Are you one of us?

December 27, 2011

I SURVIVED 2011

 ang blog na ito ay nanganak na. click here

Twenty eleven has been really a good year for me. This soul had been into so much, pains and all that. Needless to say, naramdaman kong tao ako, taong marunong masaktan, magdamdam, magmahal at mabigo. Taong napapagod at taong nilibugan pilit lumalaban. Minsang natalo, pero hindi sumuko. Ganunpaman, lahat ng pinagdaanan, kaakibat ay karanasan. Karanasang humubog sa kung ano at sino ako sa nagdaang taon.

Sabi nila "know your worth" para alam mo din kung anong para sayo. By knowing your worth, you too know what is due to you. What you really deserve. Pero this year, biglang nag-iba ang aking pananaw. Di ko alam kung naging mature ako or what, pero may mga pagkakataong I so feel that I deserve something more than anyone pero I did not brought it up to the person. Bakit? Dahil natuto ako irespeto ang pasya ng iba. Oo nga at "deserving" siguro ako pero malamang hindi ko pa panahon. Timing it is. May kanya kanya tayong moments. The limelight may not be ours, but at times, it's much more fun being behind those glitz and glamour. Sometimes it is much more fun doing things that you love doing with less attention from others. Minsan, ang mga bagay na masarap gawin ay mas lalong sumasarap pag alam mong walang matang nagbabantay sa iyo. 

This year too had made me realize that I should take care of myself. The operation I had last september was a wake-up call that my health had been took for granted. It was really a great turning point in my life. It is not late for everyone (yes including you reading this) to pay attention to your health. Isa lang ang katawan natin. Isa lang ang buhay natin. At pag pinabayaan natin, baka magising ka na lang isang araw huli na ang lahat.

Maraming naging kwento, maraming mga nangyari at saksi ang blog na ito. Naging bahagi na ito ng buhay ko kasama ang 100 na fallowers ko. Sa inyong lahat, maraming salamat. Sa totoo lang, I really dont consider myself as a blogger dahil alam kong marami pa akong kakaining bigas bago ko marating ang gaya ninyo. OO ngat medyo matagal tagal na din akong nagsusulat pero Im still looking forward na makapagsulat ng matino. Pero ganunpaman, masayang masaya pa din ako dahil naging bahagi kayo ng buhay ko at ng blog na to. Sana sa twenty twelve magkasama pa din tayo. Palitan ng opinyon, kuro kuro, kwento at komento. hanggang sa muli, mga kaibigan :-)

oo nga pala, nanganak ang blog naa ito. Sinubukan kong matino ang isulat dito. http://myboracaydiary.blogspot.com Subukan mo din bisitahin. Follow o na din:-)

ikaw anong 2011 kwento mo?

December 25, 2011

happy pasko mga ka-blogs

December 18, 2011

ang aking pagpapaputok!!!

hay hangsaya saya noh!!!(in tita glow accent or pede din yung kay ate gay) isipin nyo yon padami na ng padami ang nag follow sa blog ko at sa twittah (makaslang lang) na kung iisipin eh wa naman talaga wenta kasi puro epal post lang aman ang naisulat ko pero magkaganun pa man happy yipee yihey pa din ako. NagpaCANTON nga ako sa sarili ko (blow-out ba) nong napansin ko dumadami na kayo, at gustuhin ko mang magpaBOTTOMless iced tea, eh di ko trip yon kaya I just obey my thirst I opted to have SEX ON THE BEACH plus BLOWJOB and I ended up lasheng!!! haffyy na me :-)

nong una naman kasi ako nagblog (feeling blogger na talaga) wapakels naman kasi talaga ako kung may magfollow o wala, o kahit nga walang magbasa okey pa din kasi naghahanap lang talaga ako ng outlet para mailabas ko ang dapat kong ilabas, yon nga lang, sa kasamaang palad lahat ata ng nailabas ko ay yung  mga medyo di kagandahan pero at least di ba, (umu-oo ka please) kesa naman di ko sya nailabas, e di papanget ako kung iipunin ko lahat ng di maganda sa loob ko. kuha mo?!!!

may mga pagkakataon at may mga post naman sigurong medyo ayos ang naisulat ko kasi meron din naman nag-abalang magcomment.  Oo, masaya ako, alam ko bonus na yon, para bang tumanggap din ako ng 13th month pay. Lahat naman siguro tayo pag may nagcomment sa post natin masaya di ba? sabihing mong hindi, kung gusto mong pumanget ka sa 2012. But nevertheless, may comment o wala, okey pa din sa akin kasi na achieve naman ang goal ko na "magpalabas" ng saloobin ko, maganda man o hindi. At least "naiputok" ko ang dapat kong iputok at di na umabot sa point na "sumabog" na lang bigla kasi mas mahirap yon. Mas damaging ika nga, kaya alam ko lahat naman nang "nagpaputok" sa pamamagitan ng pagtipa ng kanya kanyang keyboard ay naachieve ang goal ng bawat isa. Ikaw naachieve mo ba?

May mga pagkakataon wala talagang pumapasok sa malikot kong isipan, di ko na lang pinipilit. Ayoko namang reypin, gahasain o abusuhin ko ang sarili kong utak para lang may mai-post. Mas maganda kung ang mga ideya  na gusto nating isulat ay "banayad" o "swabe" ang pagkakapasok. Kahit "hugut-hugutin" o "ilabas-masok" sa utak natin di masakit, di nakakastress at di nakakapanget.

May mga pagkakataon ding ang daming ideya ang gusto mong isulat at di mu alam kung paano at san magsimula. Kailangan mong hubaran ang iyong kaisipan para mabuksan ang kalangitang iyong inaasam, ang maiputok lahat ng nasa loob mo. Heaven ang pakiramdam di ba, kung sa pamamagitan ng pagsulat na alam mong gustong guto mong gawin eh naipalabas mo ang iyong saloobin. Naishare mo ang iyong damdamin at ninamnam ng iba ang pagniniig ng iyong mga daliri, keyboard at ng malikot mong isipan.

lahat tayo may kanya kanyang rason, lahat may kanya kanyang istayl, lahat may ibat ibang pananaw, may kanya kanyang kwento, pero magkaganun paman lahat tayo ay naging masaya kasi wala ka na dito ngayon at di na nagbabasa o nagsusulat kung di ka na masaya sa dito. Sa muli maraming salamat sa nag follow 98 na kayo at 4 don eh nakahide, sa isang blog ko na nasimulan ko lang few days ago ang www.myboracaydiary.blogspot.com 10 na sila at sa twitter na mostly eh bloggers na umabot na din ng 106 as of this writing TECHU VERI MUCH (mommy D style ha?)

happy pasko everyone!!!
love... love... love...

December 12, 2011

the other home

sa wakas may naidagdag din akong isang post sa isang bahay ko. bibihira ko lang talagang mabisita kasi mas namamalagi ako dito. If you want to know more about BORACAY please click here: My Boracay Diary

I will be posting more soon. follow mo na din ah :-)

happy pasko everyone!!!

December 4, 2011

epal.trip.adik.loko.jologs.

Bilang isang alipin ng Hotel Industry  at bilang ampon ng Operations Department kahit Audit ang ginagawa ko, ipinakiusap na rin sa akin na kung maari eh weekdays na lang ako mag-day off, instead of weekends for a very simple reason - mas madaming guest pag weekends kaya more more na alipin ang kailangan. Lahat ng operations department dinidiscourage ang mag off sa weekend pero hindi naman bawal. discourage lang. i repeat discourage lang :-). Ibig sabihin lahat ng uri ng alipin sa pinapasukan ko eh kelangan as much as posible na kaduty free. Kaya mapa aliping sagigilid ka man, aliping namamahay, aliping nakakaumay o kung ano pang trip mong itawag sa gaya naming slave para sosyal naman na eh kelangan nakaduty paulit ulit?

