Are you one of us?

March 27, 2011

wentong perstym, katangahan at wentong wala lang...

whew, matagal tagal na pala akong alang post, at ito ang kauna-unahang post ko nayung buwan at malamang huli na din. Busy na kasi kunwari lang sa isla ng puting buhangin ang Boracay.Madami dami din naman ako wento sa inyu at malamang sa malamang pag nawento ko aman di nyu rin aman sya babasahin ahahahha.... Anyway, highway and myway wento ko na lang ang mga feel ko lang ishare feelinggero much sa inyu.

Before ng blog na to (Ang may titulong "Kamusta ka Ina") nagpahinga ako sa pagsusulat feelinggero much talaga, ilusyunadong maging writer/blogger?, napagtanto ko kasi napaka melodramatic ko bilang tao, Nagkalat kasi kelalaking tao ang drama drama ko, pede na ko mag artEsta hahahha.

Nong nagresign ako (yong may titulong Farewell Le ******) di ko na isusulat ang company name kasi nababasa pala ng mga bosses ko pati ng mga taga head office sa Makati though im based here in the Island, di sya natuloy. Napigilan or should I say napag usapan at na address naman lahat ng concern ko, kaya nayun eto pa din ako, pakalat kalat sa beach ng Boracay.

Nakapag bakasyun ako ng more than 1 week last March. Ayun nakalabas ng isla at napuntang Metro. Perstaym ko magtravel ng mag isa. Sa bakasyung eto madami akong perstym na ginawa. In short naDIVIRGINIZED talagang icapslock noh? eh sa virgin talaga ako dati eh, ker mo? ako at feeling ko narape ako, with consent nga lang ahahaha. Sa mga perstym ko ginawa ito yon.... jaraaannnnnnnnnn...

perstaym ko mag leave ng nasa peak season. Actually bawal dapat to sa company, pero dahil matigas ang ulo ko at my balls naman ako wag bastos mag-isip, matino toh! para magpaalam eh ayun napayagan naman kaya voila, fly na papuntang Manila...

perstym ko magtravel mag isa. perstym ko pumuntang Manila ng ako lang. Dati dati kasi me kasama ako kaya ayun, naconquer ko naman ang fear ko na baka mawala ako sa Metro. fear talaga eh noh? Promdi and islander conquers the Metro ang drama ng lolo nyo.

perstym ko sumakay ng MRT at LRT. hahahah. maaring pangkariniwang mode of transport na to sa iilan pero para sa isang tulad ko, bibihirang nangyayari to kasi ala namang train sa probinsyang mahal ko. Di kinakahiyang ishare kasi totoo nama di ba. Ker ko bah!!! hahahah. Basta masaya, feeling ko nga bigla na akong naging tao na talaga ako LOL...

perstym ko umapak ng MOA, at iba pang malls, maaring ordinaryong tambayan lang din to ng iilan sa inyo, maaring nga ginawa nyu na tong bahay, kusina, kubeta o kung ano pa man, pero sa promding tulad ko miminsan ko lang magawa to, ayun tuloy feeling ko naman ulit naging tao na aman si ako.

perstym ko mawala sa divisoria at matakot ng sobra. Maaring naconquer ko yong fear ko pero katakot takot naman napagdaanan ko hahahah. Ikaw ba naman mawala sa Divi ng alas 11 ng gabi at mag paikot ikot sa loob ng isat kalahating oras para hanapin ang sakayan ng jeep. In short isat kalahating oras akong nagpakatanga kasi ang una ko palang tinayuan eh yun na mismo ang sakayan, eh nasanay sa Bora ng maglkad lakad kaya ayun napalayu at nawala. hahahha ending? nag taxi pauwi. prinamis ko pa namang di ako magtataxi para matutunan ko mga pasikot sikot pero pag inataki ka na pala ng pagkashonga mo eh, wa na choice, break na ang pramis :-)

madami dami pa ako kwento pero sa susunod naman... alam ko naman wa ka kers sa katangahan ko kaya wa na din ako ker kong dudugtungan ko din ang walang wentang entry na to. Nag post lang kahit alang kwenta masabi lang na di ako na zero sa buwan na to. sssooooooooooooo babaw noh? hahahah

till nextime everyone yon eh kung may maligaw pa ulit dito :-)

13 comments:

  1. masaya nga yong paminsan minsan magtravel mag isa. pero lagi ganoon mag-isa haay sana sa pagbiyahe ko may kasama na ako

    ReplyDelete
  2. Uno sabay tayu minsan... sked lang ahead of time.... :-)

    ReplyDelete
  3. ahahaha..nakakatawa ka, parang ako lang sa katangahan! hahaha.. epic ka!

    ReplyDelete
  4. @jheng-- hahahah makakasama na din ako sa mga lidt ng EPIC list mo.... im in, im in LOL....

    ReplyDelete
  5. daming first time sa manila ah.

    hehe... ayus yan. lahat naman ay nagsisimula sa first time.

    ReplyDelete
  6. buti ka pa.. hay nako..

    ReplyDelete
  7. dame kang perstaym... lol.. at naiintindihan ko naman yung sa divi.. ako nga tinubuan na ng ugat sa manila.. kada pupunta pa rin sa divi.. need ko ng kasama.. di ko pa rin lam pasikot sikot dun.. tas 11 ka pa nawala.. lol.. noh ba!

    hehehehehehe :) sana mag perstaym din ako sa bora..

    ReplyDelete
  8. @bulakbolero-- hihihihi ayus talaga di na ako virgin LOL

    @Kiko---anong mabuti don? kelan pa naging mabuti ang maging shonga?.... ay oo mabuti nga pala kasi di na ko virgin LOL PIS KIKZ :-)

    @kamila---hahahah so parang hindi naman nakakahiya mawala sa divi? ikaw nga eh hahahah... cge pag punta mo Bora just let me know :-) ako bahala sayu basta libre mo... hahahha

    ReplyDelete
  9. wow. congrats di ka na virgin. :D

    ReplyDelete
  10. @charles---hahaha oo nga pero masaya ako LOL

    ReplyDelete
  11. pinakamagandang perstaym yung na divirginized haha :)followed!

    ReplyDelete
  12. this made my day!!! super funny! tinaas mo ba kamay mo like riding a roller coaster when u took d mrt?!!??? haha lab yo bro!

    ReplyDelete
  13. @ sherryl--- not that naman sobra naman yon, pag baba na don ko na tinaas sabay sabing "yes, di na ko (LRT/MRT) Virgin".... ang sarap madivirginized LOL :-)

    ReplyDelete