Are you one of us?

August 17, 2012

Randoms

this week had been so busy kaya medyu dyeta ako sa internet. medyo madaming mga nangyari, may maganda at may di masyadong maganda, may masaya at may mga nakakaba, may drama, may komedya, may aksyon at iba pa.

Hold-up 
Yeah, twas last Saturday, August 11, 2012 at around 12 mn, I finally experienced yong isang bagay na ayoko maexperience dito sa metro, ang mahold-up sakay ng isang jeep. It lasted for almost only 15 mins yet that was the longest 15 min in my life. Anong sinabi ng 15 mins mong pakikipag niig sa eksenang ikaw ang tinutusok tusok ng kutsilyo sa tagiliran mo at yong tipong nanginginig nginig ka, hindi dahil sa kiliti o sarap kundi sa takot, at yung tipong yong kasama mo ay naunang nilabasan, yun nga lang ng mapangnhing sumthin? LELs shame on those people 3 of them na di hamak na mas malaki at malakas sa amin pero ayaw magtrabaho at magbanat ng buto para kumita sa matino at legal na paraan. Shame on them for robbing not just our things but creating an experience so traumatic that Im now scared every time I ride in a jeep specially at night. Shame on them that every time I see people, the way they move and look like them, I tend to think they might be another set of people that might do something bad. Shame on them, but so sorry for those people I think bad something about. Di ko naman nilalahat, I know there are bunch of good people there, So sorry, for I know that a person should not be judge as to how they look like, what they wear, how big they are. Im just now a bit careful because of that not so good experience, I know eventually Ill learn to trust people that look like them and I know I could get over to it soon. As much as I condemn what they did, theres a part of me that I am thankful of the experience I had for, I learn new things as to how I should act, behave and deal for a scenario of that kind. As I shared this to my friends and people Im closed with, I get so many pieces of advice, and told me more modus of this kind of people. I just hope that that would be the last time I encounter such experience. I just missed Boracay more and its people now. :-) but it doesnt mean Im not happy here in the metro. This is life. kelangan lumaban, makisabay at makipag karerahan pero di ibig sabihin non may karapatan tayong apakan ang iba.

Work.
At work I feel like I was a bit lazy the whole week. Though I delivered as what had been expected from me by my superior yet I still feel may kulang. Good thing lang that yesterday, friday, we were not so busy so we help pack relief goods for the flood victims in Cavite area. The company's foundation will give at least 3000 packs of goods to flood victims.But more than the goods the foundation will distribute is my wish and prayers to those victims that they will recover the soonest possible time and get back to their normal and happy life.

Long Weekend
This is the very first time that I will experience the long weekend. After working under Hotel Operations for almost 7 years in Boracay, Im now starting to enjoy  my weekends and holidays. working at the back office or on finance side is more mentally draining but fulfilling yet I might still consider working again in the Operations as I learned and had the opportunity meeting different kind of people. I missed the weekends and holidays in Boracay  where this is the time that we are most busy and now Im at the comfort of my room doing nothing. Well this is life. Whatever we get we should know how to be happy.

till next time folks....

August 8, 2012

Si Ligawin na gustong ikama

Simula nang mapadpad ako sa syudad galing sa isla ng Boracay madaming mga nakakatawang at di nakakatawang at ang ibay'y nakakahiya kwento ang gusto kong ibahagi yun nga lang parang tinatamad ako mag blog. Gayunpaman, pipilitin kong tapusin at mai-post ang nasimulan kong ito.

Si Ligawin
Hindi ako gwapo, hindi mayaman, hindi artista at hindi sikat pero subrang ligawin ako. Swerte di ba? angaz ng dating, pinagpala. Pero sana nga ako ang ligawing gaya ng iniisip mo sa ngayun. Yun nga lang hindi. Ako ang ligawing walang nanliligaw. Ako yung ligawing single. Ako yung ligawing virgin sa syudad pero ngayun hindi na. Eto ang kwento ni Ligawin.Galing sya sa Isla ng puting buhangin. Ang isla kung saan nanalo bilang WORLD's BEST ISLAND 2012 ng Travel and Leisure magazine. Bilang  napakalaki ang pinagkakaiba ng isla at ng syudad, hindi maiwasang maligaw ligaw, at sa kasamaang palad, not only once but many times. Sa unang 10 days nya sa syudad, 8 beses syang nagkamali sa binabaan nya papuntang trabaho at ang 1 beses don ay chamba, at ang natitirang isa, muntikan nang tumama at chumamba,  mga isang kalye na lang tatama na sana. now CERTIFIED LIGAWIN no more nna ako. marunong na ako ng kunti lang naman LOL.

