Are you one of us?

December 28, 2010

assassins of dreams

Remember the days when you're still a kid? Remember that once, you had dreamed so much not even thinking if those will come true? That all you've got to do is dream and "believe" that such will happen in its due time? FLASHBACK. Remember yourself when you were just no-one but a dreamer. No-one but a kid. Yet that dreamer and that kid, had so much FAITH and HOPE in his heart, that whatever we dreamed of, will eventually come true.

FASTFORWARD. Now, just now, do we still had that FAITH and HOPE in our hearts that whatever we dreamed of, and of those that we are going to dreamed of, will come true? Or do we still dream of something for us? Do we still dare to dream of even moving the mountains? Truth is, as we aged, we dreamed only what we can achieved. We dream of what is easily achievable of what we have at present. We dreamed, according to our capacity. The faith and hope had faded if not gone.

Realistic perhaps would be our best defense. We dreamed of whats easily achievable. Was that really being real or was that just part of losing courage? Oh yeah, courage. Courage can do much. Dream on. Have courage to dream on. And if you had the courage, dont forget to also have a courage to work for it. We still have to work for our dreams to be it real. "A dream without work will just be a wish".

As 2010 is bidding its goodbye, may we welcome 2011 with courage and fulfillment of our individual dreams. May everything we wish for and everthing we dreamed of, will turn into reality. Thats of course if we work for it. Lets all dream and lets all work. Lets all be happy.

Happy New Year everyone and World Peace!!!

December 26, 2010

chronicles of 2010

Whatta year it has been!!!

The three hundred sixty plus something days is almost over and as every day passes one-by-one, it had created stories, memories and dramas. 2010 was not an easy year, yet it is not also the worst. Too many things had happened and too many stories it created. Since day 1 of 2010 to this date, it had been like a roller coaster journey. Somehow I reach the highest point of my life, being happiest and more comfortable of what I have and for who I am. I get more mature and I get to define myself of whom I want to be and what I want to be.

2010 had test me as a person. It teach me to get more mature and adapt to many things easily. The constant change in almost everything, from career, to lovelife, to family relationships, to getting more friends and knowing each of them among others. CHANGE played a big part of teaching me, what I want and what I dont. I had started composing my life and had refocused much that I reviewed everything that had happened from 2010 and even backwards.

I will be forever gratefull to 2010, It MADE me someone I did not realize before. I may had reach the rock bottom of my life but difinitely I had bounce back twice as how deep I had been. Now, ME had the courage in facing 2011 and geared of what I had been through. in life Here I am, a survivor of 2010 in my own right. I will never be a castaway of my life ,for I will always be the "star" and main character of my own story....

Happy New Year everyone!!!
Much Love and another WORLD PEACE for planet EARTH!!!

December 22, 2010

ANGEL at 7

Mabuti na lang at ang pasko ay ipinagdidiwang natin sa huling bahagi ng taon. Isang magandang rason para tapusin ang isang taong nagdaan, at magandang pabaon para sa panibagong pagharap ng hamon ng buhay sa susunod na higit tatlong-daang araw. Sa ganito ring panahon, tila ang lahat ay maraming pera, maraming biyaya. Anuman ang hirap at unos na pinagdaanan ng bawat isa, tila panandaliaang nakakalimutan ang hapdi at kirot na maaring dala ng nakalipas na mga araw. Yong mga araw na kinapos sa budget, yong mga araw na may alitan, yong mga araw na "damot mode". Ito yong panahon na PAGMAMAHAL at PAGBIBIGAYAN at pagiging GENEROUS ang higit na nangingibabaw.

Sa kabila nito, isang katotohanan na di lahat ng anak NYA ay maaring may masayang pasko. Maaring karamihan ay sagana, pero sa panahon ngayun, may mga taong ang higit na kailangan ay kalinga at pagmamahal galing sa kapwa nila. Sa mga nakakalimutan ng lipunan, ang hiling ko sana'y mapansin din sila. Sa mga maysakit na maaring nasa hospital magdiwang ng pasko, HEALING. Sa mga bilanggo, PRESENCE at PAGMAMAHAL ng kanilang pamilya. Sana may dumalaw sa kanila ngayung pasko. Sa mga batang ulila, sana maramdaman nila ang KALINGA at PAGMAMAHAL ng isang magulang. Sa mga nawalang ng pag-asa sa buhay HOPE and FAITH. At sa mga magilang na nawalan ng anak at sa kaibigan ko, Kuya ko at katrabaho na si Kuya Dodz, na nawalan ng isang magandang anak kahapon lang (Dec. 22,2010) ACCEPTANCE and GOD's GRACE.

