Are you one of us?

November 6, 2011

VICE GANDAng JOKE ni ATE

I just wanna share sumthin funny that just happened few mins ago. Below is my latest FB stats. Dahil di makamove-on agad sa nangyari, super update sa FB at dahil di pa din ako makapag move-on kahit nakailang tumbling na ako, kaya share ko na din.
 At 2:29AM while busy doing my Audit Reports:

Girl: Kuya kuya where's your Room Comfort?
Me: Sorry?(bingi daw)
Girl: your room comfort po!!! (take note of d 3 panctuation marks)
Me: (sure na, tama pagkadinig ko) Maam ano po?
Girl: Banyo ba kuya, banyo!!!
Me: Ahm, Comfort Room po?:-)
Girl: yeah, Pareho lang yon kuya, nukahbah!!!

sheyt!!! laglag sa upuan. ganon ba ang tawag ng mga (pa)SOSYAL sa Rest Room, Comfort Room at Wash Room?
 
haist. loading mode talaga ako. so slow at di ko agad na-gets ang ibig sabihin ni ateng not so social feeling super reyna ang porma.  Unkabogable and severe ang tawa. As in dami daming ko tawa. Di na lang kasi magtagalog ng diritso kesa magmukhang soo trying hard ingleserang sosyalera. Im not against anyone trying to speak English pero kung super mukhang trying hard naman, sana wag na lang ipilit. May mga bagay bagay talagang di nadadaan sa pilit . Practice muna. At sana sa mga friends na lang muna sya mag practice. Ang nangyari tulo na-award sya ng mga kasama nya. to qoute "nakakahiya ka gurl" Dami mong arte. 
 
Alam kong napahiya din naman sya at defense mechanism lang nya ang "pareho lang yon kuya". Di naman ako tumawa sa harap nya. I remained composed as if nothin really happened at sorry na lang kasi di ko talaga mapigilan at pinost ko sa FB at dito. Anong moral lesson ng post na to?  Wag ipilit ang hindi naman kaya ,at lalong hindi naman nakakahiyang magtagalog lalo't higit na dito tayo komportable. Afterall, using tagalog is one of the best way showing how proud we are being Pinoys. Patriotism. Bakit ang mga Chinese at Korean pag napunta sa Pinas lengwahe pa rin nila ang gamit? Mapalad lang tayung mga pinoy kasi magagaling tayong mag-ingles pero di naman yon ang basehan para lang masabing nasa isang lebel ka ng society. Pano na lang kung marinig ng ibang lahi ang bako-bako nating ingles di mas lalo tayong pagtawanan. BE YOURSELF, BE PROUD and BE PINOY!!!

November 2, 2011

epal post

Ang bilis ng panahon pero heto't ilang taon na rin pala ako sa pinakamatindi kong pagkukunwari, ang, pagsusulat. Di ko alam kong bakit tumagal din naman ako dito, kasi kung tutuusin eh, ÜBËR hate ko naman talaga ang magsulat since nong nag-aaral pa ako. Noong elementary nga, sa di ko alam na dahilan kung bakit my "formal theme" chuchu pa si teacher, lage ko itong minamadali. Yung tipong ipapasulat sayu kung ano ang ginawa mo noong araw ng patay, pasko, new year, birthday etsetera etsetera. Pag me ganito na dumudugo ang utak ko, parang nereregla ako sa kakaisip. haaysss. 

Pero pano nga ba ako napadpad sa universe ng blogging? Nagsimula ako sa friendster, yuck so old LOL. Dahil sa severe na boring at emo, eh sinubukan kong mag ikwento ang isang pangyayari sa aking beautiful na buhay at medyo nakakuha naman ako na madaming comments mga 3, akin pa isa don LOL kaya nainspire ako at don nagsimula ang aking paglalakbay sa mundo ng blogging. May mga pagkakataong wapakels ako sa kung anong ipost ko makapag entry lang, kaepalan much but nonetheless may mga umeepal din sa pag kokoment kaya hapines pa din ako. Isiping mong ang walang wentang post eh pinagkaabalahan pa nilang basahin at magkokoment pa ng "bravo" "nice post" at "keep it up". Hellow, watchatink of me uto uto? Pero sa totoo lang, masarap pa rin talagang isipin na kahit pano eh me nagbabasa ng post mo at nakakarelate sa pinagdadaanan mo sa panahong isinulat mo ang post na mo, at bonus na yong koment koment kahit bola bola lang. Kahit pambobola, pinaniniwalaan ko. Ganon ako kababaw kadaling kausap.

