Are you one of us?

December 28, 2010

assassins of dreams

Remember the days when you're still a kid? Remember that once, you had dreamed so much not even thinking if those will come true? That all you've got to do is dream and "believe" that such will happen in its due time? FLASHBACK. Remember yourself when you were just no-one but a dreamer. No-one but a kid. Yet that dreamer and that kid, had so much FAITH and HOPE in his heart, that whatever we dreamed of, will eventually come true.

FASTFORWARD. Now, just now, do we still had that FAITH and HOPE in our hearts that whatever we dreamed of, and of those that we are going to dreamed of, will come true? Or do we still dream of something for us? Do we still dare to dream of even moving the mountains? Truth is, as we aged, we dreamed only what we can achieved. We dream of what is easily achievable of what we have at present. We dreamed, according to our capacity. The faith and hope had faded if not gone.

Realistic perhaps would be our best defense. We dreamed of whats easily achievable. Was that really being real or was that just part of losing courage? Oh yeah, courage. Courage can do much. Dream on. Have courage to dream on. And if you had the courage, dont forget to also have a courage to work for it. We still have to work for our dreams to be it real. "A dream without work will just be a wish".

As 2010 is bidding its goodbye, may we welcome 2011 with courage and fulfillment of our individual dreams. May everything we wish for and everthing we dreamed of, will turn into reality. Thats of course if we work for it. Lets all dream and lets all work. Lets all be happy.

Happy New Year everyone and World Peace!!!

December 26, 2010

chronicles of 2010

Whatta year it has been!!!

The three hundred sixty plus something days is almost over and as every day passes one-by-one, it had created stories, memories and dramas. 2010 was not an easy year, yet it is not also the worst. Too many things had happened and too many stories it created. Since day 1 of 2010 to this date, it had been like a roller coaster journey. Somehow I reach the highest point of my life, being happiest and more comfortable of what I have and for who I am. I get more mature and I get to define myself of whom I want to be and what I want to be.

2010 had test me as a person. It teach me to get more mature and adapt to many things easily. The constant change in almost everything, from career, to lovelife, to family relationships, to getting more friends and knowing each of them among others. CHANGE played a big part of teaching me, what I want and what I dont. I had started composing my life and had refocused much that I reviewed everything that had happened from 2010 and even backwards.

I will be forever gratefull to 2010, It MADE me someone I did not realize before. I may had reach the rock bottom of my life but difinitely I had bounce back twice as how deep I had been. Now, ME had the courage in facing 2011 and geared of what I had been through. in life Here I am, a survivor of 2010 in my own right. I will never be a castaway of my life ,for I will always be the "star" and main character of my own story....

Happy New Year everyone!!!
Much Love and another WORLD PEACE for planet EARTH!!!

December 22, 2010

ANGEL at 7

Mabuti na lang at ang pasko ay ipinagdidiwang natin sa huling bahagi ng taon. Isang magandang rason para tapusin ang isang taong nagdaan, at magandang pabaon para sa panibagong pagharap ng hamon ng buhay sa susunod na higit tatlong-daang araw. Sa ganito ring panahon, tila ang lahat ay maraming pera, maraming biyaya. Anuman ang hirap at unos na pinagdaanan ng bawat isa, tila panandaliaang nakakalimutan ang hapdi at kirot na maaring dala ng nakalipas na mga araw. Yong mga araw na kinapos sa budget, yong mga araw na may alitan, yong mga araw na "damot mode". Ito yong panahon na PAGMAMAHAL at PAGBIBIGAYAN at pagiging GENEROUS ang higit na nangingibabaw.

Sa kabila nito, isang katotohanan na di lahat ng anak NYA ay maaring may masayang pasko. Maaring karamihan ay sagana, pero sa panahon ngayun, may mga taong ang higit na kailangan ay kalinga at pagmamahal galing sa kapwa nila. Sa mga nakakalimutan ng lipunan, ang hiling ko sana'y mapansin din sila. Sa mga maysakit na maaring nasa hospital magdiwang ng pasko, HEALING. Sa mga bilanggo, PRESENCE at PAGMAMAHAL ng kanilang pamilya. Sana may dumalaw sa kanila ngayung pasko. Sa mga batang ulila, sana maramdaman nila ang KALINGA at PAGMAMAHAL ng isang magulang. Sa mga nawalang ng pag-asa sa buhay HOPE and FAITH. At sa mga magilang na nawalan ng anak at sa kaibigan ko, Kuya ko at katrabaho na si Kuya Dodz, na nawalan ng isang magandang anak kahapon lang (Dec. 22,2010) ACCEPTANCE and GOD's GRACE.

I dont know exactly what to say and what to do, to make the pain of losing a ldaughter easier for you to bear, but let us all togthere believe that SHE is now with our Almighty and your family now have an ANGEL in heaven seated right to where dadi God is.,An angel named MYRA ELENA FRANCISCO.

Myra is a daughter of my great friend at work and died last Dec. 22, 2010 at the age of 7. A great and bubbly bunso among two and a sorce of great pride and joy of her parents. May her soul Rest in Peace...


December 12, 2010

mali bang maging tama?

Bad Trip Mode:

If theres one thing that I really cant tolerate to a person is being a lier or something to that sort. Kasama na din don yong mga NAGPAPALUSOT kahit obyus na obyus na buking na sila. Yong tipong gagawin ang lahat para lang makalusot, kasehodang tumambling tambling pa. Alam naman nila ang mga ginawa nila, yet they do everything to justify what their wrongdoings are. If something is WRONG then by all means its WRONG. Di dahil najustify mo ang isang bagay ay nagiging tama na ito. Maybe you had justified your actions but it cant change the fact na MALI ang naging actions mo. We can justify our actions and decision but we should always learn the lessons of it, and if neccessary pay for its consequence.

Isa lang ang alam kong paraan para itama ang pagkakamali, at di yon ang pagpapalusot. Learn the valuable lessons and NEVER do it again, otherwise magmumukha kang T*NG*. Ika nga, one is enough, two is too much. I know I am not perfect, im not the best ,but I always learn to pay for the consequence of my actions, and learned the lesson even in the hardest way. THOUGH men learns the THOUGH lessons the HARD WAY.

Asking SORRY and admission of what had you done may be a consolation to someone who deserve such. But then again, it should not give you false reasons that you can still do it again. Kung ang word na "SORRY" ay ma kapangyarihang itama ang mga MALI nating nagawa, maybe LAWS and RULES dont exist. Malamang wala nang husgado, korte, at abogado ngayon kung ang simpleng sorry ay may ganitong kapangyarihan. Yes, SORRY matters but the price of our unwise decision and actions should be paid accordingly. Lahat me katapat.

Sa taong nakapag-inspire sa akin to do this post, from the bottom of my heart, esophagus, intestines at sa iba pang lamang loob, pinapatawad naman na kita at "THANK you" for I learned my lessons ang hopefully, you too, should realize what had you done and the HARMS na kaakibat non. No hard and ill feelings, only leasons learned. Again thank you.

Sa mga followers at sa mga taong maaring nakabasa nito, opinyon lang po ito, and if you find it offensive or ego lang ang inspirasyon nito, at hindi prinsipyo pasensya na kayo. If you dont agree with whats in here, ok lang. We all view things on different angles and perspective and somehow, when you look things differently, magbabago ang bawat outcome nito. Subukan mo lang na tingna ang bagay the way I did, baka sakaling maintindihan mo ako, at kung hindi naman, maaring maling perspektibo ang iyong pinanggagalingan pero di ibig sabihin non eh mali ka. Maaring ako at maaring ikaw.

WORLD PEACE everyone!!!
Happy Pasko too.....


December 6, 2010

Sulat para kay Santa

Malamig na naman ang simoy ng hangin. Maliwanag ang kalye dala ng mga nakasabit na krismas lights sa mga puno. Sa ganitong pagkakataon, naalala ko ang aking kabataan. Yong mamasko at nagbibilang ng mga ninong at ninang kasama ang mga kapatid ko. Talo nga lang ako lage, dahil di ko man lang nakikita ang akin, Iilan nga lang sila, nasa malalayo pa. Ganunpaman, naging masaya pa din naman ang aking mga pasko. Naranasan ko din magsabit ng medyas sa bintana at naniwala na dadaanan ni santa. Minsan isang pasko nga, ang isinabit ko ay di medyas kundi ang bag na bagong bigay ng tito kong titser, kainaumagahan, tuwang tuwa ako at nakita kung medyo puno yong bag. pooooooohteks, isang buong tasty bread pala ang laman. Malamang at sa malamang, si erpats kong pasaway ang me gawa non hahahaha.

Ngayon, kahit alam kong di naman talaga nag eexist si Santa, yong mamang naka pula at puting damit, yong malaki ang tyan at may mahaba at maputing balbas naisipan ko pa ding gumawa ng sulat sa kanya. Di man sya nageexist na nakapula at puting damit o malaki ang tyan at may puting balbas, alam ko sa araw araw ay may Santa Claus pa din ako ng nakakasalamuha sa buhay. Sila yong mga Santang in disguise ika nga. Malay mo isa sa kanila makabasa ng sulat ko di ba?


Dear Santa,

Di man sa buong buhay ko ay naging mabait ako, pero alam ko na sa mga nagdaang taon eh naging mabuting tao naman ako. Lalo na nang iniwan kami ng nanay ko. Mahirap man pero alam ko kinaya ko naman ang lahat at naging mabuting anak ng tatay ko at mabuting kuya ng mga kapatid ko.

Santa, matagal tagal na din na kapag may hiniling ako sa Diyos, mas lalo at higit ay para don kay itay at sa dalawa kong kapatid. Batid kong kaya ko ang sarili ko, kaya't ang lagi kong hiling ay gabayan at lagi silang pagpalain ni Dadi God. Sobrang naging mabait naman si God at pinakinggan nya ang aking mga hiling at kahit hindi pasko, araw araw ko yong pinagpapasalamat sa kanya.

Hiniling ko din dati sa iyo santa, na sakaling nakasalubong mo ang aking inay sa kabilang buhay, iyakap mo ako ng sobrang higpit sa kanya gaya ng kung gaano ko sya namiss ng sobra sobra. Pakikwento na din sa kanya na ang mama's boy nyang anak ay matatag na at lumalaban na sa buhay. Pakisabi ding namana ko ang tatag ng kalooban nya at compassion nya bilang tao. Proud pa din ako na kahit wala na sya Mamas Boy pa din ako dahil mananatili syang buhay sa puso ko kasama ang mga aral nyang iniwan at tinatak sa akin bilang tao at bilang anak nya. Santa damihan at higpitan mo ang yakap ha tsaka kung pwede ihalik mo na din ako sa kanya pagkatapos, pero Santa, pakihawi mo muna ng iyomg mahabang bigote ha, aya kasi ni nanay ng ganun. Nakikiliti daw sya.

