Are you one of us?

November 2, 2010

back to basic

sabi nila pag usapang puso daw eh mahaba habang usapan yan. Parang sa patalasatas ni Dingdong at Marian mahaba-habang usapan kasama ang produktong iniendorso nila. Sa totoo lang natry ko na yon. Yong mahaba haba pero alang usapang nangyari, hahahaha. Wag malikot ang isip mo, oo natry ko ang mahaba habang inuman. ng mag isa ( o di ba san ka pa) Yong mag emo-emohan ka at magdrama mag isa na parang isat kalahating tanga na walang magawa kundi ang mag ngangangawa.

Isang kaibigan ang nagtanong sa akin, kamusta ka na? Kamusta ang puso mo? Puteks naman, nahalata ata ng mokong na may pinagdadaanan ang aking heart.Tangna, ayoko mag wento. Ako yong tipo ng tao na magaling mag advise(daw) sa ibang tao pero pagdating sa sarili ko isangdaan at kalahating porsyentong bobo ako. Sa kakulitan ni tsoi napilitang akong sumagot. "eto self supporting" hahahaha. nagulat si mokong sa sagot ko, pati nga rin ako nagulat kung bat yun ang naisagot ko. Baliw na yata si ako hahahah....

Balik sa usapang puso. Lately, sa dinami daming kadahilanan ang pareho naming puso (ni pards) eh nasasaktan. Sya naguguluhan ako nagdaramdam. Alam naman naming pareho naming mahal ang bawat isa pero bakit parang iba yong trip namin ngayon? parang (di naman ako sigurado) we love each other pero we hurt each other emotionaly. Eto na ata ang pinakamalala naming tampuhan. sa loob ng pitong taon na naging kami ngayon lang nangyari na lumala na daig pa ang 50/50 pasyente sa ER na nahulugan ng nuclear bomba sa Hiroshima ang aming pinagdadaanan. Sa totoo lang alam ko nasasaktan ko sya the way I feel the pain of whats happening pero ewan parang bumaba pa six feet below the ground ang aking emotional intiligence. Im so bobo ang parang gago. self pity? got no right to do so!!!

Kahit anong mangyari, mahal ko si babae. Di ako sigurado kung alam nya ang blogsite kong toh pero kahit ano man, sana alam nya na sobrang mahal ko sya. Sana alam nya na kailangan ko sya dahil mahal ko sya. Sana kahit marami akong dapat patunayan sa kanya eh naramdaman nya na sobrang tumitibok ang pusong kong ito at tanging pangalan nya ang sigaw neto. Sana maging matapang na ako dahil sabi nya duwag daw ako. Hindi naman sa yon ang totoo pero hindi na ako nakipag argumento. Iba lang siguro ang pamantayan naming dalawa. At sana wag nyang malamng korni ako hahahhaha...

Sa kung anumang nangyari, ang dami kong natutunan. Ang daming realizations at ang daming lessons. Pinakamasakit don? Ako ang mali. Sa ngayon BACK TO BASIC ang drama ng lolo mo. I have to start all over again and prove something. Kelangan magbago. Kelangan level up pa. Ang daming kelangan e-overhaul sa sarili ko, daig pa ang makina ng jeep ng lolo mo na ginamit pa nong world war 2. Kung pwede lang baguhin ang sarili ko ng buong-buo gagawin ko. Sana lahat ng plano ko mapanindigan ko. Di man ako nag promise sa kanya pero eto yong promise ko sa sarili ko (parang tanga lang di ba) Walastik naman kasi diskarte ko date.

On a lighter side. Kahit pano nagpupumilit pa namang tumibok ang puso ko. Kahit self supporting lang hahahaha. O sya baka san pa mapunta tong alang wentang blog na to at baka maghanap ka pa ng tabloid na pinambalot sa limang pisong suman mo at yon pa ang basahin mo kesa alang wentang post na to. gayunpaman nagpapasalamat ako at naawa ako sayo kasi umabot ka sa puntong ito na mukhang natapos mo ngang basahin ang post na ito at ngayon eh nagsisisi kasi wala ka man lang napulot liban sa nag aksaya ka ng oras sa pagbabasa.

ciao!!!!!!!!