Twitter eksena.
Just recently, I changed my DP. Dahil sa boredom at medyu namiss ko ang mag pityur pityur, isang araw naisipan kong kunin ang aking asawa at aking ginamit sa rooftop.Hinubaran ko sya at sandaling ipinatong sa mesa sabay na din hubad ng pang itaas. Inayos ang pagkakapatong sa kanya, siniguradong ayos na ayos sya sa posisyon nya at sabay pindot, takbo at smile. Mga ilang beses naming inulit-ulit yun hanggang sa pareho kaming nagsawa at nasiyahan. Pagbaba at pagpasok sa kwarto nasiyahan naman ako sa nakita ang isa nga sa mga kuha ko ay ginamit ko sa twitter.Makalipas ang iIsang oras may nag DM sa akin, nagtanong kung pede ba daw nya ako ikama. Ulol syempre nagalit si ano ko ako ng bigla sabay reply. "bastos bastos mo, porke bat topless ang pic ikama na agad, ikaw kaya ang ikama ko?" Seryuso pa naman ako sa reply ko at late ko na narealize, ano nga ba ang pinagkaiba sa ikinama nya ako at ikama ko sya? letse katangahan moments. Mabuti na lang at di na nagreply ang loko otherwise mapasubo sana si junjun? hahhahah. at kakapalan ko ang mukhang ishare sa inyu ang dahilan ng DM na yun.

pangkama ba talaga? hindi naman di ba? wholesome kaya ang dating LOL


o sya gang dito na lang muna at sana masundan uli ang kwentong eto...


....

April 3, 2012

sabaw

Ilang beses na akong nag-attempt na mag update ng blog na ito pero wala talagang nagyayari. Sabaw na sabaw talaga ang utak ko. Ayaw gumana ang aking malaswang imagination. Feeling ko tuloy blogger/writer wag ka nang umepal feeling ko lang naman na ako kasi parang eto yung tinatawag nilang "writers block"?  Hindi ko naman talaga kino-consider na blogger o writer ang sarili ko, malakas lang talaga akong mag feeling-feelingan. Kaya ang tanong ko ngayon, kung di ako writer o blogger ano ang tawag sa nangyayari sa akin? writers block pa din? Syempre hindi di ba?, dahil simpleng katamaran lang yun.


Summer na naman, pero dito sa Boracay rainy ang summer with matching baha baha pa sa mga areas na dinadaanan ko. OO don sa mga nagtatanong o sa mga magtatanong, nandito pa din ako. Akala ko dati ,by March lipat na ako sa city pero na extend, hanggang sa naextend uli ng April at etong huli lang ibinalita sa akin na May 15 na daw talaga ang last day ko. Excited na din si ako, pero at the same time may lungkot din naman sa aking puso. Iiwan ko na ang islang naging playground ko sa loob ng halos walong taon. Ang dagat na naging pipi at tanging saksi sa aking pag eemo at pag-iiyak sa mga panahong pilit kong itinatago ang mabigat na problema sa aking mga kaibigan, Ganun talaga siguro, may mga panahong gusto mong solohin ang problema mo. I will soon leave the work ang the people that I learned to love over the years.

Medyo madami dami din akong mamimiss sa lugar na to. Ang pagpupuyat, ang bawat taong  nakakasalamuha ko sa araw araw. Different races from differents parts of the world. May mabaho, may masungit, may mabait, may malinis at merong din namang dugyot, merong kahit ilang metro pa ang layo ramdam mo na ang presence nila sa pamamagitan ng kanilang pabangong mabaho, ano daw? pabango ba yun kung ang amoy ay mabaho? pabaho yun dapat di ba? :-) may makapal ang mukha at kung ano ano pa. Ganun paman, kelangan iwan ko ang parteng eto na aking buhay para don sa "growth" na inaasam asam ko. parang si Kris Aquino lang ano na gustong mag grow. Totoong masayang magtrabaho dito sa isla ng Boracay pero mas nanaig ang aking kagustuhang lalong pagbutihin at pagyamanin ang aking propesyonal na buhay. Sabi nga ng chowking " I want change"  and difinitely there would be a 360 degree turn. From a simple islander to a city dude, from flip flops to black shoes, from board shorts to slacks, from sandos to polos and longsleeves and from graveyard shift to 9-6 job. Yes magiging normal na ako. Parang nakalimutan ko na nga kung pano matulog sa gabi sa kadahilanang sa loob ng mahigit pitong taong ko sa trabaho laging graveyard ang shift ko. Syempre sasabihin bang Night Audit ka kung sa araw ka nagtatrabaho lels!!!