Dati hiniling ko din sa iyo na sana, kung gaano man kami kaclose ng mga kapatid ko, ay sana manatili yon. Ipinagdasal ko din yon kahit hanggang ngayon at ang galing ni Papa Jesus dahil ramdam ko, mas tumibay kami at tumatag ng sabay sabay bilang pamilya. Salamat ha. Paki sabi na din kay Papa Jesus lubos akong nagpapasalamat.

Napapansin mo kaya Santa na wala akong materyal na bagay na hiningi sayo? Tsaka di lang para sa sarili ko? Dahil batid ko, higit sa anumang bagay, mas mahalaga ang aking pamilya, ang aking itay, ang prisesa ng aming pamilya, at ang bunso naming makulit. Salamat at tinulungan mo ako na marinig NYA ang aking mga dasal.

Ngunit ngayon santa, kahit ngayon lang, manghihingi ako ng tulong sa iyo. This time pwedeng akin muna? Di naman siguro sa pagiging makasarili pero pwede kayang tulungan mo ako magdasal at ihingi ng tulong kay Papa Jesus. Pwede kayang sana ngayong pasko, ibalik mo ang pagmamahal at pag intindi ng taong minsang nagmahal sa akin? Alam ko pong marami akong pagkukulang, pero sana santa, may pagkakataon pa para bumawi sa kanya. Santa di naman siguro mabigat ang hinihingi ko di ba? Mapagbibigyan mo kaya ako at mapagbibigyan nya pa kaya ako? Sana noh? Alam mo, di ko kasi maimagine ang buhay ko na wala sya. Lahat ng plano ko sa buhay kasama sya don. Sana nga santa maintindihan nya uli ako. Kung hindi man, wala na siguro ako magagawa. Pero kahit ano man ang mangyari, tatanggapin ko na lang basta alam ko gumawa na ako ng sulat sayo at nagdasal na sa Kanya.

Oo nga pala Santa, paki pray mo na din, na sa mga desisyon kong gagawin sa buhay, sana yon ang tama, yon ang "will" ni God at kung hindi man, sana man lang mapanindigan ko ang mga yon. Basta santa ha, di ko naman hinihinge na express ang pagsagot mo sa liham kong ito per sana bago magpasko kung okey lang naman sayo. Salamat ulit at mabuhay ka santa.

Merry CHRISTmas Santa.


Nagmamahal at umaasa,

Harold sa mga kaibigan ko
Bitoys sa tropa ko nung college
Toto sa pamilya ko
Ahwod sa katrabaho at SFC


Sana, hindi naman tamarin si Santa magbasa ng sulat na ginawa ko at sana kahit pano, pagtyagaan nyang basahin hanggang dulo gaya ng ginawa mo. Happy Pasko everyone.



December 3, 2010

Rise up and shine

Medyo matagal tagal na din bago nasundan ang post ng tito nyo. Kunwari kasi busy-busyhan ang drama. May mga biglaan kasing pangyayari na di naiwasan at na drain ang aking polluted mind. Kaya ayun, para makalimot at ma divert ang atensyon, sinubsob at pinagod ang ever haggard self para paglapat ng slim (di ako payatot, defensive mode) kong katawan sa kama kong mahal eh rest in peace na agad. Impernes, epektib naman sya. Tulog naman agad, pero layered naman ang aking eyebags which are the usual consequence pag kulang ka sa tulog, pero chokz pa din. Ika nga keri pa din (ang layered eyebags) ang 3 hours a day na tulog at sa ngayun kuntento na muna ako don. Di bale ng walang tulog kesa walang gising.

Lately, may mga pangyayari sa buhay na ang hirap tanggapin pero kelangan. Mahirap pag-usapan pero mas mahirap kimkimin. Mahirap magmove-on pero mas mahirap ma stuck at manatiling nakadapa (wa poise yon). The are things that had to end. May mga yugto sa buhay natin na kelangan tuldukan. Pero di lahat ibig sabihin ng tuldok eh katapusan. Mas pinili ko itong inspirasyun para makapagsimulang muli. A fresh new start and a brand new me. Moving on is the name of the game....

Sa lahat ng nagyari sa buhay ko, wala akong sinisi kahit sino. Walang galit. Anuman ang nagyari, i believe there's enough reason for everything. Di man nasunod ang gusto kong kwento ng buhay ko, alam ko mas may plano si dadi God para sa akin. Di man umayon ang script na sinulat ko para sa sarili ko, alam kong mas may maganda SYANG kwento para sa akin at alam ko ako ang bida sa kwento NYA tungkol sa buhay ko.(syempre ako bida, kwento ko kaya yon). Di ako pwedeng mabuhay sa galit. Higit na di pwedeng galit din ang gamiting sandata para lumaban sa buhay. Wala pang nanalong kahit sino na ang sandata ay galit. Talo lahat ng alipin ng galit pagkat sa sarili mo pa lang, bilanggo ka na agad, at yon ang pinakamahirap. Ang mabilanggo sa sarili mong puso at katawan, sa sarili mong emosyon. Sabi nga ni Kris Aquino love... love... love... peace... peace... peace...

Gaya ng sabi ko sa taas, medyo dami ko ginagawa nayun. Nandoong nag enroll ako ng Skills training sa Tesda every weekend. Kaya pag out galing sa work ng 7:00 am diritso na sa training ng 8:00 hanggang 5:00 pm. Had also decided to do on line business (para kunwari businessman ako). Talk to some suppliers and somehow smooth naman kahit pano ang flow ng mga pangyayari. This is of course on top of my busy sked na kahit pano eh lalo ko pang pinabusy. Nandyan yong Christian community na subrang attached ako. I had also friends to meet from time to time pero ngayon text text muna ang drama namin(para dati pa naman tong ganito).

Sa huli, eto pa din ako. Lumalaban at tumatayo (with poise LOL) grace under presure.(parang search lang ng Mr. & Ms. Kampopot 2010) Di pwedeng magtagal sa pagkakadapa. Maaring you spend enough time sa pagkakadapa para ito na din ang oras ng iyong pagpahinga at pag isip ng bagong game plan, suriin kung saan nagkamali at umisip ng panibagong diskarte sa buhay para lumabang muli. Maaring habang lugmok ka at nakadapa, mas lalo mong makita at maintindihan ang mga bagay bagay from different angle and perspective. Pero wag ka namang mag enjoy sa pagkakadapa because you dont have the lifetime para manatili sa ganong sitwasyon. RISE UP and SHINE. Bangon at lumabang muli. Wag matakot na madapang muli. Ano naman kung paulit ulit kang nadadapa? Ang mas mahalaga paulit ulit kang bumabangon at lumalaban. Di kailangang sumuko, pagkat ang sumusuko yong ang talo. "quiters never win!!".


November 30, 2010

Michael Buble - Always On My Mind - Lyrics



I hope you're reading this. I may not have met you're expectations but you're Always in My Mind. Someday, may we still have the chance to fulfill what had been I called a very promising relationship. Now, I would like to believe that everything happens for a reason, and may, while on the process of knowing what the reason/s is/are may we still hold to what had been promised to us. I claimed that we are match made in heaven and I will continue to believe that till the time that you're back in my arms. you are ALWAYS IN MY MIND and that would be forever.

I hope that the next time we meet, that would be the fulfillement of promise that was deserved by two souls. you are ALWAYS IN MY MIND.

November 26, 2010

xxx may tama ka!!!

Hindi lahat ng bagay na naiintindihan mo at pinaniniwalaang tama eh yon ang totoo. Maaring may pagkakataon na pwede kang ipagkanulo ng sarili mong kakayahang mag-isip. Maaring ang sa akala mong tama ay mali pala sa iba, at ang maaring mali para sa kanila ay tama para sayo. Lahat ng bagay ay may katumbas. Mali at tama, taas at baba, kaliwa at kanan, tuwid at baluktot. Maaring ang lahat ng ayaw mo eh yong ang gusto ng iba. Maaring ngayon ay tama ka pero paggising mo kinabukasan saka mo pa lang maiisip na mali ka pala. All along you believe you we're right but its otherwise.

Paano mo sasabihing "tama" ka? Ano nga ba ang tunay na sukatan ng pagiging tama? Minsan ba sa buhay mo ay pinagdudahan mo ang sarili mong kakayahan magdesisyon? Sa mga nagawa mong tama, did you spend enough time to reevaluate if indeed you we're right all along. Sa mga naging past decision mo at yon yong tama, ngayon ba ay masasabi mo pa ding tama ka? Situational. Maaring ang pagiging tama natin ay nakadepende sa isang sitwasyon. "Case to case basis" as they say. Ang tanong san, kelan at sa paanong sitwasyon?

Ikaw, ano ang basehan mo para sabihing tama ka? Tama na ba masasabi na wala kang inapakan o ingrabyadong tao? Tama ka ba kung lahat ng ginawa mo eh ayon sa kagustuhan ng marami? Naiisip mo din ba ang minority? Had you also been fair ang just to them. Complex, that is. But that compexeties were actualy the things that define what is TRULY right.

Ikaw, may "tama" ka ba?
World Peace everyone!!!

November 21, 2010

sino ang baliw?

A Famous author (one of my favorite) Paulo Coelho had mentioned in one of his book “Insane always believe in first impression” I pause for a while. Stop and start realizing what he really means. Tried googling bout the line. And found out according to studies. Insane people always believe on what they see.(naniniwala din kaya silang may utak sila kahit di nila ito nakikita) Ang lalim.(parang deep wishing well lang) At first I was struggling to understood,(kunwari iniintindi kew!!) maybe because I am normal or maybe I am not? hahahahah Kaya di ako makarelate? Sabi nga nya (P. COelho on his book Veronica Decides to Die) ang mga baliw, ang tangi nilang pinaniniwalaan any kung ano lang ang nakikita nila….

