amputakels. pastilan dude. pakshet. yang ang mga murang gustong kumawala sa pretty pouty lips ko kanina. taena naman kasi, almost 25 percent ng oras mo sa trabaho ay naibuhos mo na lang sa paghahanap ng maling entry para lang magbalanse ka sa report mo. Nyets naman, bakit kasi may mga taong nakuhang magsubmit ng report kahit alam nilang mali naman. Dahil ba pedeng itama yun ng gagamit, ganun na lang? At kung masita mo, daig pa ang abogado sa korte kung makapagrason. Kesyong busy, kesyo anong oras na etsetera etsetera....
Haistttttttt. That was what happened last night. Gumising ng maaga, nagpagwapo ng bonggang bongga at inspiradong pumasok sa trabaho. First few hours sa trabaho, i was doing pretty fine. Then, nakakita na nang isang mali sa report, at isa pa, at isa pa, at isa pa ulit, hangang sa tuluyan na ngang di mabalanse ang report ng dalawang revenue outlet. Walang choice kundi hanapin at itama ito. I spent more than two hours sa paghahanap at pagtatama ng mga mali. Dumudugo na utak ko, para na kong rereglahin. isyet.
At nong matapos at maayos na lahat, sobrang masaya. Ibang klaseng high. Sobrang satisfied. Yong tipong sobrang saya kasi nakasex ko ang isa sa mga angels ng Victoria Secret. whew.Ganun ang buhay ko lage sa Audit. Habang ginagawa at inaayos ang report sobrang init ng ulo parang dragon, nasa boiling point ang kumukulong dugo, parang yung tipong kahit anong oras eh bubuga ng apoy. While on the process of correcting those entries and even the simple computation na sumasablay na di mo alam kung mali ba ang calculator o ewan, sobrang masakit sa ulo pero pag nakita mo na kung bakit nagkaganun at naayos mo, yon sobrang fulfilling ng pakiramdam.
but more than that, I will be forever grateful to the job I have right now. Patience is measured to its maximum level. Every working day/night is a great opportunity for me to develop and define myself. Kahit tipong gustong kumawala ng mga malulutong na mura, you need to be composed. Sometime its better to be nice than being right, with limitation of course. Kung kaya lang naman umintindi at magpasensya gagawin ko.
ikaw anong kwento mo sa trabaho mo?
mapalad ka at may trabaho ka ..hehhe
ReplyDeleteako tambay..
Good thing na manage mo ng mabuti ang stress sa work :)
tama ka :-) dapat ipagpasalamat at may trabaho.
ReplyDeletestress management :-)