o sya mukhang mahaba haba na ang post na eto. sensya na walang edit edit to post na agad. :-)

March 9, 2012

if you sprinkle when you tinkle

few days ago, natuwa naman ako sa nakita ko sa loob ng mens washroom sa hotel na pinagtratrabahuhan ko. Bilang may mga tao talagang walang pakundangan kung gumamit, kinakailangan talagang may ganitong paala-ala. Bakit kasi may mga taong kung makagamit eh hindi na nag-iisip na may mga taong gagamit din liban sa kanila. Ano ba namang itutok ng maayos si manoy o ang sandata, armas, angry bird, tweety bird o kahit anong mang tawag mo sa bowl para naman hindi sumablay at sakto ang paglanding ng tubig na pinakawalan galing sa iyong katawan. Hindi ka po bombero na kahit saan pede mong itutok at bombahan ang nasa harap mo. Wala po dapat accidental firing dahil hawak mo naman si junjun habang nagpaparaos ka. Kung sablay na rin lang ang pagkakatutok mo, bat mo pa hinawakan? Kaya ang paalala sa lahat, itutok ng maayos ng maka goal ka naman, isipin mo na lang ang basketball na kelangan mo ishoot ang dapat ishoot.

February 6, 2012

Sa dako pa roon

Finally nakapagpaalam din ako sa boss ko na I will be moving out of the island. I will be moving to a place which is tottally new for me. Almost exactly the opposite of the lifestyle na nakasanayan ko for more than seven years. From being an island guy to city dude? mukha syang exciting and übër challenging. 

The offer to transfer to our head office in Makati was made last November. I was hessitant at first, but I know I really want it. Ang daming considirations na dapat isaalang-alang and I finally made my mind that I want to grab this oppurtunity. Sooner I will be leaving the place I called home for the nearly eight years. I will be leaving the work and the people I learned to love. I will be leaving my SFC family, my family away from home. I will be missing the things I had been doing here, at isa na don ang church service ko sa sunday mass.

Change. Thats what I want now. Im not even sure kung ano ang mangyayari sa akin in the city pero nangingibabaw don ang kagustuhang ko maranasan naman ang ibang bagay sa buhay. Im not gettin any younger and I guess I had enough of Boracay life. I had my worst and my best moments in this paradise.

I had prayed hard for this. I had been into a long discernment process. I aint ask for any sign though. I just ask HIS blessing and guidance that hopefully I made the right decision. With my decision, may HIS WILL BE DONE. With Him at my side, I know Ill be safe. Ill be okey.

Risk. Yeah I took the risk. I can say that I have a good life here. I had a pretty nice work and I have many friends. I could say that this place had been really my comfort zone. But to someone who is on continues quest for improvement and growth, personal or professional, I decided to take this big leap. Big leap that will difinitely change my life and the way I see LIFE. Eto ang buhay, paiba-iba. Pag nakasanayan mo na nakakasawa na. Sabi nga kahit gaano kasarap ang steak kung araw araw mo tong kinakain, magsasawa ka din.Matatakam ka din sa adobong katabi neto.

Bye Boracay na nga and hello big City....

Ano ang naghihintay na kapalaran sa dako pa roon?
Abangan ang pakikipagsapalaran ng isang simpleng taga-isla sa magulong mundo ng syudad....
rockon harold!!!


January 25, 2012

palengke

Hindi lahat ng ating GUSTO ay maari nating makuha, yon ang realidad. Yon ang totoong nangyayari sa totoong buhay. Pero mabait SYA dahil lahat ng KAILANGAN natin, di na kailangang hilingin pa. Kusa na NYA itong ibinibigay, ng walang kapalit. SIYA ang ating tanging sandigan. 

