Limang taon. Limang taong mahigit na palang binaliktad ko ang mundo. Sadya lang talaga sigurong iba yong trip ko at inabot ako sa ganitong klaseng uri ng eskedyul sa trabaho. Pasok ng alas onse ng gabi labas ng alas syete kinaumagahan (na hindi pa naman nangyayari pagkat sayang ang free na breakfast hahaha). Minsan pag inabot ka ng malas, gaya ng holiday, inaabot ng hapon sa kakabalanse ng Financial Reports. Ika nga kahit tirik na tirik na ang araw at mugtong mugto na ang iyong di kagandahang mga mata eh kelangan tapusin at balansehen ang trabaho. Pero di naman sa lahat ng pagkakataon eh ganito. Pag holiday lang. Christmas, New year, holy week, chinese new year at iba pa kung saan ang sarap gumimik sa isla ng boracay pero ako etong nasa trabaho at nakuntento na lamang sa pa ismayl ismayl sa mga taong dumadaan at nakakasalamuha. Bakit pa kasi me holiday holiday na yan (hahahah bitter lang)
Minsan tinanong ako. Bakit ako tumagal ng ganito? Napaisip ako. Bakit nga ba? At sa kakaisip ko, sa kamalas malasan eh wala din naman akong nabuong konkretong sagot. Basta alam ko nag-eenjoy pa ako. Ang sarap kaya. Try mo (hahaha)
Sa bawat gabing gising ako sa kakaharap sa computer at sa mga papel na kelangan mong i-tsek(sana nag titser na lang ako) at isama mo pa ang makukulit na bisitang kelangan mong pakibagayan ng maayos kahit gusto mo nang mangbato ng ballpen at kung anong nasa harap mo dahil hindi ka magbalanse, lahat ng yon ay may kwento. Di lahat eh masaya pero di rin naman lahat malungkot.
Kabilang sa mga di makakalimutang karanasan eh yung makikipag away ka sa guest. Ang mahirap don eh yong guest mo eh puti. Duguan. Kung nakakamatay lang ang pag iingles malamang matagal na akong patay at malamang marami nang nabilanggo dito sa isla. Sa mga koreano(sorry po, pero di naman lahat) naman na di masyadong magaling mag ingles dahil ang alam lang eh ang simpleng hi at hello, di rin matatawaran ang effort na iarte mo kung ano ang gusto mong sabihin. Anong sinabi ni Jhon Lloyd sa akting mong pamatay.Pamatay sa tawa, pero ang importante don eh nagkaintindihan kayu. Pero nitong huli, nakaisip ako ng ibang diskarte. E-drawing mo lahat ng gusto mo eexplain. Kung sa dami ng tanong at kelangan mo lahat sagutin yun sa pamamagitan ng drawing, abay abuso na yan. Isulat mo na lang ang simpleng "thank you" sabay talikod and make yourself busy hahahaha.
sabi, wala naman daw trabahong madali, pero ang lahat ng oras eh pwede nating gawing memorable. Nasa sa atin na yon kung pano ienjoy like a tsiken joy ang bawat sandali... basta ako, kahit di man kami nagkikita ni haring araw okey na din at least di magastos sa kakapahid ng kung ano ano para lang pumuti, (di gaya ng iba jan) yon nga lang eh, mas maputla ka pa sa suka at tanging mapula sayo eh yong dila mong laging basa...
Ang sarap kaya. try mow!!!

No comments:
Post a Comment