The more the guest, the happier. Mas maraming bisita mas maraming anda tawag ni ate'ng kasama ko sa trabahong laging tralala. At pag maraming pera, more din ang gala. More din ang lafang at minsan kung much much talaga ang tip ng mga aliping pinagpala, kampai na walang humpay ang drama. At kung lahat me amats na at me sobra pa din ang pera na kalimita'y pag gising kinabukasan ay poorita na kasi inubos sa walang kwenta mag-dadagdag pa kahit di na kaya. Ending, hindi nagising sa takdang oras, magtxt kay bisor,  na magsi-sick leave dahil masama ang pakiramdam, at kung wala sa mood ang maLupeta Jones na bisor never, as in wa sya care sa txt. Uupo sa luma nyang kampyuter at paisa-isang mag pindot o kay sarap pumindot ng keyboard at pag print sa kapirasong papel ang nakalagay "please explain with-in 24 hours upon the receipt of this memo as to why you should not be blah blah blah blah" at syempre ikaw naman na syang pinagpala na makatanggap ng grasya, susubukan mo ding pumindot, magdelete, pumindot, backspace at sasakit na ang ulo mo at ipapasa mo na kay Lupeta Jones na bisor ang pinagsinungalingang pinagisipang excuse mo at dahil alam nya naman na lasing ka lang talaga kagabi dahil magkatabi lang ang kwartong inuupahan nyo, eh mag iisyu sa ulit ng kapirasong papel na may nakalagay "2 days suspended without pay" at sa di malamang dahilan di mo alam kung matutuwa ka o magngangawa kasi syang ang 2 days anda, wala kang magagawa kundi ang magpahinga ng bonggang bongga, yun nga lang sa uulitin wala kang pera. i repeat wala kang peeeeeraaaa.

ganunpaman, ang magtrabaho o maging alipin sa industriyang ito di rin naman matatawaran ang mga natutunan mo sa araw araw. Ibat ibang tao ang nakakasalamuha mo, may mabait merong hindi. may maganda at may nagmamaganda. may mapera at meron din namang nagkukunwaring mapera na kung makapag utos kala mo kung sinong senyora. May ingleser at meron ding trying hard. haysssss...

ikaw anong kwentong trabaho mo? bloopers? marami kami nyan, at kung susubukan kong ikwento lahat baka mapagkamalan ka pang sira habang tawa ng tawa sa harap ng iyong precious computer.

subukan mo ito.
1. mag open ng blank microsoft word.
2. titigan ang cursor, magbilang ng 25 blinks at tingnan ang letter "T"sa keyboard mo.
3. Anong napansin mo?
4. Kung wala, subukang yong 50 blinks at titigan uli ang letter "T"
5. Isulat sa comment box kung ano napansin mo :-)

December 2, 2011

magbago? susubukan ko, ikaw try mo :-)

As the year comes to an end, had we evaluated ourselves how well did we live our lives? Ngayon marahil ang pinakamagandang (bago magpasko) pagkakataon para balikan natin ang halos mahigit sa 300 araw na ibinigay Nya sa atin para maging isang mabuting "kapwa" ng bawat taong nakakasalamuha natin sa araw-araw.

Naging mabuting anak ka ba sa mga magulang mo? Naging mapagmahal ka bang asawa? Naging mabuting kapwa ba tayo sa mga taong nakasalamuha natin sa araw araw? Maaring sa sarili mong standards at sariling paniniwala "oo" ang sagot mo,pero ang tanong, sapat na ba ang lahat?. Maaring "hindi" rin ang sagot ng iilan lalo't higit sa mga talagang nagpakatotoo pero dude hindi pa huli ang lahat, may mahigit 20 araw pa para magbago. Maaring hindi sapat ang natitirang mahigit 20 araw para humingi ng tawad, magpakita ng pagmamahal, umunawa o kaya'y magpakumbaba o khit magparaya, pero ganun pa man ang mahalagang punto dito ay nagsimula ka kahit bago magpasko, at ang maganda naman neto ay nakapagsimula ka bago pumasok ang bagong taon. Di bat napakagandang regalo sa kapwa mo ngayong pasko ang bagong ikaw? Di bat napakagandang simula para sa bagong taon ang bagong ikaw? isipin mo dude...

Maaring hindi madali para sa lahat ang baguhin ang sarili natin, pero hindi rin naman mahirap subukan. Lahat tayo may pinagdadaanan, lahat may pinanggagalingan. Pero hindi lang tayo ang tao sa mundo. May mga taong nakapaligid sa atin. May kapwa-tao tayo na dapat din naman nating isipin na gaya natin may pinanggagalingan at pinagdadaanan. Minsan ka na bang nagalit kay mamang driver dahil hindi ibinalik ang sukli mong dalawang bente singko? Nabadtrip ka ba kay boss mo na kung makapagsermon eh daig pa ang prayle? Naumay ka na ba sa kasama mo sa trabaho dahil sa araw araw na lang na ginawa ng Dyos, ang mga katrabaho mo ang paborito nyang topic at kasama ka na don? Nahilo ka na ba sa utot ng kasabayan mo sa elevator na kung magpasabog ay daig pa ang nuclear weapon at ang nakakabadtrip lalo eh sayo nakatingin  ang mga kasama nyo. O malamang minsan na ring nasira ang araw mo dahil sa kilikili ng katabi mo sa MRT/LRT na kung makaangat eh parang first day high lang? Kung iisipin natin, ganun ba talaga kalaki para magalit at masira ang araw at buhay natin. At kung iisipin natin lalo, ganon ba kabigat ang lahat para magpaapekto tayo sa lahat ng negatibong nangyayari sa atin. At kung trip mo pang mag isip lalo, hahayaan ba nating baguhin at kontrolin tayo ng mga walang kwentang pangyayari sa araw araw. Di tayo mauubusan ng rason para mabadtrip, magalit, maumay at magmura. Hahayaan ba nating baguhin tayo ng mga eto?

Sa darating na pasko at bagong taon, higit sa materyal na regalo na kaya mong ibigay ay ang bagong sarili mo. ang better you ika nga. magsorry, magmahal, umunawa o kahit magparaya. Alam naman natin, walang perpekto pero lahat pedeng magbago.

Mga repapepz, hindi pa huli ang lahat sa taong ito. Bakit di natin subukan ang maging mabuti. Mabuting anak sa mga magulang natin, mabuting asawa sa mga may asawa at kung kabit ka maging mabuti sa sarili mo at sa pamilya ng kinabitan mo maging mabuting empleyado sa employer mo. Mabuting kasabayan sa elevator kahit na may nagpasabog maari naman subukan takpan ang ilong mo kesa magbitaw ng malutong na mura di ba? bakit di nati subukan?

Ako susubukan ko. Ikaw susubukan mo rin ba?

November 27, 2011

Boracay. Busy. Bangag.

toxic, drained, tired, exhausted would be a perfect adjective para idescribe ang schedule ko lately. Worn-out. totally laspag sa subrang busy sa work dahil sa bagong Hotel Management System na inintroduce ng management. Extra effort kasi kelangan pa din yong manual reports and at the same time kelangan na ding gamitin yong bagong system para makita na din yong mga dapat ayusin at maadress ito ng maayos.

pero kahit pano eh naisingit ko pa din nman ang mga bagay na gustong gusto kong gawin sa isla gaya ng maglakad sa beach ng mag isa at magmunimuni, na hindi ko naman nagawa ng maayos dahil maraming naka two piece sa beach. mag pityur pityur at magluto kahit alam kong di ako magaling. At dahil lutang at bangag pa din ako, isi-share ko na lang muna ang mga pityurs ko. pero paalala lang di po ako professional photog kaya pagpasensyahan na lang. 



