Are you one of us?

November 26, 2010

xxx may tama ka!!!

Hindi lahat ng bagay na naiintindihan mo at pinaniniwalaang tama eh yon ang totoo. Maaring may pagkakataon na pwede kang ipagkanulo ng sarili mong kakayahang mag-isip. Maaring ang sa akala mong tama ay mali pala sa iba, at ang maaring mali para sa kanila ay tama para sayo. Lahat ng bagay ay may katumbas. Mali at tama, taas at baba, kaliwa at kanan, tuwid at baluktot. Maaring ang lahat ng ayaw mo eh yong ang gusto ng iba. Maaring ngayon ay tama ka pero paggising mo kinabukasan saka mo pa lang maiisip na mali ka pala. All along you believe you we're right but its otherwise.

Paano mo sasabihing "tama" ka? Ano nga ba ang tunay na sukatan ng pagiging tama? Minsan ba sa buhay mo ay pinagdudahan mo ang sarili mong kakayahan magdesisyon? Sa mga nagawa mong tama, did you spend enough time to reevaluate if indeed you we're right all along. Sa mga naging past decision mo at yon yong tama, ngayon ba ay masasabi mo pa ding tama ka? Situational. Maaring ang pagiging tama natin ay nakadepende sa isang sitwasyon. "Case to case basis" as they say. Ang tanong san, kelan at sa paanong sitwasyon?

Ikaw, ano ang basehan mo para sabihing tama ka? Tama na ba masasabi na wala kang inapakan o ingrabyadong tao? Tama ka ba kung lahat ng ginawa mo eh ayon sa kagustuhan ng marami? Naiisip mo din ba ang minority? Had you also been fair ang just to them. Complex, that is. But that compexeties were actualy the things that define what is TRULY right.

Ikaw, may "tama" ka ba?
World Peace everyone!!!

1 comment:

  1. wala namang tama kung sa palagay mo ay mali talaga ang isang bagay.

    ReplyDelete