Ang buhay daw parang isang malaking Quiapo, kung mahina ka maagawan ka. Maaring tama at totoo sa iilan, at maari din namang hindi para sa iba. Kanya kanyang opinyon at interpretasyon base sa kanya kanyang pinanggagalingan. Ang buhay din minsan ay parang palengke. Marami kang pagpipilian. Nasa sa iyo ang desisyon kung ano ang pipiliin mo. Gaya ng buhay, lahat ng GUSTO at KAILANGAN mo ay maaring nakalatag na sa harap mo. May pagkakataon din kelangan mong hanapin ang gusto mo. May mga pagkakataon namang ang akalang mong ayaw mo, ay binalikan mo dahil paglipas ng ilang saglit, mas naisip mong mas gusto mo pala ang unang inayawan mo. May panahon ding ang gusto mo ay "taken"  na nang iba. At ang "taken" na yon ay sya palang gustong gusto mo, ang syang mahal mo, na pag-aari na ng iba. Sinubukan mong makipagtawaran. Makipagpaligsahan sa kasalukuyang nagmamay-ari, pero ayaw nang bitawan dahil gaya mo, gusto at mahal din nya ito. May kirot at sakit na naramdaman sa pagkabigong naranasan, at sa paglisan sa palengkeng hindi kasama ang gusto at mahal mo, luha mo'y unti unting tumulo.

Bumalik ka kinaumagahan kahit alam mong wala ka naman talagang maaring asahan. At pagdating sa palengkeng naging saksi ng iyong kabiguan, nakumpirma mong ang iyong sadyang binalikan, ay tangan na at pag-aari na ng iba. Sa ikalawang pagkakataon, lumuha ka. Lumuha ka hudyat ng pagsuko. Pero hindi lahat ng pagsuko, hudyat ng pagkatalo. Minsan ang pagsuko ang syang pinakamatapang na pede mong gawin para iiwas na rin ang sarili na lalong masaktan. Alam mong wala ka na talagang laban, at walang ibang paran kundi ang sumuko sa katotohanan. Dahil tanging ang katotohan lang ang pwedeng magbigay sa iyo ng tunay na kaligayahan.

Hindi lang iisa ang palengke. Maaring ang gusto mo ay matagpuan mo sa ibang palengke o maaring sa palengke pa ring yaon. O baka naman ang talagang hinahanap ng iyong puso ay nasa tindahang katabi lang ng bahay nyo, lumayo ka pa. O baka kelangan mong mag level-up at subukan sa mall. Sigurado akong matatagpuan din yan. Kung kelan, saan, at paano, tanging panahon lang ang pwedeng makapgsabi sa iyo. Bsta laging isaiisip, kelangan lahat totoo.

January 21, 2012

Panawagan kay Juan

Sa mundong ating ginagalawan kung saan ang opinyon at sinasabi ng ibang tao ay mas pinapahalagahan ng karamihan, wari'y napakakumplikado ng buhay. Na kung saan ang bawat ginawa, at gagawin mo pa lang ay maaring husgahan nang walang sapat na batayan, hanggang saan mo ipaglalaban ang iyong pinaniniwalaan.

Hanggang saan nga ba ang dapat na hangganan? Ano ang dapat paniwalaan? Sino ang dapat pakinggan?

Sa araw-araw nating pakikibaka sa buhay, at sa pakikisalamuha sa kapwa, dumadating ang pagkakataong ang paniniwala natin, at ng mga taong nakapaligid sa atin ay hindi magkatugma. Parehong para sa bawat isa ay tama. Ipaglalaban ang pinaniniwalaan. Paniniwalang minsan naging ugat ng napakaraming kaguluhan.

Kelan dapat magpakumbaba? At kelan aamin sa kamalian natin? Kelan titigilan ang turuan? Kelan matatapos ang sisihan? Hanggang kelan magbabangayan? Sino ang gagawa ng paraan? Kelan isusuko ang pride? Sabi nga ng isang kaibigan, ang pride parang panty, kung di mo ibababa, walang mangyayari. Kung lahat ay matututong magbaba ng panty, este ng pride, maraming magaganda ang pwedeng mangyari, sa iyo, sa akin at sa karamihan.

