatin lamang pong paalalahanan ko kayo na ang mga kasagutang eto ay galing sa isang HENYO na kagaya ko. Pag di mo nagustuhan o di nasakyan ang mga sinabi at sinulat ko, aba eh ano pang inaantay mo... lumayas ka na sa blogsite na to.. GO....

what makes me happy: 5 lang muna
1. FRIENDS-- syempre sila ang nagturo at nagmulat sa akin ng mga kabastusan sa earth na to. Kalain mo ba namang turuan ako kung pano magiging malaswa at sa awa naman juice, henyo talaga ako, madali kong natutunan ang pinagtuturo nila sa akin with flying colors pa.. ang malalaswa pero di pasang awa ang grado ko sa kanila....

2. SELPON-kung araw araw ka ba namang makatanggap ng text na puro kahalayan, aba eh matuto ka nang maging malaswa.hindi ka naman siguro slow learner... wag na wag mo lang amining bastos ka dahil isang kabastusan yon. maging maginoo na medyo bastos ika nga.

3. FACEBOOK-oo wholesome naman ang FB... wala naman masyadong kalaswaan at kabastusan. Nga lamang at sobrang henyo ko, binibigyan ko ng bastos at malaswang kahulugan ang pinagsusulat nila... alalahanin nyo.. henyo ako...pwede nyo ring gayahin ako.magpakabastos at magpalaswa..

4.PALAD- o sya si maryang palad. oy wag kang epal. di na to bastos. sadyang pinangalanan ko lang ang aking magkabilang kamay. ang kaliwa si Marya ang kanan naman si Palad. kung kabastusan ang iniisip mo, dapat si kanan buong maryang palad ang pangalan nya pero hindi. Sa pagkakataong ito matino na ako...

5. UTAK ko-- di ba nga henyo ako... masaya ako pag kaya kong bolahin ang sarili ko... kayu subukan nyu minsang bolahin din ang sarili nyo. at pag napaniwala ang sarili nyo abay kapanipaniwala na talagang henyo ka... akalain mo ba namang binola mo sarili mo...gaya mo na din ako...


paalala:
pag nagustuhan nyo ang post na eto... ano pa inaantay nyo. mag follow at ipamalita ang nabasa nyo.i share kung gusto mo. kung sakaling hindi naman, wag kang EPAL manahimik ka na lang hihihihi

of drama mode and emo mode...

nakakabinging katahimikan.....
tanging tunog ng lumang aircon
at mahinang music galing sa labas....

nakatunganga,
di makatulog...
walang maisip,
tuliro....

tayu, dungaw sa bintana..
pagmasdan ang kawalan...
emo mode na naman....


hay.........
eto na naman ako...
nag iisip sayo...
sana magkayakap tayo...
nagbubulong-bulongan..
naglolokohan ...
nagbobolahan...

hay..
sana.....
sana nandito ka...
kapiling ka...
kasama kita....

kelan pa pa kaya?
mamaya?
bukas?
oh kelan pa?...

wala namang problema sa atin...
milya milya lang karagatan...
ang naghihiwalay sa atin...
nababaliw ako..
sa kakaisip sayu...

dalhin mo ang puso ko...
angkinin mo, pag ibig ko..
akoy sayo...
buong puso....

pak!!!!
hayup na lamok na toh!!!
okey na sana ako...
kinagat mo pa ako...
ayan tuloy nagising at natauhan ako...
sa drama kong ito...

lesson learned?
magdrama sa loob ng kulambo
nang walang lamok na peperwisyo sa trip mo..
tingnan mo ako,
nagising na mainit ang ulo...