Are you one of us?

December 27, 2011

I SURVIVED 2011

 ang blog na ito ay nanganak na. click here

Twenty eleven has been really a good year for me. This soul had been into so much, pains and all that. Needless to say, naramdaman kong tao ako, taong marunong masaktan, magdamdam, magmahal at mabigo. Taong napapagod at taong nilibugan pilit lumalaban. Minsang natalo, pero hindi sumuko. Ganunpaman, lahat ng pinagdaanan, kaakibat ay karanasan. Karanasang humubog sa kung ano at sino ako sa nagdaang taon.

Sabi nila "know your worth" para alam mo din kung anong para sayo. By knowing your worth, you too know what is due to you. What you really deserve. Pero this year, biglang nag-iba ang aking pananaw. Di ko alam kung naging mature ako or what, pero may mga pagkakataong I so feel that I deserve something more than anyone pero I did not brought it up to the person. Bakit? Dahil natuto ako irespeto ang pasya ng iba. Oo nga at "deserving" siguro ako pero malamang hindi ko pa panahon. Timing it is. May kanya kanya tayong moments. The limelight may not be ours, but at times, it's much more fun being behind those glitz and glamour. Sometimes it is much more fun doing things that you love doing with less attention from others. Minsan, ang mga bagay na masarap gawin ay mas lalong sumasarap pag alam mong walang matang nagbabantay sa iyo. 

This year too had made me realize that I should take care of myself. The operation I had last september was a wake-up call that my health had been took for granted. It was really a great turning point in my life. It is not late for everyone (yes including you reading this) to pay attention to your health. Isa lang ang katawan natin. Isa lang ang buhay natin. At pag pinabayaan natin, baka magising ka na lang isang araw huli na ang lahat.

Maraming naging kwento, maraming mga nangyari at saksi ang blog na ito. Naging bahagi na ito ng buhay ko kasama ang 100 na fallowers ko. Sa inyong lahat, maraming salamat. Sa totoo lang, I really dont consider myself as a blogger dahil alam kong marami pa akong kakaining bigas bago ko marating ang gaya ninyo. OO ngat medyo matagal tagal na din akong nagsusulat pero Im still looking forward na makapagsulat ng matino. Pero ganunpaman, masayang masaya pa din ako dahil naging bahagi kayo ng buhay ko at ng blog na to. Sana sa twenty twelve magkasama pa din tayo. Palitan ng opinyon, kuro kuro, kwento at komento. hanggang sa muli, mga kaibigan :-)

oo nga pala, nanganak ang blog naa ito. Sinubukan kong matino ang isulat dito. http://myboracaydiary.blogspot.com Subukan mo din bisitahin. Follow o na din:-)

ikaw anong 2011 kwento mo?

December 25, 2011

happy pasko mga ka-blogs

December 18, 2011

ang aking pagpapaputok!!!

hay hangsaya saya noh!!!(in tita glow accent or pede din yung kay ate gay) isipin nyo yon padami na ng padami ang nag follow sa blog ko at sa twittah (makaslang lang) na kung iisipin eh wa naman talaga wenta kasi puro epal post lang aman ang naisulat ko pero magkaganun pa man happy yipee yihey pa din ako. NagpaCANTON nga ako sa sarili ko (blow-out ba) nong napansin ko dumadami na kayo, at gustuhin ko mang magpaBOTTOMless iced tea, eh di ko trip yon kaya I just obey my thirst I opted to have SEX ON THE BEACH plus BLOWJOB and I ended up lasheng!!! haffyy na me :-)

nong una naman kasi ako nagblog (feeling blogger na talaga) wapakels naman kasi talaga ako kung may magfollow o wala, o kahit nga walang magbasa okey pa din kasi naghahanap lang talaga ako ng outlet para mailabas ko ang dapat kong ilabas, yon nga lang, sa kasamaang palad lahat ata ng nailabas ko ay yung  mga medyo di kagandahan pero at least di ba, (umu-oo ka please) kesa naman di ko sya nailabas, e di papanget ako kung iipunin ko lahat ng di maganda sa loob ko. kuha mo?!!!

may mga pagkakataon at may mga post naman sigurong medyo ayos ang naisulat ko kasi meron din naman nag-abalang magcomment.  Oo, masaya ako, alam ko bonus na yon, para bang tumanggap din ako ng 13th month pay. Lahat naman siguro tayo pag may nagcomment sa post natin masaya di ba? sabihing mong hindi, kung gusto mong pumanget ka sa 2012. But nevertheless, may comment o wala, okey pa din sa akin kasi na achieve naman ang goal ko na "magpalabas" ng saloobin ko, maganda man o hindi. At least "naiputok" ko ang dapat kong iputok at di na umabot sa point na "sumabog" na lang bigla kasi mas mahirap yon. Mas damaging ika nga, kaya alam ko lahat naman nang "nagpaputok" sa pamamagitan ng pagtipa ng kanya kanyang keyboard ay naachieve ang goal ng bawat isa. Ikaw naachieve mo ba?