 Station 1 
Boracay Island, Philippines
parang maganda mag prenup photoshoot dito. Honestly marami pa talagang magandang spots sa boracay di lang ang whitebeach. Theres more to Boracay aside from its famous white beach. Try the back beach area for sunrise, pero this one is located sa dulo ng station 1.

 Station 1
Boracay Island, Philippines







Adobo la Pachamba
Isa ito sa kaya kong lutuin (kaya lang) At isa ito sa pagkaing gustong gusto ng tatay ko at pinipilit kainin. Oo pilit nyang kinakain yung adobo ko dahil I can make adobo in 365 ways. ƜbƋr galing di ba? Pati nga mga kapatid ko dinadamay nya. pilit nya ding pinapakain at sa kalaunan at sa tagal ko nang niluluto to wala nang pilitang nangyayari. I really love my family. May taste sila. hahahaha. Pero honestly alam kong napipilitan talaga sila kasi sabi nga nang tatay ko, never ko na naduplicate ang lasa ng adobo ko, kaya nga 365 ways eh, kaya much as well at para di mamiss ang bawat lasa, kinakain nila. Who knows kasi di ba na yong time na di nila kinain eh yun na ang perfect adobo ko. LOL


labolabo
Eto yong pagkain ng toxic at late na sa work. Kahit late na kelangan pa ding kumain. lahat instant. canton, wheat bread, corned tuna. masarap naman sya (at my own standard) pero higit dun eh at least pumasok akong may laman ang tiyan hahahaha. kesa magutom.

eto ang panlaban sa antok. Im not really particular sa brand, nataon lang na eto yong dala ko. Pinakamababa ko yong 3 sachet ng kape sa isang gabi. wala pa dun yung kopiko at ang pamatay na lollipop hahahaha. I cant even imagine na one time habang nakaupo sa reception doing may paper works with lollipop na subo may dumaang magandang bisita. Napatingin sya at napasmile pero di ko pinansin. Kahiya. the next day pagdaan nya uli, nagtanong sabay bitaw "no more lollipop this time?" hahahah and that actually started our conversation. whew. iba talaga nagagawa ng lollipop. Nong check-out nya walangyang bisita ang nilagay sa comment/feedback sheet eh pangalang ko. maganda yong feedbacks nya pero dinagdagan pa ng "hes cute, he got lollipops" weset. kahiya LOL

okey gang dito na lang muna. sana matino na yong post ko next time.

November 9, 2011

promdi province

Probinsyano. Yan ako. Magsasaka ang tatay ko, ordinaryong empleyado naman ang nanay ko. Ganun pa man lumaki kaming tatlong magkakapatid ng hindi naman nagkulang sa kung ano ang kailangan. Ika nga "we get what we need" at paminsan minsan ang "wants" eh naibibigay din ng aming magulang. Tipikal buhay probinsya. Matutulog ng maaga at gigising ng maaga. May kanya kanyang gawain nakaatas sa aming tatlo. Ang aking kapatid na babae ang taga saing, at tagalinis ng bahay. Ang bunso ang taga-igib ng inuming tubig at ako naman ang naatasan sa pagtulong sa aming magulang sa pag-alaga ng aming hayop. Baboy, baka, manok, kalabaw, gansa, bebe at pato. Isama mo pa ang hindi baba sa limang aso at pusang hindi bumaba sa tatlo. 

Kanina, habang bumibili ng ulam sa aking "suking kainan" napatingala ako sa langit. Ang ganda. Clear blue sky. Bigla ko tuloy naalala ang aking kabataan. Mga panahong aming pinagdaanan. Nakakamiss. Namiss ko tuloy bigla ang aking mga kapatid, ang aking Itay at ang aking Inay na ilang taon na ring namaalam.

NOTE: photo credits to GOOGLE.PH


Isa sa una kong naalala kanina nong napatingala ako ay ang pagpapalipad ng saranggola kasama ang aking dalawang kapatid, yup, pati ang kapatid kong babae ay kasama namin sa pagpapalipad. Tag-iisa kami na nong dati ang saranggola ay gawa pa ng aming itay ngunit kalaunan ay natuto din kaming gumawa ng sarili naming saranggolla at nagpapagandahan pa. 

Isa din sa nakahiligan naming gawin lalo pag summer ay ang pamimingwit. Magkakasama pa rin kaming tatlo pati na ang ibang anak ng kapibahay. Minsan na rin kaming napalo ng aming magul;ang dahil hindi kami nakapag saing at anong oras na umuwi. Sabado noon. Araw ng pamamalengke ni Inay. Kadalasang bilin nya bagu umalis ay magsaing na agad nang pagdating ulam na lang ang iluluto nya. Dahil sa nawili kami sa pamimingwit, di namin namalayang lampas alas dose na at pagdating sa bahay andun na si Inay. Nakapaghain na at handa na rin ang sinturong pamalo sa aming tatlo. As usual, ako ang may pinakamadaming biyaya dahil ako ang "promotor" gaya lage ng sabi ng nanay ko.

Sa bawat may pagkakataon na pedeng maligo sa ulan, madalas namin tong ginagawa. Kasama ang aking kapatid at kaibigan. Ang pinaka masaya neto ay sa tuwing uwian na pagkatapos ng klase. Ibabalot ng plastic bag gamit eskwela at tatakbo sa kalsada. Masaya. Di naman kasi madumi ang tubig sa kalsada di gaya ng kung ano anung sakit na ang makukuha mo pag lumusong ka sa kalsada ng Maynila. Sa probinsya, purong tubig ulan.

Sakay sa LRT este sa kalabaw. Taty ko ang unang nagturo neto. Isa marahil ito sa pina kagusto ko. Lalo nong bigyan ako ng sarili kong kalabaw ng aking magulang. Para akong tumama sa lotto. Jackpot ika nga. Simpleng simple lang pala ako noon. Ngayon ewan ko....

Eto ang pamatay. Ang pagtrabaho sa bukid. Mula elementarya hanggang early college eh nagtratrabaho kaming magpamilya sa bukid. Sabado at Linggo eto ang bonding moment. Planting rice is fun. Gigising ng sobrang aga. Sa bukid na din kami kumakain. May munting kubong itinayo ang aking mga magulang para may masilungan kami sa tuwing nasa bukid kami. May kalayuan kasi ang aming bahay sa bukid. Ito marahil ang isa sa pinakagusto ko. May pagkakataong pag gusto ko dating mapag-isa, pumupunta ako sa kubong ito sa bukid.

Looking back, iba na ang buhay ko ngayon. Ang dating bukid na lage kong nakikita ay minsan ko na lang mabisita. Puting buhangin na kasi ng Isla ng Boracay ang aking nilalakad. Ang dating libangan kong saranggola ngayun Internet na, DSLR camera, PSP, laptop at kung ano pa. Ang dating alagang kalabaw, ngayon wala na. Wala na akong alaga. Nakakamiss. At ang dating palayan, beach na. At kung dati kaming tatlo ang magkasama, magkatropa, ngayon may kanya kanya na kaming buhay. Kanya kanyang tupad ng bawat pangarap. Dating kapit tuko na akala namin di kami pedeng paghiwalayin pero eventually natutunan naming mabuhay ng malayo sa bawat isa. 