Baliw na ba ang ganon? Paano na ang aking mga kakilalang JUDGEMENTAL BY NATURE? Yong mga taong ang tanging basehan para kilalanin ang isang tao ay kung ano lang ang kanilang nakikita. Yong tipong panlabas lang ang sa kanila ay mahalaga. Lampa, malamya, panget, tabingi ang ilong o di kayay lips, pimples na mala chocolate hills ang dami, nunal na parang tatalunin ang Mt. Everest sa laki, matang animoy isang headlight ng isang magarang sasakyan, katawang akala mo ay balyenang umahon sa karagatan o kayay katawang napagkakamalang panungkit. Pasaway. mabait. Makulit. Paano kung ang lahat ng ito ay pakitang tao? Paano kung front lamang ang mga ito. Paano kung ang lahat ng ito ay imahe lang ng isang tao na sinadyang gawin para itago ang tunay nilang saloobin o di kaya'y para itago ang kanilang pagkatao. Paano kung ito’y imahe lamang para di kaawaan, para mahalin, o para kunin ang simpatya ng nakapaligid sa kanya. Paano kung imahe lamang itong sinadya para maging “in” sa lipunang kanilang ginagalawan, lipunang sadyang mapang husga, lipunang mapang hamak. Paano kung ang nakikita natin ay talagang sinadya dahil yon ang gusto nilang ipakitang imahe. Imaheng pilit kinukubliaan ang tunay na nararamdaman, tunay na saloobin, tunay na nilalaman ng puso at isipan.

For those who are often misinterpreted because of their actions. Yong mga taong na judge na sa kung ano ang nakita sa kanila. “pastilan dude, its not your loss”. Di yon kawalan. Kawalan yon ng mga taong judgemental by nature. Kawalan, dahil hindi nila binigyan ng pagkakataon para lalo kang makila. Kawalan dahil sa likod ng pagiging malamya, may tapang kang sa puson este puso'y di maitatago. Kawalan, dahil sa likod ng iyong kahinaan, ang lakas moy di matatawaran.(parang bagyong Ondoy lang) Kawalan, dahil sa likod ng pagiging masaya, sa likod ng mga tawa, may pait at sakit sa puso’y pilit ikinukubli.(emotera lang pala) Kawalan, dahil sa likod ng pagiging pasaway, isang seryosong indibidwal ang iyong itinatago, Indibidwal na di hamak na normal sa kanilang mag-isip.(kala mo lang yon) Kawalan dahil sa imaheng nakikita nila, at doon ka kinilala, di maikukubli na ikaw ay taong nag-iisa sa mundo. Nag-iisang nilalang na natatangi at may unique na indibidwalidad. Nilalang na gaya din nla ay parehong mahal at nilikha ni Papa LOrd.

Baliw. Baliw. Sino ang baliw?. Yong tao bang mababaw ang basehan para kilalanin ang isang tao? O baliw bang maituturing ang taong pilit gumagawa ng imahe para itago ang tunay na sila. Sino ang baliw? Ikaw? Ako? Sila? o baka naman tayo? San ka dito? Nasan ka maruja?...

Baliw. baliw. Sino ang baliw? (lasing? ang kuleetttt eh)Ako bang nagsulat nito? O baka ikaw na nagbabasa. O baka naman iyang nasa tabi mo at pilit nakikibasa sa kabaliwang ito. O baka naman ang taong di pa nakakabasa nito?

Baliw, Baliw. sino ang baliw?(ulyanin mode)

hahahaha (tawa ng malakas sabay iyak)

Baliw!!!
Basilio......
Crispin......

Balut......
Penoy.....

(at dahil feel na feel mo ang pagsigaw sa utak mo ng huling bahagi, hala ka, baka baliw ka na?)
wahahahahahaha!!!!

November 20, 2010

soon to be masahista(dyuk)

Dahil sa walang magawa sa buhay at trip ko lang talagang di matulog, yesterday I signed up for a TESDA skills training, and guess what, yong short course eh Massage Theraphy!!! masahehan na toh!!!

I used to work at 11:00 p till 7:00 am, graveyard shift at ginagawa ko na ang kalokohang ito for more than 5 years. Paglabas ng hotel where I work as night auditor/receptionist/janitor/guard/maintenance/bosero rolled into one, diritso na ang inyong abang lingkod sa venue. Training starts at 8:00 to 5:00 pm. Kamusta naman kuya germs, wala talagang tulugan kasi report sa work naman after.

Sa venue, pupungak pungak like antuking frog ang drama, buti na lang at sa pinakaharap ako nakaupo, otherwise natulog na naman ako na dilat ang aking mga mata...

pero ano nga ba ang rason at bakit ko naman naisipang gawin to? (actually di naman talaga pinag isipan)
1. trip trip lang kung keri ng superpower ko na di matulog.
2. Libre ang registration, sagot ni Mayor LOL
3. Pag natuto ako magmassage sydline din yon, at sa gusto na magpabooking ngayun pa lang, asa ka, dahil di ko din alam kong ipapractice ko talaga sya. wahahahah
4. Certification, TESDA kaya yon, next pwede na kumuha ng license sa DOH. Lisensyadong maghihimas na ako. yahoooo...
5. Sa training tinuturo ang ibat ibang strokes, malay mo magamit ko sa junjun ko LOL...

on a serious note, gusto ko talaga matuto kasi di naman natin alam kung ano ang pwedeng mangyari. Malay natin next time na nagpamasahe ka, ako na pala ang therapist mo ahahhaha.

November 16, 2010

better, bolder and braver

not all good bye means that the journey had just stop at the moment where such word had been heard. It may, sometimes, mean as a whole new start, start of something better or maybe otherwise.

Good bye!!!

Moving a on for a new life. BETTER, BOLDER and BRAVER!!!

More time for someones self. More time to think. More time to waste and melodramatic no more.... Now give me a life!!!

Happy thoughts. Good memories. Positive disposition. Right amount of confidence. Braver heart. Composed soul. Overflowing blessings of love and guidance. More composed self. Bunch of love. ROCK en ROLL!!! this is the new me. better, bolder and braver. humbled by experiences and believes that I CAN and I WILL

Watch out fella for a better version of me is just born!!!

November 14, 2010

busted!!!

Isang pamilyar na number ang tumatawag. Nag-aalinlangan kung sasagutin ba ito o hindi. At bago pa man maputol ang pag-riring, pinindot ang receive button ng cellphone. Puro kaluskos. Walang sumasagot. Pinutol ang tawag at sya na mismong nagkusang tumawag sa numerong kanina'y tumatawag. Isang maganda at malamig na boses ang sumagot. Nagbalik sa alaala ang mga masasayang araw at may bahagyang ngiti ang nasilayan sa buong mukha.

Boy- Hello :-) oh kamusta. Napatawag ka yata?
Girl-Ha? hindi ah. napindot ko lang ata ang phone ko!!!
Boy- Ah ganun ba. O sya ingat. Bye

Biglang nanlumo. May lungkot na nadama. Ang kaninang may ngiti sa mukha ngayon na'y wala. Ang kaninang umaasa habang hawak ang telepono ngayon ay balot ng katotohanan. Katotohanang wala na nga talaga sila. Pinasyang matulog at sa pag-gising isang text message ang nabasa mula sa may-ari ng teleponong kanina'y tumawag sa kanya.

****hi, galit ka ba sa akin?

----nope, bakit naman?

****wala lang. Sana kahit di na tayu kaw pa din migo(friend) ko

----Sure. better off this way. TC

Sa huling mensaheng pinadala, kahit mabigat sabihin ay kanyang ginawa. Nandon pa din ang isang parte sa kanya ang umaasa pero mabuti nang maging totoo at handa sa ano man pwedeng mangyari sa kanila....

November 13, 2010

OF SERENITY AND DRAMAS

Hindi ako sanay na ganun sya. Walang imik. Mula sa malayo ay tanaw mo ang kalungkutang pilit kinukubli ng kanyang mukha. Mababanaag mong may kung anong bigat na nararamdaman. Kung di ko lang kilala ang mokong na toh.

Misteryoso. Ang dating masayahin ngayon ay balot ng misteryo. Ubod ng tahimik pero dama mo ang kanyang presensya. Walang namang ginagawa pero may kung anong nakakahawa sa kanyang nararamdaman upang makramdam ka ng lungkot. Lungkot para sa isang kaibigan na akala mong matagal mo nang kakilala.

Sa ilalim ng puno ng niyog sa tabi ng beach, matamang nakaupo. Mata'y nakapako sa malayo. May panaka nakang buntong hininga at sabay nito ay ang pagdakot ng mapuputing buhangin sa harap nya. At sa bawat pag-agos ng buhangin mula sa kamay ay kasabay ang pagpakawala ng isang damdaming di mapagtanto. Gusto kong lapitan at amuin pero pano mo magagawa, kung sa pag lapit mo pa lang, ay sasalubungin ka na nag isang masayang mukha. Oo ganon sya, sa harap ng iba, ay masaya, makulet at puno ng buhay. Kung di ko lang kilala 'tong mokong na to sasabihin kong walang problema.. Minarapat ko na lang na makuntento at masdan ng palihim ang kanyang ginagawa. Alam kong higit kelan man, ngayon nya kelangan ng kaibigan, pero higit pa don , ngayun nya kelangan ng katahimikan, ang magsolo.

Kaibigan. Alam ko marami sya non. Iba-iba. Asan na kaya sila ngayon. Lahat ng tawa ng kaibigan nya ay sinakyan nya. Lahat ng drama sa buhay nila, ay dumamay sya. Lahat ng sama ng loob ay nasasabi sa kanya. Pero sya?... ewan...kelan nga ba nag kwento ang mokong na to? Kilala sya ng lahat. They know his name.... but not his story....

Sa muling pagyuko, nanatili yon ng ilang minuto. At sa muling pagtaas ng mukha, makikita sa kanyang malamlam na mga mata ang mumunting butil ng tubig na nagbabadyang umagos. Luha. Oo naluluha, at bago pa man yon umagos, ay dali dali at pasimpleng tinakpan ng dalawang kamay ang mukha. Pilit kinukubli ang mesteryosong nararamdaman. Ang dating totoy na pilit binago ng mapagbirong tadhana, ngayon ay isang mama na. Mamang puno ng ambisyon at nagsusumikap sa buhay. Mamang pilit lumalaban sa buhay lalo at may kinalaman yon sa kanyang mahal sa buhay. Mamang ngayon ay nasa kawalan.

