People do change and so its preferences. Cliche as it is "there is nothing constant in this world except change". Mag tumambling man tayo sa kaka-justify pag sinabihang "nagbago ka na" pero yon ay totoo. Sa ibang bagay malamang hindi, pero in most aspects of our life, mag umisplit man tayu sa kaka-deny, totoo pa din 'to at wala na tayong magagawa kahit tawagin pa natin ang lahat ng sirena sa karagatan.
When I was in my final year nong elementary ko, I really wanted to have pimples (o di ba adik?). Kasi ang Elementary at High school namin before ay isang compound lang, and everytime I see students na may pimples, inggit much ako. Feeling (dati pa feelen-gero na ako) ko kasi binatang binata ka pag meron ka non. Feeling ko mas madaming pimples mas astig (adik lang talaga). And so in my sophomore year,s sa wakas tinubuan din ako ng pimples, yihey. Puhteks, pangit pala. Kung kelan naman ako nag karoon ng pimples saka ko naman na-realize na pangit pala. And I ended up having those mala chocolate hills sa daming pimples until my senior years in high school. Pasalamat na lang nong college kahit pano eh nagsawa na sila sa ilang taong pamamalagi sa aking mukha. Ngayon from time to time eh my pa isa-isang bumabalik lalo pag kulang sa tulog o stressed pero di rin naman nagtatagal. Bumibisita lang siguro yon kasi namiss nila ako (lolz)
Noong bata naman ako, gustong gusto kong tumanda, yong tipong 12 years old ka lang eh gusto mo nang mga 25 years old ka na agad. Kasi may trabaho, may sweldo, may date, at kahit pano may perang panggasta. Ngayon gustong gusto ko maging bata. Walang problema, walang stress at walang pera pero masaya ka. Puro laro lang. Ngayon nakapaglalaro ka nga pero may kaakibat ng responsibilidad lalo't ang larong nilalaro mo eh yong di dapat paglaruan (wink)
One more thing, dati ayoko na mag aral. Mas gusto ko magtrabaho na para may sarili nang anda, fera, datung etsetera kung ano pang "in" ang tawag sa kwarta. Ngayon, mas gusto kong mag-aral. May allowance ka na, iwas trabahong bahay pa. Pede ka pang magalit kapag kulang ang binigay ni mama. Ngayun ikaw na ang hihingian at sila naman nang nagagalit pag kulang hahaha.Hayyysss pero ganun pa man bawat pinagdaanan natin masayang balikan. Napapangiti at sasabihin sa sarili mo sa salaming kaharap mo "adik ka ba? bat mo naisip yon?"
Ikaw anong kwento mo?...