Hindi ko alam kung hanggang kelan ko kayang isustain ang trip kong 'to, pero sana tumagal pa. Sabihin man nating may mga pagkakataong nawawalan tayu ng ideya na madalas mangyari sa katulad kong nagkukunwari sa kung ano ang ipopost pero di ko maitatangging isa tong avenue para mairelease ko ang stress at bad vibes sa buhay. Sa mundong eto, alam kong walang ibang hari at reyna kundi tayung mga nagmamay-ari ng kanya kanyang blogsite. Subukan nyung sabihing hari kayo blog ko para uuwi ka sa inyo na bitbit ang ulo mo joke. Sa pagbabasa din ng blog, mas nakikilala mo kung anong klaseng tao ang nagsusulat. merong masaya, merong parang pasan ang daigdig ala sharon cuneta, merong parang si nora na naghihimala, merong puro kahalayan pero aminado akong enjoy basahin at merong parang si Dr. Love paadvise advise lang, may photo blog at syempre meron din naman talagang mga unkabogable na mga bloggers na kapupulutan mo ng aral, mapapatawa ka, papaluhain ka, at papalibugin ka.

Magkaganun pa man, kahit anong klaseng blog yan, di yan patatawarin ng taong walang magawa at walang gagawin kundi ang patayin ang oras. Opkors meron din naman talagang hobby na ang magbasa ng blog ng me blog. Sa lahat sa atin keep blogin and keep rockin :-) much love everyone toinks.

October 31, 2011

dati-rati

People do change and so its preferences. Cliche as it is "there is nothing constant in this world except change". Mag tumambling man tayo sa kaka-justify pag sinabihang "nagbago ka na" pero yon ay totoo. Sa ibang bagay malamang hindi, pero in most aspects of our life, mag umisplit man tayu sa kaka-deny, totoo pa din 'to at wala na tayong magagawa kahit tawagin pa natin ang lahat ng sirena sa karagatan.

When I was in my final year nong elementary ko, I really wanted to have pimples (o di ba adik?). Kasi ang Elementary at High school namin before ay isang compound lang, and everytime I see students na may pimples, inggit much ako. Feeling (dati pa feelen-gero na ako) ko kasi binatang binata ka pag meron ka non. Feeling ko mas madaming pimples mas astig (adik lang talaga). And so in my sophomore year,s sa wakas tinubuan din ako ng pimples, yihey. Puhteks, pangit pala. Kung kelan naman ako nag karoon ng pimples saka ko naman na-realize na pangit pala. And I ended up having those mala chocolate hills sa daming pimples until my senior years in high school. Pasalamat na lang nong college kahit pano eh nagsawa na sila sa ilang taong pamamalagi sa aking mukha. Ngayon from time to time eh my pa isa-isang bumabalik lalo pag kulang sa tulog o stressed pero di rin naman nagtatagal. Bumibisita lang siguro yon kasi namiss nila ako (lolz)

Noong bata naman ako, gustong gusto kong tumanda, yong tipong 12 years old ka lang eh gusto mo nang mga 25 years old ka na agad. Kasi may trabaho, may sweldo, may date, at kahit pano may perang panggasta. Ngayon gustong gusto ko maging bata. Walang problema, walang stress at walang pera pero masaya ka. Puro laro lang. Ngayon nakapaglalaro ka nga pero may kaakibat ng responsibilidad lalo't ang larong nilalaro mo eh yong di dapat paglaruan (wink)

One more thing, dati ayoko na mag aral. Mas gusto ko magtrabaho na para may sarili nang anda, fera, datung etsetera kung ano pang "in" ang tawag sa kwarta. Ngayon, mas gusto kong mag-aral. May allowance ka na,  iwas trabahong bahay pa. Pede ka pang magalit kapag kulang ang binigay ni mama. Ngayun ikaw na ang hihingian at sila naman nang nagagalit pag kulang hahaha.Hayyysss pero ganun pa man bawat pinagdaanan natin masayang balikan. Napapangiti at sasabihin sa sarili mo sa salaming kaharap mo "adik ka ba? bat mo naisip yon?"

Ikaw anong kwento mo?...