Sa kung anong dahilan, isa ako sa mga taong gustong gusto ang ulan. Mas malakas, mas masaya. Mas malalaki ang butil ng tubig mas dama ko.Di ko rin mawari at di ko maipaliwanag kung bakit may element of romance ang ulan sa akin. Marahil dahil ito sa mga telenovelang napapanood ng nanay at ng babaeng kapatid ko noong mga bata pa kami. Sa totoo nyan, isa sa mga pangarap ko ay magkaroon ng pre-nuptial photo shoot sa ilalim ni ulan. Yung dalawang nagmamahalan na unti unting nababasa ng bawat patak ng ulan. Nakikinita kong kung ako ang photographer daig ko pa ang nagtagumpay sa pinigilang ihi sa pagkakilig, ang panginginig ng tuhod ay maaring over rated pero masasabi kong iyan ay magiging understatement pa rin lalo't ako at ang mahal ko ang nasa ilalim ng ulan. Yong tipong nag HHWW at may pa sway sway pa kayo habang naglalakad. Yong tipong..... ahhhh basta. ngayon pa lang kasi kinikilig na ako.
Pero kung gaano ko naman kagusto ang ulan, exact opposite naman na hate ko ang dulot netong baha. Nong naadpad ako dito sa Manila, dito ko rin naranasan ang kumakandirit sa daanan para lang makaiwas sa tubig baha.Yong maihi lang nang sabay sabay ang mga dagang costa babaha na. Kaya nga naisip ko one time na maaring magandang proposal sa Guinness book of world records eh yong sabayang pag-ihi. Kung may mga sabayang kiss, o kaya sabayang pag pa breast feed, bakit di kaya magkaroon na sabayang pag-ihi? Malamang sa malamang, may mga parteng babaha sa Manila. Paniguradong mananalo tayo.
Ganunpaman, kahit ayoko ng baha, gugustuhin ko pa din ang ulan. Hindi naman pedeng lageng maaraw. kelangan balanse. Kung sa karamihan ang araw ang simbolo ng pagtupad nga mga pangarap, may mga tao ding ang ulan ang simbolo ng tagumpay. Minsan nga para sa iba, ang baha ang nagbibigay ng ekstrang hanapbuhay. Kagaya nila Manong na driver ng lumang padyak na biglang nagtaas ng presyo ng pasahe dahil sa padyak at napilitan kang sumakay kahit may bubble bubble jan sa taas ng bumbunan mo at maarteng nagsasabing "manong, flood water is not gasoline no!!! your so kaka" Si Kuyang nagbebenta ng payong na tinubuan ng di makatarungan ngunit wala kang magagawa kundi bumili dahl sa katangahan mong dalhin ang payongat sa huli, hinawakan mo lang at isinoli ang payong sa kadahilanang naghinayang ka sa ipapambili mo Si Tatang na gumawa ng improvise na bangka na kahit may katandaan na ay pinatulang ang opurtunidad na makakita ng kunting barya pantapal sa kumakalam na sikmura ng pamilya. Si Totoy na nagpapayong sayo pasakay ng taxi dahil sa hindi mo pinatulan ang payong ni Kuya dahil hanggang ngayon ay hindi ka pa din maka move-on sa di makatarungan nyang pagpresyo at sa huli ang inabot mo sa bata ay limampisong nakasimangot ka pa kesa magpasalamat
Ano man ang panahon, kelangan ready tayo. Sa kahit anong bagay dapat handa. Sa matinding sikat ng araw o sa matinding buhos ng ulan ang pakikisama at pakikitungo natin sa ating kapwa ang mahalaga. napakasayang kapag nakahiga ka na sa kama at naiisip mo ang buong pangyayari sa araw mo, makaktulog kang may ngiti sa labi dahil naging isang mabuti kang kapwa. Anoman ang panahon, laging tandaan ngumiti, unli naman yan, malay mo may mapasaya ka sa simpleng ngiti....
Ano man ang panahon, kelangan ready tayo. Sa kahit anong bagay dapat handa. Sa matinding sikat ng araw o sa matinding buhos ng ulan ang pakikisama at pakikitungo natin sa ating kapwa ang mahalaga. napakasayang kapag nakahiga ka na sa kama at naiisip mo ang buong pangyayari sa araw mo, makaktulog kang may ngiti sa labi dahil naging isang mabuti kang kapwa. Anoman ang panahon, laging tandaan ngumiti, unli naman yan, malay mo may mapasaya ka sa simpleng ngiti....
Yong kumakandirit.... nice one
ReplyDelete