Ilang beses na akong nag-attempt na mag update ng blog na ito pero wala talagang nagyayari. Sabaw na sabaw talaga ang utak ko. Ayaw gumana ang aking malaswang imagination. Feeling ko tuloy blogger/writer wag ka nang umepal feeling ko lang naman na ako kasi parang eto yung tinatawag nilang "writers block"? Hindi ko naman talaga kino-consider na blogger o writer ang sarili ko, malakas lang talaga akong mag feeling-feelingan. Kaya ang tanong ko ngayon, kung di ako writer o blogger ano ang tawag sa nangyayari sa akin? writers block pa din? Syempre hindi di ba?, dahil simpleng katamaran lang yun.
Summer na naman, pero dito sa Boracay rainy ang summer with matching baha baha pa sa mga areas na dinadaanan ko. OO don sa mga nagtatanong o sa mga magtatanong, nandito pa din ako. Akala ko dati ,by March lipat na ako sa city pero na extend, hanggang sa naextend uli ng April at etong huli lang ibinalita sa akin na May 15 na daw talaga ang last day ko. Excited na din si ako, pero at the same time may lungkot din naman sa aking puso. Iiwan ko na ang islang naging playground ko sa loob ng halos walong taon. Ang dagat na naging pipi at tanging saksi sa aking pag eemo at pag-iiyak sa mga panahong pilit kong itinatago ang mabigat na problema sa aking mga kaibigan, Ganun talaga siguro, may mga panahong gusto mong solohin ang problema mo. I will soon leave the work ang the people that I learned to love over the years.
Medyo madami dami din akong mamimiss sa lugar na to. Ang pagpupuyat, ang bawat taong nakakasalamuha ko sa araw araw. Different races from differents parts of the world. May mabaho, may masungit, may mabait, may malinis at merong din namang dugyot, merong kahit ilang metro pa ang layo ramdam mo na ang presence nila sa pamamagitan ng kanilang pabangong mabaho, ano daw? pabango ba yun kung ang amoy ay mabaho? pabaho yun dapat di ba? :-) may makapal ang mukha at kung ano ano pa. Ganun paman, kelangan iwan ko ang parteng eto na aking buhay para don sa "growth" na inaasam asam ko. parang si Kris Aquino lang ano na gustong mag grow. Totoong masayang magtrabaho dito sa isla ng Boracay pero mas nanaig ang aking kagustuhang lalong pagbutihin at pagyamanin ang aking propesyonal na buhay. Sabi nga ng chowking " I want change" and difinitely there would be a 360 degree turn. From a simple islander to a city dude, from flip flops to black shoes, from board shorts to slacks, from sandos to polos and longsleeves and from graveyard shift to 9-6 job. Yes magiging normal na ako. Parang nakalimutan ko na nga kung pano matulog sa gabi sa kadahilanang sa loob ng mahigit pitong taong ko sa trabaho laging graveyard ang shift ko. Syempre sasabihin bang Night Audit ka kung sa araw ka nagtatrabaho lels!!!
o sya mukhang mahaba haba na ang post na eto. sensya na walang edit edit to post na agad. :-)