Are you one of us?

January 21, 2012

Panawagan kay Juan

Sa mundong ating ginagalawan kung saan ang opinyon at sinasabi ng ibang tao ay mas pinapahalagahan ng karamihan, wari'y napakakumplikado ng buhay. Na kung saan ang bawat ginawa, at gagawin mo pa lang ay maaring husgahan nang walang sapat na batayan, hanggang saan mo ipaglalaban ang iyong pinaniniwalaan.

Hanggang saan nga ba ang dapat na hangganan? Ano ang dapat paniwalaan? Sino ang dapat pakinggan?

Sa araw-araw nating pakikibaka sa buhay, at sa pakikisalamuha sa kapwa, dumadating ang pagkakataong ang paniniwala natin, at ng mga taong nakapaligid sa atin ay hindi magkatugma. Parehong para sa bawat isa ay tama. Ipaglalaban ang pinaniniwalaan. Paniniwalang minsan naging ugat ng napakaraming kaguluhan.

Kelan dapat magpakumbaba? At kelan aamin sa kamalian natin? Kelan titigilan ang turuan? Kelan matatapos ang sisihan? Hanggang kelan magbabangayan? Sino ang gagawa ng paraan? Kelan isusuko ang pride? Sabi nga ng isang kaibigan, ang pride parang panty, kung di mo ibababa, walang mangyayari. Kung lahat ay matututong magbaba ng panty, este ng pride, maraming magaganda ang pwedeng mangyari, sa iyo, sa akin at sa karamihan.

Tayo ang simula. Oo tayo. Ikaw mismong nagbabasa neto. Sabihin sa sariling "Ako ang Simula". Ako at tayo dapat maging simula ng pagbabagong gusto nating makamit at makita. We should be the vehicles of change that we wanted. Hindi dapat iasa sa iba. Hindi dapat iasa sa mga taong isinulat mo sa balota nong nakaraang eleksyon. Masakit isipin, pero karamihan sa kanila ay makakalimutin. Mahirap tanggapin na karamihan sa pangako nila ay sadyang napapako. Mangako ka na lamang sa sarili mong sa susunod na balotang mahahawakan mo, ang isusulat mo ay ang pangalang sumisimbolo sa PAG-ASA. Pag-asa hindi lang para sa iyo kundi pag-asa para na rin sa iba, para sa iyong kapwa at para sa mga bata. Pag-asang lahat naman tayo'y umaasam. Pag-asang tila mailap sa bawat mamamayan.

Wari ko'y ang panawagang ito sa bawat Adan at Eva ay hindi naman kahirapan. AKO at TAYO ang simula. Pagbabagong asam mo? Simulan mo!!! Ang Pagbabagong gusto ko, sisimulan ko. gawin nating ang kung ano ang tama, hindi kung ano ang dikta ng nakapaligid sa atin. Gagawin nating ang TAMA dahil ito ang DAPAT. Ikaw tatanggapin mo ba ang hamong ito?

Magkaisa tayo para sa pagbabago.... 
Ikaw, anong gagawin mo?
Mangangako ka bang ang lahat ng pangako mo ay di mo ipapako?
Kikilos ka ba?
Tara na.
Ako at Tayo
ang tanging simula!!!

2 comments:

  1. Tama. Mag kaisa tayo. AKO ANG SIMULA. Ako mismo magbabago ako para sa kabutihan.

    ReplyDelete
  2. tnx Inong. Tayo ang simula :-)

    ReplyDelete