Tayo ang simula. Oo tayo. Ikaw mismong nagbabasa neto. Sabihin sa sariling "Ako ang Simula". Ako at tayo dapat maging simula ng pagbabagong gusto nating makamit at makita. We should be the vehicles of change that we wanted. Hindi dapat iasa sa iba. Hindi dapat iasa sa mga taong isinulat mo sa balota nong nakaraang eleksyon. Masakit isipin, pero karamihan sa kanila ay makakalimutin. Mahirap tanggapin na karamihan sa pangako nila ay sadyang napapako. Mangako ka na lamang sa sarili mong sa susunod na balotang mahahawakan mo, ang isusulat mo ay ang pangalang sumisimbolo sa PAG-ASA. Pag-asa hindi lang para sa iyo kundi pag-asa para na rin sa iba, para sa iyong kapwa at para sa mga bata. Pag-asang lahat naman tayo'y umaasam. Pag-asang tila mailap sa bawat mamamayan.

Wari ko'y ang panawagang ito sa bawat Adan at Eva ay hindi naman kahirapan. AKO at TAYO ang simula. Pagbabagong asam mo? Simulan mo!!! Ang Pagbabagong gusto ko, sisimulan ko. gawin nating ang kung ano ang tama, hindi kung ano ang dikta ng nakapaligid sa atin. Gagawin nating ang TAMA dahil ito ang DAPAT. Ikaw tatanggapin mo ba ang hamong ito?

Magkaisa tayo para sa pagbabago.... 
Ikaw, anong gagawin mo?
Mangangako ka bang ang lahat ng pangako mo ay di mo ipapako?
Kikilos ka ba?
Tara na.
Ako at Tayo
ang tanging simula!!!

January 18, 2012

kanta mode, emo and arte mode


kung liligaya ka sa piling ng iba.....
wadapaks. bigla bigla nalang yun ag kinanta ko, at di ko namalayang habang sintonado kong kinakanta with matching feelings kontodo de emote ay  may mga ngiting sa labi ay namutawi.. yay. takte naman, may naalala akong taong naging parte ng buhay ko  remember me lang ang drama...

at dahil naumpisahan na ang entry na to ng may kanta, itodo na natin to!!!

saan ka man naroroon...
kahit alam ko kung nasaan ka ngayon dahil sa tulong ng ating mga kaibigan at sa tuloy tuloy  naman anting komunikasyon, isama mo na ang pag tsetsek ng facebook mo araw araw, alam ko masaya ka. Yon naman talaga ang gusto ko. Ang lumigaya ka kahit ibig sabihin non ay sa piling ng iba. Masaya na akong malaman ko maligaya ka kahit hindi ako ang dahilan non.

someday it gonna make sense...
malamang hindi nga maganda ang paghihiwalay natin, at normal naman siguro yun sa mga naghihiwalay, but time heal all wounds and eventually, we manage to be friends as i believe. Ironic it may seem, pero sa di alam na dahilan tayo'y naging magkaibigan. Maybe we're better off as friend. Nasa guhit na ata nga ating mga palad na hanggang magkaibigan na lang tayo. kaibigan lang pala ang tadhanang naitakda para sa ating dalawa.

break it to me gently....
nong mga panahong malabo na tayo at nong mga araw na sinabi mong wala na talaga pwedeng asahan pa, pagkat merong na ngang iba, eto yung gusto kong kantahin. break it to me gently....wag mong biglain. napakasakit kuya eddie... ang sakit, ang sakit sakit arte lang

i can make it through the rain...
sobrang emo ko non. OA na nga. ikaw ba naman ang masaktan. me pa-suicide suicide pang nalalaman. takte kung natuluyan ako non amfanget. sising sisi siguro ako. kasi kung titingnan mo ako nayun lalong gumwapo LOL. letche . sayang di ba?

Half crazy...
dahil di pa maka moved-on, sobrang damang dama ang kantang to. über drama. sa sobrang pag dradrama ko sinubukan ko din kontrolin ang daloy ng mga luha sa mata. iesyet bumabaha ang luha.pero sa kalaunan enough is enough din naman ang sinabi ko sa sarili ko at nagdesisyung mag move-on, move forward....

may bukas pa...
para makamove-on na agad agad dahil OA na nga, paulit-ulit ko pinapatugtog ang kantang to, sa work, sa bahay, sa cp...sa umaga, sa tanghalian, sa hapunan at sa breaktime theme song ko to. paulit ulit, ngayon sabihin nyo sa akin, sino ang baliw? i just dont know if it help though ....

