Hindi ako sanay na ganun sya. Walang imik. Mula sa malayo ay tanaw mo ang kalungkutang pilit kinukubli ng kanyang mukha. Mababanaag mong may kung anong bigat na nararamdaman. Kung di ko lang kilala ang mokong na toh.
Misteryoso. Ang dating masayahin ngayon ay balot ng misteryo. Ubod ng tahimik pero dama mo ang kanyang presensya. Walang namang ginagawa pero may kung anong nakakahawa sa kanyang nararamdaman upang makramdam ka ng lungkot. Lungkot para sa isang kaibigan na akala mong matagal mo nang kakilala.
Sa ilalim ng puno ng niyog sa tabi ng beach, matamang nakaupo. Mata'y nakapako sa malayo. May panaka nakang buntong hininga at sabay nito ay ang pagdakot ng mapuputing buhangin sa harap nya. At sa bawat pag-agos ng buhangin mula sa kamay ay kasabay ang pagpakawala ng isang damdaming di mapagtanto. Gusto kong lapitan at amuin pero pano mo magagawa, kung sa pag lapit mo pa lang, ay sasalubungin ka na nag isang masayang mukha. Oo ganon sya, sa harap ng iba, ay masaya, makulet at puno ng buhay. Kung di ko lang kilala 'tong mokong na to sasabihin kong walang problema.. Minarapat ko na lang na makuntento at masdan ng palihim ang kanyang ginagawa. Alam kong higit kelan man, ngayon nya kelangan ng kaibigan, pero higit pa don , ngayun nya kelangan ng katahimikan, ang magsolo.
Kaibigan. Alam ko marami sya non. Iba-iba. Asan na kaya sila ngayon. Lahat ng tawa ng kaibigan nya ay sinakyan nya. Lahat ng drama sa buhay nila, ay dumamay sya. Lahat ng sama ng loob ay nasasabi sa kanya. Pero sya?... ewan...kelan nga ba nag kwento ang mokong na to? Kilala sya ng lahat. They know his name.... but not his story....
Sa muling pagyuko, nanatili yon ng ilang minuto. At sa muling pagtaas ng mukha, makikita sa kanyang malamlam na mga mata ang mumunting butil ng tubig na nagbabadyang umagos. Luha. Oo naluluha, at bago pa man yon umagos, ay dali dali at pasimpleng tinakpan ng dalawang kamay ang mukha. Pilit kinukubli ang mesteryosong nararamdaman. Ang dating totoy na pilit binago ng mapagbirong tadhana, ngayon ay isang mama na. Mamang puno ng ambisyon at nagsusumikap sa buhay. Mamang pilit lumalaban sa buhay lalo at may kinalaman yon sa kanyang mahal sa buhay. Mamang ngayon ay nasa kawalan.
At sa unti unting pag lubog ng araw, kung saan ang liwanag at dilim ay nag-aagaw, ang luhang kaninay pilit pinipigilan ay malayang pinakawalan. Sa tahimik na hikbi, ay may kung anong hapdi ang pilit pinapawi. Sa piling ng dilim ay nakakita ng tila kakampi. Kakamping kung saan ay tutulungan itago ang hapdi.
Sa piling ng dilim, na kanina'y lilim, tumayo mula sa pagkakaupo. Wala ng ang luha, at isa na lang expresionless na mukha. Mabagal na nglakad, at pagsapit sa liwanag, sabay ulit na nasilayan ang mukhang tila maliwanag pa sa posteng nadaanan. sa dilim, naiwan ang mesteryosong damdamin, na pilit kinukubli pero alm mong iyon ay hapdi. Hapding dulot ng nagdurugong puso.
Wala akong nagawa. Gusto kung amuin pero pano mo aamuin ang mas magaling pa sayo. Pano aamuin ang SARILI mo?.....

"Lord grant me the serenity
To accept thing I cannot change;
Courage to change the things that I can;
And wisdom to know the difference"
rhyming ha... napansin ko lang... :)
ReplyDeletesometimes it is better and more comforting not to hear words, just to know that someone's there is comforting enough.
oh yeah.... glad that you're back here. kelan uli ako makakabasa ng blogs mo?...
ReplyDeletekaya mon yan.
ReplyDeleteTnx buddy. I know kaya to. I will and I can!!! :-)
ReplyDeletenaku... dried up ang utak ko... wala ako sa mood mgsulat... kainis nga! mgcocomment na lang muna ako for a while... hopefully, it will get me in the mood to write again.
ReplyDeletenaku, sa dami ng mga nangyayari sayu ang dami mo kayang pedeng isulat.... :-)
ReplyDelete