ngayong araw na to ay ang ika 60th kaarawan ni erpats(ayun sa kanyang birth certificate) pero October 8 nya lagi ito siniselebrate dahil ayun sa aking lolang namayapa na eh Oct. 8 daw talaga ipinanganak ang gwapo kong ama(ngayun alam nyu na kung san ako nagmana:-) (walang basagan ng trip, blog ko to tsaka beerday pa ng erpats ko)
Sobrang masaya ako at malakas pa ang tatay ko sa edad na 60. (oo malakas pa uminom hihihi) Pero sa usapang seryoso, malakas pa talaga ang aking ama. Dala siguro na laking mahirap at (tumandang mahirap,na parang ganun din ang takbo ng buhay ko). Yaong banat sa trabaho na di na kelangan ang gym gym na yan para mapalakas ang katawang lupa ni itay. Kayud kalabaw ika nga, pahingang pagong hahahha.
Isa sa mga rason kung bakit ako natuwa, liban don sa 60 taong biyayang binigay sa kanya at sa aming mga anak nya, eh yong thought na sa wakas magkakaroon na ng Senior Citizen Id card si erpat kong mahal. Ibig sabihin bente porsyentong diskwento sa sasakyan, gamot, kung kung ano ano pa. Pag uwi ko ikukuha ko sya ng SC card para naman mapanindigan nyang Senior Citizen na nga sya at para na din ipaalaala sa kanyang kelangan na nyang mag menor sa lahat ng bagay(pwera paghinga). Menor sa matabang pagkain(na kung tutuusin eh minsan lang naman matikman dahil luxury na yun sa kanya) Hinay hinay sa matatamis at baka madiabetes. Dahan dahan sa inom at alak. (Ako ng bahalng maglaklak ng para sa kanya ultimate sacrifice yon LOL at bawas sa yosi. ako na hihithit para sa kanya)
Sa iyo aking ama, happy kaarawan. Naway bigyan ka pa ng mas mahabang buhay, malakas na pangangatawan at sandamakmak na biyaya.
No comments:
Post a Comment