As the year comes to an end, had we evaluated ourselves how well did we live our lives? Ngayon marahil ang pinakamagandang (bago magpasko) pagkakataon para balikan natin ang halos mahigit sa 300 araw na ibinigay Nya sa atin para maging isang mabuting "kapwa" ng bawat taong nakakasalamuha natin sa araw-araw.
Naging mabuting anak ka ba sa mga magulang mo? Naging mapagmahal ka bang asawa? Naging mabuting kapwa ba tayo sa mga taong nakasalamuha natin sa araw araw? Maaring sa sarili mong standards at sariling paniniwala "oo" ang sagot mo,pero ang tanong, sapat na ba ang lahat?. Maaring "hindi" rin ang sagot ng iilan lalo't higit sa mga talagang nagpakatotoo pero dude hindi pa huli ang lahat, may mahigit 20 araw pa para magbago. Maaring hindi sapat ang natitirang mahigit 20 araw para humingi ng tawad, magpakita ng pagmamahal, umunawa o kaya'y magpakumbaba o khit magparaya, pero ganun pa man ang mahalagang punto dito ay nagsimula ka kahit bago magpasko, at ang maganda naman neto ay nakapagsimula ka bago pumasok ang bagong taon. Di bat napakagandang regalo sa kapwa mo ngayong pasko ang bagong ikaw? Di bat napakagandang simula para sa bagong taon ang bagong ikaw? isipin mo dude...
Maaring hindi madali para sa lahat ang baguhin ang sarili natin, pero hindi rin naman mahirap subukan. Lahat tayo may pinagdadaanan, lahat may pinanggagalingan. Pero hindi lang tayo ang tao sa mundo. May mga taong nakapaligid sa atin. May kapwa-tao tayo na dapat din naman nating isipin na gaya natin may pinanggagalingan at pinagdadaanan. Minsan ka na bang nagalit kay mamang driver dahil hindi ibinalik ang sukli mong dalawang bente singko? Nabadtrip ka ba kay boss mo na kung makapagsermon eh daig pa ang prayle? Naumay ka na ba sa kasama mo sa trabaho dahil sa araw araw na lang na ginawa ng Dyos, ang mga katrabaho mo ang paborito nyang topic at kasama ka na don? Nahilo ka na ba sa utot ng kasabayan mo sa elevator na kung magpasabog ay daig pa ang nuclear weapon at ang nakakabadtrip lalo eh sayo nakatingin ang mga kasama nyo. O malamang minsan na ring nasira ang araw mo dahil sa kilikili ng katabi mo sa MRT/LRT na kung makaangat eh parang first day high lang? Kung iisipin natin, ganun ba talaga kalaki para magalit at masira ang araw at buhay natin. At kung iisipin natin lalo, ganon ba kabigat ang lahat para magpaapekto tayo sa lahat ng negatibong nangyayari sa atin. At kung trip mo pang mag isip lalo, hahayaan ba nating baguhin at kontrolin tayo ng mga walang kwentang pangyayari sa araw araw. Di tayo mauubusan ng rason para mabadtrip, magalit, maumay at magmura. Hahayaan ba nating baguhin tayo ng mga eto?
Sa darating na pasko at bagong taon, higit sa materyal na regalo na kaya mong ibigay ay ang bagong sarili mo. ang better you ika nga. magsorry, magmahal, umunawa o kahit magparaya. Alam naman natin, walang perpekto pero lahat pedeng magbago.
Mga repapepz, hindi pa huli ang lahat sa taong ito. Bakit di natin subukan ang maging mabuti. Mabuting anak sa mga magulang natin, mabuting asawa sa mga may asawa at kung kabit ka maging mabuti sa sarili mo at sa pamilya ng kinabitan mo maging mabuting empleyado sa employer mo. Mabuting kasabayan sa elevator kahit na may nagpasabog maari naman subukan takpan ang ilong mo kesa magbitaw ng malutong na mura di ba? bakit di nati subukan?
Ako susubukan ko. Ikaw susubukan mo rin ba?
No comments:
Post a Comment