Are you one of us?

February 20, 2011

Kamusta ka Ina?

Hi Nay,

yow pho musta na u?
miss u na... sobra......

Kamusta na Ina? Masaya ka ba? Sana. Sana masaya ka sa piling NYA.

Matagal tagal na din kitang di nakikita. Huli kitang nakita taong 2002 pa. Nakapikit ka lang non. nagpapahinga. Kinakausap kita pero di ka sumasagot. Nalungkot ako kasi madami akong gustong sabihin non pero di mo ko marinig. Gusto kitang yakapin pero di pwde. Nagkasya na lamang ako tingnan ka sa iyong pagkakahiga. Alam ko nagpapahinga ka na non. Pero alam ko naririnig at nakikita mo ako. Pinilit kong wag umiyak, kasi di ba, sabi mo, kelangan ko maging matapang. Kelangan maging matatag para kay itay at sa mga kapatid ko. Ang galing ko nga eh, di talaga ako umiyak. Alam ko proud ka na sa akin non. Sinunod kita eh.

Alam mo, hanggang ngayun namimis kita, sobra. Naalala mo pa ba nong first day ko ng skul nong grade 1? eksayted ako non pumasok, pero gusto ko kasama kita sa school. Idinaan mo ako sa school taz nong paalis ka umiyak ako. Sabi ko wag ka umalis kasi takot ako. Kinausap mo ako na kelangan mo umalis kasi papasok ka sa office. Ayun umiyak pa din ako kasi aalis ka, ikaw naman naglakad na pero nakita ko nagpahid ka ng luha. Umiyak ka din noon di ba?

Naala mo pa ba, noong mga panahong nakikipaglaro ako sa kapit bahay? Ang lampa lampa ko di ba? Kaya pag uwi ko may mga sugat tuhod ko at kung saan pa. Bago mo gamutin papagalitan mo ako, minsan nga pinapalo mo muna ako. Pero alam mo, di ako nagtampo non kasi ginagamot mo agad ako. Di ba nga ikaw si doctor ko?

Nong patapos na ang school year tapus nakapasok ako sa honor roll, hahaha tuwang tuwa ka non. Ikaw na ata ang pinaka proud na nanay non kahit 4th honor lang ako. Niregaluhan mo nga ako ng photo album non hihihi. Sweet sweet mo. Ang regalo mong album picture natin lahat nakalagay. Nong grade 2 ako naku 4th honor ako ulit. Regalo mo picture frame naman. Nong penadevelop na picture, tayu lang dalawa ang nilagay mo sa frame. Ang saya ko non. Nong grade 3 ako sa subrang pag alalay mo sa akin bigla ako naging 1st honor. Abot tenga ngiti mo nong malaman mo. Subrang proud ka. Higpit ng yakap mo non, di ako makahinga, kiss mo pa ako non, di ko mabilang kasi dami dami non. Pula pa naman lipstick mo. haayyy.. Sabi mo non pag naging consistent akong 1st honor hanggang grade six ibibili mo ko ng bike. Naku tuwang tuwa ako non.Pero december pa lang, 3 months bago mag graduation binili mo na agad ako ng bike. Buti na lang nong march 1st honor pa din ako kung di napahiya ako sayu. Masaya tayu non diba. nagkatay si itay ng manok, may pansit at iba pa. Basta nagblow-out ka non kasi haping hapi ka....

Nong high school ako, ganon pa din naman. May mga panahon na nakakagalitan mo kasi minsan naging pasaway na din ako. Di ba nga nong junior year ko nag papiercing ako? Nagalit ka non sobra. Pero di mo ko sinumbong kay tatay kasi baka bugbugin ako non. The best ka talaga. Taz nong 4th year ako lahat ng activities sa school na gusto ko salihan sinuportahan mo. Proud ka lagi pag may mga achievements ako. Natatandaan mo pa ba nong graduation da?. Medyo madaming medal non kasi sa kakaencourage at kakagabay mo sa akin. Inspiration talaga kita kasi idol kita. Di ba lahat ng medal at ribbon ikaw lahat nagsabit kasi lasing si erpat no? hahahah nakakatuwa. Pero yong panahon na yon di na tayu nghanda, di ko alam kung bakit. Nalungkot ako non kasi nagexpect ako na may blowout pero wala. Pero napansin ko nalungkot ka nong makitang sad ako...

Tapos nong college ako gusto ko kumuha ng Business Management na course. Sabi mo mag accountancy na lang ako kasi mas ok yon. Sinunod naman kita kahit medyo nahirapan ako nong una pero nong huli nakasanayan ko na din. Natapos ko naman sya ng maayos... yon nga lang di mo na nakita nong umakyat na ako sa stage para tanggapin ang diploma ko. Pero alam mo kasama ko na si itay non at di na sya lasing. Sa kanya ko na lang binigay ang diploma. Sya na din niyakap ko. Niyakap naman nya ako kahit di singhigpit ng yakap mo pero subra na akong masaya non. Umiyak pa nga ako non. Naku nakakahiya kasi madaming tao pero ok lang madami naman ata umiyak non...Alam mo di man lang si itay nag abala non, walang handa pero masaya pa din naman ako non.

Tapos naghanap ako ng trabaho. Nong una nahirapan. Kung ano ano lang. Pero sabi ko I shhould make you proud para sa susunod nating pagkikita, mas mahigpit pa ang yakap mo sa akin. Namimiss ko na yun eh. Sobrang namiss na kita Nay. Ngayun kahit pano ok na ako sa trabaho ko. Kumikita na din khit pano. Napag aral ko nga ulit kapatid kong babae ng 2nd course nya. Naibili ko na din ng tricycle si bunso. Alam ko proud ka sa akin at sa aming tatlo. Miss ka na namin sobra...