May mga pagkakataon wala talagang pumapasok sa malikot kong isipan, di ko na lang pinipilit. Ayoko namang reypin, gahasain o abusuhin ko ang sarili kong utak para lang may mai-post. Mas maganda kung ang mga ideya  na gusto nating isulat ay "banayad" o "swabe" ang pagkakapasok. Kahit "hugut-hugutin" o "ilabas-masok" sa utak natin di masakit, di nakakastress at di nakakapanget.

May mga pagkakataon ding ang daming ideya ang gusto mong isulat at di mu alam kung paano at san magsimula. Kailangan mong hubaran ang iyong kaisipan para mabuksan ang kalangitang iyong inaasam, ang maiputok lahat ng nasa loob mo. Heaven ang pakiramdam di ba, kung sa pamamagitan ng pagsulat na alam mong gustong guto mong gawin eh naipalabas mo ang iyong saloobin. Naishare mo ang iyong damdamin at ninamnam ng iba ang pagniniig ng iyong mga daliri, keyboard at ng malikot mong isipan.

lahat tayo may kanya kanyang rason, lahat may kanya kanyang istayl, lahat may ibat ibang pananaw, may kanya kanyang kwento, pero magkaganun paman lahat tayo ay naging masaya kasi wala ka na dito ngayon at di na nagbabasa o nagsusulat kung di ka na masaya sa dito. Sa muli maraming salamat sa nag follow 98 na kayo at 4 don eh nakahide, sa isang blog ko na nasimulan ko lang few days ago ang www.myboracaydiary.blogspot.com 10 na sila at sa twitter na mostly eh bloggers na umabot na din ng 106 as of this writing TECHU VERI MUCH (mommy D style ha?)

happy pasko everyone!!!
love... love... love...

December 12, 2011

the other home

sa wakas may naidagdag din akong isang post sa isang bahay ko. bibihira ko lang talagang mabisita kasi mas namamalagi ako dito. If you want to know more about BORACAY please click here: My Boracay Diary

I will be posting more soon. follow mo na din ah :-)

happy pasko everyone!!!

December 4, 2011

epal.trip.adik.loko.jologs.

Bilang isang alipin ng Hotel Industry  at bilang ampon ng Operations Department kahit Audit ang ginagawa ko, ipinakiusap na rin sa akin na kung maari eh weekdays na lang ako mag-day off, instead of weekends for a very simple reason - mas madaming guest pag weekends kaya more more na alipin ang kailangan. Lahat ng operations department dinidiscourage ang mag off sa weekend pero hindi naman bawal. discourage lang. i repeat discourage lang :-). Ibig sabihin lahat ng uri ng alipin sa pinapasukan ko eh kelangan as much as posible na kaduty free. Kaya mapa aliping sagigilid ka man, aliping namamahay, aliping nakakaumay o kung ano pang trip mong itawag sa gaya naming slave para sosyal naman na eh kelangan nakaduty paulit ulit?

The more the guest, the happier. Mas maraming bisita mas maraming anda tawag ni ate'ng kasama ko sa trabahong laging tralala. At pag maraming pera, more din ang gala. More din ang lafang at minsan kung much much talaga ang tip ng mga aliping pinagpala, kampai na walang humpay ang drama. At kung lahat me amats na at me sobra pa din ang pera na kalimita'y pag gising kinabukasan ay poorita na kasi inubos sa walang kwenta mag-dadagdag pa kahit di na kaya. Ending, hindi nagising sa takdang oras, magtxt kay bisor,  na magsi-sick leave dahil masama ang pakiramdam, at kung wala sa mood ang maLupeta Jones na bisor never, as in wa sya care sa txt. Uupo sa luma nyang kampyuter at paisa-isang mag pindot o kay sarap pumindot ng keyboard at pag print sa kapirasong papel ang nakalagay "please explain with-in 24 hours upon the receipt of this memo as to why you should not be blah blah blah blah" at syempre ikaw naman na syang pinagpala na makatanggap ng grasya, susubukan mo ding pumindot, magdelete, pumindot, backspace at sasakit na ang ulo mo at ipapasa mo na kay Lupeta Jones na bisor ang pinagsinungalingang pinagisipang excuse mo at dahil alam nya naman na lasing ka lang talaga kagabi dahil magkatabi lang ang kwartong inuupahan nyo, eh mag iisyu sa ulit ng kapirasong papel na may nakalagay "2 days suspended without pay" at sa di malamang dahilan di mo alam kung matutuwa ka o magngangawa kasi syang ang 2 days anda, wala kang magagawa kundi ang magpahinga ng bonggang bongga, yun nga lang sa uulitin wala kang pera. i repeat wala kang peeeeeraaaa.

