Are you one of us?

January 25, 2012

palengke

Hindi lahat ng ating GUSTO ay maari nating makuha, yon ang realidad. Yon ang totoong nangyayari sa totoong buhay. Pero mabait SYA dahil lahat ng KAILANGAN natin, di na kailangang hilingin pa. Kusa na NYA itong ibinibigay, ng walang kapalit. SIYA ang ating tanging sandigan. 

Ang buhay daw parang isang malaking Quiapo, kung mahina ka maagawan ka. Maaring tama at totoo sa iilan, at maari din namang hindi para sa iba. Kanya kanyang opinyon at interpretasyon base sa kanya kanyang pinanggagalingan. Ang buhay din minsan ay parang palengke. Marami kang pagpipilian. Nasa sa iyo ang desisyon kung ano ang pipiliin mo. Gaya ng buhay, lahat ng GUSTO at KAILANGAN mo ay maaring nakalatag na sa harap mo. May pagkakataon din kelangan mong hanapin ang gusto mo. May mga pagkakataon namang ang akalang mong ayaw mo, ay binalikan mo dahil paglipas ng ilang saglit, mas naisip mong mas gusto mo pala ang unang inayawan mo. May panahon ding ang gusto mo ay "taken"  na nang iba. At ang "taken" na yon ay sya palang gustong gusto mo, ang syang mahal mo, na pag-aari na ng iba. Sinubukan mong makipagtawaran. Makipagpaligsahan sa kasalukuyang nagmamay-ari, pero ayaw nang bitawan dahil gaya mo, gusto at mahal din nya ito. May kirot at sakit na naramdaman sa pagkabigong naranasan, at sa paglisan sa palengkeng hindi kasama ang gusto at mahal mo, luha mo'y unti unting tumulo.

Bumalik ka kinaumagahan kahit alam mong wala ka naman talagang maaring asahan. At pagdating sa palengkeng naging saksi ng iyong kabiguan, nakumpirma mong ang iyong sadyang binalikan, ay tangan na at pag-aari na ng iba. Sa ikalawang pagkakataon, lumuha ka. Lumuha ka hudyat ng pagsuko. Pero hindi lahat ng pagsuko, hudyat ng pagkatalo. Minsan ang pagsuko ang syang pinakamatapang na pede mong gawin para iiwas na rin ang sarili na lalong masaktan. Alam mong wala ka na talagang laban, at walang ibang paran kundi ang sumuko sa katotohanan. Dahil tanging ang katotohan lang ang pwedeng magbigay sa iyo ng tunay na kaligayahan.

Hindi lang iisa ang palengke. Maaring ang gusto mo ay matagpuan mo sa ibang palengke o maaring sa palengke pa ring yaon. O baka naman ang talagang hinahanap ng iyong puso ay nasa tindahang katabi lang ng bahay nyo, lumayo ka pa. O baka kelangan mong mag level-up at subukan sa mall. Sigurado akong matatagpuan din yan. Kung kelan, saan, at paano, tanging panahon lang ang pwedeng makapgsabi sa iyo. Bsta laging isaiisip, kelangan lahat totoo.

January 21, 2012

Panawagan kay Juan

Sa mundong ating ginagalawan kung saan ang opinyon at sinasabi ng ibang tao ay mas pinapahalagahan ng karamihan, wari'y napakakumplikado ng buhay. Na kung saan ang bawat ginawa, at gagawin mo pa lang ay maaring husgahan nang walang sapat na batayan, hanggang saan mo ipaglalaban ang iyong pinaniniwalaan.

Hanggang saan nga ba ang dapat na hangganan? Ano ang dapat paniwalaan? Sino ang dapat pakinggan?

Sa araw-araw nating pakikibaka sa buhay, at sa pakikisalamuha sa kapwa, dumadating ang pagkakataong ang paniniwala natin, at ng mga taong nakapaligid sa atin ay hindi magkatugma. Parehong para sa bawat isa ay tama. Ipaglalaban ang pinaniniwalaan. Paniniwalang minsan naging ugat ng napakaraming kaguluhan.

Kelan dapat magpakumbaba? At kelan aamin sa kamalian natin? Kelan titigilan ang turuan? Kelan matatapos ang sisihan? Hanggang kelan magbabangayan? Sino ang gagawa ng paraan? Kelan isusuko ang pride? Sabi nga ng isang kaibigan, ang pride parang panty, kung di mo ibababa, walang mangyayari. Kung lahat ay matututong magbaba ng panty, este ng pride, maraming magaganda ang pwedeng mangyari, sa iyo, sa akin at sa karamihan.