Ilang linggo na lang magsasama sama na ulit kaming tatlo kasama ang aming itay. Uuwi na ang aking kapatid sa barko at bago umalis naman ang aking kapatid na babae sa Hong Kong eh magbobonding muna kaming apat. sayang lang at wala na ang aming ina. Malapit ko na ring iwan ang Isla ng Boracay na naging tahanan ko sa loob ng anim na taon. Ililipat na ako sa magulong syudad. Good luck sa trapik at gud luck sa panibagong kabanata ng buhay.

this is it....

November 6, 2011

VICE GANDAng JOKE ni ATE

I just wanna share sumthin funny that just happened few mins ago. Below is my latest FB stats. Dahil di makamove-on agad sa nangyari, super update sa FB at dahil di pa din ako makapag move-on kahit nakailang tumbling na ako, kaya share ko na din.
 At 2:29AM while busy doing my Audit Reports:

Girl: Kuya kuya where's your Room Comfort?
Me: Sorry?(bingi daw)
Girl: your room comfort po!!! (take note of d 3 panctuation marks)
Me: (sure na, tama pagkadinig ko) Maam ano po?
Girl: Banyo ba kuya, banyo!!!
Me: Ahm, Comfort Room po?:-)
Girl: yeah, Pareho lang yon kuya, nukahbah!!!

sheyt!!! laglag sa upuan. ganon ba ang tawag ng mga (pa)SOSYAL sa Rest Room, Comfort Room at Wash Room?
 
haist. loading mode talaga ako. so slow at di ko agad na-gets ang ibig sabihin ni ateng not so social feeling super reyna ang porma.  Unkabogable and severe ang tawa. As in dami daming ko tawa. Di na lang kasi magtagalog ng diritso kesa magmukhang soo trying hard ingleserang sosyalera. Im not against anyone trying to speak English pero kung super mukhang trying hard naman, sana wag na lang ipilit. May mga bagay bagay talagang di nadadaan sa pilit . Practice muna. At sana sa mga friends na lang muna sya mag practice. Ang nangyari tulo na-award sya ng mga kasama nya. to qoute "nakakahiya ka gurl" Dami mong arte. 
 
Alam kong napahiya din naman sya at defense mechanism lang nya ang "pareho lang yon kuya". Di naman ako tumawa sa harap nya. I remained composed as if nothin really happened at sorry na lang kasi di ko talaga mapigilan at pinost ko sa FB at dito. Anong moral lesson ng post na to?  Wag ipilit ang hindi naman kaya ,at lalong hindi naman nakakahiyang magtagalog lalo't higit na dito tayo komportable. Afterall, using tagalog is one of the best way showing how proud we are being Pinoys. Patriotism. Bakit ang mga Chinese at Korean pag napunta sa Pinas lengwahe pa rin nila ang gamit? Mapalad lang tayung mga pinoy kasi magagaling tayong mag-ingles pero di naman yon ang basehan para lang masabing nasa isang lebel ka ng society. Pano na lang kung marinig ng ibang lahi ang bako-bako nating ingles di mas lalo tayong pagtawanan. BE YOURSELF, BE PROUD and BE PINOY!!!

November 2, 2011

epal post

Ang bilis ng panahon pero heto't ilang taon na rin pala ako sa pinakamatindi kong pagkukunwari, ang, pagsusulat. Di ko alam kong bakit tumagal din naman ako dito, kasi kung tutuusin eh, ƜBƋR hate ko naman talaga ang magsulat since nong nag-aaral pa ako. Noong elementary nga, sa di ko alam na dahilan kung bakit my "formal theme" chuchu pa si teacher, lage ko itong minamadali. Yung tipong ipapasulat sayu kung ano ang ginawa mo noong araw ng patay, pasko, new year, birthday etsetera etsetera. Pag me ganito na dumudugo ang utak ko, parang nereregla ako sa kakaisip. haaysss. 

Pero pano nga ba ako napadpad sa universe ng blogging? Nagsimula ako sa friendster, yuck so old LOL. Dahil sa severe na boring at emo, eh sinubukan kong mag ikwento ang isang pangyayari sa aking beautiful na buhay at medyo nakakuha naman ako na madaming comments mga 3, akin pa isa don LOL kaya nainspire ako at don nagsimula ang aking paglalakbay sa mundo ng blogging. May mga pagkakataong wapakels ako sa kung anong ipost ko makapag entry lang, kaepalan much but nonetheless may mga umeepal din sa pag kokoment kaya hapines pa din ako. Isiping mong ang walang wentang post eh pinagkaabalahan pa nilang basahin at magkokoment pa ng "bravo" "nice post" at "keep it up". Hellow, watchatink of me uto uto? Pero sa totoo lang, masarap pa rin talagang isipin na kahit pano eh me nagbabasa ng post mo at nakakarelate sa pinagdadaanan mo sa panahong isinulat mo ang post na mo, at bonus na yong koment koment kahit bola bola lang. Kahit pambobola, pinaniniwalaan ko. Ganon ako kababaw kadaling kausap.

Hindi ko alam kung hanggang kelan ko kayang isustain ang trip kong 'to, pero sana tumagal pa. Sabihin man nating may mga pagkakataong nawawalan tayu ng ideya na madalas mangyari sa katulad kong nagkukunwari sa kung ano ang ipopost pero di ko maitatangging isa tong avenue para mairelease ko ang stress at bad vibes sa buhay. Sa mundong eto, alam kong walang ibang hari at reyna kundi tayung mga nagmamay-ari ng kanya kanyang blogsite. Subukan nyung sabihing hari kayo blog ko para uuwi ka sa inyo na bitbit ang ulo mo joke. Sa pagbabasa din ng blog, mas nakikilala mo kung anong klaseng tao ang nagsusulat. merong masaya, merong parang pasan ang daigdig ala sharon cuneta, merong parang si nora na naghihimala, merong puro kahalayan pero aminado akong enjoy basahin at merong parang si Dr. Love paadvise advise lang, may photo blog at syempre meron din naman talagang mga unkabogable na mga bloggers na kapupulutan mo ng aral, mapapatawa ka, papaluhain ka, at papalibugin ka.

Magkaganun pa man, kahit anong klaseng blog yan, di yan patatawarin ng taong walang magawa at walang gagawin kundi ang patayin ang oras. Opkors meron din naman talagang hobby na ang magbasa ng blog ng me blog. Sa lahat sa atin keep blogin and keep rockin :-) much love everyone toinks.

October 31, 2011

dati-rati

People do change and so its preferences. Cliche as it is "there is nothing constant in this world except change". Mag tumambling man tayo sa kaka-justify pag sinabihang "nagbago ka na" pero yon ay totoo. Sa ibang bagay malamang hindi, pero in most aspects of our life, mag umisplit man tayu sa kaka-deny, totoo pa din 'to at wala na tayong magagawa kahit tawagin pa natin ang lahat ng sirena sa karagatan.

