Are you one of us?

April 25, 2009

sino ang baliw?

A Famous author (one of my favorite) Paulo Coelho had mentioned in one of his book “Insane always believe in first impression” I pause for a while. Stop and start realizing what he really means. Tried googling bout the line. And found out according to studies. Insane people always believe on what they see.(naniniwala din kaya silang may utak sila kahit di nila ito nakikita) Ang lalim. At first I was struggling to understood,(kunwari iniintindi kew!!) maybe because I am normal or maybe I am not? hahahahah Kaya di ako makarelate? Sabi nga nya (P. COelho on his book Veronica Decides to Die) ang mga baliw, ang tangi nilang pinaniniwalaan any kung ano lang ang nakikita nila….

Baliw na ba ang ganon? Paano na ang aking mga kakilalang JUDGEMENTAL BY NATURE? Yong mga taong ang tanging basehan para kilalanin ang isang tao ay kung ano lang ang kanilang nakikita. Yong tipong panlabas lang ang sa kanila ay mahalaga. Lampa, malamya, panget, tabingi ang ilong o di kayay lips, pimples na mala chocolate hills ang dami, nunal na parang tatalunin ang Mt. Everest sa laki, matang animoy isang headlight ng isang magarang sasakyan, katawang akala mo ay balyenang umahon sa karagatan o kayay katawang napagkakamalang panungkit. Pasaway. mabait. Makulit. Paano kung ang lahat ng ito ay pakitang tao? Paano kung front lamang ang mga ito. Paano kung ang lahat ng ito ay imahe lang ng isang tao na sinadyang gawin para itago ang tunay nilang saloobin o di kaya'y para itago ang kanilang pagkatao. Paano kung ito’y imahe lamang para di kaawaan, para mahalin, o para kunin ang simpatya ng nakapaligid sa kanya. Paano kung imahe lamang itong sinadya para maging “in” sa lipunang kanilang ginagalawan, lipunang sadyang mapang husga, lipunang mapang hamak. Paano kung ang nakikita natin ay talagang sinadya dahil yon ang gusto nilang ipakitang imahe. Imaheng pilit kinukubliaan ang tunay na nararamdaman, tunay na saloobin, tunay na nilalaman ng puso at isipan.

For those who are often misinterpreted because of their actions. Yong mga taong na judge na sa kung ano ang nakita sa kanila. “pastilan dude, its not your loss”. Di yon kawalan. Kawalan yon ng mga taong judgemental by nature. Kawalan, dahil hindi nila binigyan ng pagkakataon para lalo kang makila. Kawalan dahil sa likod ng pagiging malamya, may tapang kang sa puson este puso'y di maitatago. Kawalan, dahil sa likod ng iyong kahinaan, ang lakas moy di matatawaran.(parang bagyong Ondoy lang) Kawalan, dahil sa likod ng pagiging masaya, sa likod ng mga tawa, may pait at sakit sa puso’y pilit ikinukubli.(emotera lang pala) Kawalan, dahil sa likod ng pagiging pasaway, isang seryosong indibidwal ang iyong itinatago, Indibidwal na di hamak na normal sa kanilang mag-isip.(kala mo lang yon) Kawalan dahil sa imaheng nakikita nila, at doon ka kinilala, di maikukubli na ikaw ay taong nag-iisa sa mundo. Nag-iisang nilalang na natatangi at may unique na indibidwalidad. Nilalang na gaya din nla ay parehong mahal at nilikha ni Papa LOrd.

Baliw. Baliw. Sino ang baliw?. Yong tao bang mababaw ang basehan para kilalanin ang isang tao? O baliw bang maituturing ang taong pilit gumagawa ng imahe para itago ang tunay na sila. Sino ang baliw? Ikaw? Ako? Sila? o baka naman tayo? San ka dito? Nasan ka maruja?...

Baliw. baliw. Sino ang baliw? (lasing? ang kuleetttt eh)Ako bang nagsulat nito? O baka ikaw na nagbabasa. O baka naman iyang nasa tabi mo at pilit nakikibasa sa kabaliwang ito. O baka naman ang taong di pa nakakabasa nito?

Baliw, Baliw. sino ang baliw?(ulyanin mode)

hahahaha (tawa ng malakas sabay iyak)

Baliw!!!
Basilio......
Crispin......

Balut......
Penoy.....

(at dahil feel na feel mo ang pagsigaw sa utak mo ng huling bahagi, hala ka, baka baliw ka na?)
wahahahahahaha!!!!

No comments:

Post a Comment