ganunpaman, ang magtrabaho o maging alipin sa industriyang ito di rin naman matatawaran ang mga natutunan mo sa araw araw. Ibat ibang tao ang nakakasalamuha mo, may mabait merong hindi. may maganda at may nagmamaganda. may mapera at meron din namang nagkukunwaring mapera na kung makapag utos kala mo kung sinong senyora. May ingleser at meron ding trying hard. haysssss...

ikaw anong kwentong trabaho mo? bloopers? marami kami nyan, at kung susubukan kong ikwento lahat baka mapagkamalan ka pang sira habang tawa ng tawa sa harap ng iyong precious computer.

subukan mo ito.
1. mag open ng blank microsoft word.
2. titigan ang cursor, magbilang ng 25 blinks at tingnan ang letter "T"sa keyboard mo.
3. Anong napansin mo?
4. Kung wala, subukang yong 50 blinks at titigan uli ang letter "T"
5. Isulat sa comment box kung ano napansin mo :-)

December 2, 2011

magbago? susubukan ko, ikaw try mo :-)

As the year comes to an end, had we evaluated ourselves how well did we live our lives? Ngayon marahil ang pinakamagandang (bago magpasko) pagkakataon para balikan natin ang halos mahigit sa 300 araw na ibinigay Nya sa atin para maging isang mabuting "kapwa" ng bawat taong nakakasalamuha natin sa araw-araw.

Naging mabuting anak ka ba sa mga magulang mo? Naging mapagmahal ka bang asawa? Naging mabuting kapwa ba tayo sa mga taong nakasalamuha natin sa araw araw? Maaring sa sarili mong standards at sariling paniniwala "oo" ang sagot mo,pero ang tanong, sapat na ba ang lahat?. Maaring "hindi" rin ang sagot ng iilan lalo't higit sa mga talagang nagpakatotoo pero dude hindi pa huli ang lahat, may mahigit 20 araw pa para magbago. Maaring hindi sapat ang natitirang mahigit 20 araw para humingi ng tawad, magpakita ng pagmamahal, umunawa o kaya'y magpakumbaba o khit magparaya, pero ganun pa man ang mahalagang punto dito ay nagsimula ka kahit bago magpasko, at ang maganda naman neto ay nakapagsimula ka bago pumasok ang bagong taon. Di bat napakagandang regalo sa kapwa mo ngayong pasko ang bagong ikaw? Di bat napakagandang simula para sa bagong taon ang bagong ikaw? isipin mo dude...

Maaring hindi madali para sa lahat ang baguhin ang sarili natin, pero hindi rin naman mahirap subukan. Lahat tayo may pinagdadaanan, lahat may pinanggagalingan. Pero hindi lang tayo ang tao sa mundo. May mga taong nakapaligid sa atin. May kapwa-tao tayo na dapat din naman nating isipin na gaya natin may pinanggagalingan at pinagdadaanan. Minsan ka na bang nagalit kay mamang driver dahil hindi ibinalik ang sukli mong dalawang bente singko? Nabadtrip ka ba kay boss mo na kung makapagsermon eh daig pa ang prayle? Naumay ka na ba sa kasama mo sa trabaho dahil sa araw araw na lang na ginawa ng Dyos, ang mga katrabaho mo ang paborito nyang topic at kasama ka na don? Nahilo ka na ba sa utot ng kasabayan mo sa elevator na kung magpasabog ay daig pa ang nuclear weapon at ang nakakabadtrip lalo eh sayo nakatingin  ang mga kasama nyo. O malamang minsan na ring nasira ang araw mo dahil sa kilikili ng katabi mo sa MRT/LRT na kung makaangat eh parang first day high lang? Kung iisipin natin, ganun ba talaga kalaki para magalit at masira ang araw at buhay natin. At kung iisipin natin lalo, ganon ba kabigat ang lahat para magpaapekto tayo sa lahat ng negatibong nangyayari sa atin. At kung trip mo pang mag isip lalo, hahayaan ba nating baguhin at kontrolin tayo ng mga walang kwentang pangyayari sa araw araw. Di tayo mauubusan ng rason para mabadtrip, magalit, maumay at magmura. Hahayaan ba nating baguhin tayo ng mga eto?

Sa darating na pasko at bagong taon, higit sa materyal na regalo na kaya mong ibigay ay ang bagong sarili mo. ang better you ika nga. magsorry, magmahal, umunawa o kahit magparaya. Alam naman natin, walang perpekto pero lahat pedeng magbago.

Mga repapepz, hindi pa huli ang lahat sa taong ito. Bakit di natin subukan ang maging mabuti. Mabuting anak sa mga magulang natin, mabuting asawa sa mga may asawa at kung kabit ka maging mabuti sa sarili mo at sa pamilya ng kinabitan mo maging mabuting empleyado sa employer mo. Mabuting kasabayan sa elevator kahit na may nagpasabog maari naman subukan takpan ang ilong mo kesa magbitaw ng malutong na mura di ba? bakit di nati subukan?

Ako susubukan ko. Ikaw susubukan mo rin ba?