Are you one of us?

November 2, 2010

back to basic

sabi nila pag usapang puso daw eh mahaba habang usapan yan. Parang sa patalasatas ni Dingdong at Marian mahaba-habang usapan kasama ang produktong iniendorso nila. Sa totoo lang natry ko na yon. Yong mahaba haba pero alang usapang nangyari, hahahaha. Wag malikot ang isip mo, oo natry ko ang mahaba habang inuman. ng mag isa ( o di ba san ka pa) Yong mag emo-emohan ka at magdrama mag isa na parang isat kalahating tanga na walang magawa kundi ang mag ngangangawa.

Isang kaibigan ang nagtanong sa akin, kamusta ka na? Kamusta ang puso mo? Puteks naman, nahalata ata ng mokong na may pinagdadaanan ang aking heart.Tangna, ayoko mag wento. Ako yong tipo ng tao na magaling mag advise(daw) sa ibang tao pero pagdating sa sarili ko isangdaan at kalahating porsyentong bobo ako. Sa kakulitan ni tsoi napilitang akong sumagot. "eto self supporting" hahahaha. nagulat si mokong sa sagot ko, pati nga rin ako nagulat kung bat yun ang naisagot ko. Baliw na yata si ako hahahah....

Balik sa usapang puso. Lately, sa dinami daming kadahilanan ang pareho naming puso (ni pards) eh nasasaktan. Sya naguguluhan ako nagdaramdam. Alam naman naming pareho naming mahal ang bawat isa pero bakit parang iba yong trip namin ngayon? parang (di naman ako sigurado) we love each other pero we hurt each other emotionaly. Eto na ata ang pinakamalala naming tampuhan. sa loob ng pitong taon na naging kami ngayon lang nangyari na lumala na daig pa ang 50/50 pasyente sa ER na nahulugan ng nuclear bomba sa Hiroshima ang aming pinagdadaanan. Sa totoo lang alam ko nasasaktan ko sya the way I feel the pain of whats happening pero ewan parang bumaba pa six feet below the ground ang aking emotional intiligence. Im so bobo ang parang gago. self pity? got no right to do so!!!

Kahit anong mangyari, mahal ko si babae. Di ako sigurado kung alam nya ang blogsite kong toh pero kahit ano man, sana alam nya na sobrang mahal ko sya. Sana alam nya na kailangan ko sya dahil mahal ko sya. Sana kahit marami akong dapat patunayan sa kanya eh naramdaman nya na sobrang tumitibok ang pusong kong ito at tanging pangalan nya ang sigaw neto. Sana maging matapang na ako dahil sabi nya duwag daw ako. Hindi naman sa yon ang totoo pero hindi na ako nakipag argumento. Iba lang siguro ang pamantayan naming dalawa. At sana wag nyang malamng korni ako hahahhaha...

Sa kung anumang nangyari, ang dami kong natutunan. Ang daming realizations at ang daming lessons. Pinakamasakit don? Ako ang mali. Sa ngayon BACK TO BASIC ang drama ng lolo mo. I have to start all over again and prove something. Kelangan magbago. Kelangan level up pa. Ang daming kelangan e-overhaul sa sarili ko, daig pa ang makina ng jeep ng lolo mo na ginamit pa nong world war 2. Kung pwede lang baguhin ang sarili ko ng buong-buo gagawin ko. Sana lahat ng plano ko mapanindigan ko. Di man ako nag promise sa kanya pero eto yong promise ko sa sarili ko (parang tanga lang di ba) Walastik naman kasi diskarte ko date.

On a lighter side. Kahit pano nagpupumilit pa namang tumibok ang puso ko. Kahit self supporting lang hahahaha. O sya baka san pa mapunta tong alang wentang blog na to at baka maghanap ka pa ng tabloid na pinambalot sa limang pisong suman mo at yon pa ang basahin mo kesa alang wentang post na to. gayunpaman nagpapasalamat ako at naawa ako sayo kasi umabot ka sa puntong ito na mukhang natapos mo ngang basahin ang post na ito at ngayon eh nagsisisi kasi wala ka man lang napulot liban sa nag aksaya ka ng oras sa pagbabasa.

ciao!!!!!!!!

4 comments:

  1. napadaan sa blog mo. :) bisita ka sa page ko. marami kang makikilala dun na mababait na bloggers :)

    ReplyDelete
  2. napadaan sa blog mo. :) bisita ka sa page ko. marami kang makikilala dun na mababait na bloggers :)

    ReplyDelete
  3. Great and that i have a dandy supply: How Much Should House Renovations Cost old home renovation

    ReplyDelete