Are you one of us?

May 11, 2011

Yong totoo.

Tanong: Ano o Sino ang importante sayo? Yong totoo!!!

Minsan ba sa buhay mo naitanong mo sa sarili mo ito? Simpleng tanong pero kaakibat nito ay ang maaring maging batayan upang malaman kung anong klaseng tao ka. Maaring sa mga sagot mo ay higit kang makilala ng mga taong nakapaligid sayo, at maari din namang sa hindi mo inaasahan, gaya ng nangyari sa akin ay mas lalong higit mong nakilala ang sarili mo. 

Sa totoo lang, madali lang talagang sagutin, ang mahirap ay kung pano mo bigyan ng sapat at tamang justification kung bakit yon ang mga pinili mong sagot. At sa bawat minutong ikaĆ½ nag-iisip kung pano mo gawing kaaya-aya ang ang iyong so called justification, hindi mo namamalayan na mas lalo kang napapalayo sa sarili mo. Lalo mong nilalayo ang sarili mo don sa totoong sarili mo kung bakit yon yong mga napili mo, dahil mas binigyan mo ng oras para ma-impress ang taong nag-tanong sayo.

Subukan mo toh, isipin mong isang kaibigan, katrabaho, kakilala ang nagtanong nito sayo. Isulat sa papel ang mga naging kasagutan mo. Kuntento ka na ba? Subukang itupi at kumuha ng panibagong papel. Sa pagkakataong ito subukan mo namang isipin na ikaw (sarili) mo ang nagtatanong ng katulad na tanong. Subukang ikumpara ang mga sagot mo. May pagkakaiba ba? Kung wala, mapalad ka pagkat naging totoo ka sa sarili mo. Kung meron, subukang balikan ang mga naging kasagutan. Subukang kilalanin ang sarili. sa pagkakataong ito, dito ka na magsisimula upang lalong makilala mo ang sarili mo.

Yong totoo....
Sino at ano ang importante sayo?
Yong totoo....
Kilala mo ba talaga ang sarili mo?
yong totoo......

4 comments:

  1. I know myself really well. Although most of the time, I pretend that I dont. Siguro I need more time to assess myself. Nice post! :)

    ReplyDelete
  2. Tnx Ken. At times we tend to forget ourselves. Theres nothin wrong if we evaluate ourselves from time to time... :-)

    ReplyDelete
  3. pera po! pera! pera! ahahahaha. @_@

    ReplyDelete
  4. ahahahha oo nga ano? ako din pera na lang din, madaming madaming pera... tsaka na world peace pag e pera na LOLZ....

    ReplyDelete