Are you one of us?

September 15, 2010

paano kaya...

everything happens for a reason....

malamang narinig na natin 'to. maaring narinig mo ito sa iba mong kaibigan o malamang eh nabasa mo na rin ito sa dyaryong pinambalot sa binili mong suman....

sa mundong ating ginagalawan, sa bawat hakbang ng ating mga paa at sa bawat desisyong ating ginawa, naitanong ba natin sa mga sarili natin kung paano kaya kung ito ang aking ginawa?...

kung bawat pangyayari sa atin ay may rason, lahat ba ito ay nalaman natin,o di kaya'y mas naintindihan ba natin ang mga bagay bagay dahil nangyari to sa atin?

PAANO KAYA?

paano kaya kung walang computer, may blogsite kaya na gaya nang ganito?
pano kaya kung di ipinanganak si Ferdinand Marcos? May Martial Law kayang nangyari o naging presidente kaya si Ninoy at buhay pa ito ngayun ,o di kaya'y naging presidente kaya si Cory o naging senador kaya bago naging presidente se Noynoy?... Basta isa lang ang sigurado, sikat pa rin si Kris Aquino.

pano kaya kung iba ang naging asawa ng tatay mo gayundin ng nanay mo? nandito ka pa rin kaya? Ngayun naisipan mo na bang magpasalamat sa Kanya at pinagtagpo ang ang mga nanay at tatay natin na nagpakahirap at pilit iginapang tayo mapalaki lang tayo ng maayos. Malamang nagyayabang ka na rin sa ngayon dahil ikaw din naman eh pilit din namang gumapang para makauwi sa magulang mong mahal. Yon nga lang gumapang sa kalasingan....

paano kaya kung nasagot ni Venus Raj ang tanong ng maayos, magiging major major sikat kaya sya sa pagbalik bansa at pag-uusapan kaya ang naging sagot nya sakaling iba ang kanyang sinabi?..

paano kaya kung di naimbento ang tawas at mga deodorant? paano kaya kung lahat tayo ay may putok? Maari kaya may pabahuan ng kili kili? "IN" kaya ang mga pinakamabaho? hahhaha paano kaya...

paano kaya kung kabaliktaran ang lahat ng ating ginawang desisyon, sa harap ka parin kaya ng computer mo sa trabaho mo at nagbabasa ng blog na to? o di kayaĆ½ nasa bahay ka at binabasa mo ang sulat kong ito at napaisip kung "paano nga kaya"...

paano kaya? Anuman ang gawin natin, anuman ang mga naging desisyon natin, ibinase man natin ito sa mga sarili nating prinsipyo o ginaya lang natin sa mga idol natin? maari pa rin nating itanong sa sarili natin ang "PAANO KAYA?"

PAANO KAYA?.....

2 comments:

  1. nice one!!! it's good that you're writing again. paano kaya kung walang sfc boracay? nagkakilala kaya tayo nila lorz at merz??? hhhmmmm

    ReplyDelete
  2. malamang hindi, because we have a total different lifestyle...thanks God, there's SFC Boracay...

    ReplyDelete