Are you one of us?

April 3, 2012

sabaw

Ilang beses na akong nag-attempt na mag update ng blog na ito pero wala talagang nagyayari. Sabaw na sabaw talaga ang utak ko. Ayaw gumana ang aking malaswang imagination. Feeling ko tuloy blogger/writer wag ka nang umepal feeling ko lang naman na ako kasi parang eto yung tinatawag nilang "writers block"?  Hindi ko naman talaga kino-consider na blogger o writer ang sarili ko, malakas lang talaga akong mag feeling-feelingan. Kaya ang tanong ko ngayon, kung di ako writer o blogger ano ang tawag sa nangyayari sa akin? writers block pa din? Syempre hindi di ba?, dahil simpleng katamaran lang yun.


Summer na naman, pero dito sa Boracay rainy ang summer with matching baha baha pa sa mga areas na dinadaanan ko. OO don sa mga nagtatanong o sa mga magtatanong, nandito pa din ako. Akala ko dati ,by March lipat na ako sa city pero na extend, hanggang sa naextend uli ng April at etong huli lang ibinalita sa akin na May 15 na daw talaga ang last day ko. Excited na din si ako, pero at the same time may lungkot din naman sa aking puso. Iiwan ko na ang islang naging playground ko sa loob ng halos walong taon. Ang dagat na naging pipi at tanging saksi sa aking pag eemo at pag-iiyak sa mga panahong pilit kong itinatago ang mabigat na problema sa aking mga kaibigan, Ganun talaga siguro, may mga panahong gusto mong solohin ang problema mo. I will soon leave the work ang the people that I learned to love over the years.

Medyo madami dami din akong mamimiss sa lugar na to. Ang pagpupuyat, ang bawat taong  nakakasalamuha ko sa araw araw. Different races from differents parts of the world. May mabaho, may masungit, may mabait, may malinis at merong din namang dugyot, merong kahit ilang metro pa ang layo ramdam mo na ang presence nila sa pamamagitan ng kanilang pabangong mabaho, ano daw? pabango ba yun kung ang amoy ay mabaho? pabaho yun dapat di ba? :-) may makapal ang mukha at kung ano ano pa. Ganun paman, kelangan iwan ko ang parteng eto na aking buhay para don sa "growth" na inaasam asam ko. parang si Kris Aquino lang ano na gustong mag grow. Totoong masayang magtrabaho dito sa isla ng Boracay pero mas nanaig ang aking kagustuhang lalong pagbutihin at pagyamanin ang aking propesyonal na buhay. Sabi nga ng chowking " I want change"  and difinitely there would be a 360 degree turn. From a simple islander to a city dude, from flip flops to black shoes, from board shorts to slacks, from sandos to polos and longsleeves and from graveyard shift to 9-6 job. Yes magiging normal na ako. Parang nakalimutan ko na nga kung pano matulog sa gabi sa kadahilanang sa loob ng mahigit pitong taong ko sa trabaho laging graveyard ang shift ko. Syempre sasabihin bang Night Audit ka kung sa araw ka nagtatrabaho lels!!!

o sya mukhang mahaba haba na ang post na eto. sensya na walang edit edit to post na agad. :-)

March 9, 2012

if you sprinkle when you tinkle

few days ago, natuwa naman ako sa nakita ko sa loob ng mens washroom sa hotel na pinagtratrabahuhan ko. Bilang may mga tao talagang walang pakundangan kung gumamit, kinakailangan talagang may ganitong paala-ala. Bakit kasi may mga taong kung makagamit eh hindi na nag-iisip na may mga taong gagamit din liban sa kanila. Ano ba namang itutok ng maayos si manoy o ang sandata, armas, angry bird, tweety bird o kahit anong mang tawag mo sa bowl para naman hindi sumablay at sakto ang paglanding ng tubig na pinakawalan galing sa iyong katawan. Hindi ka po bombero na kahit saan pede mong itutok at bombahan ang nasa harap mo. Wala po dapat accidental firing dahil hawak mo naman si junjun habang nagpaparaos ka. Kung sablay na rin lang ang pagkakatutok mo, bat mo pa hinawakan? Kaya ang paalala sa lahat, itutok ng maayos ng maka goal ka naman, isipin mo na lang ang basketball na kelangan mo ishoot ang dapat ishoot.

February 6, 2012

Sa dako pa roon

Finally nakapagpaalam din ako sa boss ko na I will be moving out of the island. I will be moving to a place which is tottally new for me. Almost exactly the opposite of the lifestyle na nakasanayan ko for more than seven years. From being an island guy to city dude? mukha syang exciting and übër challenging. 

The offer to transfer to our head office in Makati was made last November. I was hessitant at first, but I know I really want it. Ang daming considirations na dapat isaalang-alang and I finally made my mind that I want to grab this oppurtunity. Sooner I will be leaving the place I called home for the nearly eight years. I will be leaving the work and the people I learned to love. I will be leaving my SFC family, my family away from home. I will be missing the things I had been doing here, at isa na don ang church service ko sa sunday mass.

Change. Thats what I want now. Im not even sure kung ano ang mangyayari sa akin in the city pero nangingibabaw don ang kagustuhang ko maranasan naman ang ibang bagay sa buhay. Im not gettin any younger and I guess I had enough of Boracay life. I had my worst and my best moments in this paradise.

I had prayed hard for this. I had been into a long discernment process. I aint ask for any sign though. I just ask HIS blessing and guidance that hopefully I made the right decision. With my decision, may HIS WILL BE DONE. With Him at my side, I know Ill be safe. Ill be okey.

Risk. Yeah I took the risk. I can say that I have a good life here. I had a pretty nice work and I have many friends. I could say that this place had been really my comfort zone. But to someone who is on continues quest for improvement and growth, personal or professional, I decided to take this big leap. Big leap that will difinitely change my life and the way I see LIFE. Eto ang buhay, paiba-iba. Pag nakasanayan mo na nakakasawa na. Sabi nga kahit gaano kasarap ang steak kung araw araw mo tong kinakain, magsasawa ka din.Matatakam ka din sa adobong katabi neto.

Bye Boracay na nga and hello big City....

Ano ang naghihintay na kapalaran sa dako pa roon?
Abangan ang pakikipagsapalaran ng isang simpleng taga-isla sa magulong mundo ng syudad....
rockon harold!!!