Probinsyano. Yan ako. Magsasaka ang tatay ko, ordinaryong empleyado naman ang nanay ko. Ganun pa man lumaki kaming tatlong magkakapatid ng hindi naman nagkulang sa kung ano ang kailangan. Ika nga "we get what we need" at paminsan minsan ang "wants" eh naibibigay din ng aming magulang. Tipikal buhay probinsya. Matutulog ng maaga at gigising ng maaga. May kanya kanyang gawain nakaatas sa aming tatlo. Ang aking kapatid na babae ang taga saing, at tagalinis ng bahay. Ang bunso ang taga-igib ng inuming tubig at ako naman ang naatasan sa pagtulong sa aming magulang sa pag-alaga ng aming hayop. Baboy, baka, manok, kalabaw, gansa, bebe at pato. Isama mo pa ang hindi baba sa limang aso at pusang hindi bumaba sa tatlo.
Kanina, habang bumibili ng ulam sa aking "suking kainan" napatingala ako sa langit. Ang ganda. Clear blue sky. Bigla ko tuloy naalala ang aking kabataan. Mga panahong aming pinagdaanan. Nakakamiss. Namiss ko tuloy bigla ang aking mga kapatid, ang aking Itay at ang aking Inay na ilang taon na ring namaalam.
NOTE: photo credits to GOOGLE.PH
Isa sa una kong naalala kanina nong napatingala ako ay ang pagpapalipad ng saranggola kasama ang aking dalawang kapatid, yup, pati ang kapatid kong babae ay kasama namin sa pagpapalipad. Tag-iisa kami na nong dati ang saranggola ay gawa pa ng aming itay ngunit kalaunan ay natuto din kaming gumawa ng sarili naming saranggolla at nagpapagandahan pa.
Isa din sa nakahiligan naming gawin lalo pag summer ay ang pamimingwit. Magkakasama pa rin kaming tatlo pati na ang ibang anak ng kapibahay. Minsan na rin kaming napalo ng aming magul;ang dahil hindi kami nakapag saing at anong oras na umuwi. Sabado noon. Araw ng pamamalengke ni Inay. Kadalasang bilin nya bagu umalis ay magsaing na agad nang pagdating ulam na lang ang iluluto nya. Dahil sa nawili kami sa pamimingwit, di namin namalayang lampas alas dose na at pagdating sa bahay andun na si Inay. Nakapaghain na at handa na rin ang sinturong pamalo sa aming tatlo. As usual, ako ang may pinakamadaming biyaya dahil ako ang "promotor" gaya lage ng sabi ng nanay ko.
Sa bawat may pagkakataon na pedeng maligo sa ulan, madalas namin tong ginagawa. Kasama ang aking kapatid at kaibigan. Ang pinaka masaya neto ay sa tuwing uwian na pagkatapos ng klase. Ibabalot ng plastic bag gamit eskwela at tatakbo sa kalsada. Masaya. Di naman kasi madumi ang tubig sa kalsada di gaya ng kung ano anung sakit na ang makukuha mo pag lumusong ka sa kalsada ng Maynila. Sa probinsya, purong tubig ulan.
Sakay sa LRT este sa kalabaw. Taty ko ang unang nagturo neto. Isa marahil ito sa pina kagusto ko. Lalo nong bigyan ako ng sarili kong kalabaw ng aking magulang. Para akong tumama sa lotto. Jackpot ika nga. Simpleng simple lang pala ako noon. Ngayon ewan ko....
Eto ang pamatay. Ang pagtrabaho sa bukid. Mula elementarya hanggang early college eh nagtratrabaho kaming magpamilya sa bukid. Sabado at Linggo eto ang bonding moment. Planting rice is fun. Gigising ng sobrang aga. Sa bukid na din kami kumakain. May munting kubong itinayo ang aking mga magulang para may masilungan kami sa tuwing nasa bukid kami. May kalayuan kasi ang aming bahay sa bukid. Ito marahil ang isa sa pinakagusto ko. May pagkakataong pag gusto ko dating mapag-isa, pumupunta ako sa kubong ito sa bukid.
Looking back, iba na ang buhay ko ngayon. Ang dating bukid na lage kong nakikita ay minsan ko na lang mabisita. Puting buhangin na kasi ng Isla ng Boracay ang aking nilalakad. Ang dating libangan kong saranggola ngayun Internet na, DSLR camera, PSP, laptop at kung ano pa. Ang dating alagang kalabaw, ngayon wala na. Wala na akong alaga. Nakakamiss. At ang dating palayan, beach na. At kung dati kaming tatlo ang magkasama, magkatropa, ngayon may kanya kanya na kaming buhay. Kanya kanyang tupad ng bawat pangarap. Dating kapit tuko na akala namin di kami pedeng paghiwalayin pero eventually natutunan naming mabuhay ng malayo sa bawat isa.
Ilang linggo na lang magsasama sama na ulit kaming tatlo kasama ang aming itay. Uuwi na ang aking kapatid sa barko at bago umalis naman ang aking kapatid na babae sa Hong Kong eh magbobonding muna kaming apat. sayang lang at wala na ang aming ina. Malapit ko na ring iwan ang Isla ng Boracay na naging tahanan ko sa loob ng anim na taon. Ililipat na ako sa magulong syudad. Good luck sa trapik at gud luck sa panibagong kabanata ng buhay.
this is it....
Ahhh, so you're moving to the city now... Welcome! Haha
ReplyDeletenakakatuwa yung kwento... ako kasi hanggang sa libro, kwento at tv ko na lang nalalaman ang buhay probinsya. napaka simple lang talaga ng buhay noon kung ikukumpara mo ngayon.
ReplyDeleteprovince life...i miss it... :0
ReplyDeletepadaan po sa blog..nice post :)
san city ka magmomove?dito ba sa manila?ahihihi
ReplyDeleteThis is like my story :) Being promdi is not really bad than branding yourself a "city guy". Sometimes, being exposed in a province showcases the picrue of real life :) Great Post :)
ReplyDeletehttp://kennethics.blogspot.com/
@Michael--Yeah. sooner bro
ReplyDelete@Artiemous-subrang simple pero subrang saya. Rakenroll ang buhay sa probinsya
@Vic-masaya aman talaga di ba? :-)
@Mark-ill let you know soon. :-)
@wicked Writer-walang masama sa pigiging promdi. yong ibang sa city lumaki gustong maexperience how it is like in the province just as the promdis would like to know hows it in the city :-)
Salamat sa lahat ng dumaan.
MUCH LOVE!!!
hello, just droping by..... nice post =)
ReplyDeletenice post sir :) reminds me of the province life. reading this post has left me an indirect experience of probinsya once again
ReplyDelete