toxic, drained, tired, exhausted would be a perfect adjective para idescribe ang schedule ko lately. Worn-out. totally laspag sa subrang busy sa work dahil sa bagong Hotel Management System na inintroduce ng management. Extra effort kasi kelangan pa din yong manual reports and at the same time kelangan na ding gamitin yong bagong system para makita na din yong mga dapat ayusin at maadress ito ng maayos.
pero kahit pano eh naisingit ko pa din nman ang mga bagay na gustong gusto kong gawin sa isla gaya ng maglakad sa beach ng mag isa at magmunimuni, na hindi ko naman nagawa ng maayos dahil maraming naka two piece sa beach. mag pityur pityur at magluto kahit alam kong di ako magaling. At dahil lutang at bangag pa din ako, isi-share ko na lang muna ang mga pityurs ko. pero paalala lang di po ako professional photog kaya pagpasensyahan na lang.
Station 1
Boracay Island, Philippines
parang maganda mag prenup photoshoot dito. Honestly marami pa talagang magandang spots sa boracay di lang ang whitebeach. Theres more to Boracay aside from its famous white beach. Try the back beach area for sunrise, pero this one is located sa dulo ng station 1.
Station 1
Boracay Island, Philippines
Adobo la Pachamba
Isa ito sa kaya kong lutuin (kaya lang) At isa ito sa pagkaing gustong gusto ng tatay ko at pinipilit kainin. Oo pilit nyang kinakain yung adobo ko dahil I can make adobo in 365 ways. ÜbËr galing di ba? Pati nga mga kapatid ko dinadamay nya. pilit nya ding pinapakain at sa kalaunan at sa tagal ko nang niluluto to wala nang pilitang nangyayari. I really love my family. May taste sila. hahahaha. Pero honestly alam kong napipilitan talaga sila kasi sabi nga nang tatay ko, never ko na naduplicate ang lasa ng adobo ko, kaya nga 365 ways eh, kaya much as well at para di mamiss ang bawat lasa, kinakain nila. Who knows kasi di ba na yong time na di nila kinain eh yun na ang perfect adobo ko. LOL
labolabo
Eto yong pagkain ng toxic at late na sa work. Kahit late na kelangan pa ding kumain. lahat instant. canton, wheat bread, corned tuna. masarap naman sya (at my own standard) pero higit dun eh at least pumasok akong may laman ang tiyan hahahaha. kesa magutom.
eto ang panlaban sa antok. Im not really particular sa brand, nataon lang na eto yong dala ko. Pinakamababa ko yong 3 sachet ng kape sa isang gabi. wala pa dun yung kopiko at ang pamatay na lollipop hahahaha. I cant even imagine na one time habang nakaupo sa reception doing may paper works with lollipop na subo may dumaang magandang bisita. Napatingin sya at napasmile pero di ko pinansin. Kahiya. the next day pagdaan nya uli, nagtanong sabay bitaw "no more lollipop this time?" hahahah and that actually started our conversation. whew. iba talaga nagagawa ng lollipop. Nong check-out nya walangyang bisita ang nilagay sa comment/feedback sheet eh pangalang ko. maganda yong feedbacks nya pero dinagdagan pa ng "hes cute, he got lollipops" weset. kahiya LOL
okey gang dito na lang muna. sana matino na yong post ko next time.
wow!!! hehehe, syempre sino ba ang makakaapreciate ng lubos sa ginagwa mo diba family mo din, mukha siyang masarap.. chupachups, yan lang ang nadadala ko sa workstation kasi pag me call, yan lang ang candy na pwde mong tanggalin sa bibig mo ng mabilis hahaha...
ReplyDeletehehehe.. nakakatuwa namn kwento mo.. grabe description mo sayo "laspag" hehe, anyway... gusto ko kung paano ka magkwento, nakakaaliw... =)
ReplyDelete@mark- oo sobrang naapreciate nila. gaya nga ng sabi ko "may taste" sila. LOL. Saya no minsan ngakahit naglalakad pauwi my lollipop pa din. Weird lang ang tingin ng ibang taong nakakasalubong mo.
ReplyDelete@jessica-actually its "totally laspag" salamat sa laging pagdalaw :-)
walang anuman..... =)
ReplyDeleteHmm...365 ways to cook adobo! You can put up an adobo joint with that! Nice writings, first time lang ako nakahanap ng blog na Filipino..Ang galing following you now, hope you follow me too!
ReplyDeletewww.gastronomybyjoy.com
Salamat!
@ joy-daming salamat joy.
ReplyDelete