Sa pagtiklop ng huling pahina ng taong 2010, marami rami din ang mga nangyari sa kanya kanya nating buhay. Ang bawat araw na nagdaan, ay naging parte ng isang taong libro ng ating buhay. Isang librong puno ng kwento at sanay pati aral. Librong pagdating ng panahon ay ating babalikan at sasariwain ang mga nangyari, na humubog sa ating pagkatao. Librong magsasabi kung anong klaseng indibidwal tayo sa taong 2010.
Sa pagpasok ng taong 2011, panibagong libro ang ating gagawin. Sa ngayon ang mahigit tatlong daang pahina ay blangko at wala pang kwento ngunit sa bawat araw at gabing magdadaan, paniguradong ang bawat pahina nito ay magkakalaman at magkakaroon ng kwento. Kwentong tayo ang magsusulat. Sa kahit anong mangyari, maganda mo o maaring hindi, tagumpay man o kabiguan, sa katatawanan at maging sa iyakan ang lahat ng ito ay magiging parte ng libro. Libro na ang bawat pahina ay may dalang kwento . Librong magsasabi kung sino at anong klaseng tao tayo.
Gaya nyo, ako din naman ay gagawa ng sarili kong libro. Tayong lahat ay gagawa kwento. Maaring may pagkakatulad pero hindi sa lahat ng bagay. Maaring mas maganda ang kwento mo o maaring akin ,pero, ang pinakamahalaga sa lahat, nawa'y ang bawat kwento natin ay nakapulutan natin ng aral at kapupulutan ng aral ng mga taong nakapaligid sa atin.
Maaring sa ngayon may kanya kanyang ideya na tayo kung anong klaseng libro at kwento ang maaring ilikha, sana lang, sa bawat pahina nito wag kalimutan ang pagiging isang mabuting anak, kapatid, kaibigan, magulang at higit sa lahat mabuting anak ng dakilang maylikha at nawa'y pagdating ng panahon na babasahin na natin ang kwento ng ating buhay, may galak at ngiti sa ating labi ang masilayan.
Sa lahat isang masaganang taon ng twenti eleben.
World peace everyone!! at Pilipinas lumaban ka!!

happy 2011 din sa iyo...
ReplyDeletehappy happy 2011!!! late na ata ako bumati...
ReplyDeletesalamat nga pala sa pag-follow bro :) I've yet to back-read your posts. ahehehe! apir!
mas late pa ako kay nowitzki. have a good 2011!
ReplyDeleteahwod salamta sa pag bisita mo sakin at pag-follow...
ReplyDeletedefinitely 2011 for all of us is a new beginning
hope to hear more from you... muah
ahwod... nagbago ka ba ng url? kasi hidni naguupdate sa blog ko ung blog mo
ReplyDeletesalamat din uno... tama ka panibagong panimula para sa ating lahat ang 2011...
ReplyDeleteyon pa din naman ang URL ko.
till now mhindi lumalabas s ablogroll ko ung upadate s ayo hehhee...
ReplyDeletetry ko kung masuyis kung anu proble ok