October 26, 2010

malay mo, may way



And now, the end is near,
And so I face the final curtain.
My friends, I'll say it clear;
I'll state my case of which I'm certain.
I've lived a life that's full -

I've travelled each and every highway.
And more, much more than this,
I did it my way.
Regrets? I've had a few,

But then again, too few to mention.
I did what I had to do
And saw it through without exemption.
I planned each charted course -

Each careful step along the byway,
And more, much more than this,
I did it my way.
Yes, there were times, I'm sure you knew,

When I bit off more than I could chew,
But through it all, when there was doubt,
I ate it up and spit it out.
I faced it all and I stood tall
And did it my way.
I've loved, I've laughed and cried,

I've had my fill - my share of losing.
But now, as tears subside,
I find it all so amusing.
To think I did all that,

And may I say, not in a shy way -
Oh no. Oh no, not me.
I did it my way.
For what is a man? What has he got?

If not himself - Then he has naught.
To say the things he truly feels
And not the words of one who kneels.
The record shows I took the blows
And did it my way.
Yes, it was my way.



I never thought that this song would have that much impact on me. Eto daw yong kanta na pag nasa videoke bar ka, aba eh kelangan mo nang mag-ingat. I dont know if those were just a mere coincidence but a lot had been said about this song. Dami daw namamatay sa kantang ito....

As on my part, I guess its true. A part of me is dying and I guess a lifetime would not be enough to move on. A lifetime would not be enough to forget.

These days, by far, I may be on the lowest point of my life. Ito yong pagkakataon na sobrang down. Eto yong pagkakataon na sana I wish i am numb enough to feel the pain. This too is the time that pain and agony has its confusing meaning. I thought I had high tolerance for emotional pain. I had been through a lot of struggles but lately this was too much. Too much to bear ,too much of its kind. just too much..

All my life, nabuhay akong ipinaglalaban ang kaligayahan ng mga taong mahal ko. Lahat ng magandang pwedeng mangyari sa kanila pinaglaban ko. Pero bakit ngayun sarili kong kaligayahan mukhang di ko kayang ipaglaban? Bakit?

I hate making promises because I get disappointed when those we're not fulfilled. I rarely do so. And there are just few of them. Just when my ever beloved nanay died, I made a promise to her that whatever happens I will take care of the family. Pipilitin kong itaguyod ang kung ano mang meron kami, yon ay ang bawat isa. Wala naman kaming yaman pero ang bawat isa ang itinuturing ko na higit pa sa kung ano mang yaman. I did my best to fulfill such promise not knowing that another promised seem to be sacrificed. Yon yong promise ng sarili kong kaligayahan. Yong yong promise ng puso na sanay gustong tuparin ngunit may mga bagay lang talaga sigurong mahirap unawain at pagsabayin....

Sa ngayon, pinipilit kong mag-isip ng matino. Im trying my best to be as positive as I can. I know am a very optimistic person and at the same time I am too aware of reality. Yong reyalidad na unti unting pumapatay ng isang parte ng iyong pagkatao. Yong reyalidad na ang tanging pwedeng gamot ay tanggapin ang katotohanan, na may ibang taong pumupuno at tumutupad sa "promise" mo sa iyong sariling kaligayahan. Yong promise na ang taong gusto mong pasayahin ay pinapasaya na ng ibang tao at ikaw ay nakuntento na lamang na maging masaya para sa kanila.