At sa unti unting pag lubog ng araw, kung saan ang liwanag at dilim ay nag-aagaw, ang luhang kaninay pilit pinipigilan ay malayang pinakawalan. Sa tahimik na hikbi, ay may kung anong hapdi ang pilit pinapawi. Sa piling ng dilim ay nakakita ng tila kakampi. Kakamping kung saan ay tutulungan itago ang hapdi.

Sa piling ng dilim, na kanina'y lilim, tumayo mula sa pagkakaupo. Wala ng ang luha, at isa na lang expresionless na mukha. Mabagal na nglakad, at pagsapit sa liwanag, sabay ulit na nasilayan ang mukhang tila maliwanag pa sa posteng nadaanan. sa dilim, naiwan ang mesteryosong damdamin, na pilit kinukubli pero alm mong iyon ay hapdi. Hapding dulot ng nagdurugong puso.

Wala akong nagawa. Gusto kung amuin pero pano mo aamuin ang mas magaling pa sayo. Pano aamuin ang SARILI mo?.....

"Lord grant me the serenity
To accept thing I cannot change;
Courage to change the things that I can;
And wisdom to know the difference"

November 12, 2010

this too shall pass and someday It gonna make sense

the last few post were I guess a product of ever boring mind. Parang lahat ka-epalan lang, masabi lang na may napost ako at na update si blogsite kong mahal.

And on a more serious note, let me share something I learned, some of my thoughts, and what actually happened few days back.

Emotions. Lahat tayo mayaman dito. Everything we do almost involve our emotions. At some point, it is hard for us to manage such, which at times makes us a whole new different person for others. I, even wondered of myself. Lately, I was actually caught off guarded and at this point, as I am asking what went wrong, and what had happenned, I realized that somehow theres something different in me, on how I approach things that had come my way. RENEWED and REDISCOVERED

Troubles, trials, challenges, hardships and heartaches almost turned my world upside down lately. Emotionally filled nights, sleepless days(as I work at night and sleeps at day), were almost normal for me. I tried my best to be composed as I can. Showed everyone that Im well and encourage them be be happy as me, though something inside is killing me, something is broken yet I still manage to have a good laugh with everyone, cried with their stories (not knowing that I too cry for me) and lough out loud at my own stupist mistakes. In short I stayed positive and just enjoyed feeling pains, craziness and every emotions that i need to feel....

The greatest gift a person could ever have is the GIFT OF LIFE and thats what I believe. No matter how hard life is (at the moment) as it may seem, Im still positive that "this too shall pass". Just like the MLTR song "Someday It gonna make sense". Yes someday, whats happening will really make sense. For now im learning everything I need to, so as the time will come that this would happen again (history repeats itself as they say), I know how to deal such circumstance.

The imperfect way of life and everything it throws us, is the perfect way to live it. Ang gulo di ba? Life imperfection my somehow shaken us, but when you stay positive and look at it in a more happy perspective, its imperfection will bring joy to us. Sometimes, we need to feel LOST for us to eventually find ourselves. Take adversities as something that could make us grounded into reality, because at times, we tend to forget that we are just HUMAN, whom is vulnerable to anything. We believe that we can do everything we can, (which is actually true) and that we have the power to do what we want. We forget that HE is more powerful than anyone of us.

No matter what we you going through (and so am I), I encourage everyone to ENTRUST and LEAVE everything to him. Believe, that he has a better plan than what is ours, that HIS WILL BE DONE, and not our will. Have faith that everything will fall in its perfect place in HIS perfect time.

BELIEVE IN HIM. I just did!!! and Im happy.

November 10, 2010

the language of our generation.

may jejemon, me bekimon. Pero bago pa man nauso ang mga ito meron na tayong tinatawag na "ano" language. yong tipong

"si ano kasi eh, ayaw magpaano kayo ayon na ano ako ng ano".

"yong ano, kunin mo nga don sa ibabaw ng ano sa gilid ng ano"

kahit nag-anohan lang ng nag-anuhan ang inano sa ano, kahit pano ay naintindihan natin kung ano yong sinasabi ng kausap natin. Ika nga kahit nag-aano pa kayong dalawa eh ano pa din kayo, swak pa din. Minsan nga lang nakakainis ang ano na to kasi di mo alam kung ano ang inaano ng kausap mo. Ang tanong mo tuloy ay ANO?.

At alam mo kung ano pa ang nakakainis? Kung yong tanong mo na ANO ay sagutin na ano. waahhhh pano na lang. Ano pa din? wala kang magagawa kundi anuhin ang tanong mo dahil ang sagot nyang ano ay di mo maano.

Ngayon naman may nauuso. Yong laging sinasabi ni Pokwang tuwing tanghali. Di mo man literal na naiitindihan ang bawat word na sinasabi nya pero nagegets mo pa din ang ibig nyang sabihin, gaya ng sumusunod na sampol,

"Hay naku kuya, eme-echus ka lang. Wag na tayung mag echusan. nasa TV po tayo."

"sa lahat po ng nanonood, bawal kumembular, kasi ang kekembular panget"

"maraming ume-everything pero, wez pa din sila"

Sa dami at sa labo minsan ng sinasabi at naririnig natin, bakit may kung anong nasa atin at nagagawa pa rin nating sakyan at maintindihan ang naririnig natin. Di lahat ng sinasabi nila eh "havey" pagkat may mga panahon namang "waley" ang mga banat ng kausap at mga naririninig natin.

Ano't ano man, mag anohan man tayu o mag echusan, walang kekembular pag lahat tayo ay "havey". Ang di makagets pihadong "waley"

walang eechus sa post na to kung ayaw mong makembular!!!!






ang birdie at ang flower

sa halos araw araw na pag uwi ko mula sa puyatan (trabaho) dito sa isla ng Boracay, lagi kong nakakasalubong ang isang pamilyar na mukha. At sa tuwing magtatama ang aming mga paningin (na hindi naman sinlagkit ng biko na pang handa sa araw ng mga patay) ay nag iismayl sya na tipong magkakilala kami. Ako naman si etong not so suplado not so friendly, isang tipid(takot mamulubi?) na ismayl lang din ang sukli ko sa ismayl nya.

at sa araw araw na ginawa ni Daddy God na nakakasalubong ko si Ms. Maganda, araw araw ko ding iniisip kung saan at pano nga ba kami nagkakilala. Ano nga bang konek naming dalawa sa buhay. Baka naman pareho kaming love birds sa past life namin, o di kaya baka sya si Eba at ako si Adan, o malamang baka isa syang sirena at akoy hamak na syokoy noong unang panahon. Pwede rin namang isa akong hari at syay isang dakilang utusan ko. At sa kakaisip ko ng ganito, di ko namamalayang nasa bahay na ako at matutulog na naman.

Ngunit nitong nakaraang linggo, araw ng biyernes, nataon na wala akong trabaho at nagpasyang maglakad lakad sa beach ng Boracay. Nataon din namang wala syang pasok at ewan ko kung bakit dun sa lilim ng punong inuupuan ko eh nandun din sya malapit at nagmumuni muni. Nong paalis na sya, di ata ako napansin na nakaupo lang don, pagdaan nya sa harap ko, at last napansin din nya si Adonis (pero kasalukuyang nagkukunwaring pangit na nagtatago sa aking mukha't katawan) sabi nya Harold right? Yeah.(wow english) ang tangi kong nasagot(pero sa likod ng utak ko, yihey sabi ko na nga ba sikat ako!!!) Para makilala ko na si ate, kasi di ko talaga maala sya kung sino sya, tinanong ko na lang kung sino sya....

Sabi nya. Ako yong klasmeyt mo nong grade one na anak ni ****** pero nong grade two lumuwas ng manila at don na nag-aral hanggang college. (wow naman naalala pa ako. walang pinagbago sa mukha ko, walang theory of evolution) Dagdag pa nya. Alam mo ang kulit kulit mo dati. (hanggang ngayun pa naman kaya, di mo lang alam). Sa puntong ito naalala ko na si ate. Sya pala yong inaway ko dati kasi nakita nya ang aking bird at pinagtawanan ako sa harap ng mga kalaro ko. Akalain mo ba naman kasing butas pala ang short ko at ewan ko ba kung uso na ang underware noon pero di ko matandaan kung bat wala akong brief non. Ayun tampulan ako ng tukso ng mga kalaro ko na kesyo ang bird ko daw ay akmang lilipad na. waaaaahhh. Sa subrang pikon ko, isinumpa ko sa sarili ko(actually isinumpa ko sa harap ng teks na napanalunan ko) na di matatapos ang araw na makakaganti din ako sa nognog na to.

Pagdating ng hapon, ayun playtime muna kami. Buti na lang si titser me high blood kaya hinayaan muna kami maglaro ng ilang minuto para makapagpahinga naman sya. Habang naglalaro sila ng ewan ko kung ano tawag don basta me kantang "sasara ang bulaklak, bubuka ang bulaklak" something like that. sabi ko sa mura kong isipan, this is it, pansit!. Ayun, bigla ako lumapit at hinubad shorts nya habang nakatalikod sya and voila kita flower nya hahahah. panalo ang moment na yon. Sabi ko quits na tayu, u see my birdie, I see your flower, my witness pa hahahah. That time sobrang wala lang sa akin kasi di ko naman alam kung anong uri ng flower meron sya. Yon ba eh daisy, rose o sunflower. Ngayung matanda na ako lnapagtanto na parang bulaklak lang pala ng kampupot kasi nga bata pa si ate that time. whew. asaran talaga ang oras na yon at pareho kaming umuwing umiiyak kasi pinalo kami ng ruler ni titser.

Habang naguusap kami ni ***** napansin nyang may kakaibang smile ako. At alam kong alam nya kung ano iniisip ko. Sabi nya, siguro iniisip mo kalokohan mo dati ano? Wala akong nagawa at umamin na lamang yon nga ang naiisip ko. Ang birdie at ang flower.

Sa ngayun, di na sya stranger. Di na basta smile lang pag nagkakasalubong kami, mayron ng HI at HELLO Magkakilala na kami at di na rin kampupot ang flower nya. Di ko na alam ang tawag sa ngayun basta isa lang ang sigurado ako. di namatatawag na kampupot ang sa kanya at di na birdie tong akin. Kayu na bahalang gumawa ng paraan para malaman nyu...

till next time.....

November 9, 2010

pwet ng manok

at around 6:40 pm kanina nagising ako mula sa mahimbing na tulog na parang may riot sa loob ng aking tyan. At dahil gutom na, doon na lamang ako sa pinakamalapit na kainan pumunta. Yong nagbebenta ng dokito frito na dating 37 lang pero ngayon 40 na, wadapak mahal na pala ngayon ahahahha.

