Are you one of us?

November 27, 2011

Boracay. Busy. Bangag.

toxic, drained, tired, exhausted would be a perfect adjective para idescribe ang schedule ko lately. Worn-out. totally laspag sa subrang busy sa work dahil sa bagong Hotel Management System na inintroduce ng management. Extra effort kasi kelangan pa din yong manual reports and at the same time kelangan na ding gamitin yong bagong system para makita na din yong mga dapat ayusin at maadress ito ng maayos.

pero kahit pano eh naisingit ko pa din nman ang mga bagay na gustong gusto kong gawin sa isla gaya ng maglakad sa beach ng mag isa at magmunimuni, na hindi ko naman nagawa ng maayos dahil maraming naka two piece sa beach. mag pityur pityur at magluto kahit alam kong di ako magaling. At dahil lutang at bangag pa din ako, isi-share ko na lang muna ang mga pityurs ko. pero paalala lang di po ako professional photog kaya pagpasensyahan na lang. 



 Station 1 
Boracay Island, Philippines
parang maganda mag prenup photoshoot dito. Honestly marami pa talagang magandang spots sa boracay di lang ang whitebeach. Theres more to Boracay aside from its famous white beach. Try the back beach area for sunrise, pero this one is located sa dulo ng station 1.

 Station 1
Boracay Island, Philippines







Adobo la Pachamba
Isa ito sa kaya kong lutuin (kaya lang) At isa ito sa pagkaing gustong gusto ng tatay ko at pinipilit kainin. Oo pilit nyang kinakain yung adobo ko dahil I can make adobo in 365 ways. ÜbËr galing di ba? Pati nga mga kapatid ko dinadamay nya. pilit nya ding pinapakain at sa kalaunan at sa tagal ko nang niluluto to wala nang pilitang nangyayari. I really love my family. May taste sila. hahahaha. Pero honestly alam kong napipilitan talaga sila kasi sabi nga nang tatay ko, never ko na naduplicate ang lasa ng adobo ko, kaya nga 365 ways eh, kaya much as well at para di mamiss ang bawat lasa, kinakain nila. Who knows kasi di ba na yong time na di nila kinain eh yun na ang perfect adobo ko. LOL


labolabo
Eto yong pagkain ng toxic at late na sa work. Kahit late na kelangan pa ding kumain. lahat instant. canton, wheat bread, corned tuna. masarap naman sya (at my own standard) pero higit dun eh at least pumasok akong may laman ang tiyan hahahaha. kesa magutom.

eto ang panlaban sa antok. Im not really particular sa brand, nataon lang na eto yong dala ko. Pinakamababa ko yong 3 sachet ng kape sa isang gabi. wala pa dun yung kopiko at ang pamatay na lollipop hahahaha. I cant even imagine na one time habang nakaupo sa reception doing may paper works with lollipop na subo may dumaang magandang bisita. Napatingin sya at napasmile pero di ko pinansin. Kahiya. the next day pagdaan nya uli, nagtanong sabay bitaw "no more lollipop this time?" hahahah and that actually started our conversation. whew. iba talaga nagagawa ng lollipop. Nong check-out nya walangyang bisita ang nilagay sa comment/feedback sheet eh pangalang ko. maganda yong feedbacks nya pero dinagdagan pa ng "hes cute, he got lollipops" weset. kahiya LOL

okey gang dito na lang muna. sana matino na yong post ko next time.

November 9, 2011

promdi province

Probinsyano. Yan ako. Magsasaka ang tatay ko, ordinaryong empleyado naman ang nanay ko. Ganun pa man lumaki kaming tatlong magkakapatid ng hindi naman nagkulang sa kung ano ang kailangan. Ika nga "we get what we need" at paminsan minsan ang "wants" eh naibibigay din ng aming magulang. Tipikal buhay probinsya. Matutulog ng maaga at gigising ng maaga. May kanya kanyang gawain nakaatas sa aming tatlo. Ang aking kapatid na babae ang taga saing, at tagalinis ng bahay. Ang bunso ang taga-igib ng inuming tubig at ako naman ang naatasan sa pagtulong sa aming magulang sa pag-alaga ng aming hayop. Baboy, baka, manok, kalabaw, gansa, bebe at pato. Isama mo pa ang hindi baba sa limang aso at pusang hindi bumaba sa tatlo. 

Kanina, habang bumibili ng ulam sa aking "suking kainan" napatingala ako sa langit. Ang ganda. Clear blue sky. Bigla ko tuloy naalala ang aking kabataan. Mga panahong aming pinagdaanan. Nakakamiss. Namiss ko tuloy bigla ang aking mga kapatid, ang aking Itay at ang aking Inay na ilang taon na ring namaalam.

