hay buhay.
kumplikado. magulo. masaya. bat ba ganito?
minsan ba nagtanong na tayo sa mga sarili natin kung anong meron sa buhay at pilit tayong lumalaban? anong meron at kelangan nating lampasan ang mga pagsubok? Minsan ba naiisip na nating sumuko? Yong tipong ayoko na, ganito at ganito na lang lage, nakakasawa. Sumagi na ba sa isipan natin, anong meron sa kabilang buhay? doon kaya magiging masaya tayo? Masubukan kaya…
Life is really tough though. No matter how we try our best to make our life better, and plan things so everything will be in good place yet, we screwed up. Screwed up because nagkamali tayo ng diskarte. Di ba pwedeng lahat perpekto. D ba pwedeng mapagbigyan man lang tayo kahit isang araw na perpekto, yong tipong wala tayong ibang iniisip kundi ang pagsapit na naman ng gabi, matulog at para harapin ang panibagong bukas. Bukas na di natin alam kung anong meron at ano ang pedeng mangyari. Bukas na maaring di na masusundan pa.
Not everything is meant to be, but everything is worth a try. Takot? Ito ba ang pumipigil sa atin para gawin ang bagay na gusto nating gawin? Ang bagay na alam nating makapagpapasaya sa atin yet we deprive ourselves dahil takot tayo. Kelan pa kaya tayo magiging matapang para sa ating mga sarili? Kelan tayo maninindigan para sa sarili natin? Kelan natin hahayaan na maging masaya naman tayo. Kelan tayo magbibigay ng saya sa taong mahal natin? Sa mga taong nakapaligid sa atin, kung tayo mismo ay hindi masaya. Ika nga “It should start in ourselves” Pano mo ibibigay ang isang bagay na alam mong wala ka. Ang pagiging masaya ba ay pwedeng hiramin para maipahram din naman natin sa taong gusto nating maging masaya? Pwede ba itong bilhin para pede ding maipamigay? Sana oo ang sagot. Sana ganon kadali ang buhay. Sana….
Pano ba magiging masaya? Makuntento sa kung anong meron tayo? Sapat na ba iyon? Oo, ang sabi nga nila. Makuntento tayo sa kung anong meron tayo. Nangangahulugan ba ito na di na tayo pwedeng maghangad? Sabi din nila, di masama ang maghangad. Nagiging masama lang ito, kung ang hinahangad natin ay labis. Yong tipong, we dont deserve na. Pano natin malalaman kung ano para sa atin? Know your worth. And you will know what you deserve. Sana huwag nating hayaan ang mga bagay na meron tayo na matakpan ng mga hinahangad natin. Dahil kung alam natin kung pano maging masaya sa kung anong meron tayo, yon, doon magiging masaya na tayo. Pero sana ganon kadali…
Pamilya, Kaibigan at Diyos. Kanino tayo tatakbo? Sino ang pwedeng tumulong sa atin. Kanino tayo magtatanong kung may saysay ba ang buhay natin. Sino ang pwedeng gumising sa atin sa mga panahong nag de-daydreaming tayo. Sino ang dapat na nauuna. Dyos? Pamilya? Kaibigan? Sino? Sino ang sasagot ng tanong na ito? Tayo? Oo tayo lang ang pwedeng sumagot nito. Mahirap ba o madali… hay buhay…..
Sana bawat isa sa atin magkaroon ng saysay. Yong tipong alam natin ang dapat, yong alam natin ang tama at mali. Yong tipong kaya nating manindigan sa tama. yong principle of fairness and being righteous ang laging basehan. Hay sana…. sana ganon lang kadali. sana.
sana ikaw na bumabasa nito, oo ikaw, huwag mu namang sabihing walang saysay ang buhay ko. Sana wag mong sabihing walang saysay ang buhay mo. Sana wag mong sabihin na walang saysay ang taong nakapalaligid sayo. Huwag sana.
Sana….
No comments:
Post a Comment