Are you one of us?

November 30, 2009

Emo Tero 101

Life somehow sucks. paulit ulit na lang. masaya ngayun, bukas malungkot. stress free ngayun, bukas pasan mo ang daigdig. Whew, ang buhay nga naman, parang life. Pero sa kabilang banda, ang buhay na minsan ayoko, ay sya ring buhay na gusto ko. Ang gulo ng buhay. ang gulo ko... haaaaayyyyyyyyyy....

Pero bakit nga ba ang gulo ng buhay? Ako ba o tayo ang nagpapagulo nito, o yong mga taong nakapaligid sa atin? O baka naman talagang magulo lang ang buhay..... ang gulo. ang gulo gulo.

Kelan lang sobrang saya ko. Kelan lang para akong nasa cloud 9. Kelan lang, ang dami kong pangarap, ang daming gustong gawin, ang saya. Pero ngayon, eto ako nakaharap na naman sa computer, nakupo... at nag-iisip. Malungkot. Oo malamang alam nyo na yon. Pag nag ba-blog ako malungkot ako, pero minsan masaya din naman. Tama, masayang malungkot. Parang kelan lang ano? Ako na puno ng pangarap, pero ngayun isinasabuhay ko ang mga pangarap na yon. Pero bakit parang may kulang pa din? Parang hindi pa rin ako masaya? Kung sabagay, pano ka ba naman sasaya kung nangangarap ka pa din. Nangangarap na sana ...masaya ka na talaga...

Ang buhay? haaaaaayyyy. Oo nga pala, ang dami nangyari sa akin lately. Ang dami kong natutunan. Natuwa naman ako, pero don pa din ang lungkot. Lungkot dahil may natutunan ako pero ang iba ayaw tanggapin yon. Lungkot, dahil kung ano yung natutunan mong tama, mali sa pananaw ng iba dahil hassle ito sa kanila. Ano nga ba ang tama? Paano magiging tama ang isang bagay? Tama ba ito kung lahat ay sumasang-ayon sa iyo? O baka tama ito dahil napapakinabangan mo ito? Basta ang alam ko may tama ako. Ang lakas ng tama... adik ka bai....

Naku, eto naman ako. Magulo ang utak. Magulo ang isip. Hay, nagugulat pa ba kayo? Sa mga tunay na nakakakilala sa akin, malamang hindi na. Di ba nga ako si Emo Tero? Isa akong baliw. Wala lang, mahilig mag isip, at pahirapan ang sarili. Humarap sa salamin at kausapin ang ang imaheng aking nakikita. Mag reflection ba. Isipin kung tama nga ba ang mga bagay bagay na ginagawa ko. Minsan okey naman. Natutuwa din naman ako sa sarili ko, minsan pinapagilitan ko din sarili ko. At bago matapos ang drama ko sa harap ng salamin, sasabihin ko sa imaheng kaharap ko "praning ka na naman"... hoy....

Ang hirap no? Ang hirap magkunwari. Ang magkunwaring okey lang lahat kahit hindi. Ang hirap na magkunwaring malakas, pero lampa ka pala. Ang hirap magkunwaring manhid, kahit sa loob mo'y durog na durog ka na. Ang hirap makisama sa taong ayaw sa iyo pero kelangan mo pa ding gawin. Ang hirap din makisama sa taong ayaw mo pero kelangan mo pa ding pakisamahan.. ang labo. ang labo labo.... Haaaaaayyyyyy.... ang buhay. mahirap pero masaya.... Yan ang buhay ko. abnormal. abnormal ang buhay ko kaya ako abnormal na rin....

Pagmamahal? marami nyan. Marami ako nyan pero di ko lang lam kung kanikanino galing. Family? Friends? Basta alam ko maraming nagmamahal sa akin. Ngunit ang masaklap, ang mga taong mahal at nagmamahal sa'yo, sila din ang nakakasakit sa iyo. Hay naku. Sana naging manhid na lang ako. Sana bato na lang ang puso ko, o sana wala na lang talaga akong puso. Pero di naman pwedeng ganun. Malamang wala ang blog na 'to, wala ang drama na 'to kung wala akong puso. Malamang wala si Emo Tero.


Hay. sige na sa susunod ulit. magulo na ang mapurol kung utak. Masakit na ang puso kong manhid. Nagbabadya na naman ang mga luhang gustong kumawala. Ayoko neto. Ayoko ng drama... hahahaha. O aangal ka? sasabihin mo madrama ako? Hindi oy.... kaw lang yata, kasi napapadala ka sa mga inilahad ko dito. Wala toh. Walang wala sa buong nararamdaman ng puso ko. Intro pa lang to....

hanggang sa muli....

No comments:

Post a Comment