Are you one of us?

October 26, 2010

malay mo, may way



And now, the end is near,
And so I face the final curtain.
My friends, I'll say it clear;
I'll state my case of which I'm certain.
I've lived a life that's full -

I've travelled each and every highway.
And more, much more than this,
I did it my way.
Regrets? I've had a few,

But then again, too few to mention.
I did what I had to do
And saw it through without exemption.
I planned each charted course -

Each careful step along the byway,
And more, much more than this,
I did it my way.
Yes, there were times, I'm sure you knew,

When I bit off more than I could chew,
But through it all, when there was doubt,
I ate it up and spit it out.
I faced it all and I stood tall
And did it my way.
I've loved, I've laughed and cried,

I've had my fill - my share of losing.
But now, as tears subside,
I find it all so amusing.
To think I did all that,

And may I say, not in a shy way -
Oh no. Oh no, not me.
I did it my way.
For what is a man? What has he got?

If not himself - Then he has naught.
To say the things he truly feels
And not the words of one who kneels.
The record shows I took the blows
And did it my way.
Yes, it was my way.



I never thought that this song would have that much impact on me. Eto daw yong kanta na pag nasa videoke bar ka, aba eh kelangan mo nang mag-ingat. I dont know if those were just a mere coincidence but a lot had been said about this song. Dami daw namamatay sa kantang ito....

As on my part, I guess its true. A part of me is dying and I guess a lifetime would not be enough to move on. A lifetime would not be enough to forget.

These days, by far, I may be on the lowest point of my life. Ito yong pagkakataon na sobrang down. Eto yong pagkakataon na sana I wish i am numb enough to feel the pain. This too is the time that pain and agony has its confusing meaning. I thought I had high tolerance for emotional pain. I had been through a lot of struggles but lately this was too much. Too much to bear ,too much of its kind. just too much..

All my life, nabuhay akong ipinaglalaban ang kaligayahan ng mga taong mahal ko. Lahat ng magandang pwedeng mangyari sa kanila pinaglaban ko. Pero bakit ngayun sarili kong kaligayahan mukhang di ko kayang ipaglaban? Bakit?

I hate making promises because I get disappointed when those we're not fulfilled. I rarely do so. And there are just few of them. Just when my ever beloved nanay died, I made a promise to her that whatever happens I will take care of the family. Pipilitin kong itaguyod ang kung ano mang meron kami, yon ay ang bawat isa. Wala naman kaming yaman pero ang bawat isa ang itinuturing ko na higit pa sa kung ano mang yaman. I did my best to fulfill such promise not knowing that another promised seem to be sacrificed. Yon yong promise ng sarili kong kaligayahan. Yong yong promise ng puso na sanay gustong tuparin ngunit may mga bagay lang talaga sigurong mahirap unawain at pagsabayin....

Sa ngayon, pinipilit kong mag-isip ng matino. Im trying my best to be as positive as I can. I know am a very optimistic person and at the same time I am too aware of reality. Yong reyalidad na unti unting pumapatay ng isang parte ng iyong pagkatao. Yong reyalidad na ang tanging pwedeng gamot ay tanggapin ang katotohanan, na may ibang taong pumupuno at tumutupad sa "promise" mo sa iyong sariling kaligayahan. Yong promise na ang taong gusto mong pasayahin ay pinapasaya na ng ibang tao at ikaw ay nakuntento na lamang na maging masaya para sa kanila.

Masakit isipin, lalong masakit tanggapin. Ngunit sabi nga, walang ibang makapagpalaya sa iyong sarili kundi ang tanggapin at palayain ang damdamin. Palayain na kahit ibig sabihin nito ay sakit na dadalhin sa hindi mo alam kung hanggang kelan. Masakit pero sige lang. Masakit pero wala kang magagawa. Masakit, kasi kahit gusto mong lumaban alam mong masasaktan ka lang. Masakit yong malaman mong ikaw ang lahat ng may dahilan. Masakit na nagdadrama ka dahil sa iyong sarili mong kagagawan. Masakit kasi mali ang pagsulat mo ng script ng iyong buhay. Masakit na di gaya ng fairy tale na may happy ending ikaw na bida sa sarili mong kwento ang syang talunan. Masakit at nakakapagod. Masakit na sa kwento mo, ikaw na syang bida eh ikaw ring ang syang kontrabida, isama mo pa na ikaw na din ang alalay ng bida at ikaw pa ang karamay at kakampi ng kontrabida.

Masakit pero yong ang kwento ko sa ngayun. Yon ang kwento ng buhay ko. Di pa naman siguro ito ang ending. Malay mo isang chapter lang ng buhay ko. Malay natin na sa bawat paglipas ng bawat araw ay isang pahina ang tinutuklap mo para sa panibagong buhay. Malay mo di mo namalayan na sa kamamalay mo ay tapos na pala ang kwento mo. Di man happy ending at least yon ay totoo...

malay mo, may way!!!!!

No comments:

Post a Comment