I decided to have a sinigang, take out na lang para don ko na lang sa bahay kainin. sayang naman kasi ang coke ko na nong isang araw pa nabubuksan lols.

While waiting for the sinigang, may dumating na guy na may bitbit na na isda, gulay at iba pa, galing ata sa palengke, (di naman siguro saya makakabili ng ganun sa hardware store)

GUY-kuya may dokito kayo?
CREW-oo kuya, anong part?
GUY-yong pwet lang.
CREW- anong pwet sir? (tumbling si kuyang crew)
GUY-ayan oh(sabay turo sa gustong parte ng manok)

Ako tong malapit lang sa cashiers counter,muntik na mapa-tumbling, humagalpak ng tawa. PAK!!!..nasanay ata si kuya sa bentang tsiken feet don sa palengke. (o sya kuya bigyan mo nga yan ng sandamakmak na pwet ng manok, sa isip isip ko.) Para di mahalata kuha ng cellphone at kunwari me kausap lang. kasi nga tawa ako ng tawa ng mag isa na parang isat kalahating tanga pero feeling ko mas tanga si kuya (sorry kuya, actually nakakatuwa ka) kasi nga nag order sa ng pwet ng manok.

wala lang share ko lang. wala kasi akong entry nayun. pampagulo lang ahahahaha

November 8, 2010

its all a matter of attitude

I would really like to believe that I am an optimistic person. Choose being on the positive side than crying over the spilled milk attitude. I choose to be contented and happy on the ice cream at hand than giving much time to that balloon taken by that selfish winds.(afterall, that ice cream is the 3 in 1 plus 1 happy kaarawan brand) Amidst everything we can always be positive if we choose to.

Sabi nga ni JP Vaswani sa kanyang librong "Its all a matter of Attitude" We cannot change bad things but we can always change our attitude towards them. Since the day I read his book, i always bear in my polluted mind that being nega on the things around you will make you panget like your kapitbahay na tsismosang walang ginawa kundi pahiran ng kung ano ano ang mukha gumanda lang. Isa lang ang sabihin ko, kung panget ka, panget ka talaga!!! (peace yow). Seriously, ang tunay na kagandahan ay di lang naman sa mukha nakikita. Personality and attitudes too counts. The way you handle yourself and the way you deal with the people around you, (pangit man yan o hindi) is what counts the most all the time. Kung maganda ka at pangit naman ang ugali mo, pag tinanong ang tao how is you, malamang ang sagot nila would perfectly fits you as the kontrabidang maganda na mamatay sa huling parte ng telenovela. See?!!!!

We all have the choice to be positive. It wont benifit anyone most, but ourselves. Me, I may not be as good as other people but I always try to choose good over bad. See nice people than dwelling on someones imperfection. Really, everyone has its own flaws but everyone has its good point too. May our goodness not be overshadowed by our flaws. May everyone choose what is right and may everyone live their lives based on their hearts and not on how the world calls you to live it. Live by the rule of love and not by the rule of the world...

world peace everyone.....


November 7, 2010

Happy na Birthday pa ni Erpats kong mahal

ngayong araw na to ay ang ika 60th kaarawan ni erpats(ayun sa kanyang birth certificate) pero October 8 nya lagi ito siniselebrate dahil ayun sa aking lolang namayapa na eh Oct. 8 daw talaga ipinanganak ang gwapo kong ama(ngayun alam nyu na kung san ako nagmana:-) (walang basagan ng trip, blog ko to tsaka beerday pa ng erpats ko)

Sobrang masaya ako at malakas pa ang tatay ko sa edad na 60. (oo malakas pa uminom hihihi) Pero sa usapang seryoso, malakas pa talaga ang aking ama. Dala siguro na laking mahirap at (tumandang mahirap,na parang ganun din ang takbo ng buhay ko). Yaong banat sa trabaho na di na kelangan ang gym gym na yan para mapalakas ang katawang lupa ni itay. Kayud kalabaw ika nga, pahingang pagong hahahha.

Isa sa mga rason kung bakit ako natuwa, liban don sa 60 taong biyayang binigay sa kanya at sa aming mga anak nya, eh yong thought na sa wakas magkakaroon na ng Senior Citizen Id card si erpat kong mahal. Ibig sabihin bente porsyentong diskwento sa sasakyan, gamot, kung kung ano ano pa. Pag uwi ko ikukuha ko sya ng SC card para naman mapanindigan nyang Senior Citizen na nga sya at para na din ipaalaala sa kanyang kelangan na nyang mag menor sa lahat ng bagay(pwera paghinga). Menor sa matabang pagkain(na kung tutuusin eh minsan lang naman matikman dahil luxury na yun sa kanya) Hinay hinay sa matatamis at baka madiabetes. Dahan dahan sa inom at alak. (Ako ng bahalng maglaklak ng para sa kanya ultimate sacrifice yon LOL at bawas sa yosi. ako na hihithit para sa kanya)

Sa iyo aking ama, happy kaarawan. Naway bigyan ka pa ng mas mahabang buhay, malakas na pangangatawan at sandamakmak na biyaya.

buhay graveyard(ang sarap kaya, try mow)

Limang taon. Limang taong mahigit na palang binaliktad ko ang mundo. Sadya lang talaga sigurong iba yong trip ko at inabot ako sa ganitong klaseng uri ng eskedyul sa trabaho. Pasok ng alas onse ng gabi labas ng alas syete kinaumagahan (na hindi pa naman nangyayari pagkat sayang ang free na breakfast hahaha). Minsan pag inabot ka ng malas, gaya ng holiday, inaabot ng hapon sa kakabalanse ng Financial Reports. Ika nga kahit tirik na tirik na ang araw at mugtong mugto na ang iyong di kagandahang mga mata eh kelangan tapusin at balansehen ang trabaho. Pero di naman sa lahat ng pagkakataon eh ganito. Pag holiday lang. Christmas, New year, holy week, chinese new year at iba pa kung saan ang sarap gumimik sa isla ng boracay pero ako etong nasa trabaho at nakuntento na lamang sa pa ismayl ismayl sa mga taong dumadaan at nakakasalamuha. Bakit pa kasi me holiday holiday na yan (hahahah bitter lang)

Minsan tinanong ako. Bakit ako tumagal ng ganito? Napaisip ako. Bakit nga ba? At sa kakaisip ko, sa kamalas malasan eh wala din naman akong nabuong konkretong sagot. Basta alam ko nag-eenjoy pa ako. Ang sarap kaya. Try mo (hahaha)

Sa bawat gabing gising ako sa kakaharap sa computer at sa mga papel na kelangan mong i-tsek(sana nag titser na lang ako) at isama mo pa ang makukulit na bisitang kelangan mong pakibagayan ng maayos kahit gusto mo nang mangbato ng ballpen at kung anong nasa harap mo dahil hindi ka magbalanse, lahat ng yon ay may kwento. Di lahat eh masaya pero di rin naman lahat malungkot.

Kabilang sa mga di makakalimutang karanasan eh yung makikipag away ka sa guest. Ang mahirap don eh yong guest mo eh puti. Duguan. Kung nakakamatay lang ang pag iingles malamang matagal na akong patay at malamang marami nang nabilanggo dito sa isla. Sa mga koreano(sorry po, pero di naman lahat) naman na di masyadong magaling mag ingles dahil ang alam lang eh ang simpleng hi at hello, di rin matatawaran ang effort na iarte mo kung ano ang gusto mong sabihin. Anong sinabi ni Jhon Lloyd sa akting mong pamatay.Pamatay sa tawa, pero ang importante don eh nagkaintindihan kayu. Pero nitong huli, nakaisip ako ng ibang diskarte. E-drawing mo lahat ng gusto mo eexplain. Kung sa dami ng tanong at kelangan mo lahat sagutin yun sa pamamagitan ng drawing, abay abuso na yan. Isulat mo na lang ang simpleng "thank you" sabay talikod and make yourself busy hahahaha.

sabi, wala naman daw trabahong madali, pero ang lahat ng oras eh pwede nating gawing memorable. Nasa sa atin na yon kung pano ienjoy like a tsiken joy ang bawat sandali... basta ako, kahit di man kami nagkikita ni haring araw okey na din at least di magastos sa kakapahid ng kung ano ano para lang pumuti, (di gaya ng iba jan) yon nga lang eh, mas maputla ka pa sa suka at tanging mapula sayo eh yong dila mong laging basa...

Ang sarap kaya. try mow!!!

November 2, 2010

back to basic

sabi nila pag usapang puso daw eh mahaba habang usapan yan. Parang sa patalasatas ni Dingdong at Marian mahaba-habang usapan kasama ang produktong iniendorso nila. Sa totoo lang natry ko na yon. Yong mahaba haba pero alang usapang nangyari, hahahaha. Wag malikot ang isip mo, oo natry ko ang mahaba habang inuman. ng mag isa ( o di ba san ka pa) Yong mag emo-emohan ka at magdrama mag isa na parang isat kalahating tanga na walang magawa kundi ang mag ngangangawa.

Isang kaibigan ang nagtanong sa akin, kamusta ka na? Kamusta ang puso mo? Puteks naman, nahalata ata ng mokong na may pinagdadaanan ang aking heart.Tangna, ayoko mag wento. Ako yong tipo ng tao na magaling mag advise(daw) sa ibang tao pero pagdating sa sarili ko isangdaan at kalahating porsyentong bobo ako. Sa kakulitan ni tsoi napilitang akong sumagot. "eto self supporting" hahahaha. nagulat si mokong sa sagot ko, pati nga rin ako nagulat kung bat yun ang naisagot ko. Baliw na yata si ako hahahah....

Balik sa usapang puso. Lately, sa dinami daming kadahilanan ang pareho naming puso (ni pards) eh nasasaktan. Sya naguguluhan ako nagdaramdam. Alam naman naming pareho naming mahal ang bawat isa pero bakit parang iba yong trip namin ngayon? parang (di naman ako sigurado) we love each other pero we hurt each other emotionaly. Eto na ata ang pinakamalala naming tampuhan. sa loob ng pitong taon na naging kami ngayon lang nangyari na lumala na daig pa ang 50/50 pasyente sa ER na nahulugan ng nuclear bomba sa Hiroshima ang aming pinagdadaanan. Sa totoo lang alam ko nasasaktan ko sya the way I feel the pain of whats happening pero ewan parang bumaba pa six feet below the ground ang aking emotional intiligence. Im so bobo ang parang gago. self pity? got no right to do so!!!