Masakit isipin, lalong masakit tanggapin. Ngunit sabi nga, walang ibang makapagpalaya sa iyong sarili kundi ang tanggapin at palayain ang damdamin. Palayain na kahit ibig sabihin nito ay sakit na dadalhin sa hindi mo alam kung hanggang kelan. Masakit pero sige lang. Masakit pero wala kang magagawa. Masakit, kasi kahit gusto mong lumaban alam mong masasaktan ka lang. Masakit yong malaman mong ikaw ang lahat ng may dahilan. Masakit na nagdadrama ka dahil sa iyong sarili mong kagagawan. Masakit kasi mali ang pagsulat mo ng script ng iyong buhay. Masakit na di gaya ng fairy tale na may happy ending ikaw na bida sa sarili mong kwento ang syang talunan. Masakit at nakakapagod. Masakit na sa kwento mo, ikaw na syang bida eh ikaw ring ang syang kontrabida, isama mo pa na ikaw na din ang alalay ng bida at ikaw pa ang karamay at kakampi ng kontrabida.

Masakit pero yong ang kwento ko sa ngayun. Yon ang kwento ng buhay ko. Di pa naman siguro ito ang ending. Malay mo isang chapter lang ng buhay ko. Malay natin na sa bawat paglipas ng bawat araw ay isang pahina ang tinutuklap mo para sa panibagong buhay. Malay mo di mo namalayan na sa kamamalay mo ay tapos na pala ang kwento mo. Di man happy ending at least yon ay totoo...

malay mo, may way!!!!!

October 11, 2010

ang misyun ni ahwod

gaya ng sabi ko sa huli kong blog, ang aking below average stupid mind is not working. Pero ngayun nakakatuwa na at kahit papano eh umaandar na... yon nga lang sana tama lang. yong sakto lang.... sana...

lights off...
unan, kumot...zzzzzzzzz

swabe sa pakiramdam. ang dating "plaine white smile" ay ngayoý ngiting aso na. Lagpas tenga ba. Kalain mo ba namang kasama mo si Cristine Reyes at Angel Locsin. At wag ka, kausap mo sila habang two piece lang suot nila. Inaya nila ako, pero humindi ako. Pakipot ba, para di halatang easy to get. Ano ako, kaladkarin?....Kahit napakaganda at maalindog pa sila magpapakipot muna ako.... Kelangan nilang mag effort...

PAK!!! lastimak na lamok to. weset. ayan naalimpungatan at nagising tuloy ako. Di pa nga tapos yung panaginip ko. Siomai naman, nagpapahard to get pa ako eh. Bitin tuloy.....

P.S. (kung bitin ka lalo naman ako!!! kaya wag kang epal)

sa kagustuhang maipagpatuloy ang aking panaginip, ipinagpasya kong matulog ulit. Pagpasensyahan na lang muna ang istorbong lamok, humanda ka na lang bukas. kelangan havey tong panaginip ko. kelangan ang susunod na kabanata....

zzzzzzzzzzzzzzz zzzzzzzzzzzzzzz....

May nakatayo, nakabalabal ng puti at may nakakasilaw na liwanag. di ko mamukhaan. Bigla na lang nagsalita. Ang klaro ng boses. Buong buo parang galing sa likod ng mga ulap.SABI "Ikaw ahwod ay may misyon. darating ang panahon na pag sisilbihan mo at paliligayahin ang buong sangkatauhan." Huwat? are you kidding? Pano ko gagawin yon? Isa lang ang katawan ko at isa lang ang kaya ko sa isang araw. Ang laki ng mundo. Sangkatauhan ba kamo? Baka abutin ako ng 100 years eh di ko pa sila napagsilbihan at napaligaya. Bigla akong napahawak,sa gilid ng kama. kawawa ka noy, mapapalaban ka yata. Huhuhu pano toh? pano ko gagampanan ang misyon ko? Bangungot na toh. Nightmare ba. HELP!!!!!

Pinitik pitik ko, ayaw tumayo.... Pitik ulit ayaw talaga... Pinitik, inalog, winagwag ang sarili ko, sa wakas nakatayu din ako. nakabangon. Ano ba naman yan. Bakit iba na ang karugtong ng panaginip ko....bahkeeeeeettttttttt waley?


bangon na nga lang....
mamaya na lang ulit matulog.
si cristine, si angel ang ang panaginip kong waley...

P.S. wag maniwala. imbento lang to.
waley o havey? u decide LOL