Finally Im back...
Pagkatapos ng medyo mahabang pahinga, nandito na naman ako. Susubukang magsulat, magkwento ng mga pangyayaring alam ko namang walang intresadong magbasa. Pero ganun pa man, ayos na tong pamatay oras.
Sa isang buwan kong pagkawala sa Isla ng Boracay, medyo marami din naman nangyari. Nakapagpahinga at naging normal ang buhay.. Naramdaman kong "tao" pala ako at hindi "paniki". Kasi naman since 2005 akoy gising at nagtratrabaho sa gabi habang ang karamihan sa inyo'y tulo laway at nagwewet dreams LOL.
Naging bonding moments din namin ng aking kapatid ang panahon ng aking bakasyon. Bilang nagpapagaling dahil sa letcheng pagsabog ng appendix, mas napatunayan kong napakaswerto ko dahil meron akong kapatid na handang gawin ang lahat para masiguradong ayos lang ako. Salamat. yon lang ang tangi kong masasabi para sa kanya.
Nagkaroon din ako ng pagkakataon na mabisita ang dati naming bahay na ngayon ay wala nang nakatira. Tanging ang aking kapatid na lang kasi ang bumibisita doon isang beses isang linggo kapag me panahon. Sa panahong nandoon ako, di ko mapigilang malala ang mga magagandang nangyari sa pamilya namin. Ang nanay kong ilang taon na ring sumakabilang buhay, ang tatay kong may nang bagong asawa, ang aking kapatid na babae na sya na lang naiwan sa amin at nakatira na sa munting bahay na aming pinagtulungang ipagawa, at ang aming bunsong nasa barko na nagtratrabaho. May pagkakataong kusang bumabagsak ang mga luhang pilit pinipigilan. Ang mga luhang tumulo ay hindi dahil sa kalungkutan kundi pasasalamat kasi nakita ko kung gaano na kami kalayo sa dati naming buhay. Ngayon, kanya kanya naming tinutupad ang kanya kanya naming pangarap at kahit malayo sa isat isa di naman nawawala at nababawasan ang pagmamahal ng bawat isa.
Sa bahay na yon, doon namin binuo ang aming kanya kanyang pangarap, at alam ko sa bahay din na yon namin pagsasaluhan ang bunga ng aming pinaghirapan. Hindi sa pagiging masyadong ma-emo o mamateryal pero di namin pedeng pabayaan ang bahay na yon. Kahit sabihing wala ng nakatira doon, napagkasuduan pa din naming alagaan yun dahil yon ang mag papaalala sa amin kung nasaan kami galing at yun ang magiging piping tagapagsabi kung gaano na kalayo ang aming narating (kung meron man) at ang aming mga dapat balikan.
At bilang balik trabaho na ulit, sana ang mga bagay bagay na nagawa ko noong bakasyon ay magawa ko pa din kahit isang beses isang buwan. :-)
memories memories memories
sa appendix pala ang naging problem mo, I hope tuloy-tuloy na ang paggaling mo!!!! Be happy!!!! dadating ang time, magsasama-sama kayo ulit ng family mo!!
ReplyDeletetnx mark. getting better now. balik trabaho na ulit at mangungulit uli ako sa blogosphere :-)
ReplyDelete