Ang bilis ng panahon pero heto't ilang taon na rin pala ako sa pinakamatindi kong pagkukunwari, ang, pagsusulat. Di ko alam kong bakit tumagal din naman ako dito, kasi kung tutuusin eh, ÜBËR hate ko naman talaga ang magsulat since nong nag-aaral pa ako. Noong elementary nga, sa di ko alam na dahilan kung bakit my "formal theme" chuchu pa si teacher, lage ko itong minamadali. Yung tipong ipapasulat sayu kung ano ang ginawa mo noong araw ng patay, pasko, new year, birthday etsetera etsetera. Pag me ganito na dumudugo ang utak ko, parang nereregla ako sa kakaisip. haaysss.
Pero pano nga ba ako napadpad sa universe ng blogging? Nagsimula ako sa friendster, yuck so old LOL. Dahil sa severe na boring at emo, eh sinubukan kong mag ikwento ang isang pangyayari sa aking beautiful na buhay at medyo nakakuha naman ako na madaming comments mga 3, akin pa isa don LOL kaya nainspire ako at don nagsimula ang aking paglalakbay sa mundo ng blogging. May mga pagkakataong wapakels ako sa kung anong ipost ko makapag entry lang, kaepalan much but nonetheless may mga umeepal din sa pag kokoment kaya hapines pa din ako. Isiping mong ang walang wentang post eh pinagkaabalahan pa nilang basahin at magkokoment pa ng "bravo" "nice post" at "keep it up". Hellow, watchatink of me uto uto? Pero sa totoo lang, masarap pa rin talagang isipin na kahit pano eh me nagbabasa ng post mo at nakakarelate sa pinagdadaanan mo sa panahong isinulat mo ang post na mo, at bonus na yong koment koment kahit bola bola lang. Kahit pambobola, pinaniniwalaan ko. Ganon ako kababaw kadaling kausap.
Hindi ko alam kung hanggang kelan ko kayang isustain ang trip kong 'to, pero sana tumagal pa. Sabihin man nating may mga pagkakataong nawawalan tayu ng ideya na madalas mangyari sa katulad kong nagkukunwari sa kung ano ang ipopost pero di ko maitatangging isa tong avenue para mairelease ko ang stress at bad vibes sa buhay. Sa mundong eto, alam kong walang ibang hari at reyna kundi tayung mga nagmamay-ari ng kanya kanyang blogsite. Subukan nyung sabihing hari kayo blog ko para uuwi ka sa inyo na bitbit ang ulo mo joke. Sa pagbabasa din ng blog, mas nakikilala mo kung anong klaseng tao ang nagsusulat. merong masaya, merong parang pasan ang daigdig ala sharon cuneta, merong parang si nora na naghihimala, merong puro kahalayan pero aminado akong enjoy basahin at merong parang si Dr. Love paadvise advise lang, may photo blog at syempre meron din naman talagang mga unkabogable na mga bloggers na kapupulutan mo ng aral, mapapatawa ka, papaluhain ka, at papalibugin ka.
Magkaganun pa man, kahit anong klaseng blog yan, di yan patatawarin ng taong walang magawa at walang gagawin kundi ang patayin ang oras. Opkors meron din naman talagang hobby na ang magbasa ng blog ng me blog. Sa lahat sa atin keep blogin and keep rockin :-) much love everyone toinks.
Blog lang ng blog, Nung nagsimula akong magblog kelan lang,naging exercise narin siya sa utak ko para hindi maistak... Ngayon kahit parang me times na gusto ko ng huminto, sa tingin ko madami pa akong masusulat kaya nandito parin ako, at ikaw din magsulat ka lang ng magsulat, samahan niyo ako para may nababasa din ako ehehe.. :)
ReplyDeletesalamat tito mark sa laging pagsubaybay:-)
ReplyDelete