When I was in my final year nong elementary ko, I really wanted to have pimples (o di ba adik?). Kasi ang Elementary at High school namin before ay isang compound lang, and everytime I see students na may pimples, inggit much ako. Feeling (dati pa feelen-gero na ako) ko kasi binatang binata ka pag meron ka non. Feeling ko mas madaming pimples mas astig (adik lang talaga). And so in my sophomore year,s sa wakas tinubuan din ako ng pimples, yihey. Puhteks, pangit pala. Kung kelan naman ako nag karoon ng pimples saka ko naman na-realize na pangit pala. And I ended up having those mala chocolate hills sa daming pimples until my senior years in high school. Pasalamat na lang nong college kahit pano eh nagsawa na sila sa ilang taong pamamalagi sa aking mukha. Ngayon from time to time eh my pa isa-isang bumabalik lalo pag kulang sa tulog o stressed pero di rin naman nagtatagal. Bumibisita lang siguro yon kasi namiss nila ako (lolz)

Noong bata naman ako, gustong gusto kong tumanda, yong tipong 12 years old ka lang eh gusto mo nang mga 25 years old ka na agad. Kasi may trabaho, may sweldo, may date, at kahit pano may perang panggasta. Ngayon gustong gusto ko maging bata. Walang problema, walang stress at walang pera pero masaya ka. Puro laro lang. Ngayon nakapaglalaro ka nga pero may kaakibat ng responsibilidad lalo't ang larong nilalaro mo eh yong di dapat paglaruan (wink)

One more thing, dati ayoko na mag aral. Mas gusto ko magtrabaho na para may sarili nang anda, fera, datung etsetera kung ano pang "in" ang tawag sa kwarta. Ngayon, mas gusto kong mag-aral. May allowance ka na,  iwas trabahong bahay pa. Pede ka pang magalit kapag kulang ang binigay ni mama. Ngayun ikaw na ang hihingian at sila naman nang nagagalit pag kulang hahaha.Hayyysss pero ganun pa man bawat pinagdaanan natin masayang balikan. Napapangiti at sasabihin sa sarili mo sa salaming kaharap mo "adik ka ba? bat mo naisip yon?"

Ikaw anong kwento mo?...

October 25, 2011

Please listen to what I'm not saying by Charles C. Finn

I just wanna share this poem to everyone. Maaring ang poem na 'to ay sinulat ni Charles C. Finn para sa akin, para sa atin o malamang ay para sayo. Maaring ang tinutukoy nya rito ay ang kanyang sarili, o mas malamang ay ako at baka lalong ikaw. Sakaling nasa emo mode ka habang nagbabasa nito, di naman bawal ang matuwa, malungkot o mas cool sigurong umiyak. Ilabas ang dapat ilabas, dugo, pawis, luha, laway pati na ang plema para mas feel mo ang drama. happy reading everyone

Don't be fooled by me. Don't be fooled by the face I wear. For I wear a mask, I wear a thousand masks, masks that I am afraid to take off, and none of them are me.

I give you the impression that I am secure, that confidence is my name and coolness is my game, that the water's calm and I'm in command, and that I need no one. But don't believe me. Please.

My surface may seen smooth... beneath I dwell in confusion, in fear, in loneliness, but I hide this. I panic at the thought of my weakness and fear of being exposed. That;s why I frantically create a mood to hide behind, a nonchalant sophisticated facade to shield me from the glance that knows. But such a glance is my salvation. And I know it.

It's the only thing that can assure me of acceptance and love. I'm afraid that you'll think less of me, that you'll laugh. To laugh would kill me.

So, I play my game, with a facade of assurance without - and a trembling child within. And so my life becomes a front. I only chatter to you in the suave surface tones... I tell you everything that's nothing, and nothing of what's everything, of what's crying within me. For when I go into my routine do not be fooled by what I'm saying. Please listen carefully to what I'm not saying.

I dislike the superficial, phony game I'm playing. I'd like to be genuine and spontaneous, and me. You've got to hold out your hand even when it seems to be the last thing I seem to want or need. Only you can call me into aliveness. Each time you're kind and gentle and encouraging, each time you try to understand because you really care, my heart begins to grow wings, very feeble wings.

I want you to know how important you are to me, how you can be the creator of the person that is me, if you choose to. But it will not be easy for you. A long conviction of worthlessness builds strong walls.

The nearer you approach me the blinder I strike back. It is irrational, but despite what the books say about man, I am irrational. I fight the everything I cry out for. Bit I am tole that love is stronger than walls, and therein lies my hope. Please try to beat down those walls, but with gentle hands - for a child is very sensitive.

Who I am, you may wonder? I am someone you know very well. I am every man and woman you meet.

October 24, 2011

apples and lemons

just when I gave up something I wanted,
just when I thought that I'm perfectly fine now,
just when I embrace the fact that I'm meant to be in the place I am now, BORACAY
and just when I finally love the work, the island, my colleagues, my routine that I once consider my self made prison....

And then, here's the opportunity Ive been waiting for so long. Long enough that I learned to accept and believe that some things isn't really meant for us.

Discernment. Oh God help me. Should I or should I not. Now I'm torn between two great things I both wanted. The thing that I prayed and ask long time ago. And because it takes a while before I finally got the answer, I learned the art of patience and learned making lemonades, since I receive lots of lemons, though I ask for apples. And just when I finally love lemons and lemonades, here comes the freshest apple right in my doorstep....

Back to square one. I'm the luckiest soul now that I had these options and opportunities. If I could only take them both, but I know I cant. I cant  and I wont be greedy like those politicians. I wanted both lemon and apple. But I need to choose one. 

Now I'm praying....
Apples or lemons?...
Help, your son needs YOU again this time.
and thank you for the lemons and apples.

October 21, 2011

alaala ng nakalipas

Finally Im back...
Pagkatapos ng medyo mahabang pahinga, nandito na naman ako. Susubukang magsulat, magkwento ng mga pangyayaring alam ko namang walang intresadong magbasa.  Pero ganun pa man, ayos na tong pamatay oras. 

Sa isang buwan kong pagkawala sa Isla ng Boracay, medyo marami din naman nangyari. Nakapagpahinga at naging normal ang buhay.. Naramdaman kong "tao" pala ako at hindi "paniki". Kasi naman since 2005 akoy gising at nagtratrabaho sa gabi habang ang karamihan sa inyo'y tulo laway at nagwewet dreams LOL.

Naging bonding moments din namin ng aking kapatid ang panahon ng aking bakasyon. Bilang nagpapagaling dahil sa letcheng pagsabog ng appendix, mas napatunayan kong napakaswerto ko dahil meron akong kapatid na handang gawin ang lahat para masiguradong ayos lang ako. Salamat. yon lang ang tangi kong masasabi para sa kanya.

Nagkaroon din ako ng pagkakataon na mabisita ang dati naming bahay na ngayon ay wala nang nakatira. Tanging ang aking kapatid na lang kasi ang bumibisita doon isang beses isang linggo kapag me panahon. Sa panahong nandoon ako, di ko mapigilang malala ang mga magagandang nangyari sa pamilya namin. Ang nanay kong ilang taon na ring sumakabilang buhay, ang tatay kong may nang bagong asawa, ang aking kapatid na babae na sya na lang naiwan sa amin at nakatira na sa munting bahay na aming pinagtulungang ipagawa, at ang aming bunsong nasa barko na nagtratrabaho. May pagkakataong kusang bumabagsak ang mga luhang pilit pinipigilan. Ang mga luhang tumulo ay hindi dahil sa kalungkutan kundi pasasalamat kasi nakita ko kung gaano na kami kalayo sa dati naming buhay. Ngayon, kanya kanya naming tinutupad ang kanya kanya naming pangarap at kahit malayo sa isat isa di naman nawawala at nababawasan ang pagmamahal ng bawat isa.

Sa bahay na yon, doon namin binuo ang aming kanya kanyang pangarap, at alam ko sa bahay din na yon namin pagsasaluhan ang bunga ng aming pinaghirapan. Hindi sa pagiging masyadong ma-emo o mamateryal pero di namin pedeng pabayaan ang bahay na yon. Kahit sabihing wala ng nakatira doon, napagkasuduan pa din naming alagaan yun dahil yon ang mag papaalala sa amin kung nasaan kami galing at yun ang magiging piping tagapagsabi kung gaano na kalayo ang aming narating (kung meron man) at ang aming mga dapat balikan.