I dont know exactly what to say and what to do, to make the pain of losing a ldaughter easier for you to bear, but let us all togthere believe that SHE is now with our Almighty and your family now have an ANGEL in heaven seated right to where dadi God is.,An angel named MYRA ELENA FRANCISCO.

Myra is a daughter of my great friend at work and died last Dec. 22, 2010 at the age of 7. A great and bubbly bunso among two and a sorce of great pride and joy of her parents. May her soul Rest in Peace...


December 12, 2010

mali bang maging tama?

Bad Trip Mode:

If theres one thing that I really cant tolerate to a person is being a lier or something to that sort. Kasama na din don yong mga NAGPAPALUSOT kahit obyus na obyus na buking na sila. Yong tipong gagawin ang lahat para lang makalusot, kasehodang tumambling tambling pa. Alam naman nila ang mga ginawa nila, yet they do everything to justify what their wrongdoings are. If something is WRONG then by all means its WRONG. Di dahil najustify mo ang isang bagay ay nagiging tama na ito. Maybe you had justified your actions but it cant change the fact na MALI ang naging actions mo. We can justify our actions and decision but we should always learn the lessons of it, and if neccessary pay for its consequence.

Isa lang ang alam kong paraan para itama ang pagkakamali, at di yon ang pagpapalusot. Learn the valuable lessons and NEVER do it again, otherwise magmumukha kang T*NG*. Ika nga, one is enough, two is too much. I know I am not perfect, im not the best ,but I always learn to pay for the consequence of my actions, and learned the lesson even in the hardest way. THOUGH men learns the THOUGH lessons the HARD WAY.

Asking SORRY and admission of what had you done may be a consolation to someone who deserve such. But then again, it should not give you false reasons that you can still do it again. Kung ang word na "SORRY" ay ma kapangyarihang itama ang mga MALI nating nagawa, maybe LAWS and RULES dont exist. Malamang wala nang husgado, korte, at abogado ngayon kung ang simpleng sorry ay may ganitong kapangyarihan. Yes, SORRY matters but the price of our unwise decision and actions should be paid accordingly. Lahat me katapat.

Sa taong nakapag-inspire sa akin to do this post, from the bottom of my heart, esophagus, intestines at sa iba pang lamang loob, pinapatawad naman na kita at "THANK you" for I learned my lessons ang hopefully, you too, should realize what had you done and the HARMS na kaakibat non. No hard and ill feelings, only leasons learned. Again thank you.

Sa mga followers at sa mga taong maaring nakabasa nito, opinyon lang po ito, and if you find it offensive or ego lang ang inspirasyon nito, at hindi prinsipyo pasensya na kayo. If you dont agree with whats in here, ok lang. We all view things on different angles and perspective and somehow, when you look things differently, magbabago ang bawat outcome nito. Subukan mo lang na tingna ang bagay the way I did, baka sakaling maintindihan mo ako, at kung hindi naman, maaring maling perspektibo ang iyong pinanggagalingan pero di ibig sabihin non eh mali ka. Maaring ako at maaring ikaw.

WORLD PEACE everyone!!!
Happy Pasko too.....


December 6, 2010

Sulat para kay Santa

Malamig na naman ang simoy ng hangin. Maliwanag ang kalye dala ng mga nakasabit na krismas lights sa mga puno. Sa ganitong pagkakataon, naalala ko ang aking kabataan. Yong mamasko at nagbibilang ng mga ninong at ninang kasama ang mga kapatid ko. Talo nga lang ako lage, dahil di ko man lang nakikita ang akin, Iilan nga lang sila, nasa malalayo pa. Ganunpaman, naging masaya pa din naman ang aking mga pasko. Naranasan ko din magsabit ng medyas sa bintana at naniwala na dadaanan ni santa. Minsan isang pasko nga, ang isinabit ko ay di medyas kundi ang bag na bagong bigay ng tito kong titser, kainaumagahan, tuwang tuwa ako at nakita kung medyo puno yong bag. pooooooohteks, isang buong tasty bread pala ang laman. Malamang at sa malamang, si erpats kong pasaway ang me gawa non hahahaha.