Pero alam mo nay, kung proud ka sa amin sa kung sino man kami ngayun, yon ay dahil sa inyo. Sa maganda nyong pagpapalaki sa amin. Kung proud ka sa amin, higit na mas proud kami na naging anak nyu kami, na ikaw ang nanay namin. At kung sakaling papipiliin kami ulit nga panibagong nanay, ikaw at ikaw pa din pipiliin namin kasi, d' best ka,kaya nga idol kita. Alam ko bayani ka. Bayani ka sa ming mga anak mo, di dahil pumanaw ka sa anibersaryo ng EDSA 1, di dahil pareho kayo ng naging karamdaman ni Cory Aquino kundi dahil naging isang mabuti at huwaran kang anak, ina, kapitbahay at higit sa lahat napakabuti mong tao. Ikaw ang idolo ko. Sabi ko nga dati nong hinatid ka sa huling hantungan mo, gusto ko pag namatay din ako mamatay akong gaya mo. Nagtawanan sila sa simbahan non tapos umiyak din. Kasi sabi ko, pag namatay ako gusto ko gaya mo, napuno mo simbahan, madaming tao tapus lahat sila puro magandang alaala ang binahagi sa amin. Kaya subrang proud ako sayu non. kaming tatlo mong anak at si itay subrang proud sayu...

Alam ko magkikita din taong muli. Magsasama at magyayakapan. Sa ngayon kelangan ipagpatuloy ang buhay. Buhay na ikaw ang aming inspirasyon at buhay na utang namin sa iyo at sa Panginoon. Miss you nay. hanggang sa muli.... mwahugs................. smile ka na ha..... mwa ulit..



Love,

Toto

25 comments:

  1. dahil dito... alam ko na story ng buhay mo. naiyak ako lalo na dun sa part na inabot mo diploma moh at syempre dun sa ending... kakalungkot noh... pero alam natin na masaya na sya sa ngayon, lalo pa't nakikita din nya kayong masayang pamilya.. ^^

    ReplyDelete
  2. leon---salamat sa matyagang pagbasa ng entry ko. nakakalungkot pero nakaka inspire. Lets all be happy naman...

    ReplyDelete
  3. naluluha ako di ko alam kung bakit.basta ang alam ko kailangan lahat ng anak maramdaman ito sa kanilang ina. at gawin ng lahat ng magulang ang ginawang halimbawa ng inay mo.

    ReplyDelete
  4. hala..halus same sa kin' pero
    papa ko nman...errrmmmmm..naaalala ko tuloy sya...

    ReplyDelete
  5. grabe naiyak ako dun... :( suber sakit sa lalamunan... kase medjo pinipigilan ko.. pero ang saya naman... masaya ako para sayo... na naging inspirasyon si mama mo..sigurado hanggang ngayon ginagabayan pa rin niya kayo

    ReplyDelete
  6. @DR--lahat ng ina bayani para sa ating mga anak nila. salamat sa pagbabasa

    @Lhoy--nakz nakarelate ikaw? alam ko magandang alaala din ang meron ka sa dad mo

    @Kamila-naku po. wala ako balak paiyakin ka. Actually diri diritso ko lang tong sinulat. di ko na binasa after basta pinost ko na lang kaya sensya na kung halatang minadali..

    ReplyDelete
  7. u make me cry...,speechless..........

    ReplyDelete
  8. Mr/Ms Anonymous--salamat sapagbabasa. Its not my intention na magpaiyak. :-) I just wanted to express...

    ReplyDelete
  9. naiyak naman ako sa blog mo.. ;,(

    *singhot*

    Namiss ko tuloy nanay ko :(

    ReplyDelete
  10. tear drop :( miss ko na din si ermat

    ReplyDelete
  11. @Kristia-- hay sad ako, naiyak ikaw :-(
    tnx for following....

    @Adang--darating ang panahon makakasama natin ang ating mga mahal sa buhay... lets all be happy...

    ReplyDelete
  12. dapat kang hangaan bro..
    kakaiba s atin wala akon honor, hehe

    ReplyDelete
  13. hehe sory, anonymous na choice ko,
    bro junrey gali bro ah

    ReplyDelete
  14. @bro junrey---kung sino at ano man tayu ngayon bro malaking parte don ay dahil sa mga magulang natin lalo na ang nagsilbing ilaw ng kanya kanya nating tahanan...

    ReplyDelete
  15. wow this story makes ne cry and appreciate and love my mom more.. tnx bro.... idol!!!

    ReplyDelete
  16. @Nilo-- tnx brotha. its suppose to be a happy blog. I was inspired and lahat happy memories ko with my nanay. Im glad that some of you appreciate this entry...

    ReplyDelete
  17. ayuz ahwood... very touching... :-)

    ReplyDelete
  18. if i only know the place where your mom is buried, i'll go there on her death anniversary to pay tribute... but my prayers for the eternal repose of her soul would be the very best gift I could give her :) SALUTE to your mom pod... Now I know that you are a very loving person... because you have a very loving mom. before reading your blog entry, i conditioned myself to be wearing your shoes and start the journey of reading your story, i can feel the intensity of LOVE in every words! I owe your mom, she gave birth to a son who is so loving as she was. CAN'T STOP THE TEARS FLOWING LIKE A RIVER... TWO THUMBS UP pod!

    Eternal rest grant unto her O Lord and let your perpetual light shine upon her, May she rest in peace. AMEN.

    ReplyDelete
  19. @idyomakata- thanks :-)

    keep blogging too.. u got nice post aylabet!!! :-)

    ReplyDelete
  20. i can relate on this..why? when ma mom had died..i thought i wouldn't be able to stand on ma own but i have to adjust soon as i can,,i still have a life to live..

    keep up the good work..keep on writing!
    have a good one dude..:)

    ReplyDelete