I will survive...
yak. as in yak. sobra na. wala ng kwenta ang pag dadrama. pumapangit na, pati disposisyun ko sa buhay ay sumasablay, kaya ang bagong game plan? enough na sa drama, move-on at magpgwapo ng todo (wala nga lang nangyari)...

paalam na aking mahal...
hindi dahil patay ka na. buhay na buhay ka nga eh, pero kailangan ko nang ibaon sa limot ang mga pinagdaanan. bitawan ang ang mga bagay bagay na wala naman nang patutunguhan. tsaka puntong eto, nagdesisyon na akong lumimot. masakit pero yun ang dapat. babangon ako at dudurugin kita at bubuuin ko ang sarili ko.... ng mas gwapo.... bonus na to.

ang pag-ibig ay sadyang ganyan...
at nong natanggap na ang mga pangyayari, talagang ganun nga ang pag-big. minsan masaya. minsan hindi pero ang mahalaga natuto tayu sa mga nangyari. hindi masamang magmahal at kakambal neto ay ang masaktan. sabi nga nang tatay ko dati, " kung hindi ka handang masaktan, wag kang magmahal." Hindi ko naintindihan yon dat,i pero sa nangyari, napagtanto ko tama sya.

ngayon pareho na tayong nakamoved-on. magkaiba na ang ating musika. Kanya kanya na tayong sumasayaw sa sa tugtog ng kanya kanyang buhay. hangad ko ang kaligayahan mo. it's almost a year now and its over. eto lang ang masaabi ko kaibigan hanggat akoy humihinga may karamay ka :-)

ikaw, anong kanta ng buhay mo?...


please also visit my other blog  CLICK HERE

January 16, 2012

It's More Fun In Aklan (Ati-Atihan Festival 2012)

Everyone is on mardi gras mode. Majors streets in Kalibo and Makato Aklan burst in bright colors as dancers wearing beautiful costumes danced to the beat of the drums and lyres under the scourging heat of the sun. It's Ati-Atihan Festival once again.

The Dancers












Faces of Ati-Atihan






























The Celebrant












Kalibo Cathedral




Aklan's Best







for more pictures of the Ati-Atihan Festival 2012 please visit my other blog. CLICK HERE

January 13, 2012

blind item

Kalimitang sinasabi, bastos ang bata kapag sinagot ang isang matanda o ang may mas edad sa kanya ng pabalang. Ngunit, ano naman kaya ang tawag sa matanda na kung sumagot sa di hamak na mas bata sa kanya eh pabalang?

eto ang eksenang sa lahat ay ayaw ko mangyari. In short ayaw ko maging bastos. maginoo ako at ayoko maging bastos.  Ang seste, meron kasi akong kakilala o sabihin na nating kasama sa  trabaho na mas higit na nakakatanda sa akin. Im in my late 20s na, wag na ibulgar kung ilang taon na ako kasi kung pipilitin nyo ako hindi ko sasabihing 28 na ako, kaya I consider myself as "fully develop adult", virgin pa,... ang ilang bahagi ng katawan at meron din namang totally laspag na. Hindi na ako bata at hindi rin naman ako matanda. Ang kwento kasi, minsan o mas madalas pa talaga sa minsan, inaatake ng mood swings ang subject at madalas eh pabalang talaga kung sumagot which in the end apektado ang performance at delivery ng custumer service. Much that I would really emphasize what is professional and what is not, di naman talaga pede kasi the person I am reffering to, is sorry for this close minded. I know I may not be in the position to correct this attitude since I am not his supperior and much worse, we are just of the same job level and for few times I tried to talk to the person involve to address such issues but to no avail,  nothing had happened. disappointed much.

balik sa tanong, anong tawag sa ganyang uri ng nilalang na kung makasagot eh parang ewan? kung ang batang sumasagot sa matanda ng pabalang eh bastos? siya kaya pedeng matawag na "mas bastos"?. Nagiging habitual na kasi ang ugali niyang ganito. Pero wala din naman akong magawa, kasi alam ko naman na tatanda din ako. Takot sa karma? hahhaha O baka adik si ate/manang?