Ngayon, kahit alam kong di naman talaga nag eexist si Santa, yong mamang naka pula at puting damit, yong malaki ang tyan at may mahaba at maputing balbas naisipan ko pa ding gumawa ng sulat sa kanya. Di man sya nageexist na nakapula at puting damit o malaki ang tyan at may puting balbas, alam ko sa araw araw ay may Santa Claus pa din ako ng nakakasalamuha sa buhay. Sila yong mga Santang in disguise ika nga. Malay mo isa sa kanila makabasa ng sulat ko di ba?


Dear Santa,

Di man sa buong buhay ko ay naging mabait ako, pero alam ko na sa mga nagdaang taon eh naging mabuting tao naman ako. Lalo na nang iniwan kami ng nanay ko. Mahirap man pero alam ko kinaya ko naman ang lahat at naging mabuting anak ng tatay ko at mabuting kuya ng mga kapatid ko.

Santa, matagal tagal na din na kapag may hiniling ako sa Diyos, mas lalo at higit ay para don kay itay at sa dalawa kong kapatid. Batid kong kaya ko ang sarili ko, kaya't ang lagi kong hiling ay gabayan at lagi silang pagpalain ni Dadi God. Sobrang naging mabait naman si God at pinakinggan nya ang aking mga hiling at kahit hindi pasko, araw araw ko yong pinagpapasalamat sa kanya.

Hiniling ko din dati sa iyo santa, na sakaling nakasalubong mo ang aking inay sa kabilang buhay, iyakap mo ako ng sobrang higpit sa kanya gaya ng kung gaano ko sya namiss ng sobra sobra. Pakikwento na din sa kanya na ang mama's boy nyang anak ay matatag na at lumalaban na sa buhay. Pakisabi ding namana ko ang tatag ng kalooban nya at compassion nya bilang tao. Proud pa din ako na kahit wala na sya Mamas Boy pa din ako dahil mananatili syang buhay sa puso ko kasama ang mga aral nyang iniwan at tinatak sa akin bilang tao at bilang anak nya. Santa damihan at higpitan mo ang yakap ha tsaka kung pwede ihalik mo na din ako sa kanya pagkatapos, pero Santa, pakihawi mo muna ng iyomg mahabang bigote ha, aya kasi ni nanay ng ganun. Nakikiliti daw sya.

Dati hiniling ko din sa iyo na sana, kung gaano man kami kaclose ng mga kapatid ko, ay sana manatili yon. Ipinagdasal ko din yon kahit hanggang ngayon at ang galing ni Papa Jesus dahil ramdam ko, mas tumibay kami at tumatag ng sabay sabay bilang pamilya. Salamat ha. Paki sabi na din kay Papa Jesus lubos akong nagpapasalamat.

Napapansin mo kaya Santa na wala akong materyal na bagay na hiningi sayo? Tsaka di lang para sa sarili ko? Dahil batid ko, higit sa anumang bagay, mas mahalaga ang aking pamilya, ang aking itay, ang prisesa ng aming pamilya, at ang bunso naming makulit. Salamat at tinulungan mo ako na marinig NYA ang aking mga dasal.

Ngunit ngayon santa, kahit ngayon lang, manghihingi ako ng tulong sa iyo. This time pwedeng akin muna? Di naman siguro sa pagiging makasarili pero pwede kayang tulungan mo ako magdasal at ihingi ng tulong kay Papa Jesus. Pwede kayang sana ngayong pasko, ibalik mo ang pagmamahal at pag intindi ng taong minsang nagmahal sa akin? Alam ko pong marami akong pagkukulang, pero sana santa, may pagkakataon pa para bumawi sa kanya. Santa di naman siguro mabigat ang hinihingi ko di ba? Mapagbibigyan mo kaya ako at mapagbibigyan nya pa kaya ako? Sana noh? Alam mo, di ko kasi maimagine ang buhay ko na wala sya. Lahat ng plano ko sa buhay kasama sya don. Sana nga santa maintindihan nya uli ako. Kung hindi man, wala na siguro ako magagawa. Pero kahit ano man ang mangyari, tatanggapin ko na lang basta alam ko gumawa na ako ng sulat sayo at nagdasal na sa Kanya.

Oo nga pala Santa, paki pray mo na din, na sa mga desisyon kong gagawin sa buhay, sana yon ang tama, yon ang "will" ni God at kung hindi man, sana man lang mapanindigan ko ang mga yon. Basta santa ha, di ko naman hinihinge na express ang pagsagot mo sa liham kong ito per sana bago magpasko kung okey lang naman sayo. Salamat ulit at mabuhay ka santa.

Merry CHRISTmas Santa.