NOTE: photo credits to GOOGLE.PH


Isa sa una kong naalala kanina nong napatingala ako ay ang pagpapalipad ng saranggola kasama ang aking dalawang kapatid, yup, pati ang kapatid kong babae ay kasama namin sa pagpapalipad. Tag-iisa kami na nong dati ang saranggola ay gawa pa ng aming itay ngunit kalaunan ay natuto din kaming gumawa ng sarili naming saranggolla at nagpapagandahan pa. 

Isa din sa nakahiligan naming gawin lalo pag summer ay ang pamimingwit. Magkakasama pa rin kaming tatlo pati na ang ibang anak ng kapibahay. Minsan na rin kaming napalo ng aming magul;ang dahil hindi kami nakapag saing at anong oras na umuwi. Sabado noon. Araw ng pamamalengke ni Inay. Kadalasang bilin nya bagu umalis ay magsaing na agad nang pagdating ulam na lang ang iluluto nya. Dahil sa nawili kami sa pamimingwit, di namin namalayang lampas alas dose na at pagdating sa bahay andun na si Inay. Nakapaghain na at handa na rin ang sinturong pamalo sa aming tatlo. As usual, ako ang may pinakamadaming biyaya dahil ako ang "promotor" gaya lage ng sabi ng nanay ko.

Sa bawat may pagkakataon na pedeng maligo sa ulan, madalas namin tong ginagawa. Kasama ang aking kapatid at kaibigan. Ang pinaka masaya neto ay sa tuwing uwian na pagkatapos ng klase. Ibabalot ng plastic bag gamit eskwela at tatakbo sa kalsada. Masaya. Di naman kasi madumi ang tubig sa kalsada di gaya ng kung ano anung sakit na ang makukuha mo pag lumusong ka sa kalsada ng Maynila. Sa probinsya, purong tubig ulan.

Sakay sa LRT este sa kalabaw. Taty ko ang unang nagturo neto. Isa marahil ito sa pina kagusto ko. Lalo nong bigyan ako ng sarili kong kalabaw ng aking magulang. Para akong tumama sa lotto. Jackpot ika nga. Simpleng simple lang pala ako noon. Ngayon ewan ko....

Eto ang pamatay. Ang pagtrabaho sa bukid. Mula elementarya hanggang early college eh nagtratrabaho kaming magpamilya sa bukid. Sabado at Linggo eto ang bonding moment. Planting rice is fun. Gigising ng sobrang aga. Sa bukid na din kami kumakain. May munting kubong itinayo ang aking mga magulang para may masilungan kami sa tuwing nasa bukid kami. May kalayuan kasi ang aming bahay sa bukid. Ito marahil ang isa sa pinakagusto ko. May pagkakataong pag gusto ko dating mapag-isa, pumupunta ako sa kubong ito sa bukid.

Looking back, iba na ang buhay ko ngayon. Ang dating bukid na lage kong nakikita ay minsan ko na lang mabisita. Puting buhangin na kasi ng Isla ng Boracay ang aking nilalakad. Ang dating libangan kong saranggola ngayun Internet na, DSLR camera, PSP, laptop at kung ano pa. Ang dating alagang kalabaw, ngayon wala na. Wala na akong alaga. Nakakamiss. At ang dating palayan, beach na. At kung dati kaming tatlo ang magkasama, magkatropa, ngayon may kanya kanya na kaming buhay. Kanya kanyang tupad ng bawat pangarap. Dating kapit tuko na akala namin di kami pedeng paghiwalayin pero eventually natutunan naming mabuhay ng malayo sa bawat isa. 

Ilang linggo na lang magsasama sama na ulit kaming tatlo kasama ang aming itay. Uuwi na ang aking kapatid sa barko at bago umalis naman ang aking kapatid na babae sa Hong Kong eh magbobonding muna kaming apat. sayang lang at wala na ang aming ina. Malapit ko na ring iwan ang Isla ng Boracay na naging tahanan ko sa loob ng anim na taon. Ililipat na ako sa magulong syudad. Good luck sa trapik at gud luck sa panibagong kabanata ng buhay.

this is it....

November 6, 2011

VICE GANDAng JOKE ni ATE

I just wanna share sumthin funny that just happened few mins ago. Below is my latest FB stats. Dahil di makamove-on agad sa nangyari, super update sa FB at dahil di pa din ako makapag move-on kahit nakailang tumbling na ako, kaya share ko na din.
 At 2:29AM while busy doing my Audit Reports:

Girl: Kuya kuya where's your Room Comfort?
Me: Sorry?(bingi daw)
Girl: your room comfort po!!! (take note of d 3 panctuation marks)
Me: (sure na, tama pagkadinig ko) Maam ano po?
Girl: Banyo ba kuya, banyo!!!
Me: Ahm, Comfort Room po?:-)
Girl: yeah, Pareho lang yon kuya, nukahbah!!!

sheyt!!! laglag sa upuan. ganon ba ang tawag ng mga (pa)SOSYAL sa Rest Room, Comfort Room at Wash Room?
 
haist. loading mode talaga ako. so slow at di ko agad na-gets ang ibig sabihin ni ateng not so social feeling super reyna ang porma.  Unkabogable and severe ang tawa. As in dami daming ko tawa. Di na lang kasi magtagalog ng diritso kesa magmukhang soo trying hard ingleserang sosyalera. Im not against anyone trying to speak English pero kung super mukhang trying hard naman, sana wag na lang ipilit. May mga bagay bagay talagang di nadadaan sa pilit . Practice muna. At sana sa mga friends na lang muna sya mag practice. Ang nangyari tulo na-award sya ng mga kasama nya. to qoute "nakakahiya ka gurl" Dami mong arte. 
 