Tayo ang simula. Oo tayo. Ikaw mismong nagbabasa neto. Sabihin sa sariling "Ako ang Simula". Ako at tayo dapat maging simula ng pagbabagong gusto nating makamit at makita. We should be the vehicles of change that we wanted. Hindi dapat iasa sa iba. Hindi dapat iasa sa mga taong isinulat mo sa balota nong nakaraang eleksyon. Masakit isipin, pero karamihan sa kanila ay makakalimutin. Mahirap tanggapin na karamihan sa pangako nila ay sadyang napapako. Mangako ka na lamang sa sarili mong sa susunod na balotang mahahawakan mo, ang isusulat mo ay ang pangalang sumisimbolo sa PAG-ASA. Pag-asa hindi lang para sa iyo kundi pag-asa para na rin sa iba, para sa iyong kapwa at para sa mga bata. Pag-asang lahat naman tayo'y umaasam. Pag-asang tila mailap sa bawat mamamayan.

Wari ko'y ang panawagang ito sa bawat Adan at Eva ay hindi naman kahirapan. AKO at TAYO ang simula. Pagbabagong asam mo? Simulan mo!!! Ang Pagbabagong gusto ko, sisimulan ko. gawin nating ang kung ano ang tama, hindi kung ano ang dikta ng nakapaligid sa atin. Gagawin nating ang TAMA dahil ito ang DAPAT. Ikaw tatanggapin mo ba ang hamong ito?

Magkaisa tayo para sa pagbabago.... 
Ikaw, anong gagawin mo?
Mangangako ka bang ang lahat ng pangako mo ay di mo ipapako?
Kikilos ka ba?
Tara na.
Ako at Tayo
ang tanging simula!!!

January 18, 2012

kanta mode, emo and arte mode


kung liligaya ka sa piling ng iba.....
wadapaks. bigla bigla nalang yun ag kinanta ko, at di ko namalayang habang sintonado kong kinakanta with matching feelings kontodo de emote ay  may mga ngiting sa labi ay namutawi.. yay. takte naman, may naalala akong taong naging parte ng buhay ko  remember me lang ang drama...

at dahil naumpisahan na ang entry na to ng may kanta, itodo na natin to!!!

saan ka man naroroon...
kahit alam ko kung nasaan ka ngayon dahil sa tulong ng ating mga kaibigan at sa tuloy tuloy  naman anting komunikasyon, isama mo na ang pag tsetsek ng facebook mo araw araw, alam ko masaya ka. Yon naman talaga ang gusto ko. Ang lumigaya ka kahit ibig sabihin non ay sa piling ng iba. Masaya na akong malaman ko maligaya ka kahit hindi ako ang dahilan non.

someday it gonna make sense...
malamang hindi nga maganda ang paghihiwalay natin, at normal naman siguro yun sa mga naghihiwalay, but time heal all wounds and eventually, we manage to be friends as i believe. Ironic it may seem, pero sa di alam na dahilan tayo'y naging magkaibigan. Maybe we're better off as friend. Nasa guhit na ata nga ating mga palad na hanggang magkaibigan na lang tayo. kaibigan lang pala ang tadhanang naitakda para sa ating dalawa.

break it to me gently....
nong mga panahong malabo na tayo at nong mga araw na sinabi mong wala na talaga pwedeng asahan pa, pagkat merong na ngang iba, eto yung gusto kong kantahin. break it to me gently....wag mong biglain. napakasakit kuya eddie... ang sakit, ang sakit sakit arte lang

i can make it through the rain...
sobrang emo ko non. OA na nga. ikaw ba naman ang masaktan. me pa-suicide suicide pang nalalaman. takte kung natuluyan ako non amfanget. sising sisi siguro ako. kasi kung titingnan mo ako nayun lalong gumwapo LOL. letche . sayang di ba?

Half crazy...
dahil di pa maka moved-on, sobrang damang dama ang kantang to. über drama. sa sobrang pag dradrama ko sinubukan ko din kontrolin ang daloy ng mga luha sa mata. iesyet bumabaha ang luha.pero sa kalaunan enough is enough din naman ang sinabi ko sa sarili ko at nagdesisyung mag move-on, move forward....

may bukas pa...
para makamove-on na agad agad dahil OA na nga, paulit-ulit ko pinapatugtog ang kantang to, sa work, sa bahay, sa cp...sa umaga, sa tanghalian, sa hapunan at sa breaktime theme song ko to. paulit ulit, ngayon sabihin nyo sa akin, sino ang baliw? i just dont know if it help though ....

