sa halos araw araw na pag uwi ko mula sa puyatan (trabaho) dito sa isla ng Boracay, lagi kong nakakasalubong ang isang pamilyar na mukha. At sa tuwing magtatama ang aming mga paningin (na hindi naman sinlagkit ng biko na pang handa sa araw ng mga patay) ay nag iismayl sya na tipong magkakilala kami. Ako naman si etong not so suplado not so friendly, isang tipid(takot mamulubi?) na ismayl lang din ang sukli ko sa ismayl nya.
at sa araw araw na ginawa ni Daddy God na nakakasalubong ko si Ms. Maganda, araw araw ko ding iniisip kung saan at pano nga ba kami nagkakilala. Ano nga bang konek naming dalawa sa buhay. Baka naman pareho kaming love birds sa past life namin, o di kaya baka sya si Eba at ako si Adan, o malamang baka isa syang sirena at akoy hamak na syokoy noong unang panahon. Pwede rin namang isa akong hari at syay isang dakilang utusan ko. At sa kakaisip ko ng ganito, di ko namamalayang nasa bahay na ako at matutulog na naman.
Ngunit nitong nakaraang linggo, araw ng biyernes, nataon na wala akong trabaho at nagpasyang maglakad lakad sa beach ng Boracay. Nataon din namang wala syang pasok at ewan ko kung bakit dun sa lilim ng punong inuupuan ko eh nandun din sya malapit at nagmumuni muni. Nong paalis na sya, di ata ako napansin na nakaupo lang don, pagdaan nya sa harap ko, at last napansin din nya si Adonis (pero kasalukuyang nagkukunwaring pangit na nagtatago sa aking mukha't katawan) sabi nya Harold right? Yeah.(wow english) ang tangi kong nasagot(pero sa likod ng utak ko, yihey sabi ko na nga ba sikat ako!!!) Para makilala ko na si ate, kasi di ko talaga maala sya kung sino sya, tinanong ko na lang kung sino sya....
Sabi nya. Ako yong klasmeyt mo nong grade one na anak ni ****** pero nong grade two lumuwas ng manila at don na nag-aral hanggang college. (wow naman naalala pa ako. walang pinagbago sa mukha ko, walang theory of evolution) Dagdag pa nya. Alam mo ang kulit kulit mo dati. (hanggang ngayun pa naman kaya, di mo lang alam). Sa puntong ito naalala ko na si ate. Sya pala yong inaway ko dati kasi nakita nya ang aking bird at pinagtawanan ako sa harap ng mga kalaro ko. Akalain mo ba naman kasing butas pala ang short ko at ewan ko ba kung uso na ang underware noon pero di ko matandaan kung bat wala akong brief non. Ayun tampulan ako ng tukso ng mga kalaro ko na kesyo ang bird ko daw ay akmang lilipad na. waaaaahhh. Sa subrang pikon ko, isinumpa ko sa sarili ko(actually isinumpa ko sa harap ng teks na napanalunan ko) na di matatapos ang araw na makakaganti din ako sa nognog na to.
Pagdating ng hapon, ayun playtime muna kami. Buti na lang si titser me high blood kaya hinayaan muna kami maglaro ng ilang minuto para makapagpahinga naman sya. Habang naglalaro sila ng ewan ko kung ano tawag don basta me kantang "sasara ang bulaklak, bubuka ang bulaklak" something like that. sabi ko sa mura kong isipan, this is it, pansit!. Ayun, bigla ako lumapit at hinubad shorts nya habang nakatalikod sya and voila kita flower nya hahahah. panalo ang moment na yon. Sabi ko quits na tayu, u see my birdie, I see your flower, my witness pa hahahah. That time sobrang wala lang sa akin kasi di ko naman alam kung anong uri ng flower meron sya. Yon ba eh daisy, rose o sunflower. Ngayung matanda na ako lnapagtanto na parang bulaklak lang pala ng kampupot kasi nga bata pa si ate that time. whew. asaran talaga ang oras na yon at pareho kaming umuwing umiiyak kasi pinalo kami ng ruler ni titser.
Habang naguusap kami ni ***** napansin nyang may kakaibang smile ako. At alam kong alam nya kung ano iniisip ko. Sabi nya, siguro iniisip mo kalokohan mo dati ano? Wala akong nagawa at umamin na lamang yon nga ang naiisip ko. Ang birdie at ang flower.
Sa ngayun, di na sya stranger. Di na basta smile lang pag nagkakasalubong kami, mayron ng HI at HELLO Magkakilala na kami at di na rin kampupot ang flower nya. Di ko na alam ang tawag sa ngayun basta isa lang ang sigurado ako. di namatatawag na kampupot ang sa kanya at di na birdie tong akin. Kayu na bahalang gumawa ng paraan para malaman nyu...
till next time.....

No comments:
Post a Comment