Malamig na naman ang simoy ng hangin. Maliwanag ang kalye dala ng mga nakasabit na krismas lights sa mga puno. Sa ganitong pagkakataon, naalala ko ang aking kabataan. Yong mamasko at nagbibilang ng mga ninong at ninang kasama ang mga kapatid ko. Talo nga lang ako lage, dahil di ko man lang nakikita ang akin, Iilan nga lang sila, nasa malalayo pa. Ganunpaman, naging masaya pa din naman ang aking mga pasko. Naranasan ko din magsabit ng medyas sa bintana at naniwala na dadaanan ni santa. Minsan isang pasko nga, ang isinabit ko ay di medyas kundi ang bag na bagong bigay ng tito kong titser, kainaumagahan, tuwang tuwa ako at nakita kung medyo puno yong bag. pooooooohteks, isang buong tasty bread pala ang laman. Malamang at sa malamang, si erpats kong pasaway ang me gawa non hahahaha.
Ngayon, kahit alam kong di naman talaga nag eexist si Santa, yong mamang naka pula at puting damit, yong malaki ang tyan at may mahaba at maputing balbas naisipan ko pa ding gumawa ng sulat sa kanya. Di man sya nageexist na nakapula at puting damit o malaki ang tyan at may puting balbas, alam ko sa araw araw ay may Santa Claus pa din ako ng nakakasalamuha sa buhay. Sila yong mga Santang in disguise ika nga. Malay mo isa sa kanila makabasa ng sulat ko di ba?
Dear Santa,
Di man sa buong buhay ko ay naging mabait ako, pero alam ko na sa mga nagdaang taon eh naging mabuting tao naman ako. Lalo na nang iniwan kami ng nanay ko. Mahirap man pero alam ko kinaya ko naman ang lahat at naging mabuting anak ng tatay ko at mabuting kuya ng mga kapatid ko.
Santa, matagal tagal na din na kapag may hiniling ako sa Diyos, mas lalo at higit ay para don kay itay at sa dalawa kong kapatid. Batid kong kaya ko ang sarili ko, kaya't ang lagi kong hiling ay gabayan at lagi silang pagpalain ni Dadi God. Sobrang naging mabait naman si God at pinakinggan nya ang aking mga hiling at kahit hindi pasko, araw araw ko yong pinagpapasalamat sa kanya.
Hiniling ko din dati sa iyo santa, na sakaling nakasalubong mo ang aking inay sa kabilang buhay, iyakap mo ako ng sobrang higpit sa kanya gaya ng kung gaano ko sya namiss ng sobra sobra. Pakikwento na din sa kanya na ang mama's boy nyang anak ay matatag na at lumalaban na sa buhay. Pakisabi ding namana ko ang tatag ng kalooban nya at compassion nya bilang tao. Proud pa din ako na kahit wala na sya Mamas Boy pa din ako dahil mananatili syang buhay sa puso ko kasama ang mga aral nyang iniwan at tinatak sa akin bilang tao at bilang anak nya. Santa damihan at higpitan mo ang yakap ha tsaka kung pwede ihalik mo na din ako sa kanya pagkatapos, pero Santa, pakihawi mo muna ng iyomg mahabang bigote ha, aya kasi ni nanay ng ganun. Nakikiliti daw sya.
Dati hiniling ko din sa iyo na sana, kung gaano man kami kaclose ng mga kapatid ko, ay sana manatili yon. Ipinagdasal ko din yon kahit hanggang ngayon at ang galing ni Papa Jesus dahil ramdam ko, mas tumibay kami at tumatag ng sabay sabay bilang pamilya. Salamat ha. Paki sabi na din kay Papa Jesus lubos akong nagpapasalamat.
Napapansin mo kaya Santa na wala akong materyal na bagay na hiningi sayo? Tsaka di lang para sa sarili ko? Dahil batid ko, higit sa anumang bagay, mas mahalaga ang aking pamilya, ang aking itay, ang prisesa ng aming pamilya, at ang bunso naming makulit. Salamat at tinulungan mo ako na marinig NYA ang aking mga dasal.
Ngunit ngayon santa, kahit ngayon lang, manghihingi ako ng tulong sa iyo. This time pwedeng akin muna? Di naman siguro sa pagiging makasarili pero pwede kayang tulungan mo ako magdasal at ihingi ng tulong kay Papa Jesus. Pwede kayang sana ngayong pasko, ibalik mo ang pagmamahal at pag intindi ng taong minsang nagmahal sa akin? Alam ko pong marami akong pagkukulang, pero sana santa, may pagkakataon pa para bumawi sa kanya. Santa di naman siguro mabigat ang hinihingi ko di ba? Mapagbibigyan mo kaya ako at mapagbibigyan nya pa kaya ako? Sana noh? Alam mo, di ko kasi maimagine ang buhay ko na wala sya. Lahat ng plano ko sa buhay kasama sya don. Sana nga santa maintindihan nya uli ako. Kung hindi man, wala na siguro ako magagawa. Pero kahit ano man ang mangyari, tatanggapin ko na lang basta alam ko gumawa na ako ng sulat sayo at nagdasal na sa Kanya.
Oo nga pala Santa, paki pray mo na din, na sa mga desisyon kong gagawin sa buhay, sana yon ang tama, yon ang "will" ni God at kung hindi man, sana man lang mapanindigan ko ang mga yon. Basta santa ha, di ko naman hinihinge na express ang pagsagot mo sa liham kong ito per sana bago magpasko kung okey lang naman sayo. Salamat ulit at mabuhay ka santa.
Merry CHRISTmas Santa.
Nagmamahal at umaasa,
Harold sa mga kaibigan ko
Bitoys sa tropa ko nung college
Toto sa pamilya ko
Ahwod sa katrabaho at SFC
Sana, hindi naman tamarin si Santa magbasa ng sulat na ginawa ko at sana kahit pano, pagtyagaan nyang basahin hanggang dulo gaya ng ginawa mo. Happy Pasko everyone.

:)) thanks for the follow...Ü
ReplyDeletesure.... ako ata nag 1st :-)
ReplyDeleteayos 'to ah. nakalimutan mong hilingin ang world piece.
ReplyDeletenahaplos ako netong post mo.
ReplyDelete.
.
galing!
@Bok--- oo nga ano ahahaha yaan mo next time. express mail na para kay santa.
ReplyDeleteDBoy---Tnx buddy
hellow po... care to share link po...
ReplyDeletewww.samtaniuno.blogspot.com
tnx nj for droppin by...
ReplyDelete