At bilang balik trabaho na ulit, sana ang mga bagay bagay na nagawa ko noong bakasyon ay magawa ko pa din kahit isang beses isang buwan. :-)

memories memories memories

July 22, 2011

PUKE

 
Alam mo ba… na ang PUKE ay synonymous to VOMIT?..

 
 
Ano ulit ang basa mo?
:-)

July 18, 2011

gusto mo maging masaya?

 

Each night (instead of morning, adik mode kasi graveyard ako for the last 6 years) when I open my ever beautiful eyes (walang basagan ng trip, mata ko to!!. bawal komontra, suportahan mo na lang ako. sabihin mo "oo" saksakan ng ganda ang mata ko sa comment box kahit alam kong binobola mo lang ako, paniniwalaan ko hahaha) I say to myself: "I", not events, have the power to make me happy or unhappy today. I can choose which it shall be. Yesterday is dead, tomorrow hasn't arrived yet. I have just one day, today, and I'm going to be happy in it.

Not everyday would be a perfect day. Not all the time, things will turn out the way we wanted it to, but whats good at it, is, "US" remains to be positive despite bad things happens.  Sabi nga ni J.P. Vaswani sa kanyang libro na "Its All A Matter of Attitude" we can't change bad things, but we can change our attitude towards them :-)

so today, whatever happens, let us all be happy. 

love... love... love... :-)





July 8, 2011

waka waka sila

QUESTION: What will you do if a total stranger na nakasalubong mo excitedly hugs you and says she miss you in front of her friends?
It was one great morning. While walking at d' mall alone to bring some stuffs to a friend cum business partner cum product distributor when this girl excitedly hugs me in front of her friends telling me she missed me that much. Caught off guarded and shocked (kunwari) I just let her hugged me while trying my best to remember who the hell is this beautiful young babe. But really I can't remember a single detail of her. Or maybe Im just too focused the way she hugs me plus the fact that shes wearin and extra thin cloth (the typical thin white cloth used for beach attires). Just when shes done. All I did and say was "Hi, Hu U?" hahahhaha. And made a not so charming excuse by saying "oopppssss, a friend is waiting nearby. I'll just bring this stuff and be back soon." I could see it in her face that she was shock. And then I walk away. Just about three meters away, I heard her called me "kuya saglit" and ran towards me and says "Oy Im sorry, kala ko ikaw si (I forget the name she mentioned). All I said was "its okey, I know it" hahaha suplado mode at nag apir apir kaming dalawa and burst ourselves in laughter. We parted our ways laughing to what had happened.

Another story I wanna share.
Tsamina mina eh eh waka waka eh eh, tsamina mina mina dis time por aprika waaaaahhhhh (sabay suka) ni manong lasing sa kanto. tangna naman si kuya susuka lang kakanta pa ng waka waka. wadapaks. Ang matindi pa nito, while his doing his thing ang kainuman naman nya iniihian suka nya. wahhhhh. palanggana. Sila na. Sila nang bida. silang lasenggo sa kalsada. 

this was some weird and funny experience I had last few days. Everytime I remember these napapamura ako este napapasmile. whew!!!!

July 4, 2011

PISS-BOOK

May pagkakataon bang naramdaman mong lagi ka na lang nami-misinterpret ng mga taong nakapaligid sayo? Thats exactly my delimma at the moment, or perhaps its me who misinterpret things around me. Why oh why lantang gulay.

I really dont know why people loves to make stories out of something that is purely based on assumptions. Prejudice? Perhaps not. It all started out with a plain and simple status update in Mr. Zuckerbergs famous website, and before I know it, there had been malicious and fabricated stories circulating around. And to make the story more interisting than it really is, they make me the main subject aka bida and at the same time kontrabida. Homaygawd, dual role. 

Much that I would want to clear things out, make another status update for clariffication, I just decided not to, hence I dont want to be mis-interpreted again and forget those thing even it is a bit hard. I must admit, I was affected of such, but whats more important is I, myself know whats true.

Plain and simple, we all have our way of understanding people. We all have our way of knowing what they want us to know. But more than that, RESPECT should always be present so, we too, would gain their respect that we think we deserve.

Ikaw, had your status update in Facebook had been misinterpreted?

June 27, 2011

BAD ME, wag tularan

Paalala: para sa mga bata at nakukunwaring bata, wag tularan. Ang ginawa ko ay masama pero nakakatuwa (at least sa akin) pero sa iba, HINDI!!! Kung sakaling gusto mo pa ding gawin, nasa sa iyo na din yan pero wag kalimutang ang inyong lingkod ay may paunang paalala :-)

"OO, ikaw ang suspect. Pinablotter ka nila. Narinig ko din sa radyo at sa kapitbahay na ikaw nga ang suspect"

Yan ang text message na pinadala ko sa lahat ng kaibigan ko. Lahat ata kaibigan ko sa contact list ko ay pinadalhan ko nga ganyang message. Ang dahilan? wala lang, trip lang. Ang sama ko. hahahha.

Ang message ay talagang walang kwenta. Pero higit don, ang nakakatuwa ay ang reply ng mga kaibigan ko. Majority ng reply ay "ha?". Siguro mahigit sa 13 friends ko eh yon ang reply. Pero ang talagang nag stand-out ay ang matagal ko ng kaibigan na di ko na papangalanan. hahahah. Ang reply nya ay kung anong kaso daw ba kasi wala naman talaga syang nagawa. Kahit sinabi ko nang wala, joke lang yon eh nagpupumilit ang kumag. Sabi ko, malamang may ginawa nga tong mokong na to kaya't kahit ayoko, sinakyan ko ang kwento nya hanngang nong bandang huli eh nagconfess ang loko. Ang malala, nagconfess ang loko pero yong inaakala nyan krimeng kanyang nagawa ay sobrang laki na pero kung tutuusin eh wala naman talaga. Adik lang talaga si loko at may pag ka praning hanggang sa sinabi kong wala naman talaga, na ang text message ko eh bunga lang ng isang matinding boredom.
Paalala: para sa mga bata at nakukunwaring bata, wag tularan. Ang ginawa ko ay masama pero nakakatuwa (at least sa akin) pero sa iba, HINDI!!! Kung sakaling gusto mo pa ding gawin, nasa sa iyo na din yan pero wag kalimutang ang inyong lingkod ay may paunang paalala :-)

"OO, ikaw ang suspect. Pinablotter ka nila. Narinig ko din sa radyo at sa kapitbahay na ikaw nga ang suspect"

Yan ang text message na pinadala ko sa lahat ng kaibigan ko. Lahat ata kaibigan ko sa contact list ko ay pinadalhan ko nga ganyang message. Ang dahilan? wala lang, trip lang. Ang sama ko. hahahha.

Ang message ay talagang walang kwenta. Pero higit don, ang nakakatuwa ay ang reply ng mga kaibigan ko. Majority ng reply ay "ha?". Siguro mahigit sa 13 friends ko eh yon ang reply. Pero ang talagang nag stand-out ay ang matagal ko ng kaibigan na di ko na papangalanan. hahahah. Ang reply nya ay kung anong kaso daw ba kasi wala naman talaga syang nagawa. Kahit sinabi ko nang wala,
Sa kabuuan, ang mensahing yaon ay di naman talaga pinansin, liban lang sa ilang mga kaibigan nakakatuwa ang reaksyon. Ikaw, anong kwento mo na pinag tripan mo ang kaibigan mo?

June 24, 2011

why?