Kahit anong mangyari, mahal ko si babae. Di ako sigurado kung alam nya ang blogsite kong toh pero kahit ano man, sana alam nya na sobrang mahal ko sya. Sana alam nya na kailangan ko sya dahil mahal ko sya. Sana kahit marami akong dapat patunayan sa kanya eh naramdaman nya na sobrang tumitibok ang pusong kong ito at tanging pangalan nya ang sigaw neto. Sana maging matapang na ako dahil sabi nya duwag daw ako. Hindi naman sa yon ang totoo pero hindi na ako nakipag argumento. Iba lang siguro ang pamantayan naming dalawa. At sana wag nyang malamng korni ako hahahhaha...

Sa kung anumang nangyari, ang dami kong natutunan. Ang daming realizations at ang daming lessons. Pinakamasakit don? Ako ang mali. Sa ngayon BACK TO BASIC ang drama ng lolo mo. I have to start all over again and prove something. Kelangan magbago. Kelangan level up pa. Ang daming kelangan e-overhaul sa sarili ko, daig pa ang makina ng jeep ng lolo mo na ginamit pa nong world war 2. Kung pwede lang baguhin ang sarili ko ng buong-buo gagawin ko. Sana lahat ng plano ko mapanindigan ko. Di man ako nag promise sa kanya pero eto yong promise ko sa sarili ko (parang tanga lang di ba) Walastik naman kasi diskarte ko date.

On a lighter side. Kahit pano nagpupumilit pa namang tumibok ang puso ko. Kahit self supporting lang hahahaha. O sya baka san pa mapunta tong alang wentang blog na to at baka maghanap ka pa ng tabloid na pinambalot sa limang pisong suman mo at yon pa ang basahin mo kesa alang wentang post na to. gayunpaman nagpapasalamat ako at naawa ako sayo kasi umabot ka sa puntong ito na mukhang natapos mo ngang basahin ang post na ito at ngayon eh nagsisisi kasi wala ka man lang napulot liban sa nag aksaya ka ng oras sa pagbabasa.

ciao!!!!!!!!

October 26, 2010

malay mo, may way



And now, the end is near,
And so I face the final curtain.
My friends, I'll say it clear;
I'll state my case of which I'm certain.
I've lived a life that's full -

I've travelled each and every highway.
And more, much more than this,
I did it my way.
Regrets? I've had a few,

But then again, too few to mention.
I did what I had to do
And saw it through without exemption.
I planned each charted course -

Each careful step along the byway,
And more, much more than this,
I did it my way.
Yes, there were times, I'm sure you knew,

When I bit off more than I could chew,
But through it all, when there was doubt,
I ate it up and spit it out.
I faced it all and I stood tall
And did it my way.
I've loved, I've laughed and cried,

I've had my fill - my share of losing.
But now, as tears subside,
I find it all so amusing.
To think I did all that,

And may I say, not in a shy way -
Oh no. Oh no, not me.
I did it my way.
For what is a man? What has he got?

If not himself - Then he has naught.
To say the things he truly feels
And not the words of one who kneels.
The record shows I took the blows
And did it my way.
Yes, it was my way.



I never thought that this song would have that much impact on me. Eto daw yong kanta na pag nasa videoke bar ka, aba eh kelangan mo nang mag-ingat. I dont know if those were just a mere coincidence but a lot had been said about this song. Dami daw namamatay sa kantang ito....

As on my part, I guess its true. A part of me is dying and I guess a lifetime would not be enough to move on. A lifetime would not be enough to forget.

These days, by far, I may be on the lowest point of my life. Ito yong pagkakataon na sobrang down. Eto yong pagkakataon na sana I wish i am numb enough to feel the pain. This too is the time that pain and agony has its confusing meaning. I thought I had high tolerance for emotional pain. I had been through a lot of struggles but lately this was too much. Too much to bear ,too much of its kind. just too much..

All my life, nabuhay akong ipinaglalaban ang kaligayahan ng mga taong mahal ko. Lahat ng magandang pwedeng mangyari sa kanila pinaglaban ko. Pero bakit ngayun sarili kong kaligayahan mukhang di ko kayang ipaglaban? Bakit?

I hate making promises because I get disappointed when those we're not fulfilled. I rarely do so. And there are just few of them. Just when my ever beloved nanay died, I made a promise to her that whatever happens I will take care of the family. Pipilitin kong itaguyod ang kung ano mang meron kami, yon ay ang bawat isa. Wala naman kaming yaman pero ang bawat isa ang itinuturing ko na higit pa sa kung ano mang yaman. I did my best to fulfill such promise not knowing that another promised seem to be sacrificed. Yon yong promise ng sarili kong kaligayahan. Yong yong promise ng puso na sanay gustong tuparin ngunit may mga bagay lang talaga sigurong mahirap unawain at pagsabayin....

Sa ngayon, pinipilit kong mag-isip ng matino. Im trying my best to be as positive as I can. I know am a very optimistic person and at the same time I am too aware of reality. Yong reyalidad na unti unting pumapatay ng isang parte ng iyong pagkatao. Yong reyalidad na ang tanging pwedeng gamot ay tanggapin ang katotohanan, na may ibang taong pumupuno at tumutupad sa "promise" mo sa iyong sariling kaligayahan. Yong promise na ang taong gusto mong pasayahin ay pinapasaya na ng ibang tao at ikaw ay nakuntento na lamang na maging masaya para sa kanila.

Masakit isipin, lalong masakit tanggapin. Ngunit sabi nga, walang ibang makapagpalaya sa iyong sarili kundi ang tanggapin at palayain ang damdamin. Palayain na kahit ibig sabihin nito ay sakit na dadalhin sa hindi mo alam kung hanggang kelan. Masakit pero sige lang. Masakit pero wala kang magagawa. Masakit, kasi kahit gusto mong lumaban alam mong masasaktan ka lang. Masakit yong malaman mong ikaw ang lahat ng may dahilan. Masakit na nagdadrama ka dahil sa iyong sarili mong kagagawan. Masakit kasi mali ang pagsulat mo ng script ng iyong buhay. Masakit na di gaya ng fairy tale na may happy ending ikaw na bida sa sarili mong kwento ang syang talunan. Masakit at nakakapagod. Masakit na sa kwento mo, ikaw na syang bida eh ikaw ring ang syang kontrabida, isama mo pa na ikaw na din ang alalay ng bida at ikaw pa ang karamay at kakampi ng kontrabida.

Masakit pero yong ang kwento ko sa ngayun. Yon ang kwento ng buhay ko. Di pa naman siguro ito ang ending. Malay mo isang chapter lang ng buhay ko. Malay natin na sa bawat paglipas ng bawat araw ay isang pahina ang tinutuklap mo para sa panibagong buhay. Malay mo di mo namalayan na sa kamamalay mo ay tapos na pala ang kwento mo. Di man happy ending at least yon ay totoo...

malay mo, may way!!!!!

October 11, 2010

ang misyun ni ahwod

gaya ng sabi ko sa huli kong blog, ang aking below average stupid mind is not working. Pero ngayun nakakatuwa na at kahit papano eh umaandar na... yon nga lang sana tama lang. yong sakto lang.... sana...

lights off...
unan, kumot...zzzzzzzzz

swabe sa pakiramdam. ang dating "plaine white smile" ay ngayoĆ½ ngiting aso na. Lagpas tenga ba. Kalain mo ba namang kasama mo si Cristine Reyes at Angel Locsin. At wag ka, kausap mo sila habang two piece lang suot nila. Inaya nila ako, pero humindi ako. Pakipot ba, para di halatang easy to get. Ano ako, kaladkarin?....Kahit napakaganda at maalindog pa sila magpapakipot muna ako.... Kelangan nilang mag effort...

PAK!!! lastimak na lamok to. weset. ayan naalimpungatan at nagising tuloy ako. Di pa nga tapos yung panaginip ko. Siomai naman, nagpapahard to get pa ako eh. Bitin tuloy.....

P.S. (kung bitin ka lalo naman ako!!! kaya wag kang epal)

sa kagustuhang maipagpatuloy ang aking panaginip, ipinagpasya kong matulog ulit. Pagpasensyahan na lang muna ang istorbong lamok, humanda ka na lang bukas. kelangan havey tong panaginip ko. kelangan ang susunod na kabanata....

zzzzzzzzzzzzzzz zzzzzzzzzzzzzzz....

May nakatayo, nakabalabal ng puti at may nakakasilaw na liwanag. di ko mamukhaan. Bigla na lang nagsalita. Ang klaro ng boses. Buong buo parang galing sa likod ng mga ulap.SABI "Ikaw ahwod ay may misyon. darating ang panahon na pag sisilbihan mo at paliligayahin ang buong sangkatauhan." Huwat? are you kidding? Pano ko gagawin yon? Isa lang ang katawan ko at isa lang ang kaya ko sa isang araw. Ang laki ng mundo. Sangkatauhan ba kamo? Baka abutin ako ng 100 years eh di ko pa sila napagsilbihan at napaligaya. Bigla akong napahawak,sa gilid ng kama. kawawa ka noy, mapapalaban ka yata. Huhuhu pano toh? pano ko gagampanan ang misyon ko? Bangungot na toh. Nightmare ba. HELP!!!!!

Pinitik pitik ko, ayaw tumayo.... Pitik ulit ayaw talaga... Pinitik, inalog, winagwag ang sarili ko, sa wakas nakatayu din ako. nakabangon. Ano ba naman yan. Bakit iba na ang karugtong ng panaginip ko....bahkeeeeeettttttttt waley?


bangon na nga lang....
mamaya na lang ulit matulog.
si cristine, si angel ang ang panaginip kong waley...

P.S. wag maniwala. imbento lang to.
waley o havey? u decide LOL

processing mode

EMO MODE...'tis man so sad. I wont tell you why.(sniff2x). My not so ever reliable below average level brain seems to reject the thoughts. Heart seems to be numb. Both (brain and heart) is on the processing and loading mode.

Can someone "shut me down"? or I just need to "log off"? "switch user" is not an option though...

Why oh why? I need to feel, hurt or whatever it is, but I cant because my stupid mind rejects the thoughts. Now, mind and heart works in unison. They are working against me, or should I say, they are not workin?....