at bilang magandang subject pag-aralan ang mga ganitong uri ng ugali, pinilit kong bigyan ng magandang at nakakatawang mga rason kung bakit sya ganyan :-)
1. Nagmemenopause-malaking porsyento na ganito ang ugali nya ay dahil sa malamang na nagmemenopause na nga talaga si ate. Tuyot na ang kanyang spratlys island kaya siguro ganon, laging mainitin ang ulo. Medication needed? kelangan nya ng bumbero para mabombahan ang nag-iinit sa kanya. I repeat BOMBAHAN!!!
2. Vetsin (MSG) Overdose- sabi nga, lahat ng sobra eh masama sa katawan. Baka di nya nakontrol ang paglagay ng vetsin(MSG) sa mga niluluto nya kaya ayun na naapektuhan ang mood nya.
3. Insomia attact- dahil sa pareho kaming graveyard baka kulang sya sa tulog sa araw. Medication needed? kelangan nya ang power suntok ni Paquiao para matauhan, este para mahimbing ang tulog, yun nga lang baka sa emergency room na sya magising.
4. Trip lang nya magpaka mean-o baka gaya ko rin syang malakas mangtrip. Baka trip nya lang ang laging magpaka-mean para may magawa lang sya sa buhay. Medication needed? pagtripan nya ang sarili nya para maasar din sya sa kanya.
5. Inborn na-baka sadyang inborn na nga talaga ang ugali nyang ganito. Baka nong nilalabas sya nang nanay nya eh natagalan kaya ayun mainit agad ang salubong sa kanya.
6. Memories-baka naalala o nakikita nya sa akin ang ex boyfriend nyang saksakan ng gwapo, na biniyayaan ng sandamakmak na sex appeal na syang bumaboy, yumurak, lumapastangan, nang-api, nang-alipusta at nang-iwan sa kanya dahil hindi sila bagay dahil beauty and the beast pa lang ang movie non at wala pa kahit hanggang ngayun ang movie na handsome and the pangit. sad sad sad....

but more than this, though Im making fun out of it, something needs to be address and at this point nothing else I can do kundi habaan pa lalo ang pasensya at understanding. Baka sadyang may pinagdadaanan lang ang tao. Di nman siguro masama ang umintindi at magpasensya.

till next folks....

January 6, 2012

dragon sa bagong taon

amputakels. pastilan dude. pakshet. yang ang mga murang gustong kumawala sa pretty pouty lips ko kanina. taena naman kasi, almost 25 percent ng oras mo sa trabaho ay naibuhos mo na lang sa paghahanap ng maling entry para lang magbalanse ka sa report mo. Nyets naman, bakit kasi may mga taong nakuhang magsubmit ng report kahit alam nilang mali naman. Dahil ba pedeng itama yun ng gagamit, ganun na lang? At kung masita mo, daig pa ang abogado sa korte kung makapagrason. Kesyong busy, kesyo anong oras na etsetera etsetera....

Haistttttttt. That was what happened last night. Gumising ng maaga, nagpagwapo ng bonggang bongga at inspiradong pumasok sa trabaho. First few hours sa trabaho, i was doing pretty fine. Then, nakakita na nang isang mali sa report, at isa pa, at isa pa, at isa pa ulit, hangang sa tuluyan na ngang  di mabalanse ang report ng dalawang revenue outlet. Walang choice kundi hanapin at itama ito. I spent more than two hours sa paghahanap at pagtatama ng mga mali. Dumudugo na utak ko, para na kong rereglahin. isyet. 

At nong matapos at maayos na lahat, sobrang masaya. Ibang klaseng high. Sobrang satisfied. Yong tipong sobrang saya kasi nakasex ko ang isa sa mga angels ng Victoria Secret. whew.Ganun ang buhay ko lage sa Audit. Habang ginagawa at inaayos ang report sobrang init ng ulo parang dragon, nasa boiling point ang kumukulong dugo, parang yung tipong kahit anong oras eh bubuga ng apoy. While on the process of correcting those entries and even the simple computation na sumasablay na di mo alam kung mali ba ang calculator o ewan, sobrang masakit sa ulo pero pag nakita mo na kung bakit nagkaganun at naayos mo, yon sobrang fulfilling ng pakiramdam.

but more than that, I will be forever grateful to the job I have right now. Patience is measured to its maximum level. Every working day/night is a great opportunity for me to develop and define myself. Kahit tipong gustong kumawala ng mga malulutong na mura, you need to be composed. Sometime its better to be nice than being right, with limitation of course. Kung kaya lang naman umintindi at magpasensya gagawin ko.

ikaw anong kwento mo sa trabaho mo?