Are you one of us?

January 14, 2011

Why Blog?

Mahirap talaga pag nagkukunwari kang blogger o writer (i dont even consider myself both) kasi madalas pa sa lage (ano daw?) na wala kang maisip na ideya para sa panibagong post. Kaya puro kaepalan na lang ang napopost masabi lang na may entry. Haist. Di naman kasi ako pinanganak na magaling magsulat. I was just born to be the "cutest guy in my mothers eyes". O, walang kokontra, ang aangal tutubuan ng pink pigsa sa pwet.

 Taong 2009 nang magsimula ako sa pag-blog. Nagsimula sa friendster taz sa facebook and then dito na. Sa FS medyo okey din naman, naenjoy ko naman ang pagsusulat don. Ganun din naman sa facebook. Pero between FS and FB mas ok ang FB kasi nacucustumize mo yong mga notes mo. Yong di mababasa ng mga taong di karapat dapat magbasa hhahahah. Pero dito sa blogger, mas naenjoy ko. Feeling ko kasi mas napepersonalize ko ang blogs dito plus nakakatuwa na kahit panu may nagfofolow sayu. Oh dibey ang babaw lang. Mas mababaw pa sa river sa dibdib ng peking duck. I even had the chance knowing new batch of friends who shares the same interest in blogging. Kaya ayun nadagdagan ang FB friends ko kasi binalandra ko ang FB ko sa blogger using that "FB Badge". At least di ba sa blogospher at Fb ko sila na meet at di ko na kailangan magtanong ng pamatey na "HU U?" Kunting browse lang sa profiles then voila may prospect ka na !nyahahahaha..

I was askin myself tungaks kianusap ko sarili ko kung bakit ako nagkakainteres sa pag-blog. Bukod sa likas na tsismoso at makibalita sa buhay ng may buhay, minsan nga kahit sa patay.Ano nga ba ang mga rason at bakit nakahiligan ko ang magblog at magbasa ng blog. Syempre, as usual wala na naman akong naisagot sa mga tanong ko sa sarili ko. Naisip ko kasi, pag sinagot ko ang sarili kong tanong baka isipin nyong isa't kalahating baliw ako. Hindi ako baliw FYI!!! Basilio, Crispin... nasan na kayo? May ka-eyeball na naman ba kayo?Kaya para di na ako mahirapan, kayo na lang ang tatanungin ko: 

Bakit ka nagba-blog?




January 8, 2011

genius daw ako (sabi ni titser Pink Panty)

malamang lahat naman tayo ay napagdaanan yong pagkakataon na gustong gusto mo mag post ng isang entry pero ayaw gumana ng utak mo. as if gumana na tong akin. Yong tipong kahit me ideya ka na sa magiging takbo ng istorya nito ay di alam ko pano gawin o sisimulan. anak ng holy parrot na pink naman oh!!!

gaya ng pagkakataong ito. wala talaga akong maiisip kunwari naman nag-iisip at kung meron man di ko alam kung pano at saan sisimulan. namputcha. ayaw makisama ng madumi kong utak. OO may utak naman ako, may brain naman ako, at may mind naman ako. bilib nga ang titser ko sa elemtary noon eh. sabi nya genius daw ako. napaka green minded ko daw, and for a period of time, (mga 5 hours siguro kasi pagdating ko ng bahay tinanong ko si inang reyna), pinaniwalaan ko yon. na genius ako, dahil green minded ako. And when I finally realized ang ibig nyang sabihin, powtekz napahiya ako sa sarili ko. Pero ok lang, araw araw ko naman syang nasisilipan tuwing umaga sa 1st subject namin. Science class yon. at alam ko ang paburito nyang kulay ng undies, pink hahahaha.  Kala nya ha!!! kaganti na ako ng di nya alam LOL. One time nga sa subrang inis ko sa kanya dahil binato nya ako ng eraser dahil nakikipag kwentuhan ako sa seatmate ko, actually pinag uusapan namin panty nya hahahah, drinawing ko sya habang nakaupo sya sa harap namin at syempre pa ang nasa drawing kita pa din panty nya hahahaha. kulet much!!!

lahat na yata ng mga alam kong kaparaanan para gumana tong brain damaged ko eh ginawa ko. Nakinig ng music, nag kulong sa cr at nag j****, nagbasa ng porno magz, nag meditate na mga hubad na katawan ang nakikita. Kulang na lang eh mag isplit at tumambling tambling. oh mah brain! Pero ganun pa man ,okey pa din kasi medyo mahaba haba pa din ang naisulat ko sa walang kwentang entry na to. success? hmmmm

bago pa man kayu mabagot sa post ko, tatapusin ko na at mag-iiwan ng isang walang kabuluhanang tanong para sa lahat.  NASILIPAN/NABOSOHAN MO BA SI TITSER NOON?

PS: kung sakaling nabosohan mo ang titser mo, ano ang paboritong kulay ng undies nya? ma-bacon din ba? (magkakalaman na!!!)

ang post na ito ay walang intensyon para mabastos ang mga nirerespeto nating mga guro. Katuwaan lang at naikwento ko lang ang aking dakilang kalokohan.


January 2, 2011

twenti-eleben

2011. Whats in store for us?

Sa pagtiklop ng huling pahina ng taong 2010, marami rami din ang mga nangyari sa kanya kanya nating buhay. Ang bawat araw na nagdaan, ay naging parte ng isang taong libro ng ating buhay. Isang librong puno ng kwento at sanay pati aral. Librong pagdating ng panahon ay ating babalikan at sasariwain ang mga nangyari, na humubog sa ating pagkatao. Librong magsasabi kung anong klaseng indibidwal tayo sa taong 2010.

Sa pagpasok ng taong 2011, panibagong libro ang ating gagawin. Sa ngayon ang mahigit tatlong daang pahina ay blangko at wala pang kwento ngunit sa bawat araw at gabing magdadaan, paniguradong ang bawat pahina nito ay magkakalaman at magkakaroon ng kwento. Kwentong tayo ang magsusulat. Sa kahit anong mangyari, maganda mo o maaring hindi, tagumpay man o kabiguan, sa katatawanan at maging sa iyakan ang lahat ng ito ay magiging parte ng libro. Libro na ang bawat pahina ay  may dalang kwento . Librong magsasabi kung sino at anong klaseng tao tayo.

Gaya nyo, ako din naman ay gagawa ng sarili kong libro. Tayong lahat ay gagawa kwento. Maaring may pagkakatulad pero hindi sa lahat ng bagay. Maaring mas maganda ang kwento mo o maaring akin ,pero, ang pinakamahalaga sa lahat, nawa'y ang bawat kwento natin ay nakapulutan natin ng aral at kapupulutan ng aral ng mga taong nakapaligid sa atin.

Maaring sa ngayon may kanya kanyang ideya na tayo kung anong klaseng libro at kwento ang maaring ilikha, sana lang, sa bawat pahina nito wag kalimutan ang pagiging isang mabuting anak, kapatid, kaibigan, magulang  at higit sa lahat mabuting anak ng dakilang maylikha at nawa'y pagdating ng panahon na babasahin na natin ang kwento ng ating buhay, may galak at ngiti sa ating labi ang masilayan.

Sa lahat isang masaganang taon ng twenti eleben.
World peace everyone!! at Pilipinas lumaban ka!!