'tis should not be happening. aint nothin can do but cry. tears slowly run down my not so nice face. (which I thought I had before). loosing my confidence which I thought I have reach its all time high(but at good point). Self esteem is broken. Soul is broken....

Blurry thoughts, undefiable feeling, a blank face, and a plain white smile, not fake just plain white smile. Please my dear senses work for me. Please dear brain work now....

Coffee on the table seems no taste. It dont even awaken any senses which is very unusual. I thought I could trade anythin for coffee.... Thats only what I thought....

I dont need someone to listen. I dont even need someone to cry with me. I just need someone to know that Im not ok....

I dont need anybody now. Moreso that dont need someone who will tell me what to do. I dont need it, because I might end up doing nothing and that would be useless.... just like me...


ME on the processing mode................





October 5, 2010

echoes of the heart

Long and winding journey it is.
Road seems so dark.
I have nothin but YOU.
only you , you and you...

If the whole universe seems to be against you?
Whats the best thing to do?
Is giving-up an option?
Or continue fighting on your own?

I have nothin but you.
Just stay and be true.
On your promise Im holding on...
Keep it on. Keep it on....

Im holding on you, but please hold me too...
Guide me as I walk with you.
Sing for me as I dance for you..
Be with me as I wanna be with you...

the promise of tomorrow is unknown
I cant answer it by my own..
Be with me and let us see
Of whats the future is in store for you and me..

Lets hold hand and walk together
Say our promise to be forever.
You and me we're meant to be.
You and me and forever will be....

October 3, 2010

ONE HEART ( the RECON experience)


at long last. RECON na!!!! October 1-3, 2010 is the day I had been waiting for. I badly needed this for I really need spiritual nourishment. I am starting to feel spiritual drought, I am starting to feel emptiness. I need something I dont know. I badly needed it....

With so much excitement for no concrete reasons at all, I attended the RECON. I feel that theres someone calling me. I am starting to hear. I am starting to feel.

I had so much questions to ask. I am needing an answer. I badly need it.

Thursday, September 30 we had our upper household at Lions Den. Final instructions and final preparations. Our parents, our Chapter coordinator Tito Lowell and Tita Inday had their final reminders. Division of batches kasi hindi kami pwedeng magsabay sabay because of our work schedule. all in all there were three batches. the first batch will be leave at 4 am, next will be in the afternoon and the next will be on saturday morning. I was on the first batch.

Walang tulog. 4 am ang aming call time. lucky enough and with ONE HEART wala ng nalate which is napakadalang mangyari na maging on time kaming lahat...

The travel
On the bus.... Ate emz and me prayed togethere. Prayed for a safe trip and prayed to prepare our hearts for the conference....

While traveling, I am figuring out whats in store for me. Am I really called to be there? Am I ready with pure heart?

The travel was good. A beautiful and perfect setting of landscape and seascape. on our left were beautiful mountains, countless rivers, vast ricefields. And on our right is the perfect seascape. The sea and the ocean. The horizon, a point where the water seems to kiss the blue sky. I pause and stared the horizon with amazement... Just like HIS love, its never ending..., thats what pop up at the back of my backless mind...

At around 10 am or so, we arrived at the venue. The Binirayan Sports Complex. Aha!!! we are I guess the first one to arrive. Nauna pa kami sa Registration committee. We decided to go to Gaisano Mall and had our lunch...

At 12:oo noon, padami na nag padami ang attendees.
At almost 2:00 pm the Conference started. The competitions started. We joined the amazing race and we won. Group effort and Team work is what made us won but more than the bragging rights of being the Amazing Race champion, its the thought and memories that we shared together that I would always remember. The runs, the tasks, the rides and I guess the Sibuyas and Pipino shake with no sugar or milk will top the list....

THE TALKS AND WORKSHOPS
GREAT!!! would be one word on how I could describe the talks. great topics, great speakers, great sharers. Everyone and everybody is great. HE is GREAT, all the time.

The Great topics were 1. A heart made for God. 2. Heart wired to Christ 3.Heart to Heart 4.One Heart for JESUS. and the workshop I attended is The best 3 Hours. With me in the workshop are Ng Angga, April, Ate Emz, Des, Eugene.

The talks and the workshops is what I am always looking forward when attending the SFC activities.

In these RECON my question were answered. He answered. I was so lucky and blessed that I attended. Im glad that I accepted HIS invitation. Im glad that I listed to HIS call.

HE and the recon taught me so much. HE tought me to have Absolute Trust in Him, Complete Dependence on HIM and Total Surrender on HIM. Thanks my Lord. Thank you for the answer...

with humility and humble heart, I COMMIT and I ACCEPT. still guide me LORD. still blessed me. I am not relying on my human capacity to fulfill my promise to you. I am relying, trusting and surrendering everything on YOU. YOU is the POWER. With my heart I offer my life...

I laugh, I listened, I sang (kahit sintunado), I danced, I praised, I glorify solely for my Lord. I never think of myself while doing this unlike before. I dont care how I look like. All I know is Im doing what my heart says. I am doing to express not to impress. Im showing my LOVE and PRAISE...

SATISFIED and ANSWERED. LOVED AND CARED. theres so much to share. so much to write about my overflowing RECON experience. this space would not be enough. But to sum it up HE ANSWERED. he cleared my mind and my heart. He took all the worries. I am ready to face another life with great strenght. Im ready to share and ready to be his child again. I Commit. I renewed.... with HIS guidance and power I know I will and I would....

THE TRAVEL BACK HOME
at 3 pm we leave San Jose antique. me and des started recited our prayer. with us are Bros and sis from South Negros bound for Boracay.

at the bus I was seated with sis des and sis Susane. We had our mini concert. the three of us is the star performer and the three of us at the same time is the ever loyal fans and audience. hahahah

I dunno kung anong oras na kami nakarating, we just had our dinner and had our seperate ways...

i sleep around 12 pm and woke up the next day at 11 am. i blogged and shared this... i had to fix myself and go out for a late brunch(?) and early dinner perhaps. then sleep again and be ready again for a work tomorrow.....

with so much love... thank you








September 26, 2010

OKEY LANG AKO

OKEY LANG AKO

ang laging sagot ko pag tinatanong ako sa panahong may mga problema ako. okey lang ako,.. kahit hindi...

I could never remember I said Im fine. lahat okey. Yon yong mali sa akin, mahirap ko aminin sa sarili ko na "hindi ako okey"". Lalong mahirap aminin sa ibang tao....

Hindi sa ayoko magpakatotoo. Lalong hindi naman sa nagyayabang ako. Sadyang mahirap lang talaga para sa akin. Minsan, dahil eto lang yong kelangan kong isagot. Kelangan para sabihin na OKEY nga ako....

I guess it will take time for me to overcome this dilemma . I am working on it. I know I will and I should...

Napag-isip isip ko kung bakit ganito. Ngayon napagtanto ko na. I remember a classmate in college na sabi nya, ako yong tipo nang tao na takot sa REJECTION. Tama nga sya. For all my life I had been trying my best to impress someone. I tried my best to keep my best foot forward. I tried my best impressing my father.

Ngayon OKEY LANG AKO. Okey kasi I accept and embraced the fact na we cant please everybody. We cant please everyone but we can love everybody. If you have much love in your heart, love will get back at you... millon folds.

Namuhunan ako sa LOVE. I could be a living witness, na love can move mountains. For a period of time bilanggo ako sa sarili kong pag-iisip. Ikinahon ko sa sarili ko na hindi ako mahal ng tatay ko. I thought he wanted me to be someone. Someone I dont, and someone I wont. I keep on telling myself he dont love me for what I am. But that was few years back... Iba na ang sitwasyon ngayon... Dala na rin siguro sa nagmature na ako ng konti. Pero higit don, alam kong dahil yon sa pagmamahal. Pagmamahal ng anak sa ama at pagmamahal ng ama sa anak... I may not be the person I am right now kung di ko napagdaanan ang stage na yon. That was just a phase in my life.

Okey lang ako may not be a fair answer. But more than this, eto yong sagot na di makakasakit sa mga taong nagtanong sayo at minsan eto din ang kelangang sagot para maging okey sila...

OKEY LANG AKO

September 23, 2010

is sooooooooooo blessed

renewed. inspired. energized.these may be how I would describe how I am if you ask me at this moment.

I had just renewed my commitment to my creator. from being a supportive supporter, great team player and good brother, I now accept the bigger responsibility being given to me. There maybe apprehensions at first, but my faith in the LORD will keep me go on "sa tama at tuwid na landas"(P-noy pahiram lang ng line mo).

As I had accept the new responsibility, I consider this as a great oppurtunity to serve my brothers and sisters and to glorify my Lord. I will be forever grateful to everyone in SFC for they continue to inspire me. Yes, being a Household Head is not an easy task, for you are entrusted to take care HIS flocks, but when you have faith, everything goes smooth as my favorite granite tiles for my dream home. We will storm heaven with prayers. Go according to HIS plans. Share the love and inspire his children.


Being an SFC member is not easy but, I feel so blessed. and hope you too.


as my parting word for this post try to think about this
try to count the blessings you receive everyday and you will end up as the luckiest person on earth, or try otherwise; dwell on mishaps and you will end up having more... why count the misfortunes if you can count the blessings....

September 17, 2010

alone in the quiet room

in silence you found peace. In silence where solitude is your sole companion you tend to think too many things. you even get " emo" and you allow yourself to be the craziest person you could ever be.

from time to time, we need silence. we need to be alone for us to reflect and evaluate ourselves. yong tipong kakausapin mo yung sarili mo. at eto yong mga tanong ko sa sarili ko na sinagot ko din naman. Tanong ko, sagot ko. Ang galing ko :-)..

Tanong: How are you?
Sagot: Ampayn teng-kyu.
Pero on deeper sense payn lang ba talaga ako? I guess so. Im fine because I choose to be.

Tanong: Chokz ka lang?
Sagot: Chokz na chokz.
Weh? di nga? chokz ka ba talaga? para namang hindi eh. O sya walang epal. pag sinabi kong chokz, chokz ako. wag nang humirit pa. pilitin mo na lang maniwala sa sinabi ko na chokz ako. pag di kayang maniwala, bahala ka.

