Are you one of us?

December 4, 2011

epal.trip.adik.loko.jologs.

Bilang isang alipin ng Hotel Industry  at bilang ampon ng Operations Department kahit Audit ang ginagawa ko, ipinakiusap na rin sa akin na kung maari eh weekdays na lang ako mag-day off, instead of weekends for a very simple reason - mas madaming guest pag weekends kaya more more na alipin ang kailangan. Lahat ng operations department dinidiscourage ang mag off sa weekend pero hindi naman bawal. discourage lang. i repeat discourage lang :-). Ibig sabihin lahat ng uri ng alipin sa pinapasukan ko eh kelangan as much as posible na kaduty free. Kaya mapa aliping sagigilid ka man, aliping namamahay, aliping nakakaumay o kung ano pang trip mong itawag sa gaya naming slave para sosyal naman na eh kelangan nakaduty paulit ulit?

The more the guest, the happier. Mas maraming bisita mas maraming anda tawag ni ate'ng kasama ko sa trabahong laging tralala. At pag maraming pera, more din ang gala. More din ang lafang at minsan kung much much talaga ang tip ng mga aliping pinagpala, kampai na walang humpay ang drama. At kung lahat me amats na at me sobra pa din ang pera na kalimita'y pag gising kinabukasan ay poorita na kasi inubos sa walang kwenta mag-dadagdag pa kahit di na kaya. Ending, hindi nagising sa takdang oras, magtxt kay bisor,  na magsi-sick leave dahil masama ang pakiramdam, at kung wala sa mood ang maLupeta Jones na bisor never, as in wa sya care sa txt. Uupo sa luma nyang kampyuter at paisa-isang mag pindot o kay sarap pumindot ng keyboard at pag print sa kapirasong papel ang nakalagay "please explain with-in 24 hours upon the receipt of this memo as to why you should not be blah blah blah blah" at syempre ikaw naman na syang pinagpala na makatanggap ng grasya, susubukan mo ding pumindot, magdelete, pumindot, backspace at sasakit na ang ulo mo at ipapasa mo na kay Lupeta Jones na bisor ang pinagsinungalingang pinagisipang excuse mo at dahil alam nya naman na lasing ka lang talaga kagabi dahil magkatabi lang ang kwartong inuupahan nyo, eh mag iisyu sa ulit ng kapirasong papel na may nakalagay "2 days suspended without pay" at sa di malamang dahilan di mo alam kung matutuwa ka o magngangawa kasi syang ang 2 days anda, wala kang magagawa kundi ang magpahinga ng bonggang bongga, yun nga lang sa uulitin wala kang pera. i repeat wala kang peeeeeraaaa.

ganunpaman, ang magtrabaho o maging alipin sa industriyang ito di rin naman matatawaran ang mga natutunan mo sa araw araw. Ibat ibang tao ang nakakasalamuha mo, may mabait merong hindi. may maganda at may nagmamaganda. may mapera at meron din namang nagkukunwaring mapera na kung makapag utos kala mo kung sinong senyora. May ingleser at meron ding trying hard. haysssss...

ikaw anong kwentong trabaho mo? bloopers? marami kami nyan, at kung susubukan kong ikwento lahat baka mapagkamalan ka pang sira habang tawa ng tawa sa harap ng iyong precious computer.

subukan mo ito.
1. mag open ng blank microsoft word.
2. titigan ang cursor, magbilang ng 25 blinks at tingnan ang letter "T"sa keyboard mo.
3. Anong napansin mo?
4. Kung wala, subukang yong 50 blinks at titigan uli ang letter "T"
5. Isulat sa comment box kung ano napansin mo :-)

1 comment:

  1. Lol! i like this post! hmmmm.. pangarap kong magtrabaho sa Hotel Industry after college, pero, ewan ko lang.. hmmm.. bahala na.

    ReplyDelete