Nagmamahal at umaasa,

Harold sa mga kaibigan ko
Bitoys sa tropa ko nung college
Toto sa pamilya ko
Ahwod sa katrabaho at SFC


Sana, hindi naman tamarin si Santa magbasa ng sulat na ginawa ko at sana kahit pano, pagtyagaan nyang basahin hanggang dulo gaya ng ginawa mo. Happy Pasko everyone.



December 3, 2010

Rise up and shine

Medyo matagal tagal na din bago nasundan ang post ng tito nyo. Kunwari kasi busy-busyhan ang drama. May mga biglaan kasing pangyayari na di naiwasan at na drain ang aking polluted mind. Kaya ayun, para makalimot at ma divert ang atensyon, sinubsob at pinagod ang ever haggard self para paglapat ng slim (di ako payatot, defensive mode) kong katawan sa kama kong mahal eh rest in peace na agad. Impernes, epektib naman sya. Tulog naman agad, pero layered naman ang aking eyebags which are the usual consequence pag kulang ka sa tulog, pero chokz pa din. Ika nga keri pa din (ang layered eyebags) ang 3 hours a day na tulog at sa ngayun kuntento na muna ako don. Di bale ng walang tulog kesa walang gising.

Lately, may mga pangyayari sa buhay na ang hirap tanggapin pero kelangan. Mahirap pag-usapan pero mas mahirap kimkimin. Mahirap magmove-on pero mas mahirap ma stuck at manatiling nakadapa (wa poise yon). The are things that had to end. May mga yugto sa buhay natin na kelangan tuldukan. Pero di lahat ibig sabihin ng tuldok eh katapusan. Mas pinili ko itong inspirasyun para makapagsimulang muli. A fresh new start and a brand new me. Moving on is the name of the game....

Sa lahat ng nagyari sa buhay ko, wala akong sinisi kahit sino. Walang galit. Anuman ang nagyari, i believe there's enough reason for everything. Di man nasunod ang gusto kong kwento ng buhay ko, alam ko mas may plano si dadi God para sa akin. Di man umayon ang script na sinulat ko para sa sarili ko, alam kong mas may maganda SYANG kwento para sa akin at alam ko ako ang bida sa kwento NYA tungkol sa buhay ko.(syempre ako bida, kwento ko kaya yon). Di ako pwedeng mabuhay sa galit. Higit na di pwedeng galit din ang gamiting sandata para lumaban sa buhay. Wala pang nanalong kahit sino na ang sandata ay galit. Talo lahat ng alipin ng galit pagkat sa sarili mo pa lang, bilanggo ka na agad, at yon ang pinakamahirap. Ang mabilanggo sa sarili mong puso at katawan, sa sarili mong emosyon. Sabi nga ni Kris Aquino love... love... love... peace... peace... peace...

Gaya ng sabi ko sa taas, medyo dami ko ginagawa nayun. Nandoong nag enroll ako ng Skills training sa Tesda every weekend. Kaya pag out galing sa work ng 7:00 am diritso na sa training ng 8:00 hanggang 5:00 pm. Had also decided to do on line business (para kunwari businessman ako). Talk to some suppliers and somehow smooth naman kahit pano ang flow ng mga pangyayari. This is of course on top of my busy sked na kahit pano eh lalo ko pang pinabusy. Nandyan yong Christian community na subrang attached ako. I had also friends to meet from time to time pero ngayon text text muna ang drama namin(para dati pa naman tong ganito).

Sa huli, eto pa din ako. Lumalaban at tumatayo (with poise LOL) grace under presure.(parang search lang ng Mr. & Ms. Kampopot 2010) Di pwedeng magtagal sa pagkakadapa. Maaring you spend enough time sa pagkakadapa para ito na din ang oras ng iyong pagpahinga at pag isip ng bagong game plan, suriin kung saan nagkamali at umisip ng panibagong diskarte sa buhay para lumabang muli. Maaring habang lugmok ka at nakadapa, mas lalo mong makita at maintindihan ang mga bagay bagay from different angle and perspective. Pero wag ka namang mag enjoy sa pagkakadapa because you dont have the lifetime para manatili sa ganong sitwasyon. RISE UP and SHINE. Bangon at lumabang muli. Wag matakot na madapang muli. Ano naman kung paulit ulit kang nadadapa? Ang mas mahalaga paulit ulit kang bumabangon at lumalaban. Di kailangang sumuko, pagkat ang sumusuko yong ang talo. "quiters never win!!".