I will survive...
yak. as in yak. sobra na. wala ng kwenta ang pag dadrama. pumapangit na, pati disposisyun ko sa buhay ay sumasablay, kaya ang bagong game plan? enough na sa drama, move-on at magpgwapo ng todo (wala nga lang nangyari)...

paalam na aking mahal...
hindi dahil patay ka na. buhay na buhay ka nga eh, pero kailangan ko nang ibaon sa limot ang mga pinagdaanan. bitawan ang ang mga bagay bagay na wala naman nang patutunguhan. tsaka puntong eto, nagdesisyon na akong lumimot. masakit pero yun ang dapat. babangon ako at dudurugin kita at bubuuin ko ang sarili ko.... ng mas gwapo.... bonus na to.

ang pag-ibig ay sadyang ganyan...
at nong natanggap na ang mga pangyayari, talagang ganun nga ang pag-big. minsan masaya. minsan hindi pero ang mahalaga natuto tayu sa mga nangyari. hindi masamang magmahal at kakambal neto ay ang masaktan. sabi nga nang tatay ko dati, " kung hindi ka handang masaktan, wag kang magmahal." Hindi ko naintindihan yon dat,i pero sa nangyari, napagtanto ko tama sya.

ngayon pareho na tayong nakamoved-on. magkaiba na ang ating musika. Kanya kanya na tayong sumasayaw sa sa tugtog ng kanya kanyang buhay. hangad ko ang kaligayahan mo. it's almost a year now and its over. eto lang ang masaabi ko kaibigan hanggat akoy humihinga may karamay ka :-)

ikaw, anong kanta ng buhay mo?...


please also visit my other blog  CLICK HERE

January 16, 2012

It's More Fun In Aklan (Ati-Atihan Festival 2012)

Everyone is on mardi gras mode. Majors streets in Kalibo and Makato Aklan burst in bright colors as dancers wearing beautiful costumes danced to the beat of the drums and lyres under the scourging heat of the sun. It's Ati-Atihan Festival once again.

The Dancers












Faces of Ati-Atihan






























The Celebrant












Kalibo Cathedral




Aklan's Best







for more pictures of the Ati-Atihan Festival 2012 please visit my other blog. CLICK HERE

January 13, 2012

blind item

Kalimitang sinasabi, bastos ang bata kapag sinagot ang isang matanda o ang may mas edad sa kanya ng pabalang. Ngunit, ano naman kaya ang tawag sa matanda na kung sumagot sa di hamak na mas bata sa kanya eh pabalang?

eto ang eksenang sa lahat ay ayaw ko mangyari. In short ayaw ko maging bastos. maginoo ako at ayoko maging bastos.  Ang seste, meron kasi akong kakilala o sabihin na nating kasama sa  trabaho na mas higit na nakakatanda sa akin. Im in my late 20s na, wag na ibulgar kung ilang taon na ako kasi kung pipilitin nyo ako hindi ko sasabihing 28 na ako, kaya I consider myself as "fully develop adult", virgin pa,... ang ilang bahagi ng katawan at meron din namang totally laspag na. Hindi na ako bata at hindi rin naman ako matanda. Ang kwento kasi, minsan o mas madalas pa talaga sa minsan, inaatake ng mood swings ang subject at madalas eh pabalang talaga kung sumagot which in the end apektado ang performance at delivery ng custumer service. Much that I would really emphasize what is professional and what is not, di naman talaga pede kasi the person I am reffering to, is sorry for this close minded. I know I may not be in the position to correct this attitude since I am not his supperior and much worse, we are just of the same job level and for few times I tried to talk to the person involve to address such issues but to no avail,  nothing had happened. disappointed much.

balik sa tanong, anong tawag sa ganyang uri ng nilalang na kung makasagot eh parang ewan? kung ang batang sumasagot sa matanda ng pabalang eh bastos? siya kaya pedeng matawag na "mas bastos"?. Nagiging habitual na kasi ang ugali niyang ganito. Pero wala din naman akong magawa, kasi alam ko naman na tatanda din ako. Takot sa karma? hahhaha O baka adik si ate/manang?


