Are you one of us?

March 9, 2012

if you sprinkle when you tinkle

few days ago, natuwa naman ako sa nakita ko sa loob ng mens washroom sa hotel na pinagtratrabahuhan ko. Bilang may mga tao talagang walang pakundangan kung gumamit, kinakailangan talagang may ganitong paala-ala. Bakit kasi may mga taong kung makagamit eh hindi na nag-iisip na may mga taong gagamit din liban sa kanila. Ano ba namang itutok ng maayos si manoy o ang sandata, armas, angry bird, tweety bird o kahit anong mang tawag mo sa bowl para naman hindi sumablay at sakto ang paglanding ng tubig na pinakawalan galing sa iyong katawan. Hindi ka po bombero na kahit saan pede mong itutok at bombahan ang nasa harap mo. Wala po dapat accidental firing dahil hawak mo naman si junjun habang nagpaparaos ka. Kung sablay na rin lang ang pagkakatutok mo, bat mo pa hinawakan? Kaya ang paalala sa lahat, itutok ng maayos ng maka goal ka naman, isipin mo na lang ang basketball na kelangan mo ishoot ang dapat ishoot.

February 6, 2012

Sa dako pa roon

Finally nakapagpaalam din ako sa boss ko na I will be moving out of the island. I will be moving to a place which is tottally new for me. Almost exactly the opposite of the lifestyle na nakasanayan ko for more than seven years. From being an island guy to city dude? mukha syang exciting and übër challenging. 

The offer to transfer to our head office in Makati was made last November. I was hessitant at first, but I know I really want it. Ang daming considirations na dapat isaalang-alang and I finally made my mind that I want to grab this oppurtunity. Sooner I will be leaving the place I called home for the nearly eight years. I will be leaving the work and the people I learned to love. I will be leaving my SFC family, my family away from home. I will be missing the things I had been doing here, at isa na don ang church service ko sa sunday mass.

Change. Thats what I want now. Im not even sure kung ano ang mangyayari sa akin in the city pero nangingibabaw don ang kagustuhang ko maranasan naman ang ibang bagay sa buhay. Im not gettin any younger and I guess I had enough of Boracay life. I had my worst and my best moments in this paradise.

I had prayed hard for this. I had been into a long discernment process. I aint ask for any sign though. I just ask HIS blessing and guidance that hopefully I made the right decision. With my decision, may HIS WILL BE DONE. With Him at my side, I know Ill be safe. Ill be okey.

Risk. Yeah I took the risk. I can say that I have a good life here. I had a pretty nice work and I have many friends. I could say that this place had been really my comfort zone. But to someone who is on continues quest for improvement and growth, personal or professional, I decided to take this big leap. Big leap that will difinitely change my life and the way I see LIFE. Eto ang buhay, paiba-iba. Pag nakasanayan mo na nakakasawa na. Sabi nga kahit gaano kasarap ang steak kung araw araw mo tong kinakain, magsasawa ka din.Matatakam ka din sa adobong katabi neto.

Bye Boracay na nga and hello big City....

Ano ang naghihintay na kapalaran sa dako pa roon?
Abangan ang pakikipagsapalaran ng isang simpleng taga-isla sa magulong mundo ng syudad....
rockon harold!!!


January 25, 2012

palengke

Hindi lahat ng ating GUSTO ay maari nating makuha, yon ang realidad. Yon ang totoong nangyayari sa totoong buhay. Pero mabait SYA dahil lahat ng KAILANGAN natin, di na kailangang hilingin pa. Kusa na NYA itong ibinibigay, ng walang kapalit. SIYA ang ating tanging sandigan. 

Ang buhay daw parang isang malaking Quiapo, kung mahina ka maagawan ka. Maaring tama at totoo sa iilan, at maari din namang hindi para sa iba. Kanya kanyang opinyon at interpretasyon base sa kanya kanyang pinanggagalingan. Ang buhay din minsan ay parang palengke. Marami kang pagpipilian. Nasa sa iyo ang desisyon kung ano ang pipiliin mo. Gaya ng buhay, lahat ng GUSTO at KAILANGAN mo ay maaring nakalatag na sa harap mo. May pagkakataon din kelangan mong hanapin ang gusto mo. May mga pagkakataon namang ang akalang mong ayaw mo, ay binalikan mo dahil paglipas ng ilang saglit, mas naisip mong mas gusto mo pala ang unang inayawan mo. May panahon ding ang gusto mo ay "taken"  na nang iba. At ang "taken" na yon ay sya palang gustong gusto mo, ang syang mahal mo, na pag-aari na ng iba. Sinubukan mong makipagtawaran. Makipagpaligsahan sa kasalukuyang nagmamay-ari, pero ayaw nang bitawan dahil gaya mo, gusto at mahal din nya ito. May kirot at sakit na naramdaman sa pagkabigong naranasan, at sa paglisan sa palengkeng hindi kasama ang gusto at mahal mo, luha mo'y unti unting tumulo.

Bumalik ka kinaumagahan kahit alam mong wala ka naman talagang maaring asahan. At pagdating sa palengkeng naging saksi ng iyong kabiguan, nakumpirma mong ang iyong sadyang binalikan, ay tangan na at pag-aari na ng iba. Sa ikalawang pagkakataon, lumuha ka. Lumuha ka hudyat ng pagsuko. Pero hindi lahat ng pagsuko, hudyat ng pagkatalo. Minsan ang pagsuko ang syang pinakamatapang na pede mong gawin para iiwas na rin ang sarili na lalong masaktan. Alam mong wala ka na talagang laban, at walang ibang paran kundi ang sumuko sa katotohanan. Dahil tanging ang katotohan lang ang pwedeng magbigay sa iyo ng tunay na kaligayahan.

Hindi lang iisa ang palengke. Maaring ang gusto mo ay matagpuan mo sa ibang palengke o maaring sa palengke pa ring yaon. O baka naman ang talagang hinahanap ng iyong puso ay nasa tindahang katabi lang ng bahay nyo, lumayo ka pa. O baka kelangan mong mag level-up at subukan sa mall. Sigurado akong matatagpuan din yan. Kung kelan, saan, at paano, tanging panahon lang ang pwedeng makapgsabi sa iyo. Bsta laging isaiisip, kelangan lahat totoo.