Are you one of us?

December 3, 2010

Rise up and shine

Medyo matagal tagal na din bago nasundan ang post ng tito nyo. Kunwari kasi busy-busyhan ang drama. May mga biglaan kasing pangyayari na di naiwasan at na drain ang aking polluted mind. Kaya ayun, para makalimot at ma divert ang atensyon, sinubsob at pinagod ang ever haggard self para paglapat ng slim (di ako payatot, defensive mode) kong katawan sa kama kong mahal eh rest in peace na agad. Impernes, epektib naman sya. Tulog naman agad, pero layered naman ang aking eyebags which are the usual consequence pag kulang ka sa tulog, pero chokz pa din. Ika nga keri pa din (ang layered eyebags) ang 3 hours a day na tulog at sa ngayun kuntento na muna ako don. Di bale ng walang tulog kesa walang gising.

Lately, may mga pangyayari sa buhay na ang hirap tanggapin pero kelangan. Mahirap pag-usapan pero mas mahirap kimkimin. Mahirap magmove-on pero mas mahirap ma stuck at manatiling nakadapa (wa poise yon). The are things that had to end. May mga yugto sa buhay natin na kelangan tuldukan. Pero di lahat ibig sabihin ng tuldok eh katapusan. Mas pinili ko itong inspirasyun para makapagsimulang muli. A fresh new start and a brand new me. Moving on is the name of the game....

Sa lahat ng nagyari sa buhay ko, wala akong sinisi kahit sino. Walang galit. Anuman ang nagyari, i believe there's enough reason for everything. Di man nasunod ang gusto kong kwento ng buhay ko, alam ko mas may plano si dadi God para sa akin. Di man umayon ang script na sinulat ko para sa sarili ko, alam kong mas may maganda SYANG kwento para sa akin at alam ko ako ang bida sa kwento NYA tungkol sa buhay ko.(syempre ako bida, kwento ko kaya yon). Di ako pwedeng mabuhay sa galit. Higit na di pwedeng galit din ang gamiting sandata para lumaban sa buhay. Wala pang nanalong kahit sino na ang sandata ay galit. Talo lahat ng alipin ng galit pagkat sa sarili mo pa lang, bilanggo ka na agad, at yon ang pinakamahirap. Ang mabilanggo sa sarili mong puso at katawan, sa sarili mong emosyon. Sabi nga ni Kris Aquino love... love... love... peace... peace... peace...

Gaya ng sabi ko sa taas, medyo dami ko ginagawa nayun. Nandoong nag enroll ako ng Skills training sa Tesda every weekend. Kaya pag out galing sa work ng 7:00 am diritso na sa training ng 8:00 hanggang 5:00 pm. Had also decided to do on line business (para kunwari businessman ako). Talk to some suppliers and somehow smooth naman kahit pano ang flow ng mga pangyayari. This is of course on top of my busy sked na kahit pano eh lalo ko pang pinabusy. Nandyan yong Christian community na subrang attached ako. I had also friends to meet from time to time pero ngayon text text muna ang drama namin(para dati pa naman tong ganito).

Sa huli, eto pa din ako. Lumalaban at tumatayo (with poise LOL) grace under presure.(parang search lang ng Mr. & Ms. Kampopot 2010) Di pwedeng magtagal sa pagkakadapa. Maaring you spend enough time sa pagkakadapa para ito na din ang oras ng iyong pagpahinga at pag isip ng bagong game plan, suriin kung saan nagkamali at umisip ng panibagong diskarte sa buhay para lumabang muli. Maaring habang lugmok ka at nakadapa, mas lalo mong makita at maintindihan ang mga bagay bagay from different angle and perspective. Pero wag ka namang mag enjoy sa pagkakadapa because you dont have the lifetime para manatili sa ganong sitwasyon. RISE UP and SHINE. Bangon at lumabang muli. Wag matakot na madapang muli. Ano naman kung paulit ulit kang nadadapa? Ang mas mahalaga paulit ulit kang bumabangon at lumalaban. Di kailangang sumuko, pagkat ang sumusuko yong ang talo. "quiters never win!!".


2 comments: