Mahirap talaga pag nagkukunwari kang blogger o writer (i dont even consider myself both) kasi madalas pa sa lage (ano daw?) na wala kang maisip na ideya para sa panibagong post. Kaya puro kaepalan na lang ang napopost masabi lang na may entry. Haist. Di naman kasi ako pinanganak na magaling magsulat. I was just born to be the "cutest guy in my mothers eyes". O, walang kokontra, ang aangal tutubuan ng pink pigsa sa pwet.
Taong 2009 nang magsimula ako sa pag-blog. Nagsimula sa friendster taz sa facebook and then dito na. Sa FS medyo okey din naman, naenjoy ko naman ang pagsusulat don. Ganun din naman sa facebook. Pero between FS and FB mas ok ang FB kasi nacucustumize mo yong mga notes mo. Yong di mababasa ng mga taong di karapat dapat magbasa hhahahah. Pero dito sa blogger, mas naenjoy ko. Feeling ko kasi mas napepersonalize ko ang blogs dito plus nakakatuwa na kahit panu may nagfofolow sayu. Oh dibey ang babaw lang. Mas mababaw pa sa river sa dibdib ng peking duck. I even had the chance knowing new batch of friends who shares the same interest in blogging. Kaya ayun nadagdagan ang FB friends ko kasi binalandra ko ang FB ko sa blogger using that "FB Badge". At least di ba sa blogospher at Fb ko sila na meet at di ko na kailangan magtanong ng pamatey na "HU U?" Kunting browse lang sa profiles then voila may prospect ka na !nyahahahaha..
I was askin myself tungaks kianusap ko sarili ko kung bakit ako nagkakainteres sa pag-blog. Bukod sa likas na tsismoso at makibalita sa buhay ng may buhay, minsan nga kahit sa patay.Ano nga ba ang mga rason at bakit nakahiligan ko ang magblog at magbasa ng blog. Syempre, as usual wala na naman akong naisagot sa mga tanong ko sa sarili ko. Naisip ko kasi, pag sinagot ko ang sarili kong tanong baka isipin nyong isa't kalahating baliw ako. Hindi ako baliw FYI!!! Basilio, Crispin... nasan na kayo? May ka-eyeball na naman ba kayo?Kaya para di na ako mahirapan, kayo na lang ang tatanungin ko:
Bakit ka nagba-blog?
Dati akala ko gusto ko maging manunulat talaga.. hindi ko din masyado sure bakit.. pero masaya ako pag nalalabas ko lahat ng nararamdaman ko. Isa pa feeling ako yung tipo na tatanda na may Alzheimers kaya mabuti nang ipagkalat ko lahat ng storya ng buhay ko.. para one day pwede ko basahin o may mag-paalala sa akin... -- wait di ko sure.. narereceive mo ba comments ko?? lage kase ako may narereceive sa mail ko na hindi daw..????
ReplyDeletebum ako nun. walang trabaho kaya nagblog ako. hahha. ang lalim anu?
ReplyDelete@Kamila--- yes I got your comments. Tnx so much Hugs for you. Tama ka malay mo di ba pagdating nag panahon na di na natin naalala mga kalokohan natin at least browsing this page would help us remember. Sana lang matandaan pa nati URL natin non otherwise la din wenta....
ReplyDelete@Mots-- oo nga ang lalim, parang ako lang. Sinlalim ng ilog na hanggang dibdib lang ng pink duck LOL. Tnx mots... keep blogging
2007 ako nung nagstart me mag-blog. mainly dahil loner emo ako nun. dami ko ng post about my reflections sa life. But it wasn't until Nov 2010 nung magkaron me ng mga followers :)
ReplyDeleteenjoy naman dahil you make friends :) my blog has been a cyber niche and a looking glass thru my eyes :)
happy blogging!!! XD
mahilig lang ako magbasa ng mga blogs. kaya naiisipan kong gumawa rin para may followers din. di ko alam na pag gumawa ka dapat magaling kang magsulat.pero ayon wala namang nag violent reaction para patigilin ako sa kahibangan ko.
ReplyDeleteako naman kaepalan ko lang.. wahehehe... o diba... wahehehe... from brokenhearted to enjoyment.. yun lang... i express it all here...
ReplyDelete@Nowitzki--- I also started the same as you. Emo trip lang. Parang outlet sa lahat ng drama sa colorful na buhay hihihi
ReplyDelete@Diamond---Ako din mahilig makiboso est makibasa ng blog ng may blog kaya ayun nakigaya na lang. Pero lately medyo nag-iba na, Nainspayr na kasi ng ibang bloggers and followers like you...
@Kiko---nemen. epal man kung epal hahahaha peros somehow ang kwentong kaepalan ay mas may malalim na kwento sa likod nito..
Keep blogging everyone!..