Alam kong napahiya din naman sya at defense mechanism lang nya ang "pareho lang yon kuya". Di naman ako tumawa sa harap nya. I remained composed as if nothin really happened at sorry na lang kasi di ko talaga mapigilan at pinost ko sa FB at dito. Anong moral lesson ng post na to?  Wag ipilit ang hindi naman kaya ,at lalong hindi naman nakakahiyang magtagalog lalo't higit na dito tayo komportable. Afterall, using tagalog is one of the best way showing how proud we are being Pinoys. Patriotism. Bakit ang mga Chinese at Korean pag napunta sa Pinas lengwahe pa rin nila ang gamit? Mapalad lang tayung mga pinoy kasi magagaling tayong mag-ingles pero di naman yon ang basehan para lang masabing nasa isang lebel ka ng society. Pano na lang kung marinig ng ibang lahi ang bako-bako nating ingles di mas lalo tayong pagtawanan. BE YOURSELF, BE PROUD and BE PINOY!!!

November 2, 2011

epal post

Ang bilis ng panahon pero heto't ilang taon na rin pala ako sa pinakamatindi kong pagkukunwari, ang, pagsusulat. Di ko alam kong bakit tumagal din naman ako dito, kasi kung tutuusin eh, ÜBËR hate ko naman talaga ang magsulat since nong nag-aaral pa ako. Noong elementary nga, sa di ko alam na dahilan kung bakit my "formal theme" chuchu pa si teacher, lage ko itong minamadali. Yung tipong ipapasulat sayu kung ano ang ginawa mo noong araw ng patay, pasko, new year, birthday etsetera etsetera. Pag me ganito na dumudugo ang utak ko, parang nereregla ako sa kakaisip. haaysss. 

Pero pano nga ba ako napadpad sa universe ng blogging? Nagsimula ako sa friendster, yuck so old LOL. Dahil sa severe na boring at emo, eh sinubukan kong mag ikwento ang isang pangyayari sa aking beautiful na buhay at medyo nakakuha naman ako na madaming comments mga 3, akin pa isa don LOL kaya nainspire ako at don nagsimula ang aking paglalakbay sa mundo ng blogging. May mga pagkakataong wapakels ako sa kung anong ipost ko makapag entry lang, kaepalan much but nonetheless may mga umeepal din sa pag kokoment kaya hapines pa din ako. Isiping mong ang walang wentang post eh pinagkaabalahan pa nilang basahin at magkokoment pa ng "bravo" "nice post" at "keep it up". Hellow, watchatink of me uto uto? Pero sa totoo lang, masarap pa rin talagang isipin na kahit pano eh me nagbabasa ng post mo at nakakarelate sa pinagdadaanan mo sa panahong isinulat mo ang post na mo, at bonus na yong koment koment kahit bola bola lang. Kahit pambobola, pinaniniwalaan ko. Ganon ako kababaw kadaling kausap.

Hindi ko alam kung hanggang kelan ko kayang isustain ang trip kong 'to, pero sana tumagal pa. Sabihin man nating may mga pagkakataong nawawalan tayu ng ideya na madalas mangyari sa katulad kong nagkukunwari sa kung ano ang ipopost pero di ko maitatangging isa tong avenue para mairelease ko ang stress at bad vibes sa buhay. Sa mundong eto, alam kong walang ibang hari at reyna kundi tayung mga nagmamay-ari ng kanya kanyang blogsite. Subukan nyung sabihing hari kayo blog ko para uuwi ka sa inyo na bitbit ang ulo mo joke. Sa pagbabasa din ng blog, mas nakikilala mo kung anong klaseng tao ang nagsusulat. merong masaya, merong parang pasan ang daigdig ala sharon cuneta, merong parang si nora na naghihimala, merong puro kahalayan pero aminado akong enjoy basahin at merong parang si Dr. Love paadvise advise lang, may photo blog at syempre meron din naman talagang mga unkabogable na mga bloggers na kapupulutan mo ng aral, mapapatawa ka, papaluhain ka, at papalibugin ka.

Magkaganun pa man, kahit anong klaseng blog yan, di yan patatawarin ng taong walang magawa at walang gagawin kundi ang patayin ang oras. Opkors meron din naman talagang hobby na ang magbasa ng blog ng me blog. Sa lahat sa atin keep blogin and keep rockin :-) much love everyone toinks.