Party people around him.
Tequila on his left hand, his phone on the right
Boracay breeze.
 Almost a perfect night.
Almost...
 The one he loves just broke with him.
Where is she?

Those stars.
The music.
The drinks
The dancefloor...

He's tipsy...
No, he's drunk...
Someone pulls him off..
KISSED and HUGGED
and when he opened his eyes..
it's SHE..
She takes him home
and said goodbye...
yeah, GOODBYE...
tears...

June 21, 2011

Noon, Ngayon at Bukas

Noon Masaya ako sa tuwing nakikita ka. Di tayo magkakilala. Kahit sabihing marami tayong common friends pero we never had a chance to introduce ourselves to each other. Im into a relationship then, I dont know if you too, perhaps you are since have this thing na "you got it all" package deal ika nga. Kaya nga siguro di kita pinapansin noon kahit alam kong tumitibok-tibok si hearty ko sa tuwing nakikita ka, kasi nag-aalangan ako. Somehow and at some unexpected places, we're introduced twice by our common friends. First was when we bump on you from a supermarket. Yeah, masaya ako non, subrang masaya. I could even remember vividly what you're wearing at that time, even the way you reach my hand for a handshake, and even the way you say goodbye when we finally parted our ways. Adik na pero "kinilig" ako that time. Akala ko high school lang ang kinikilig pero hindi pala. You had your way of making me kilig. The second was when Im on my way home with another friend from a dinner, 'twas not so dark night, just in front of a laundry shop, lights from a nearby bar and establishements adds a romantic feel, kilig mode again. We just talk a bit and again we bade our goodbyes. I had just know that you're not better at that time. I had just know that theres something wrong in your health and I worried. OA pero thats true. And everytime I see you somewhere, di mo ko pinapansin. It makes me sad, really sad. I just told myself that you really don like me huh!.. Okey, if you dont, I wont forced myself. Who is me? Im just an acquintance, right?

NGAYON We finally know each other for a quite sometime now. You know my name na, unlike before na lagi mo nakakalimutan. Nagtetext ka na din at napapatawag pa  minsan. We hang out and we talk anything. Nagagawa na nating mag-asaran. Kilig pa din ako pag naglalambing ka. We do things that is not normally done by FRIENDS. Yeah, were just friend. Kasi naman you came late. When I was at my lowest point in my life, 'twas when me and my ex decided to end up our seven years of being together, I look for some friends. I ran to them and I never thought of you. We're just acquintance then, right?And finally, I had found a friend who offered shoulder to cry on, an ear who listens to a melodramatic me, A friends who help me regained my composure. A person who taught and help bring back the old me. And since then, we had been together as best of friends, yes best and true friends. Circumstances and the constant outing we had taught the person to fall for me.. And yes, we are still togethere until now, as friends and I want to remained it that way. And now, I almost see you every now and then. We spend much time that I tend to forget that I might be hurting someone because of being so close to you. Yeah, that person got jealous of you. And you too got jealous of that same person. It makes me sad and my life is so complicated. I dont want to lose you my friend and I dont to hurt the person who give my life back. Ang gulo ko, ang gulo natin. Bakit ganon?

BUKAS I really dont know whats in store for all of us. I hope that everything will just fall into its right places. I hope things would be as fine as before. I hope. I hope We all realize the value of friendship. We are all friends. All of us, the three of us. Please let us remained it that way......

June 12, 2011

A day that is All About EX

"The best thing about life is that you can always start over. No matter how bad yesterday is, tomorrow is always a fresh start. Just let the scars of yesterday justify how and who you are now. It is only with tears that we can conquer fears. We have to experience pain to diffrentiate sane form insane. And we have to live, to love, and to get hurt, so we could understand and appreciate that its the things we take for granted that matter the most."

yan ang nobelang text message ng aking mahal ko pa ring ex-girlfriend. I dont totally agree don sa laman ng message nya pero at this point I dont want to argue. hahaha. Di ko alam kung bakit ako naalalang i-text gayung medyo matagal tagal na din kaming walang communication, matagal tagal as in mga 2 weeks? di lang ako sure, hahaha. Though we remained as good friends, me choice ba ako? medyo iniiwasan ko na mag communicate sa kanya sa kadahilanang she is now involve with someone. OUCH!!!. Yoko namang isipin ng present guy nya na umeepal pa din ako sa kanya. PRIDE much. bakit ba?...

pagbukas ko naman ng pc, me konek pa din sa kanya kasi while tsekin youtube, by accident and for some strange reason nakita ko naman to. http://www.youtube.com/watch?v=ayFGxPZ2pN8.

haissssssst anong meron sa araw na to at puro naman ata patama sa akin. Well whatever it is, bahala na. Bahala na kasi di ko pa talaga alam. Magulo as I am pa din si ako.

Time to move on. yeah move on. Yan ang pamatay na linya ko sa para sa sarili ko. I started the process na. Kala ko madali lang pero di pala, kasi panahong akala mo okey ka na, saka mo malalaman na di pa pala, I mean, kala mo you totally moved on pero di pa. I had moved on pero di pa talaga sya total. With honesty and humility, I must admit di pa talaga totally moved on si ako. Forget the pride pero yon ang totoo. Kelangan ko kalimutan muna yong pride, kasi part yon ng process. Sabi ko nga sa last entry ko. Ang pride parang panty, pag di mo binaba, walang mangyayari! make sense? :-)


June 7, 2011

Random Thoughts

whew.... june na naman. taglibog este tag-ulan na naman. medyo matagal tagal din ako walang post sa kadahilanag sobrang kunwari busy si ako. Kaya pagsamasamasahin ko na lang sa isang post na to. Madami dami ang nakakatuwang nagyari at meron din namang nakakabadtrip. May paulit ulit at may bago.

FERNtastic vacation:
I had again my bonggang trip to Manila para mag attend ng Personal Awareness and Leadership Seminar (PALS) sa head office ng FERN Inc. Bongga sya kasi sa investment ko na 3,000.00 eh kahit pano afford na ang plane ticket at taxi. LOLZ yabangz. Sa previous blog ko, sinabi ko na para akong tangang palaka kasi di ko kabisado ang Metro, kaya ayun taxi taxihan ang drama ko. Nagkunwari akong sanay sa Manila kay mamang taxi driver, sa isip ko kasi baka iikot ikot ako like a ferris wheel kung mabuking nyang galing ako sa isla, kaya nong tinanong nya ako kung saan dadaan, kala ko mabubuking na ako. One time, si mamang taxi driver nagkuwento about the holdapan na naexperience nya, kinig kinig naman ako pero nginig nginig ang tuhod ko, hahahaha. All in all nice naman sya kasi worth it ang seminar. Sobrang swerte lang ako sa FERN kasi may sideline na ako, natulungan pa akong sa Personal Growth ko. I had the oppurtunity to do my business and had fun meeting people. For students, wife, husbands, jobless and anyone who wants an extra income I encourage you to try being a FERN distributor. For inquiries you can e-mail me sa addy ko sa taas.

FACEBOOK Status
Napapansin nyo ba mga status ng friend nyu sa FB? Paiba-iba. May galit, may happy, may qoutes, may parinig, may mali ang gramar at spelling etc. etc.... Lately I refrain posting status updates and if I do, I choose to post yong kahit pano eh may sense and positive naman ang mensahe. sabi nga, your facebook page reflects the kind of person you are. May mga friend tayu sa FB na magpopost ng updates,sya ang unang mag like sa sarili nyang post at sya din una magcomment. adik!!! hahahah

ON MATTERS OF the HEART
Love for no reason. Love because you love. Mahalin natin ang taong mahal natin dahil mahal talaga natin sila. Di tayo dapat magmahal para mahalin din nila tayu pabalik. Unconditional love ika nga. I remember a conversation from a friend. Sabi nya, kung magmahal daw tayu, dapat walang rason, kasi pano na pag nawala na yong reason na yon? Ibig bang sabihin non di na natin sila mamahalin. Halimbawa mahal mo sya kasi "cute" sya, pano pag di na sya cute? haaaaaayyyyyssssss....

