Are you one of us?

May 16, 2011

Eksena sa Isla

dahil sa wala ako maipost, eto na lang muna....
paninindigan ko na ang pagiging dakilang palaboy sa isla ng Boracay.. pagpasensyahan nyu na lang dahil di naman talaga ako photographer.

Koreans by the beach!!!

Sunset Skimboard

Groto(as locals call it here)

d' Groto by noon

the coconut nut

Boracay Sunset

Eksena sa Isla

yan na lang muna!!!!

May 14, 2011

kelan lang blogger had been into what they call maintenance chuchu. I was really not bothered kasi kala ko net connection ko lang ang me problema. Kaya pagdating na pagdating sa work, sinubukan kong  mag log-in sa blogger at ganon pa din. ampowtah my problema nga yata talaga, di pa convince eh :-)

nong ok na sya, ayun naconfirm mula sa mga sikat na blogger na may chuchu nga talagang nangyari, tapos si ako tsek muna ng aking mga entries, yong latest entry wa na comments. leche!!! nag-iisang comment nga lang yon nawala pa, hahahahah.pero salamat pa din kay kuya keatondrunk

dahil sa nangyari, binalikan ko ang mga previous post ko, ngunit parang nagsisi na din ako kasi napagtanto kong wala pala talagang wenta ang mga entries ko, ganunpaman natuwa na din ako sa sarili ko
kasi
kasi
kasi
pag di na ako natuwa sa sarili ko sino na lang?
sino? 
sino? 
at sino?
ikaw? .....
cge na nga pede na din ikaw.

Sa mga naging entries ko kahit sabihin ko mang walang kwenta ang mga yon, di ko pa din naman maitatangging may mga entries akong paborito don. Di dahil sa maganda ang pagkakasulat kasi I know I was not given the that gift pero yon yong mga nagpapaalala sa akin regarding what I thought, what I feel and how was me in tht particular moment of my life. ohdiva Ingleser na ako LOLZ. Isa sa mga naging gusto ko ay ang post ay http://denguerousblog.blogspot.com/2011/02/kamusta-ka-ina.html kasi it was written by a son who dearly miss his mother, friend, supporter, fan, critic rolled into one.

ikaw anong post mo ang pinakagusto mo? Pano pag nawala ang blogger?

May 11, 2011

Yong totoo.

Tanong: Ano o Sino ang importante sayo? Yong totoo!!!

Minsan ba sa buhay mo naitanong mo sa sarili mo ito? Simpleng tanong pero kaakibat nito ay ang maaring maging batayan upang malaman kung anong klaseng tao ka. Maaring sa mga sagot mo ay higit kang makilala ng mga taong nakapaligid sayo, at maari din namang sa hindi mo inaasahan, gaya ng nangyari sa akin ay mas lalong higit mong nakilala ang sarili mo. 

Sa totoo lang, madali lang talagang sagutin, ang mahirap ay kung pano mo bigyan ng sapat at tamang justification kung bakit yon ang mga pinili mong sagot. At sa bawat minutong ikaý nag-iisip kung pano mo gawing kaaya-aya ang ang iyong so called justification, hindi mo namamalayan na mas lalo kang napapalayo sa sarili mo. Lalo mong nilalayo ang sarili mo don sa totoong sarili mo kung bakit yon yong mga napili mo, dahil mas binigyan mo ng oras para ma-impress ang taong nag-tanong sayo.

Subukan mo toh, isipin mong isang kaibigan, katrabaho, kakilala ang nagtanong nito sayo. Isulat sa papel ang mga naging kasagutan mo. Kuntento ka na ba? Subukang itupi at kumuha ng panibagong papel. Sa pagkakataong ito subukan mo namang isipin na ikaw (sarili) mo ang nagtatanong ng katulad na tanong. Subukang ikumpara ang mga sagot mo. May pagkakaiba ba? Kung wala, mapalad ka pagkat naging totoo ka sa sarili mo. Kung meron, subukang balikan ang mga naging kasagutan. Subukang kilalanin ang sarili. sa pagkakataong ito, dito ka na magsisimula upang lalong makilala mo ang sarili mo.

Yong totoo....
Sino at ano ang importante sayo?
Yong totoo....
Kilala mo ba talaga ang sarili mo?
yong totoo......