Hindi lahat ng ating GUSTO ay maari nating makuha, yon ang realidad. Yon ang totoong nangyayari sa totoong buhay. Pero mabait SYA dahil lahat ng KAILANGAN natin, di na kailangang hilingin pa. Kusa na NYA itong ibinibigay, ng walang kapalit. SIYA ang ating tanging sandigan.
Ang buhay daw parang isang malaking Quiapo, kung mahina ka maagawan ka. Maaring tama at totoo sa iilan, at maari din namang hindi para sa iba. Kanya kanyang opinyon at interpretasyon base sa kanya kanyang pinanggagalingan. Ang buhay din minsan ay parang palengke. Marami kang pagpipilian. Nasa sa iyo ang desisyon kung ano ang pipiliin mo. Gaya ng buhay, lahat ng GUSTO at KAILANGAN mo ay maaring nakalatag na sa harap mo. May pagkakataon din kelangan mong hanapin ang gusto mo. May mga pagkakataon namang ang akalang mong ayaw mo, ay binalikan mo dahil paglipas ng ilang saglit, mas naisip mong mas gusto mo pala ang unang inayawan mo. May panahon ding ang gusto mo ay "taken" na nang iba. At ang "taken" na yon ay sya palang gustong gusto mo, ang syang mahal mo, na pag-aari na ng iba. Sinubukan mong makipagtawaran. Makipagpaligsahan sa kasalukuyang nagmamay-ari, pero ayaw nang bitawan dahil gaya mo, gusto at mahal din nya ito. May kirot at sakit na naramdaman sa pagkabigong naranasan, at sa paglisan sa palengkeng hindi kasama ang gusto at mahal mo, luha mo'y unti unting tumulo.
Bumalik ka kinaumagahan kahit alam mong wala ka naman talagang maaring asahan. At pagdating sa palengkeng naging saksi ng iyong kabiguan, nakumpirma mong ang iyong sadyang binalikan, ay tangan na at pag-aari na ng iba. Sa ikalawang pagkakataon, lumuha ka. Lumuha ka hudyat ng pagsuko. Pero hindi lahat ng pagsuko, hudyat ng pagkatalo. Minsan ang pagsuko ang syang pinakamatapang na pede mong gawin para iiwas na rin ang sarili na lalong masaktan. Alam mong wala ka na talagang laban, at walang ibang paran kundi ang sumuko sa katotohanan. Dahil tanging ang katotohan lang ang pwedeng magbigay sa iyo ng tunay na kaligayahan.
Hindi lang iisa ang palengke. Maaring ang gusto mo ay matagpuan mo sa ibang palengke o maaring sa palengke pa ring yaon. O baka naman ang talagang hinahanap ng iyong puso ay nasa tindahang katabi lang ng bahay nyo, lumayo ka pa. O baka kelangan mong mag level-up at subukan sa mall. Sigurado akong matatagpuan din yan. Kung kelan, saan, at paano, tanging panahon lang ang pwedeng makapgsabi sa iyo. Bsta laging isaiisip, kelangan lahat totoo.
Ang buhay ay isang palengke -- maraming pirated dvd.
ReplyDeletemaraming peke :)