On PRIDE
This wont bring us good most of the time. Somehow kelangan din naman natin magkaroon ng pride to know our worth but most of the time, sa pakikipag relasyon, not neccesarilly romantic relationship, we have to set aside this unhealthy attitude. Ang pride parang panty, pag di mo ibinaba, walang mangyayari!!! joke as it may seem but it makes sense :-)

AT WORK
Im supposed to be used at it pero at time, I am caught off guarded and ended up being tuliro. The more you do your job (audit) more you earn frenemies, lalo na yong sing taas ng ng twin tower ang pride nila. Again, my principle is "I wont apologize for doing my job" It may sound not so good but I guess ganun talaga. :-)

BLOG
Amazed lang ako kasi yong dati kong title ng blog na "DENGUErous BLOG" eh gamit na ng iba. pati pag type at apslock ng letter parehong pareho. Nakakagulat kasi wala pang isang araw when I change my title at addy nagamit na agad iba. hmmmmm....

so far yon lang muna....
till next time :-)

May 21, 2011

being nice VS being right

just a quick post, nakaw sa office :-)



Would you rather be nice or will you stick to what is right?

This has been my concern lately. At work, at time or most of the time, I am really prone to arguments for which I hated much. I'm am not really into it more so that I know that I am sticking to the rules. Yes maybe at times, considiration should be extended but when abused (which is actually what is happening) it categorically falls into something I dont want to deal with. TOLERANCE. Tolerance then leads to ignore small things which when accumulated had its "material value".

I hated much, yesterday for again I had an argument with a workmate. I know very much my job discription, its limits and boundaries, and I always put it on my mind the parameters that had been established. Why do some people consider that your action is beyond to what is supposed to be, just when everything is clear that it is a part of your job. Was this because that same thing you imposed and follow is something unbenefecial to them? Selfish!!! kitid ng utak. bat may mga ganung tao sa earth. haysssssss tumbling mode....

Nevertheless, I would still choose and stick to what is right. I know I need to be nice too, but at this point and on this matter, my mind should prevail over my heart. It may not be easy but when you stand and stick to what is right, you will always be on the right side of the fence. Some, may not understand you at the moment but sooner, if they do, that would be the sweetest vindication. trabaho lang, walang personalan...

world peace!!! :-)


May 19, 2011

Boracay 2011



When we say BORACAY it equates PARADISE. White sand beach, prestine waters, dark blue sky on sunny days, beautiful people, world class establishements like hotels, restaurants and more. Boracay is not all about Beaches, waters, sands and establishements; It has people, beautiful and very hospitable people on this matter and they call us PINOYS. Ikaw pinoy ka ba? At para don sa mga kaibigan kong di pa nakakarating ng Isla ng Boracay, let me share you these photos(pag-tiyagaan nyo nga lang). And for those ho have been here, theres more about Boracay. Next time you step in this Island you will have another bunch of wonderful experience.


Lantern by the Beach


"baruto" local term for boat


"bulaga"


"solo"


"hilera"


"yello+green"


"sabit"


May 16, 2011

Eksena sa Isla

dahil sa wala ako maipost, eto na lang muna....
paninindigan ko na ang pagiging dakilang palaboy sa isla ng Boracay.. pagpasensyahan nyu na lang dahil di naman talaga ako photographer.

Koreans by the beach!!!

Sunset Skimboard

Groto(as locals call it here)

d' Groto by noon

the coconut nut

Boracay Sunset

Eksena sa Isla

yan na lang muna!!!!

May 14, 2011

kelan lang blogger had been into what they call maintenance chuchu. I was really not bothered kasi kala ko net connection ko lang ang me problema. Kaya pagdating na pagdating sa work, sinubukan kong  mag log-in sa blogger at ganon pa din. ampowtah my problema nga yata talaga, di pa convince eh :-)

nong ok na sya, ayun naconfirm mula sa mga sikat na blogger na may chuchu nga talagang nangyari, tapos si ako tsek muna ng aking mga entries, yong latest entry wa na comments. leche!!! nag-iisang comment nga lang yon nawala pa, hahahahah.pero salamat pa din kay kuya keatondrunk

dahil sa nangyari, binalikan ko ang mga previous post ko, ngunit parang nagsisi na din ako kasi napagtanto kong wala pala talagang wenta ang mga entries ko, ganunpaman natuwa na din ako sa sarili ko
kasi
kasi
kasi
pag di na ako natuwa sa sarili ko sino na lang?
sino? 
sino? 
at sino?
ikaw? .....
cge na nga pede na din ikaw.

Sa mga naging entries ko kahit sabihin ko mang walang kwenta ang mga yon, di ko pa din naman maitatangging may mga entries akong paborito don. Di dahil sa maganda ang pagkakasulat kasi I know I was not given the that gift pero yon yong mga nagpapaalala sa akin regarding what I thought, what I feel and how was me in tht particular moment of my life. ohdiva Ingleser na ako LOLZ. Isa sa mga naging gusto ko ay ang post ay http://denguerousblog.blogspot.com/2011/02/kamusta-ka-ina.html kasi it was written by a son who dearly miss his mother, friend, supporter, fan, critic rolled into one.

ikaw anong post mo ang pinakagusto mo? Pano pag nawala ang blogger?

May 11, 2011

Yong totoo.

Tanong: Ano o Sino ang importante sayo? Yong totoo!!!

Minsan ba sa buhay mo naitanong mo sa sarili mo ito? Simpleng tanong pero kaakibat nito ay ang maaring maging batayan upang malaman kung anong klaseng tao ka. Maaring sa mga sagot mo ay higit kang makilala ng mga taong nakapaligid sayo, at maari din namang sa hindi mo inaasahan, gaya ng nangyari sa akin ay mas lalong higit mong nakilala ang sarili mo. 

Sa totoo lang, madali lang talagang sagutin, ang mahirap ay kung pano mo bigyan ng sapat at tamang justification kung bakit yon ang mga pinili mong sagot. At sa bawat minutong ikaĆ½ nag-iisip kung pano mo gawing kaaya-aya ang ang iyong so called justification, hindi mo namamalayan na mas lalo kang napapalayo sa sarili mo. Lalo mong nilalayo ang sarili mo don sa totoong sarili mo kung bakit yon yong mga napili mo, dahil mas binigyan mo ng oras para ma-impress ang taong nag-tanong sayo.

Subukan mo toh, isipin mong isang kaibigan, katrabaho, kakilala ang nagtanong nito sayo. Isulat sa papel ang mga naging kasagutan mo. Kuntento ka na ba? Subukang itupi at kumuha ng panibagong papel. Sa pagkakataong ito subukan mo namang isipin na ikaw (sarili) mo ang nagtatanong ng katulad na tanong. Subukang ikumpara ang mga sagot mo. May pagkakaiba ba? Kung wala, mapalad ka pagkat naging totoo ka sa sarili mo. Kung meron, subukang balikan ang mga naging kasagutan. Subukang kilalanin ang sarili. sa pagkakataong ito, dito ka na magsisimula upang lalong makilala mo ang sarili mo.

Yong totoo....
Sino at ano ang importante sayo?
Yong totoo....
Kilala mo ba talaga ang sarili mo?
yong totoo......