Tanong: Regrets in Life?
Sagot: Those thing that I should done but i never did.
Owyeah. In general, wala namang akong regrets in life. Except siguro don sa mga bagay na dapat ginawa ko pero di ki sinubukang gawin out of fear. Fear not because I cant do it, but fear that I maybe a failure and disappointment to the people I love. Kasi napakalaking bagay para sa akin ang may mapatunayan sa mga taong mahal ko. Pero ngayon nagbago na yon, because I realized, They love me for what I am and who I am. They love me not because of what I accomplished. They loved me, simply because thats whats in their hearts. I thank you:-)

Tanong: Things you wanna do in before 2010 ends.
Sagot: Madami.
Una ang matutung mag Fire Poi. Parang ang sarap maglaro ng apoy. (o walang malisya ha). May kakaibang init, galaw na nakakabighani at katawang nakakaakit. Sabi kasi nila matotoned ng katawan mo pag regular ka naglalaro ng apoy, este ng fire poi. Pangalawa. Matutong mag skim Board. Isa pa to sa magandang ehersisyo sa katawan. Pangatlo: matuto ng Photoshop at basic video editing. Pang-apat: Makaenrol sa Gym para naman mas lalo pang maging katakam takam ang aking mala palitong katawan. Ang hirap din naman na for so long eh toothpick lang ang tingin sa aki, susubukan ko naman magpaganda ng katawan nang maging ulama naman ako sa paningin ng iba. Panglima: Pursue and fulfill my dreams. Pards know it na. Me deadline na nga eh hihihihi

Tanong: What makes you happy?
Sagot: I make myself happy.
O di ba bungga. Major major. Palong palo. Sabi nga kasi nila "Happiness is just a state of Mind" at kahit pano naniniwala ako don. We can always be happy. Yon ay kung pipiliin nating maging masaya. A happy disposition on something even how hard it is, is such a blessing from God. At magiging blessing lang yon kung tatanggapin natin ng maluwag sa puso at isipan ang mga bagay bagay na nangyayari sa atin. Bee happy sabi nga ng isang matabang Bee.

yan lang muna.... actually madami pa pero nawawalan na naman ng gana ang aking buto butong fingers mag type....

MLTR - It's Gonna Make Sense [HD][Lyrics]

September 15, 2010

paano kaya...

everything happens for a reason....

malamang narinig na natin 'to. maaring narinig mo ito sa iba mong kaibigan o malamang eh nabasa mo na rin ito sa dyaryong pinambalot sa binili mong suman....

sa mundong ating ginagalawan, sa bawat hakbang ng ating mga paa at sa bawat desisyong ating ginawa, naitanong ba natin sa mga sarili natin kung paano kaya kung ito ang aking ginawa?...

kung bawat pangyayari sa atin ay may rason, lahat ba ito ay nalaman natin,o di kaya'y mas naintindihan ba natin ang mga bagay bagay dahil nangyari to sa atin?

PAANO KAYA?

paano kaya kung walang computer, may blogsite kaya na gaya nang ganito?
pano kaya kung di ipinanganak si Ferdinand Marcos? May Martial Law kayang nangyari o naging presidente kaya si Ninoy at buhay pa ito ngayun ,o di kaya'y naging presidente kaya si Cory o naging senador kaya bago naging presidente se Noynoy?... Basta isa lang ang sigurado, sikat pa rin si Kris Aquino.

pano kaya kung iba ang naging asawa ng tatay mo gayundin ng nanay mo? nandito ka pa rin kaya? Ngayun naisipan mo na bang magpasalamat sa Kanya at pinagtagpo ang ang mga nanay at tatay natin na nagpakahirap at pilit iginapang tayo mapalaki lang tayo ng maayos. Malamang nagyayabang ka na rin sa ngayon dahil ikaw din naman eh pilit din namang gumapang para makauwi sa magulang mong mahal. Yon nga lang gumapang sa kalasingan....

paano kaya kung nasagot ni Venus Raj ang tanong ng maayos, magiging major major sikat kaya sya sa pagbalik bansa at pag-uusapan kaya ang naging sagot nya sakaling iba ang kanyang sinabi?..

paano kaya kung di naimbento ang tawas at mga deodorant? paano kaya kung lahat tayo ay may putok? Maari kaya may pabahuan ng kili kili? "IN" kaya ang mga pinakamabaho? hahhaha paano kaya...

paano kaya kung kabaliktaran ang lahat ng ating ginawang desisyon, sa harap ka parin kaya ng computer mo sa trabaho mo at nagbabasa ng blog na to? o di kayaĆ½ nasa bahay ka at binabasa mo ang sulat kong ito at napaisip kung "paano nga kaya"...

paano kaya? Anuman ang gawin natin, anuman ang mga naging desisyon natin, ibinase man natin ito sa mga sarili nating prinsipyo o ginaya lang natin sa mga idol natin? maari pa rin nating itanong sa sarili natin ang "PAANO KAYA?"

PAANO KAYA?.....

September 11, 2010

gising.hilamos.plantsa.bili pagkain.kain.ligo.bihis.trabaho.copy and paste millon times. yan ang buhay ko.....

pero ngayon iba na....

tulog........
masaya.ibang iba sa buhay na nakasanayan ko. ibang iba ang mga nakikita ko. lahat malinis. lahat okey. lahat mabait. lahat maganda....

nakaupo lang sa tumba tumbang silya.... sa kinauupuan tanaw ang magandang bukirin. kaaya aya.....nakakabighani... sa kaliwang banda ang mga bagong usbong na mga pananim. may namumukadkad na bulaklak. agaw eksena ang mapupulang rosas. kulay berde.lahat bago. lahat presko... ang lago ng mga halaman... sa kanang bahagi naman makikita mo ang isang simpleng swimming pool. malayong malayo sa dati kong pinapaliguan. ibang iba ang sa ilog na saksi ng aking kamusmusan....

may papalapit. may dalang juice. inilapag sa mesang nasa harap ko sabay ng sandwich na paborito ko. iba ngayon. ibang iba. masaya na ako. simple pa lang to, at eto ang gusto ko.... relax. tahimik.walang ingay....

ang saya ng buhay na ganito. walang iniisip. pag gising sa umaga aantayin mo lang ulit na mawala ang araw. pag nawala ang araw aantayin mo naman ulit na lumitaw eto. Ito ba talaga ang gusto ko? ito ba talaga ang buhay na pinangarap ko? bat parang biglang naiba...parang may kulang. parang walang kwenta. parang walang silbi... parang.... ewan......

biglang sumakit ang ulo ko sa kakaisip. parang bigla akong natauhan. parang may iba akong gusto.... ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh


kringgggggggggggggggggg!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! ang alarm clock na isenet ko kanina....

biglang bangon..... nakaidlip pala ako. napabuntong hininga.napaisip. binalikan ang napanaginipan. pinag-isipan. masaya ba? parang hindi. pero eto ako ngayon, gising na naman at mulat sa katotohanan. gising sa realidad ng buhay. buntong hininga ulit.... hay buhay. biglang sumagi, masaya din naman pala ang buhay ko. higit na masaya don sa napanaginipan ko. at liban don eto ang totoo. eto ang buhay ko. at pipilitin kong maging masaya ako. ika nga nila."happiness is just a state of mind" tama! pwede tayung maging masaya sa kahit anong buhay meron tayo. kahit sa mga pagsubok pwede tayung maging masaya, yon ay kung pipiliin natin maging masaya..

..gising.hilamos.plantsa.bili pagkain.kain.ligo.bihis.trabaho.copy and paste millon times. yan ang buhay ko...

September 10, 2010

what makes me happy(green version)

malamang lahat naman tayo ay nagtanong sa mga sarili natin ng "what makes me happy"
kung di mo pa naitatanong to sa sarili mo, aba'y simulan mu na ngayon din... as in NOW NA!!!
at kung sakaling sinunod mo ako, at tinanong mo nga sarili mo, BRAVO gaya mo na din ako....
baliw at nagbabaliw-baliwan... at kung sinagot mo naman ang tanong ko na pinapatanong ko sa sarili mo BRAVO ulit.. isa ka nang HENYO na gaya ko....

pero teka, teka, teka....
magiging henyo ka lang kung ang sagot mo ay di nagkakalayo sa mga sagot ko...
okey... handa awit... este handa basa...

eto na ang medyo malaswa at walang kwentang sagot ko sa walang kwentang tanong ko sa sarili ko na maari nyo ring itanong sa sarili nyo. Marapatin lamang pong paalalahanan ko kayo na ang mga kasagutang eto ay galing sa isang HENYO na kagaya ko. Pag di mo nagustuhan o di nasakyan ang mga sinabi at sinulat ko, aba eh ano pang inaantay mo... lumayas ka na sa blogsite na to.. GO....

what makes me happy: 5 lang muna
1. FRIENDS-- syempre sila ang nagturo at nagmulat sa akin ng mga kabastusan sa earth na to. Kalain mo ba namang turuan ako kung pano magiging malaswa at sa awa naman juice, henyo talaga ako, madali kong natutunan ang pinagtuturo nila sa akin with flying colors pa.. ang malalaswa pero di pasang awa ang grado ko sa kanila....

2. SELPON-kung araw araw ka ba namang makatanggap ng text na puro kahalayan, aba eh matuto ka nang maging malaswa.hindi ka naman siguro slow learner... wag na wag mo lang amining bastos ka dahil isang kabastusan yon. maging maginoo na medyo bastos ika nga.

3. FACEBOOK-oo wholesome naman ang FB... wala naman masyadong kalaswaan at kabastusan. Nga lamang at sobrang henyo ko, binibigyan ko ng bastos at malaswang kahulugan ang pinagsusulat nila... alalahanin nyo.. henyo ako...pwede nyo ring gayahin ako.magpakabastos at magpalaswa..

4.PALAD- o sya si maryang palad. oy wag kang epal. di na to bastos. sadyang pinangalanan ko lang ang aking magkabilang kamay. ang kaliwa si Marya ang kanan naman si Palad. kung kabastusan ang iniisip mo, dapat si kanan buong maryang palad ang pangalan nya pero hindi. Sa pagkakataong ito matino na ako...

5. UTAK ko-- di ba nga henyo ako... masaya ako pag kaya kong bolahin ang sarili ko... kayu subukan nyu minsang bolahin din ang sarili nyo. at pag napaniwala ang sarili nyo abay kapanipaniwala na talagang henyo ka... akalain mo ba namang binola mo sarili mo...gaya mo na din ako...


paalala:
pag nagustuhan nyo ang post na eto... ano pa inaantay nyo. mag follow at ipamalita ang nabasa nyo.i share kung gusto mo. kung sakaling hindi naman, wag kang EPAL manahimik ka na lang hihihihi