at bilang magandang subject pag-aralan ang mga ganitong uri ng ugali, pinilit kong bigyan ng magandang at nakakatawang mga rason kung bakit sya ganyan :-)
1. Nagmemenopause-malaking porsyento na ganito ang ugali nya ay dahil sa malamang na nagmemenopause na nga talaga si ate. Tuyot na ang kanyang spratlys island kaya siguro ganon, laging mainitin ang ulo. Medication needed? kelangan nya ng bumbero para mabombahan ang nag-iinit sa kanya. I repeat BOMBAHAN!!!
2. Vetsin (MSG) Overdose- sabi nga, lahat ng sobra eh masama sa katawan. Baka di nya nakontrol ang paglagay ng vetsin(MSG) sa mga niluluto nya kaya ayun na naapektuhan ang mood nya.
3. Insomia attact- dahil sa pareho kaming graveyard baka kulang sya sa tulog sa araw. Medication needed? kelangan nya ang power suntok ni Paquiao para matauhan, este para mahimbing ang tulog, yun nga lang baka sa emergency room na sya magising.
4. Trip lang nya magpaka mean-o baka gaya ko rin syang malakas mangtrip. Baka trip nya lang ang laging magpaka-mean para may magawa lang sya sa buhay. Medication needed? pagtripan nya ang sarili nya para maasar din sya sa kanya.
5. Inborn na-baka sadyang inborn na nga talaga ang ugali nyang ganito. Baka nong nilalabas sya nang nanay nya eh natagalan kaya ayun mainit agad ang salubong sa kanya.
6. Memories-baka naalala o nakikita nya sa akin ang ex boyfriend nyang saksakan ng gwapo, na biniyayaan ng sandamakmak na sex appeal na syang bumaboy, yumurak, lumapastangan, nang-api, nang-alipusta at nang-iwan sa kanya dahil hindi sila bagay dahil beauty and the beast pa lang ang movie non at wala pa kahit hanggang ngayun ang movie na handsome and the pangit. sad sad sad....

but more than this, though Im making fun out of it, something needs to be address and at this point nothing else I can do kundi habaan pa lalo ang pasensya at understanding. Baka sadyang may pinagdadaanan lang ang tao. Di nman siguro masama ang umintindi at magpasensya.

till next folks....

January 6, 2012

dragon sa bagong taon

amputakels. pastilan dude. pakshet. yang ang mga murang gustong kumawala sa pretty pouty lips ko kanina. taena naman kasi, almost 25 percent ng oras mo sa trabaho ay naibuhos mo na lang sa paghahanap ng maling entry para lang magbalanse ka sa report mo. Nyets naman, bakit kasi may mga taong nakuhang magsubmit ng report kahit alam nilang mali naman. Dahil ba pedeng itama yun ng gagamit, ganun na lang? At kung masita mo, daig pa ang abogado sa korte kung makapagrason. Kesyong busy, kesyo anong oras na etsetera etsetera....

Haistttttttt. That was what happened last night. Gumising ng maaga, nagpagwapo ng bonggang bongga at inspiradong pumasok sa trabaho. First few hours sa trabaho, i was doing pretty fine. Then, nakakita na nang isang mali sa report, at isa pa, at isa pa, at isa pa ulit, hangang sa tuluyan na ngang  di mabalanse ang report ng dalawang revenue outlet. Walang choice kundi hanapin at itama ito. I spent more than two hours sa paghahanap at pagtatama ng mga mali. Dumudugo na utak ko, para na kong rereglahin. isyet. 

At nong matapos at maayos na lahat, sobrang masaya. Ibang klaseng high. Sobrang satisfied. Yong tipong sobrang saya kasi nakasex ko ang isa sa mga angels ng Victoria Secret. whew.Ganun ang buhay ko lage sa Audit. Habang ginagawa at inaayos ang report sobrang init ng ulo parang dragon, nasa boiling point ang kumukulong dugo, parang yung tipong kahit anong oras eh bubuga ng apoy. While on the process of correcting those entries and even the simple computation na sumasablay na di mo alam kung mali ba ang calculator o ewan, sobrang masakit sa ulo pero pag nakita mo na kung bakit nagkaganun at naayos mo, yon sobrang fulfilling ng pakiramdam.

but more than that, I will be forever grateful to the job I have right now. Patience is measured to its maximum level. Every working day/night is a great opportunity for me to develop and define myself. Kahit tipong gustong kumawala ng mga malulutong na mura, you need to be composed. Sometime its better to be nice than being right, with limitation of course. Kung kaya lang naman umintindi at magpasensya gagawin ko.

ikaw anong kwento mo sa trabaho mo?